Press Release
February 9, 2010

TRANSCRIPT OF PRESS CONFERENCE OF SENATORS
NOYNOY AQUINO AND MAR ROXAS

Concepcion, Tarlac

Q: Can you elaborate on your press statement today that you will distribute the Hacienda Luisita land?

NOYNOY: Sinabi ko naman ilang beses na, kinausap ko na ang pamilya ko, at ang habol namin ang kapakanan ng aming mga kasamahan po roon, at ililipat ang assets sa kanila. Ang problema po nga lang, kung paano po ililipat na wala na pong utang doon sa aming mga kasamahan doon. 10,000 na katao po ang kailangang sumang-ayon sa schemes. Ang pagkakaintindi ko po doon sa mga pinsan ko na nagpapatakbo ng hacienda, iniikot na raw po ang mga various schemes para makita kung alin ang gusto nila doon sa mga schemes sa paglilipat sa kanila ng lupa.

Kung puwedeng idagdag ko lang, as you know, we can go back to day one ano, kung transfer lang per se, puwede po yung voluntary offer to sell, na kung saan kung pakinabang lang po hinahabol namin, e pinasukan na iyon--nabayaran na po kami, nabayaran ang utang--may pera pa po kaming malaki-laking pondo sa banko. Pero maiiwan po yung mga kasamahan doon sa sitwasyon na hindi ho perfect. 10,000 ang maghahati sa 4,500 hectares. Yung lupa po hindi pantay-pantay ang paggamit at productivity. Ang hinahabol po namin, paano mailipat na talagang pakina-kinabang sa kanila na kung puwede ay wala nang utang. So yung schemes na pino-propose, kailangan pong maaprubahan ng may-ari ng korporasyon at doon po kasama ang ating mga kasamahan doon.

MAR: Kung puwede lang mag-elaborate. Ang kalaban ng mga magsasaka doon ay hindi si Noynoy at ang kanyang pamilya. Ang kalaban ay mga bangko. Dahil yung lupain ay naka-prenda--naka-sangla--sa mga bangko. Kung talikdan lang nila at sabihin, pampulitika, "o sige, ayan na," yung lupa hindi naman mapupunta sa mga magsasaka. Pupunta sa mga bangko. Ang hinahanapan nila ng solusyon ngayon ay papaano mapunta yung lupa na walang utang, mapunta sa mga magsasaka. Ma-clean na yung utang. Yung titulo ng lupa, clean na. So, yun ang tinatrabaho ngayon. At yun nga yung iniikot, kinokonsulta yung sampung libong mga magsasaka doon, mga farmer-beneficiary. Sampung libo po iyon. Yung lupa, may utang na, 4,000 hectares lang. Hindi man lang 1 hectare per person. Kaya yun ang tinatrabaho ngayon, kung ano ang pamamaraan para malinis, walang utang na maipamahagi ito sa mga magsasaka, na meron naman silang viability na magpatuloy sa pagsasaka. Hindi yung "ayan, bahala na kayo, bahala kayo sa buhay ninyo."

NOYNOY: Kung pulitika, ginawa na yung voluntary offer to sell, hindi na magamit na isyu. Kung pera, ganoon din. Pera na iyon akin at sa aking mga kamag-anak--sa akin yata doon .004%, kung anuman iyon. Tapos na rin yung isyu. Pero kawawa yung mga binilin sa amin na hindi po iba sa amin.

... My understanding at the present time, yung pumasok na income sa HLI versus yung kanyang mga oblications, lamang po ang obligations...

Q: Lagi mong sinasabi sa mga speech mo, yung pinakamalapit mong kalaban ay may magandang packaging. Paano ang gagawin ninyo po ngayon since official na ang start ng campaign? Ano po ang gagawin ng LP para po pumantay o mahigitan ang sinasabi ninyong magandang packaging ng kalaban?

NOYNOY: Inayos natin ang messaging. Mas klaro, mas focused. Yung message, sino ang magdedeliver ng message? Ang pagkakaintindi ko po, meron kaming 300,000 card-carrying volunteers who have a kit. The kit says "this is our platform," and on the other hand, answers all of the issues that are being raised or have been raised. Pati na po ang mga walang katuturan, kung may magtatanong ay handa na rin silang sagutin.

More than that, I think that my best ally would be my closest opponent. His actions or lack of actions... Case in point, magkakasama kami sa UP. At kung matatandaan ninyo, noong nagsalita ako sa MBC, ipinaliwanag ko po kung paano natin ima-manage ang deficit. At ang hahabulin po namin ay kung paano i-manage ang deficit without raising the taxes. Alam rin po ninyo, na binanatan ako ng kasamahan niya, na ano raw ang ipanggagastos ko kung hindi ako magre-raise ng new taxes. Yesterday, my closest opponent basically mouthed I said. Inulit po niya ang sinabi ko sa MBC, tinanggap na po niya na tama ang posisyon ko. So sa mga darating na araw, may mga sinabi po kasi siya roon na nagmumula sa kulang na pag-aaral. So more and more susundan niya po ang aking plataporma, dahil alam niya pong iyon ang tama. So in that sense, I think my opponent, if you will just pay attention to it, will just be changing his message constantly because I don't think he has studied what he is supposed to study. May mga pangako pong running on day one, running nga pero not in any known direction that is worth trying.

Sa ads, mahirap pong sabayan. Apparently the ratio is something like ten to one. Hindi naman po kami magiging... hahabulin po siguro mga 10 to 5 or therebouts, but he will have more presence. Ang paniwala ko po noon, in the absence of any knowledge of all of us, a lot of people think what is put up before them is the reality. Kung pupunta po tayo sa actions niya tulad ng C-5, medyo komplikado intindihin, yung mga nakakaintindi na po ay nai-translate na po into simple maps that makes it very, very clear na maraming na-deprive dahil gumawa po ng dalawang project, na mas mahal pa yung pangalawa, pero for the same purpose. Ang punto po nito, yung unang project na mas mura sana sa taumbayan, pinalaki at kung tiningnan natin ang mga mapa parang hindi pa po ma-achieve ang purpose after spending so much. Yun po, just two pictures, will make it very very clear to our people why it was done.

Kung naaalala ninyo, yung MCTEP na project bigla pong... gusto po yatang gumawa ng zigzag sa Las Pinas at Paranaque, gagayahin ang Kennon Road. Alam naman po ng mga tao kung saan umabot ang kalsada, at kaninong mga lupa ang dinaanan, kaninong interes?

MAR: Yung imaging, peke iyan e. Hindi totoo. Matibay ang paniwala ni Senador Noynoy sa kaalaman at sa pagkilatis ng mga kababayan niya, mga Pilipino, na alam nila kung ano ang totoo at ano ang peke. Ano ba ang imaging? Magpaayos ng buhok. Sabi nga ni Senadora Jamby, yung pagtitina. Yung imaging peke... ano yung sinasabi ninyo? Eto sinasabi nila, inuulit ko lang, botox. Imaging yan, imaging.

Hindi ko gustong bumaba ito sa ganoon, yung pagbobotox, yung pagtitina, hindi po e. Kasi lahat kami--at napakarami ng ating mga kababayan--nakikita si Senador Noynoy at gusto siya bilang siya. Hindi kinakailangan ng magpapeke, hindi kinakailangan na gumawa ng bago, o magpa-toupee, o kung anuman. Senador Noynoy, para sa amin, ang pinakamahalaga sa kanya ang kanyang puso. Yung kanyang tapang para tanggihan lahat ng pag-uudyok, itong katiwalian sa gobyerno. Para sa amin, yun ang pagka-"pogi," iyon ang pagka-husay ni Senador Noynoy. So yung tinatanong mo, yung sa imaging, kesa ganito, kesa ganoon, hindi po. I think that this campaign can really stand on CHARACTER VERSUS CASH.

Ito ang karakter, yung tao. Ito ang pagkatao ni Noynoy. Diyan kami tatayo. Yan ang foxhole namin, diyan kami makikipaglaban. Panatag ang kalooban namin na ang kababayan natin, alam nila kung ano ang totoo at kung ano ang peke o imaging.

NOYNOY: Sa survey po kay Ginang Arroyo, ang laging lumalabas 80-20 o thereabouts ang ayaw kay Ginang Arroyo. At basically ginawang personalan iyon sa palakad ni Ginang Arroyo. Ang battle lines will be drawn eventually. Simpleng-simple lang e. Lahat sila nagsasabing "pagbabago," lahat ng kalaban ko. Ang tanong lang doon, lahat kami nagkaroon ng pagkakataon na hadlangan yung kasalukuyan. Sino ang humadlang, sino ang sumuportang mapanatili ang kasalukuyan. At iyan magiging klaro sa taumbayan. Trabaho po namin na maipakita, masabi sa kanila, maibigay ang palaisipan para mag-concentrate lang: Paano magbabago kung ipagpapatuloy lang ng mga kasalukuyan nating katunggali ang kasalukuyang nangyaayri?

Q: Ano po ang ibig ninyong sabihin doon sa "yung mga kampon ng kadiliman, nagsama-sama na?

NOYNOY: Kahapon, nasa Payatas ako. May isang bata, grade one, may kinokopya siya sa notebook, tapos meron siyang textbook. Yung textbook, randomly nang dumating kami sa classroom niya, it was turned at that page, at kaagad--I think si Fr. ang katabi ko kahapon--may nakita na agad kaming sentence na mali. Grade One textbook, di kokonti lang sentences doon, mali na kaagad...

Paanong campaign laban sa kadiliman?

Kami sa lehislatura ang kakayahang namin para hadlangan ang mali ay basically sa budget. Sa budget, may magandang programa, tulungan natin na malagyan ng pondo. Ang mga pangit na programa, tulungan natin na mahadlangan ang pondo. Dun sa budget ng DepEd ngayon, tinanong ko: tama ba ang pagkakaintindi ko sa memorandum circular niyo? Ang isang class period, 3 subject lang ang kukunin? Tama ba na may librong ganito karaming mali? Tama ba ang classroom niyo, wala yung semento? Tama daw po yun. Sa dulo po nun, tinanong ko: Ganun na lang ba yun? Okay na ba yung ginagawa niyo sa mga estudyante niyo? Tapos, parang walang reply na kinorek na, inayos namin. Walang ganun eh. Parang as is, where is, basta iyan na ang itutuloy namin.

Bakit kampon ng kadiliman? Bata nga eh, walang kaalam-alam, susuportahan namin. Kasi meron po kaming katunggali ano. Absent as usual, nagpadala pa ng sulat: full support of the budget. Siyempre po counted pa iyan sa plenaryo namin. Dapat kasama siya ng lahat na nag-a-aprub nitong budget natin. The thing is, pwede naman siyang nag-neutral eh, hindi recordable kasi absent siya eh. Pero minabuti pa niyang sumulat para suportahan. Kaya kitang-kita niyo na nagkakaisa sila sa ginagawa sa bata.

And that is not the only thing. There is an estimated P280 billion yearly that is supposedly lost to corruption. Hindi ba dapat para mawala iyan, I-tighten natin ang procedures para hindi magkaroon ng ganung leakage. P280 billion is almost the budget deficit. We could have had no budget deficit kung inayos ang paggastos niyan. Meron po tayong mga kasamahan, dismayado, ayaw ng reenacted, eh di umalis na lang, tinanong ang mga tamang tanong, tapos umalis. Pero iyong iba ho, hindi na nga present the whole time, nagpadala pa ng sulat supporting the budget. You know who are these people.

Iyon ang punto ko. Bakit puwersa ng kadiliman? Dahil nagsampa-sama na panatilihin iyong maling kasalukuyan.

Q: Paano niyo maipapaliwanag na dito sa bayan ninyo, ang mayor ay kaalyado ng inyong katunggali na si Senador Villar?

NOYNOY: Simple lang po iyon. Matagal na po siyang miyembro nung partido, may salita siya, isinama siya sa partido na iyon, samahan po iyon. Iyan po ay hindi na pagtatalunan. Kung mai-interview po natin siya ngayon, ang sasabihin niya maganda ang laban. Pero dehadong-dehado po lahat ang mga kalaban po natin dito. At kung siya na lang po mag-isa dun sa pag-fill up niya ng balota, sa puso po niya kilala niya ako, palagay ko baka ako din ang iboto niya sa huli.

Q: Ang tinutukoy po ba ninyo dun sa puwersa ng kadiliman ay si Villar at ang Malakanyang? Iyong unholy alliance nila?

NOYNOY: Number 1, pinag-tulong-tulungan na nila ako. Sa black propaganda, para atakihin ako ng atakihin. Tapos, at the same time, yung magagandang proyekto ko ay ginagaya nila. Lahat na po sila. Lalo na iyong nakapuwesto, yung may pagkakataon na tumutol sa nangyayari. Ang sasabihin nila, mali ito, pero pag nakaupo na sila, sasabihin nila, ang gagawin nila ganito. Pero ang kasalukuyan, hinihingi nilang suportahan iyong nagpapairal nitong mali. Ako tinuruan ako nung bata ako, kung isinulong mo ang mali, kasama ka sa kadiliman. Sino-sino ba sila? Kaalyansa ba yan? Malalaman po natin ang mga iyan sa darating na mga araw. Ang sinabi ko lang po nung isang araw ay iyong aking pinakamalapit na katunggali. Pinasalamatan siya ng Malakanyang, hindi ba? Salamat daw at hindi niya inaatake si Ginang Arroyo. Siya naman po nung tinanong siya ng diretsahan, anong plano niyo sa mga isyu na bumabanat kay Ginang Arroyo? Ang una po niyang sinabi, 'I will not defend her'. Pare-pareho kaming tumakbo na Genuine Opposition nung 2007. Kung ikaw ay talagang oposisyon, bakit ang unang pagpasok sa isip mo, ang pangangailangan na ipagtanggol si Ginang Arroyo, na supposed to be ay magkakasama kami na tutol kami sa palakad niya? So, sila-sila lang po, sa kilos nila, sa salita nila, nagsasabi na meron silang, nagkakaroon sila ng parang ugnayan. Hindi po sakin nanggaling iyan. Ako po, ang ginagawa ko lang, inuulit-ulit ko ang lahat ng sinabi ko dun sa mga public for a.

Q: 1st day ng campaign, focus ang guns niyo kay Villar. Ibig bang sabihin yung pinsan ninyo wala ng pag-asa?

NOYNOY: Alam mo, nakakatanda ako dun sa pinsan ko. In fairness to my cousin, I don't think we have anything against each other na below the belt na things. Ang gusto nga naming itaas ay plataporma. Sa kanya, hindi ba ang sinasabi niya ay Nandun siya, possible daw ang pag-asenso ng mabilis, Siyempre, kelangan din natin yang sagutin. Mag-10 years na kayo diyan eh, bakit ngayon pa lang start? Hindi lang kay Villar naka-focus. Ang sakin, kay Ginang Arroyo naka-focus at ang kinakabahan ako, yung mga nakikinabang sa sistemang umiiral ay magpapatuloy ng mga sistema na mali. Naka-focus po ako dun sa lahat ng magpapatuloy nung kamalian na nangyayari sa bansa natin.

Q: Alliance between Villar and Arroyo camps...meron ba kayong mensahe sa pinsan niyo about that unholy alliance?

NOYNOY: I am just privy to the same information, which I am just receiving. Formally, minsan-minsan, kapag may mga information tungkol sa karatig na probinsiya, ayaw ko namang pangunahan ang pinsan ko. Palagay ko may utak sya. Palagay ko nakukuha niya ang parehong impormasyon. Nasa wastong gulang na siya. Kaya na niyang mag-desisyon kung ano ang gusto niyang gawin.

Q: Is Cha-Cha still an issue? Or is it dangerous to even talk about it, with GMA in the House of Representatives?

NOYNOY: 'Pag si Ginang Arroyo po ay nanalo, isa lang po siya sa halos 300 na kongresista. Chacha, is it still an issue? Ang tanong, para po sa akin, dapat ay I-klaro natin. Paano ba ang method na papalitan ang ating Saligang Batas? Ang unang tanong po dapat, dapat ba na mapalitan. So kung kami po ang maupo, in the first month, we'd like to set up a commission, which will study kung kailangan ba nating palitan o hindi? Pinag-uusapan pa lang na papalitan iyan, ang mga negosyante mag-I-invest satin na alam na babaguhin ang mga patakaran. Gusto nilang malaman ano ba ang patakaran na magbabago? Gano kalaki ang pagbabago? Bago sila pumasok sa isang investment plan. Job-generation ang number one sa platform namin, gusto naming madaliin ang makapasok sa trabaho. Kung may short-term distraction, medyo malaki din ito at dagdag na pagtitiis para sa mga kababayano natin. Siguruduhin natin na kailangan. Kung hindi kailangan, bakit pa natin papasukin iyan? At kung kailangan, sana, sa concon at maipasa na natin ang mga amendments kasabay ng sa barangay elections, para minsanan na lang po ang gastos. Hindi iyong hala-bira sige, sugod tayo dito, mag-print tayo ng Saligang Batas na para tayong nagpapalilt ng damit. Huwag naman po ganun. Dapat may basehan kasi may dagdag na gastos para dun sa investment na trabaho, investment na emotions, at lahat ng palakad dito sa ating bansa.

Q: Nakita na namin si Ms. Korina, kelan naman namin makikita si Kris Aquino?

NOYNOY: Kasama din naman po siya dun sa gumagawa ng mga materyales. Marami siyang obligasyon. Pag nandito si Kris, ginagamit si Kris. Kung wala siya, nasan si Kris. Ganun talaga yan eh. Sa akin po, meron po siyang mga kinokontra sa kampanya natin, ginagawa niya, okay na po ako dun. Ang free time niya, talagang binubuhos po nya dito. Sa ibang lugar po, kasama niya ang mga ibang kapatid ko, hahalinhin sa atin, 80 provinces, 90 days medyo masikip na maikot ang buong bansa, maghahalinhinan po kami sa paggawa nun.

Thank you sa media.

News Latest News Feed