Press Release
February 12, 2010

Transcript of Sen. Santiago's interview

On the Comelec ruling regarding celebrity endorsers

Magiging mahirap para sa buhay ng mga artista ang regulasyon ng Comelec, pero walang magagawa ang Comelec dahil ito ay batas-ang Fair Elections Act. Naipasa namin ito noon pang Unang Kongreso. Matagal nang batas iyan, ngayon lang ipinapatupad ng Comelec. Ngayon itatanong mo kung bakit kailangang parusahan sila o ipag-leave sila, e di mababawasan ngayon ang celebrity endorsers, dahil karamihan sa mga artista mas gusto nila na doon sila sa mga teleserye o kaya sa mga sine. Pinapipili sila ngayon ng Comelec na pumili sa pagitan ng kanilang kandidato o mag-leave sa kanilang programa sa TV.

Ang pagtatanong diyan ay kung pwede ba ito sa ilalim ng ating Saligang Batas. Ang sagot ay opo, dahil ito ay isang bahagi ng police power ng state; the power of the state or the government to control any activity within society in order to promote the public good, the general welfare, public safety, public health, and the concept of equality of opportunity for candidates in elections. Ito ang matatanong mo: sino ang may kaya umupa ng mga artista para tumulong sa pangangampanya? Iyan ang mga mayayaman. Ang mahihirap hindi nila kaya ang ganoon. Para umunti ang papel ng mga celebrity endorsers, sabi ng Comelec kung gusto mong mag-endorse, hindi pwedeng kasabay ng iyong pag-aartista; mag-leave ka muna sa iyong mga sine at programa sa telebisyon. Kung gayon, malilimitahan ang kapasidad ng kandidato na mayaman para maka-upa ng kanyang celebrity endorser.

Maganda ito para sa halalan. Minsan ang halalan ay nagiging contest kung sino ang may pinakamagaling na endorser. Hindi natin ngayon pinag-uusapan ang kandidato, kundi ang mga endorser niya. Kung ganoon pala, ang mga endorser na lang ang ihalal natin.

Atsaka, natatakpan tuloy ang mga issue sa eleksyon. Halimbawa: ano ang natapos niya sa kolehiyo; iyan ba ay naging honor student; iyan ba ay naging matagumpay na professional kung ano man ang naging kurso niya; at iyan ba ay may sapat na karanasan para sa gobyerno. Nagiging contest of personalities when it should be a competition of issues and ideologies. Kaya sa tingin ko, kahit dalhin mo sa ito Korte Suprema, magtatagumpay pa rin ang batas at matutuloy itong rule tungkol sa mga artista.

The candidates now have to give the celebrities an ultimatum: either they'll pay the stars enough so that they can forego their commitments in show business, or they'll have to let them go.

Kung tatanungin ako nang personal, mas gusto ko sana na pag-usapan ang mga qualifications ng mga kandidato kaysa i-endorse ako ng taga-kanta o taga-sayaw. Kung iisipin mo talaga, madaling magkumbida ng masa, pero bakit mo sila papupuntahin sa rally mo kung ang init ng araw mo na iyan, aabutin sila ng gutom, at wala silang aabutin kundi lecture nang lecture tungkol sa political science at gobyerno, at kung minsan hindi naman magaling magdala ng kandidato. Kaya bibigyan mo naman din sila ng konting kasiyahan para masulit man lang ang pagpunta nila sa rally site mo.

Kaya ito ay isang question of policy. Eh nagdesisyon na ang ating Kongreso; kaya to be able to change the rule, you have to pass a new law. But it is a law-nariyan na ang batas at kailangang tuparin natin.

Does this curb the freedom of expression?

The police power of the state, which is the general power to do anything that is necessary to regulate society, evidently includes the power to limit certain freedoms and liberties of the individuals such as free expression and so on, because it will promote the greater good of the whole.

Gaya noong 1992, wala naman akong pera, tumakbo akong presidente, sa tingin ko nanalo ako; ako na rin yung entertainer at ako rin yung kandidato. Kaya matuto na rin ang mga kandidato na magpresinta ng mga sariling personalidad nila, at huwag sa pamamagitan ng iba dahil nabibingi ang mga tao at hindi na marinig ang mensahe ng kandidato.

On Sen. Villar

I don't think that he will become the underdog. The question will be that he was spending well beyond 120 minutes per station before the official campaign period. Now the official campaign period has begun, he is now under the rule that he can only spend 120 minutes per station. Beforehand, he was way ahead of everybody else. The question is that now is equal in terms of the time of exposure to every TV station, can he still sustain his momentum.

On mudslinging tactics during the campaign period

Hindi maganda itong tapunan ng putik o mudslinging; it's never the best campaign method. Tingnan niyo, kung anu-ano ang sinasabi nila tungkol sa akin simula noong tumakbo akong presidente, kung anu-anong kasamaan tungkol sa akin, hindi naman kinagat ng taumbayan, nag-iisip naman sila kaya nagtagumpay pa rin ako.

I rose above mudslinging; naawa pa nga ang mga tao dahil alam nila na kagagawan lang ito ng mga kalaban. Sanay na sila na bawat kampanya na may nagtatapunan ng putik sa isa't isa. Kaya para maging maayos, kung mahalal ako bilang senador, magsasampa ako ng panukalang batas na dapat walang mudslinging. Pwede namang i-define diyan kung ano ang mudslinging, at bigyan natin ng kapangyarihan ang Comelec na ma-regulate ito hindi lamang sa campaign season.

At ang mga hindi makataong paninira ay hindi dapat payagan kapag kampanya. Wala nang disenteng taong tatakbo kung ganyan palang pwedeng kahit maski kahit anong sinungaling. Dapat diyan, gaya ng sinabi ng Ombudsman, dapat may moratorium ng complaints against candidates kapag palapit na ang halalan, at mayroon dapat pananagutan ang mga gumagawa ng ganoon. Dapat diyan talaga , maliban sa administrative penalties, baka i-disqualify sila ng Comelec, merong penalty of imprisonment yan dahil hindi dapat ganoon ang pagdala ng ating kampanya, dapat kung sino ang malapit sa masa at kung sino ang makapagkumbinsi sa masa na pwede sila sa gobyerno, dapat sila talaga ang ihalal natin, hindi dahil may pera ang kandidatong naninira ng kapwa kandidato.

In any campaign, particularly if it is presidential, meron talagang hate campaign. I just want a change of attitude and only the Comelec can initiate and undertake this kind of initiative. Kasi pag-iisip ngayon, basta mangangampanya ka bilang presidente, dapat meron ka talagang dirty tricks operation para siraan mo ang kapwa mo para magantihan mo ang mga naninira sa iyo. Eh di ang pera ng mga kandidato ay mapupunta na lang dito, at wala naman itong silbi sa gobyerno. Sana naman ay magpaligsahan kami sa creativity ng aming mga idea, political science, o kaya mga proyekto na makakatulong talaga sa taumbayan para iyon ang maging basehan para sa paghalal ng magiging presidente, bise president, senador. Those dirty tricks department should really be abolished.

On the DOF's suggestion to veto expanded tax incentives for senior citizens

Noong pinag-uusapan ang EVAT sa Senado, nangampanya kami ng mga kasamahan ko na huwag isali ang senior citizen's EVAT sa panibagong EVAT na iyon dahil gusto nilang i-apply ang EVAT sa senior citizens. Their argument of course was malaki ang mawawala sa gobyerno; ang sagot naman namin, kung tulungan mo ang senior citizens na maging produktibo pa rin sila kahit retirado na sila, ibabalik pa rin nila sa lipunan ang nabawas na EVAT. Marami ang kumbinsido na tama ang posisyon na iyon. Ang Department of Finance, natural lang na ayaw nila dahil basta pagkakaperahan ipinaglalaban ng DOF.

Pero dito sa senior citizens, kaiba ito, dahil if you allow or help senior citizens to buy medication, they will stay fit, they will remain productive members of society even if they are already senior citizens. So the income that you might forego will merely be returned to you because the senior citizens will remain productive. Dapat tulungan natin ang mga senior citizens na huwag nilang isipin na wala silang silbi, na maging dependent na lang sila sa ating gobyerno na meron silang 20 percent discount sa drugstore. Let us help them buy the necessary medicines, especially the newest generation of medicines, that will make people more productive than they were in the generation of our parents. That way they would become part of the workforce, and they will recover anyway the income that they would forego.

News Latest News Feed