Press Release
February 13, 2010

STATEMENT ON COMELEC RESTRICTION ON CELEBRITY ENDORSEMENTS

The Comelec should be very careful in implementing the provision in the Fair Elections Act regarding celebrity endorsement of candidates. They must ensure that it will not violate the rights of the celebrities. Restricting them to endorse a candidate is tantamount to suppressing their freedom of expression, which is guaranteed to every Filipinos by our Constitution.

I believe that most celebrities, if not all, are responsible endorsers. We are very careful in choosing a product to endorse, and in this case, a candidate to support. We are risking our name and credibility by doing that.

Sa mga celebrity candidates, nararapat lang na magbakasyon muna sa kanilang programa o huwag munang gumawa ng pelikula pagdating ng campaign period, dahil libreng publicity na ito at dehado naman ang mga non-celebrity candidates. Naiintindihan at tinatanggap ko iyun, kaya nga nag-leave muna ako sa Kap's Amazing Stories.

Pero pagdating sa mga celebrity endorsers, libre man o hindi ang kanilang pagpapahayag ng suporta sa isang kandidato, hindi tama na paagbakasyunin sila sa trabaho. Hangga't hindi nila ginagamit ang kanilang programa para i-endorso ang kanilang kandidato during the campaign period, walang masama rito.

Mas pangit naman kung ang pamilya o mga kaibigan natin sa showbiz ay hindi ipapahayag ang pagsuporta sa atin dahil sa takot na mawalan ng trabaho. Isang uri ito ng pambubusal at panggigipit.Sa halip na pagdiskitahan ang mga celebrity endorsers, mas mabuting pagtuunan natin ng pansin ang matiyak ang mabilis ngunit malinis na resulta ng botohan.

News Latest News Feed