Press Release
February 16, 2010

Interview with Senate President Juan Ponce Enrile
with DYSM Pulso ng Nortehanon

Catarman, Northern Samar

Q: Tungkol ito sa mga isyu, itong malaking isyu kamakailan lang ay laman ng ating mga pahayagan yung 43 health workers na inaresto sa Morong, Rizal habang nagseseminar dito noong February 6 at pinaghinalaang miyembro ng communist party o NPA. Ayon naman kay Sen. Biazon dating AFP Chief of Staff ang nararapat daw na i-turnover ang kustodiya nitong mga health workers at pulisya dahil wala naman daw training ang militar sa pagi-imbestiga. Kayo ho bilang dating secretary ng DND at naging DOJ secretary din, anong opinyon ninyo ukol dito?

JPE: Hindi ko maintindihan kung bakit hinuli yung mga doctor na yan, yang mga health workers na yan eh legal dyan yung communist party of the philippines. Hindi na pinagbabawal ang membership sa communist party. Pangalawa, kung walang krimen bakit nila inaresto? kung may krimen, bakit nila hinahawakan yang mga health workers na yan? bakit hindi nila i-dineliver sa mga pulis para ang mga pulis ang mag-imbestiga? at kung may kaso i-file sa korte yung kaso. kung wala, pakawalan yung mga tao na yan sapagkat wala naman kasalanan yan kung sila'y member lang ng communist party.

Q: Ok, may nagsasabi din na tinorture daw yung ibang health workers na dinakip. Paano po natin kaya masisiguro ang proteksyon nito habang nasa kampo ng militar?

JPE: Delfin, kung sila ay tinorture o merong sinaksak, dapat magsampa sila, magfile sila ng case against the soldiers na gumawa niyan. Hindi dapat i-torture yung mga hinahawakan ng militar at kung may nagtorture dapat kasuhan at ibilanggo.

Q: Kama-kailan lang, mayroong gustong ipatupad sana yung pag-eendorso ng mga artista sa mga kandidato at biglang nagbago ang kanilang tono sa pagpapatupad. Ano po ang inyong reaksyon sa panukalang pagle-leave ng mga artistang nage-endorso ng pulitiko?

JPE: Ako'y kontra doon sapagkat naghahanap buhay lang yung mga tao kagaya mo. Binabanggit mo ang pangalan ko, bakit ka magle-leave? Ako'y kandidato. Pangalawa, dapat yung mga nagbabayad ng mga endorser ang parusahan o limitahan ang kanilang endorsement. Wag yung mga nage-endorse ang parusahan.

Q: Yung mga tao ay nangangamba din sa nalalapit na eleksyon dahil dito sa nangyayaring pa-brownout brownout. At ayon naman sa Malacañang, posibleng makaranas ang ilang panig ng kapuluan ng kawalan ng kuryente sa darating na panahon ng tag-init. Paano naapektuhan ng parating na El Niño ang supply ng kuryente sa bansa natin? Tataas ba ang presyo nito? Ano ba ang magandang suhestyon dito?

JPE: Unang-una, yung PCOS, may battery yun good for 16 hours. Wala mang kuryente at natapos yung eleksyon, mata-transmit yung resulta. Yung brownout, kulang ang tubig ng mga hydro-electric plants natin at dahil dyan, tataas ang presyo ng kuryente pero yan ay temporary. Pagdating ng tag-ulan, bababa ulit yung presyo ng kuryente. Ngayon, yung pagka-wala ng supply, dapat mag-deploy ng temporary power plant na nasa budget ng gobyerno para doon sa mga kulang ang supply ng kuryente.

Q: May nga naitulong na po ba kayong mga batas na magpapa-baba ng presyo ng kuryente? Ano ang status ng mga batas na ito?

JPE: Kami'y nagpasa ng batas. Yung Power Reduction Bill, yung removal ng VAT sa transmission at distribution ng kuryente pero nandun, natutulog sa House of Representatives. Hindi ina-aprubahan kaya dapat dun ang pagtanungin kung bakit hindi nila iaaprubahan yung mga batas na yun.

Q: Anong parte naman dito sa mga telecommunications, yung nagalit kayo dahil nawawalan kayo ng load. Isa sa mga sinusulong nyo yung kapakanan ng mga cellphone users. Batid kong napigilan niyo ang pagpataw ng extra charges ng mga telecom companies at nabawasan na tayo ng mga presyo ng bayad gamit ang cellphone. Maaari ho bang maipaliwanag ninyo ito.

JPE: Alam mo yung tungkol dyan sa bagay na yan, yung expiration date ng load ng cellphone holders humaba na. Nung araw ay maiksi. Ngayon yung P10.00 (3 days) o P30.00 (10 days). Yung nawawala na load ay natigil na yan pero meron pa mga ilan-iIan pero maayos yan, tapos na yan. Ang ginagawa ngayon yung tungkol sa pagbaba ng presyo ng voice call kaya gagawin diyan P3.00/ first 12 seconds at every 6 seconds P0.31 at hindi na magbabayad ng 1 minute kung hindi tinapos yung 1 minute, ang babayaran mo lang kung ilang second yung ginamit mo.

Q: Ano po yung magiging problema dun yung interconnection, ibig sabihin yung from Globe to Smart. Mangangalabing po ba yung interconnection charge?

JPE: Aayusin din yan. P2.00, bawal yan dapat ibaba yung interconnection charge, pwede na sigurong kalahati o more than kalahati ang tatanggalin.

Q: Hindi ba pwede na mawala yun?

JPE: Pinag-aaralan yan, pwede namang mawala kung walang talaga. Dapat interconnected lahat ang system.

Q: Oho, kasi sa ibang bansa kapag gumamit ka ng cellphone ay walang interconnection charge kahit saan tumawag.

JPE: Kailangan nga yun. Yan ang ginagawa ngayon ng NTC kaya yung NTC gusto ko na mabigyan ng security of tenure yung mga commissioner para hindi sila matatakot na gumalaw at magdesisiyon para sa mga taong bayan.

Q: Mapunta naman po tayo dito sa Visayas kasi kamakailan lang may pinalabas na pahayag si Major General Ralph Villanueva yung Commander General ng Central Command, reminding those military service to stay away from partisan politics. Paano po natin aayusin yan? ano ang dapat na maging kaparusahan ng mga miyembro ng militar na sumasali sa partisan groups?

JPE: Alam mo kailangan tanggalin yung mga sumasali sa partisan politics, bawal yan. Noong panahon ko hindi pwede na makikisali sa pulitika except to vote yung mga nasa militar. Kaya kung meron mga pulitiko na militar at sila ay sumasama sa mga parti-partido o grupo-grupo sa pulitika ay dapat tanggalin sila sa serbisyo.

Q: Ano po naman ang dapat na maging kaparusahan para sa mga pulitiko na meron nito?

JPE: Dapat yung Comelec pagbawalan at i-disqualify yung mga tao na yan.

Q: Yung supreme private armies, hindi na ipagbabawal yan?

JPE: Yung private armies, dapat mga pulis ang haharap niyan at tanggalin yung mga baril nila at ikulong yung mga miyembro ng private armies.

News Latest News Feed