Press Release
March 1, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' MANILA HOTEL AMBUSH INTERVIEW

On Emergency Powers for energy crisis

MAR: Natatawa lang ako diyan sa Department of Energy dahil, anong emergency powers iyan? Emergency powers para gumawa ng ulan? Eh halos 80% ng kuryente sa Mindanao ay galing sa hydro, ibig sabihin, sa Lanao Lake atsaka dun sa Agusan na hydro-electric. Ang kakulangan talaga ng kuryente sa Mindanao ay rain, or ulan. Kahit bigyan mo ng emergency powers ang pangulo, anong magagawa niya para magkaroon ng ulan? Para sakin, kalokohan iyang emergency powers para sa Mindanao. May sapat na kapangyarihan ang gobyerno, ang Department of Energy kumuha ng mga power barge at ng mga iba pa, idagdag na lang sa energy grid ng Mindanao. Ganunpaman, hindi ito magandang solusyon dahil mahal. Kung ang kuryente ay nanggagaling sa diesel o sa oil ng power barge, iyan ang isa sa pinakamahal. Iyan ay parang nagsusunog ka lang ng pera, parang ang dolyar natin, iyan ang pang-sunog diyan sa oil barge na iyan. At $80 per barrel na oil, talagang napakamahal ng kuryente na iyan.

So kalokohan ito (emergency powers). Ito'y nagpapakita na hindi napagplanuhan itong El Niño na ito. At ang gobyerno natin, tulog sa kangkungan.

Q: Anong magandang remedy para ma-solve itong power crisis?

MAR: Wala na tayong magagawa sa pang-madalian, sa short term kung hindi ang power barge lang talaga, at iyan ang isa sa pinakamahal.

Sa medium at long-term, magkaroon ng nga coal-fired plants. Dahil itong coal-fired, isa ito sa mga pinakamura na pinanggagalingan ng kuryente. Ang problema lang diyan, it takes 5 to 7 years na matayo iyang mga planta na ganyan. So, between now and 5 years from now, talagang stop-gap lang magagawa natin diyan.

On killing of jueteng witness Boy Mayor

Q: Reaction on killing of Boy Mayor?

MAR: Nabigla ako nung makita ko ang pahayagan kaninang umaga. Isa siya sa witnesses na nagbunyag tungkol dito sa sindikato sa jueteng. Nagpapakita lamang ito na walang kasiguruhan, walang security ang mga mamamayang Pilipino dito sa atin. Basta-basta na lang pinapatay ang mga taong katulad ni Boy Mayor. Napakarami pa pong iba na napapaslang ng ganun na lang.

Malinaw na malinaw na ito talaga ay hindi pangkaraniwan na barilan dahil sa dami ng bala, armalite pa ang ginamit, talaga namang may mensaheng ipinapadala ito.

Q: Kung armalite po iyon, iyan mga armas iyon ng pulis at sundalo po?

MAR: Opo, pulis at sundalo po. Kaya sinasabi ko na may mensahe na ipinapadala ito.

Q: Ilang members ng Whistleblowers Association, humihiling po ngayon sa Senado para mabigyan sila ng security. Ano pong reaction niyo dito?

MAR: Sang-ayon ako diyan. Sang-ayon ako diyan sa pagbibigay ng security sa mga whistleblowers dahil importante na may kasiguruhan itong mga nagsusumbong tungkol sa katiwalian, na hindi sila basta-basta pababayaan na lamang.

Q: Itong kay Madriaga ngayong natapos na ang investigation sa ZTE?

MAR: Maaari naman po siguro. Maaari naman siguro silang pagbigyan. Wala namang sesyon ang Senado. Kung ako ang tatanungin, susuportahan ko ang panukala na bigyan sila ng security, wala naman sigurong masama doon. Walang sesyon ngayon. At maaari din naman na doon na muna sila sa lounge sa Senado, kung nababahala sila sa kanilang kaligtaasan. Kung maaaring doon muna sila para makasiguro sila.

News Latest News Feed