Press Release
March 2, 2010

Transcript of interview with Senator Villar
Villar refutes Gordon's accusations

Alam mo ito ha, at ako ay nagbibigay na rin ng babala sa mga kasamahan kong kandidato, wala po akong ginagawang ganyan, wala po akong ino-offer na maski ako kahit kanino at mag-iingat po kayo. Meron pong mga tao na nanloloko at baka po kayo mabiktima.

Ako po ay tumatakbo ng malinis, ng maayos, at wala po akong ibang hangarin. Iginagalang ko po ang lahat po ng ibang mga kandidato. Siguro po ay may mga gustong manira sa akin kaya nag-ooffer tapos ako itinuturo. Hindi po ako ganyan, wag po sana kayong maniniwala sa mga ganyan. Alam mo pag-kampanya namin ay tapos na rin naman, nakahanda na kami at wala naman akong inaasahang mag-wi-withdraw na sa lahat ng mga kandidato ngayon. Dalawang buwan na lang ang nalalabi, wala na akong inaasahan, kaya dire-diretso na kami.

You asked Bro. Mike to talk to Erap to withdraw?

Wala akong kinakausap. Kaya sabi ko nga, ako ay nakahanda na, kami lahat, ay hanggang May (inaudible). Maski tanungin natin ang lahat ng aking mga nasa planning group, associates, makikita niyo na lahat na meron na akong assumption lahat kami ay andiyan. Bakit kayo lagi ang puntirya?

Magandang balita yan. Kasi pag ikaw palagi ang puntirya, that means ikaw ang nangunguna. They should name the emissary?

Totoo din yun, dapat sasabihin na para malaman naman na wala talaga akong inuutusan na ganyan. At unang-una, wala naman na akong ganyang pera na. Ang aking natitirang budget ay para lamang sa aking kampanya at tamang-tama lamang ito.

News Latest News Feed