Press Release
March 3, 2010

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile
Radio Station: DYHP RMN Cebu
Anchor: Atty. Rufil Banoc
Program: Birada Balita

On Campaign

Q: Magandang umaga po, Senate President. Live po tayo ngayon dito sa himpilan ng DYHP RMN Cebu City .

JPE: Maayong buntag at maayong buntag sa inyong tanan.

Q: Maayong buntag, Senate President Enrile. Kumusta po ang inyong kampanya?

JPE: Mabuti naman at daghang salamat. Medyo okay naman ang katawan ko, okay pa ang utak ko, okay pa ang kalagayan ko so daghang salamat sa Diyos .

Q: Ang partidong Pwersa ng Masa eh pupunta ngayon ng Cebu ngayong araw. Andito na ba kayo sa Cebu , sir?

JPE: Hindi pa. Andito pa kami ngayon sa Dumaguete. Nagkaroon kami ng rally kagabi dito sa Dumaguete City . Nanggaling kami sa San Carlos , dumaan kami sa Guihulngan, sa La Libertad at sa Ayungon, pagkatapos andito na kami sa Dumaguete. Dito kami nag-rally sa Dumaguete kagabi. Maraming tao at maraming nakikinig din sa amin dahil live kami at ngayon pupunta kami sa Santander. Dadaan kami sa Simboan pagkatapos Dalaguete tapos diretso kami sa Cebu City .

Q: Mayroon ba kayong ibang gagawin dito sa Cebu o bibisita lang kayo dito?

JPE: Mayroon ata kaming rally diyan sa Cebu pero baka magkaroon ng presscon.

Q: So, maari ko bang malaman kung saan kayo pwede makita ng mga Cebuanos, ng ating kababayan, upang makamayan ka nila?

JPE: Siguro sa Water Front mamaya.

On Cellphone Load

Q: I see. Okay, dito po tayo sa mga issues, Senate President Enrile, dahil alam ng taong-bayan na isa sa malaki ninyong nagawa eh itong mga relakmo ng sambayanan sa pagkawala ng load nila. Gusto lang po nating linawin kung ito ba ay patuloy na pinakikinabangan hanggang sa ngayon?

JPE: Talagang pakikinabangan 'yan at patuloy kong isusulong 'yan at hindi ko pababayaan 'yan sapagkat masyadong pinahihirapan nila ang ating mga kababayan. Itong mga nagnenegosyo ng linya ng telepono eh winawala nila ang mga load ng ating mga kababayan at 'yung expiration date eh masyadong maiigsi at ngayon ay humaba na ang expiration date at 'yung nawawalan ng load, okay na. Ang pinag-uusapan na lang ngayon eh ang pagbaba sa presyo ng voice call at ng texting at sa ngayon ay pending at palagay ko mangyayari 'yan. Hindi pwedeng hindi mangyari 'yan.

Q: May plan po ba tayong mamonitor kung patuloy pa itong pinatutupad ng service providers?

JPE: Mayroong monitoring system 'yan. Minomonitor 'yan sapagkat built-in 'yan sa sytem ng NTC.

On Power Shortage

Q: Sa kabilang dako, Senate President, mahigit dalawang buwan na lang at halalan na. And we experience power deficiency, maraming mga brownout sa iba't-ibang bahagi ng bansa, most especially dito sa Cebu. W e experienced rotating brownouts. Particularly doon sa Mindanao na may mga brownouts na ito ay nabigay ng mga fuse na makakaapekto sa eleksyon. Ano ang inyong pananaw dito, Senate President?

JPE: Palagay ko, hindi problema 'yan sa halalan sapagkat 'yung lahat ng PCOS eh may built-in na battery kaya kahit walang power eh matatapos ang eleksyon at maitatransmit ang resulta .

Q: So, sa tingin ninyo itong automated election ngayon will be successful, Senate President?

JPE: 'Yung palagay ko, hindi pwedeng hindi maging successful dahil delikado 'yan pag wala tayong eleksyon. Hindi pwedeng walang eleksyon .

Q: So far, satisfied ba kayo sa preparation na ginawa ng Comelec ?

JPE: Oo. Ako, satisfied, at nandito lahat 'yung makina at ang preparation nila eh tama naman to be fair to the Comelec people eh talagang okay naman ang kanilang preparation.

Q: Isa sa nakikitang solusyon ng administration allies ay ang pamimigay ng emergency powers dun sa Pangulo to address the power crisis. May mga endorsement na nga ang mga andun sa House Committee on Energy. Handa ba ang Senado na talakayin din ito sa isang special session?

JPE: Wala ng special session ngayon dahil hindi na magkakaroon ng quorum dahil lahat ng mga senador at congressmen ay nasa field na. At hindi kailangan ng emergency powers ng Presidente. Ano ba magagawa niyan sa emergency powers? Ang kailangan natin ulan. Hindi naman siya Diyos, hindi naman siya pwede magpaulan. Ang kailangan lang diyan 'yung mga areas na may deficiency sa powers mag-ritwal ng power barges meron namang mga power barges na available.

Q: So 'yung position ninyo po dito sa usapang emergency powers eh hindi po kayo in favor dito?

JPE: Negative ako.

Q: Mensahe niyo na lang po sa mga nakikinig sa atin, sa buong Visayas at Mindanao .

JPE: Daghang salamat sa inyo at maayong buntag sa mga kababayan nating nakikinig sa akin sa Cebu at tayong lahat ay mag-tulungan at tayo ay pumili ng Presidente, na leader, dito sa election na may malawak na kaisipan, mayroong kakayahan at tapat na naglilingkod sa bayan at malaki ang karanasan upang maisulong natin ang progreso ng bansang Pilipinas.

Q: Maraming salamat sir.

JPE: Thank you.

News Latest News Feed