Press Release
March 12, 2010

Radio Interview of Senate President Juan Ponce Enrile
with Bombo Albay's Nelson Bulalacao

(Bombo Hanay Big Time)

Q Mga kaibigan, sa oras pong ito makakapanayam po natin dito sa ating palatuntunan si Senate President Juan Ponce Enrile. Magandang umaga po, Senator.

SP Magandang umago po sa iyo, magandang umaga po sa Kabikolan.

Q Opo, gusto lang po namin malaman, Senate President, ang inyo pong reaksiyon dito po sa sinabi ng palasyo ng Malacanang, na dapat ba daw isisi sa ating kultura at maging sa kasalukuyang kampanya ang masamang rating ng Pilipinas sa issue ng graft and corruption?

SP Sisihin ang kultura?

Q Opo.

SP Hindi dapat kultura ang sisihin. Ang kailangan diyan ay ang dapat nating tutukan, ang mga leaders ng ating bansa sapagkat sila dapat ang susugpo niyan.

Q Opo. Inyo pong sinabi na kapag tapos na ang hearing sa Senado, ay hindi na nito obligasyon na bigyan pa ng security details ang mga testigo o mga whistle blowers. Sapat po ba ang budget na natatanggap ng Witness Protection Program sa ilalim ng Department of Justice?

SP Wala akong sinabing ganyan, ang sinabi ko, kung may threat na yung tao, pag natapos yung hearing, kailangan proteksiyonan. Pero nuong tinanggal namin yung security nung mga tao na ito, wala namang threat na sa kanila eh. At inaabuso yung mga security. Dinadala sa mga pasyalan nila at pinagbibitbit ng kanilang mga maleta. Hindi naman tama yun. Ngayon, yung budget ng Witness Protection Program, may sapat na budget yun, pero may proseso tayo na dapat sundin, kaya dapat yun ang susundin nila para sila mabigyan ng proteksiyon.

Q Opo. Kasalukuyan po ba, Mr. Senater President, may mga batas po ba tayo na pumoprotekta sa mga tinatawag na "whistle-blowers?"

SP Wala, pero nasa ahensiya yun na gumagamit sa kanila. Kagaya ni Boy Mayor, binigyan namin siya ng security pero wala namang threat na sa kanya nung tinanggal namin, at itong nangyari sa kanya, wala kaming kamuwang-muwang, meron palang threat. Pag nalaman namin na may threat, kung nirereport sa amin na may threat sa kanya, eh di sana binigyan namin siya ng proteksiyon.

Q Opo. At sa mga lokal na usapin po, Mr. Senate President, sir. Nagbukas po ng mga bagong regional consular offices ang Department of Foreign Affairs at dito nga po sa Legaspi, meron din, upang mas mapaganda daw po ang passport services. Hindi po ba natin makakaila na karamihan sa mga kumukuha ng passport ngayon, ay ang mga nais mag-apply ng trabaho sa ibang bansa. Naniniwala po ba kayo na hinihikayat talaga ng gobyerno ang karamihan na maging OFWs dahil na rin sa revenues na pinapasok nila sa bansa?

SP Alam mo, yang batas na service(?), tama yan. They have to spread out all over the country, para sa ganoon ay hindi na gagastos yung nangangailangan na magbiyahe upang makakuha ng passport at pupunta pa sa Maynila at additional cost yan. Pero, I don't think that the purpose of the government in doing that ay para maakit yung mga tao na pumunta sa ibang bansa para magtrabaho. Ang ibig sabihin niyan, yung mga nangangailangan ng passport, wag nang gagastos na pumunta pa sa Maynila. Mag-aabala, pupunta sa hotel, gagastos, magbibiyahe, para lamang makakuha ng passport. That is to regionalize the efficiency of government.

Q Opo. Malinaw po yun, Mr. Senate President. Sir, maraming-maraming salamat po sa inyong oras ngayong umaga.

SP Salamat. Salamat sa inyong lahat, wag sana ninyong kalimutan, Juan Ponce Enrile, numero 15 sa balota ng COMELEC sa dadating na halalan, sa pagkasenador, at sana piliin ninyo ang magagaling na Senador ng bansa. Ganun din ang presidente ng Pilipinas, na may karanasan na sa pagiging Presidente, para hindi na mag-aaral pa para maging presidente ng Pilipinas.

News Latest News Feed