Press Release
March 16, 2010

Interview of SP Enrile with Real Radio Oroquieta anchor Duming Laurete

Q: Good morning Senate President.

JPE: Maayong buntag.

Q: Marunong ka pa lang mag-Bisaya, Senate President?

JPE: Kaunti lang.

Q: Magandang umaga sa ating taong bayan at sa inyo kagalang-galang na Senate President.

JPE: Salamat. Kamusta kayo diyan sa GenSan [sic]? Gusto ko happy kayo diyan.

Q: Mabuting-mabuti po. Alam namin na lagi kayo nakikita at napapakinggan ka sa telebisyon.

JPE: Magandang probinsya 'yang Misamis Occidental. Magandang lugar 'yan, peaceful province and peaceful city.

On Boxing

Q: Ang ating makakapanayam ngayon ay si Senator Juan Ponce Enrile. Noong nakaraang linggo tagumpay na naman si Manny Pacquiao sa kanyang huling laban kay Joshua Clottey. Siya ay nagtagumpay. Siya ang nagpasikat ng ating bansa sa kalagayan ng Philippine sports. Ano sa inyong palagay ang magiging polisiya o programang dapat ipatupad ng ating sususnod na pamahalaan?

JPE: Kailangan gayahin natin 'yung disiplina ni Manny dito. Ang mga atleta natin dapat dedicated bago sumali sa ganyang paligsahan. Ipakita nila yung puspusang pagsasanay para sa ganoon ay maabot nila 'yung antas ng kakayahan ng kalaban nila kaya nagiging successful si Manny Pacquiao sapagkat talagang makikita natin na siya ay talagang dedicated at well-disciplined. Talagang ginagamit niya ang kanyang kakayahan.

Q: Kung pagsasanay lang ang limit ng ating mga boksingero sa laro ng sports, kung walang suporta ng ating pamahalaan ano kaya ang mangyayari?

JPE: Alam mo, 'yang boxing, dapat sa initial stages bigyan ng suporta ang mga promising boxer. Pero alam naman natin 'yan, kagaya rin ng manok 'yan, kung talagang maganda ang lipad talagang makikita mo. So we will give all initial support pagkatapos mayroon pang mga managers 'yan kapag nagsanay na sila at they can be elements of boxing na. Then, papahawakan natin sila sa mga matitinong managers na magpo-promote sa kanila. Kagaya ng nangyari kay Manny Pacquiao, isipin nating model yun ng kanyang buhay.

On Senate

Q: Kagalang-galang na Senador, paano mo naman na maintain yung ratings mo sa Senado?

JPE: Alam mo, noong ako ay nilagay na Senate President, hindi ko inambisyon 'yan, nilagay ako. Ipinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko ang imahe ng Senado. Ang ginawa ko ay magtrabaho sa Senado kung kaya't tapat at klaro ang ginagawa sa publiko at ipakita na ang Senado ay talagang independiyente at walang sini-sino. Kung tama ang ginagawa ng administrasyon, tutulungan at kung mali papansinin, pupunahin at tatapusin lahat ng batas na kailangang tapusin. Ginawa natin 'yun. Ako naman, personal na pinatunayan ko na hindi ko ginagamit lang sa personal 'yung pera ng Senado. Ano man 'yung savings, ibinibigay ko sa empleyado at kwentas klaras, walang nakakalamang, walang nalalamangan. At saka ako, hindi nagbabakasyon, hindi nagbi-biyahe, nag-aabroad at nandito lang ako at inaasikaso ko 'yung trabaho sa Senado para matapos lahat ng problema doon.

Q: Madaling salita, transparent?

JPE: Wala akong mga transaksyon. Open ang libro sa Senado lalong-lalo na sa budget namin.

On National Anthem

Q: Bakit palagi na lamang kinokondena ng National Historical Institute ang paraan ng pag-awit ng ating Lupang Hinirang?

JPE: Alam mo, retirado kang pulis ano? Alam mo mayroon tayong batas diyan dahil 'yang awiting pambansa na 'yan ay may kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino, sa bayan natin. May spirit 'yan kagaya ng ating bandera na simbulo ng ating buhay. Gusto natin sana gawing parang popular rock song 'yan. Kung ano 'yung nota na ginawa ng mga gumawa niyan, sapagkat 'yan ay galing sa spirit ng bansa natin. 'Yun ang batas, huwag babaguhin. Tthat's the rule.

On Marcos Regime

Q: Sa pagkakaalam ko kayo yata ang naging Secretary of National Defense at pagkatapos ng panahon ni dating Pangulong Marcos, bakit yata nagkaroon ng hindi magandang pangyayari noong kapanahunan niyo?

JPE: Tungkol doon sa EDSA revolution, alam mo nagkaroon ng internal problem sa loob ng administrasyon ni Marcos. Nagbanggaan ang Defense Department at NISA o National Intelligence Security Authority at CISA o Civilian Intelligence Security Authority. At dahil doon, mayroong gustong kumuha ng buhay ko. Hindi ko naman ibibigay ang buhay ko. May pamilya na ako, di kung kukunin mo ang buhay ko, subukan mo.

On Energy Crisis

Q: Salamat doon, dahil noong mga pangyayaring 'yun nagkaroon yata ng increase ang mga pulis at sundalo. Sa parte naman ng pagde-declare ng state of calamity ng Presidente anong masasabi mo?

JPE: Okay lang 'yun pero 'yung deklarasyon ay hanggang doon lang. Anong magagawa ng Presidente? Ang Diyos lamang ang pwedeng magpaulan kaya ang dapat diyan, temporarily, gumamit sila ng mga barges na dadalhin diyan sa Mindanao para magkaroon ng supply ng kuryente. Dapat din na mapag-aralan ng mabuti iyan para hindi maulit yung panahon ni Presidente Ramos na napakamahal ng mga kinontrata na elektrisidad. Babantayan natin yan. Dapat, after this, planuhin nila ang enerhiya ng bansa natin. Ang Department of Energy, ginawa namin 'yan noong panahon ni Marcos para 'yan ang nagpaplano ng energy requirements ng ating bansa alang-alang sa mga kailangan ng ekonomiya natin. So 'yan ang magsasabi sa gobyerno kung ano ang naging requirement na enerhiya ng bansa on a given time period para hindi tayo natataranta kapag nagkaroon ng El Niño at sa aking paningin pag-aralan muli natin 'yung nuclear power plant sapagkat 'yan ang pinaka-stable at most affordable and cheaper power sa ating bansa. Kapag ginawa natin 'yan, pwede na tayong makipaglaban sa buong mundo.

Q: Dapat may preventive measures sana para maagang masolusyunan ang crisis sa Mindanao?

JPE: Alam mo, nagkulang ang DOE diyan. Hindi nila na-anticipate, in relation to the weather, na magkakaroon ng El Niño. Dapat diyan pinag-aaralan nila, including PAGASA, ang nangyayari sa mundo sapagkat yan ang trabaho nila.

Q: Si Manong Johnny, isang batikan na abogado, isang guro at ano bang pananaw mo kung ihahambing kita sa mga batang-bata na mga kandidtao?

JPE: Pwede naman ako magpahiwatig sa kanila kung san nila gusto. Hindi na ako nagtuturo. Hindi na nag-aaral dahil lahat ng baguhan doon mag-aaral pa sila, marami pang kakainin na kanin bago tumindig sa Senado. Iniisip pa lang nila, tinatapos ko na.

News Latest News Feed