Press Release
March 19, 2010

PARTIAL TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' 'IKAW NA BA?' INTERVIEW WITH MIKE ENRIQUEZ OF DZBB

Q: Magandang umaga po senador at salamat po at pinaunlakan niyo ko. Nagpapasalamat ako at nakarating kayo talaga.

MAR: Magandang umaga po sa ating mga taga-pakinig. Laking tuwa ko naman talaga na makabisita dito sa inyong himpilan at hindi ko naman talaga papalipasin itong pagkakataon na makabisita sa inyo at makainom ng inyong masarap na kape.

Q: Salamat po. Senador, sino sa mga kapwa ninyo kandidato ang itinututring niyong matindi niyong katunggali sa pagka-bise president, sa puntong ito Marso 19?

MAR: Hindi ko na iniisip yan Mike dahil napakainit at napakatamis ng pagsalubong at pagtanggap ng mga kababayan natin sa akin at sa aking kasama na si Noynoy Aquino. In fact itong kampanyang ito, Mike, kahapon nasa Ilocandia kami, sa Ilocos Norte, Laoag. Hindi ko talaga maisip na sa buong buhay ko makakakita ako na doon sa Laoag, sa kalagitnaan ng plaza sa Laoag, yung mga kababayan natin ay nagsilabasan mula sa kanilang mga tahanan, kanilang mga tindahan, sa kanilang pinagtatrabahuhan at kumaway, ngumiti at nagpaabot ng kanilang pag-welcome kay Senador Noynoy at kay Senador Mar. At biruin mo Mike, talagang napaka-kakaiba talaga ang eksenang ito kung san ang mga taga Laoag, nagla-Laban sign.

Q: Yung letter L sa kamay sa mga daliri nila?

MAR: Yung matuwid, hindi nakadapa.

Q: Baka yung L, Laoag (laughter)

MAR: Hindi yung nakadapa, yung nakatuwid.

Q: Okay, so hindi mo inaasahan 'yung ganong pagsalubong?

MAR: Oo, siyempre kasi it was the first time na si Senador Noynoy ay napunta nga sa Ilocos Norte, sa buong buhay niya. So nandoon kami, hindi namin inaasahan, meron naman kaming mga supporters doon, pero kahapon talaga sobrang init, sobrang tamis ng pagsalubong at pagtanggap nila sa amin. At nagpapasalamat talaga kami.

Q: Senador anong klaseng bise president kayo magiging?

MAR: Masunurin.

Q: Kanino?

MAR: Sa kay Senador Noynoy Aquino. Inaasahan naman na panalo kami ng sabay dahil ang programa de gobyerno, 'yung pagpapatuwid ng baluktot, 'yung pagpapatama sa mali, ay 'yan naman po ang hinahain ni Senador Noynoy at Senador Mar sa ating bansa

Q: Kung kasi, eto pong panahon na to, alam mo sa dami ng dinaluhan ninyong inrterview, mga forum, mga rally, mga ambush interviews etc. etc., mga programang ganito, marahil siguro naitanong na rin ito: Kung hindi niyo ka-partido ang maging president at kayo ang maging bise president, anong klaseng bise presidente kayo magiging?

MAR: Hindi inaasahan na matatalo si Senador Noynoy, talagang malakas ang kumpiyansa ko ...

Q: Ganun kayo ka-kumpiyansa?

MAR: Kumpiyansado po ako.

Q: Ni ayaw ninyong pag-usapan na hindi si Senador Aquino ang susunod na magiging president?

MAR: Hindi ko talaga nai-do-drawing sa kaisipan ko 'yun e.

Q: anong base nyo dito, 'yung survey?

MAR: Una survey, pangalawa 'yung pagtanggap ng mga kababayan natin.

Kahapon nagsimula kami sa Cauayan, Isabela. Umaga 'yun, mga 8 o 9 am. So, nagsilabasan, malamig-lamig pa yung panahon nun e. Dumating kami sa Tuguegarao mga pananghalian na, lumabas 'yung mga tao. Grabe, talagang yung mga 20 minutes or 30 minutes, naging 1 hour mahigit yung aming pag-iikot sa mga palengke, sa downtown, sa lahat. Mga estudyante ...

Q: So, 'yun ang basehan ninyo?

MAR: In other words, 'yung survey ay napapatunayan ng reaksyon ng tao mismo. So talagang inaasahan na mananalo si Senador Noynoy at saka alam naman nating lahat, sawang-sawa na tayo sa kurakot, sawang-sawa na tayo sa pang-aabuso ng gobyerno, sawang-sawa na tayo na ang gobyerno ay hindi natin kakampi -- kakampi ng mga makapangyarihan na gustong magpatuloy ng kanilang pagreyna-reyna dito sa atin.

Q: So, inuulit-ulit ninyo ni Senador Aquino, Senador Mar na sa ilalim ng inyong administrasyon walang kurakot. Walang kurakot kung walang mahirap?

MAR: Tama po 'yun.

Q: Kung walang kurakot, walang mahirap, okay. Kayo ni Senador Noynoy, hindi kayo corrupt, yung mga kapwa ninyo kandidato sa Liberal hindi corrupt?

MAR: Salamat, Mike.

Q: Ang kaso nandun pa rin yung mga corrupt na pulis, yung mga corrupt sa DPWH, yung mga corrupt sa BIR ...

MAR: Sa customs ...

Q: Yung mga corrupt sa Customs, yung mga corrupt na mangongotong diyan sa EDSA, ano pong gagawin ninyo sa mga iyon? Hindi naman puwedeng kayo lang sa nasa itaas ang hindi corrupt?

MAR: Alam mo, Kuya Mike, may kasabihan tayo, ganito yan, may kasabihan tayo na 'yung isda nabubulok mula sa ulo. Kung matino 'yung uluhan, 'yung pamunuan di ba, madidisiplina mo na 'yun. Papaano mo madidisiplina 'yun, papaano didisiplinahin 'yan kung kasabwat ka, di ho ba? So 'yung malinis, 'yung matuwid na pamamahala, magsisimula sa pamunuan 'yan. Si Senador Noynoy, naging anak ng dating pangulo, anak ng dakilang bayani natin na si Ninoy Aquino. Ni minsan wala tayong nadidinig na istorya na nag-hari-hari, nag-siga-siga, pinagsamantalahan ang kanyang posisyon. Naging congressman, naging senador, hindi po siya mapang-abusong tao. Sina Senador Mar Roxas, Senador Noynoy Aquino, kahit minsan hindi nadapuan 'yung pangalan namin ng kahit na anong anomaly. Ikaw na nga ang nagsabi na hindi kami corrupt ...

Q: Ang sinasabi ko po, halimbawa hindi kayo corrupt pero yung mga nasa ilalim corrupt naman? Ang sinasabi ninyo ba Senador, madidisiplina niyo 'yan, dapat kayo lang ang hindi corrupt?

MAR: Hindi. Diyan po magsisimula 'yan, Mike.

Q: Tapos, paano niyo tatapusin?

MAR: Siyempre didisiplinahin 'yung burukrasya. Didisiplinahin mo ngayon 'yung mga congressman, mga governor, yung mga mapang-abuso di ba. Ang punto po dito, kung wala kang kinatatakuktan dahil hindi ka kasabwat sa kurakot, eh di hayag ang pamamahala, madidisiplina mo. Bibigyan kita ng halimbawa.

Itong sa ZTE yung kasalukuyang administrasyon, sinikreto yung deliberasyon ng NEDA. Bakit nila isinikreto 'yan at paano nila napag-desisyunan na ituloy itong ZTE na kontratang ito? Kung hindi ka kasabwat sa kahit anong anomalya, ihahayag mo 'yan, malalaman ng media, malalaman ng sambayanan, lahat ng basehan at desisyon sa bawat pagkakataon. So ang punto po dito ay magsisimula sa itaas yung pagpapatuwid ng pamamahala dito.

Q: Senador 53-anyos kayo ngayon at mag-54 kayo sa Mayo 13?

MAR: Hindi po, 1957 ako, so sa 2010 mag-53 ako, tuma-tumawad ako ng isang taon.

Q: I'm sorry nagkamali po ako. So 53-anyos pa lang kayo sa Mayo 13. Gusto nyo pa bang maging presidente ng Pilipinas?

MAR: Malayo masyado 'yung another 6 years. Hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari sa loob ng anim na taon.

Q: Pagkatapos po ng anim na taon kung sino man ang lalabas na presidente sa Mayo, hindi na presidente?

MAR: Tama ho iyon. So hindi talaga natin masasabi kung ano ang takbo ng landas. Anim na taon, napakahaba po niyan. Ang punto po dito, ang pangarap ko sa buhay ko -- na ang anak ko ang pamilya ko, mga classmates ko, kamag-anak ko, ikaw, kaibigan ko - Sasabihin: 'Yan si Mar Roxas matinong tao 'yan, nakatulong sa bansa natin. Ngayon kung nakatulong ako at hanggang doon na lang ang landas ko, di okay na rin 'yun, nakapag-boundary na ko. Kung makakatulong pa ko sa darating na anim na taon, okay din lang. Pero masyadong malayo na 'yun. Kung minsan, kung masyadong malayo ang paningin ay madadapa tayo sa batu-batuhan dito. So ang punto po rito ay makatulong ka ngayon, maibangon natin ang ating bansa. Itong punto na ito sa buhay ko na may pagkakataon akong makatulong sa pagbangon ng bansa natin ay gagawin ko ang lahat.

Q: Okay. Sinasabi mo kanina na kumpiyansa kayo ni Senador Aquino na kayo na nga, o siya na nga, ang susunod na magiging presidente at kayo ang susunod na magiging bise presidente. Ano po, kung meron na kayong pinag-usapan, kung wala naman, ano po ang inyong napupusuan na magiging papel ninyo kung kayo na nga ba ang administrasyong Aquino at Roxas? Ano po, may departamento ba sa gobyerno, may puwesto ba, may tungkulin ba o trabaho o adbokasiya na gusto ninyong pagtuunan ng pansin bilang bise presidente?

MAR: Mike, ang totoo niyan, hindi pa namin napag-usapan yan. In fact nung kami ay nag-usap, hindi ko hiningi yung pagiging vice president, hindi ko hiningi yung kahit na anong posisyon. Dahil ang sabi ko sa sarili ko, kung magsasakripisyo ka 'yung wagas na sakripisyo. Ngayon kung gusto ni Senador Noynoy na ikaw pa rin ang maging vice president niya ang sabi ko sa kanya pag-usapan na lang natin matapos akong magparaya sa iyo. So, ganon ang nangyari noon. Ang punto ay, ako naman ay handa. Kung minsan -- ikaw naman ay taga -- bugsay sa amin, sa Bisaya bugsay 'yan, sagwan sa Tagalong. Kung minsan ikaw ang taga-sagwan, kung minsan ikaw ang may hawak ng timon, kung minsan ikaw ang taga-tabo. Ang punto dito ay makarating 'yang baroto (bangka) natin sa paroroonan natin at iyon po ay maaari tayong mamuhay ng marangal ditto sa bansa natin. May pag-asa dito, hindi iyong kailangang maging OFW pa nang ang ating mga kabataan ay makatanggap ng sapat na edukasyon, na ito lamang ang kanilang babaunin sa pandaigdigang kumpetisyon na para sa trabaho, para sa hanapbuhay. Ito naman po ang ating pinapangarap, Mike. Hindi naman natin matatanggi na lumaki ako kumportable, nakatanggap ako ng magandang edukasyon. Ang punto po rito ay 'yung nangyari sa akin, gusto kong mangyari sa ating mga kababayan din. Hindi naman puwede na matapos makaakyat ka sa hagdanan ay gigibain mo ang hagdanan para ikaw lang ang makaakyat. So para sa akin kung mabibigyan natin ng kanya-kanyang hagdanan ang ating mga kababayan na makaangat naman sila sa kanilang pamumuhay ng kanilangpamilya, why not.

Q: Papaano nyo po gagawin yan bilang bise president ho?

MAR: Tutulong ho tayo ...

Q: Excuse me, Senador. May kapangyarihan ba ang bise president? Ang president alam naman natin, di ba ho halos lahat na yata ng bagay sa gobyerno kailangan aprubado ng presidente ng Pilipinas, kahit sino man 'yun ...

MAR: Tama 'yun.

Q: Ano ba ang papel ng bise presidente bukod sa maghintay lamang na may mangyari don sa presidente? Parang reserba o gulong?

MAR: Napakahalaga po ng role ng bise presidente dahil ang bise president nakatanggap din ng mandato, separate na mandato, mula sa taumbayan. Maaari na siya ang magiging tagapaghatid ng mga priorities, maaring siya ang maging tulay para sa mga hinaing ng ating mga kababayan na hindi nadidinig ng pangulo dahil bina-block ng mga secretary. Maaring siya mismo ang maging point man ng pangulo kung may krisis man o kung may dapat na atupagin. Kung meron priority talaga ang pangulo, siya uutusan dun para gawin 'yun. So makapangyarihan po ang bise president. Tama ho kayo na yung aktuwal na trabaho ay dapat i-assign sa kanya ng pangulo. Kung hindi siya bigyan ng kahit na anong tanggapan o kahit na anong trabaho ..

Q: Naka-relaks lang siya diyan ...

MAR: Hindi po relaks dahil may sarili siyang mandato. Iniutos ng sambayan sa bise presidente na pumunta ka d'yan, gusto naming ikaw ang maging bise presidente ng sa gayon ay meron din kaming tulay, meron din kaming pamamaraan na maipaabot ang aming hinaing ..

Q: Sa record n'yo po sa senado ...

MAR: Itutuloy ko lang..

Q: I'm sorry, akala ko tapos na kayo. sige po.

MAR: Malaking pagkakaiba ng sistema natin sa Amerika. Sa Amerika block voting, ang nakatanggap ng mandato yung pangulo kasi kung sino ang pangulo automatic. Yung kanyang running-mate, siya yung bise presidente, automatic yun, siya yung nakatanggap ng mandato. Dito sa atin ang pangalawang pangulo ay nakatanggap din ng mandato kaya napakahalaga na hindi s'ya magrelaks-relaks, hindi siya yung parang spare tire lang na nandu'n sa trunk ng kotse, nag-aantay lang�

Q: Reserba?

MAR: Hindi po, nakatanggap siya ng mandato. Nakatanggap siya ng mandato, magtrabaho siya, gampanan niya. Kung ako iyon, ang pananw ko sa trabaho na pinapangarap ko may mandato, tagahatid ng tinig ng kababayan natin, tagagawa ng mga specific na ...

Q: Magandang paghahanda 'yan sa pagiging presidente, senador. Kung sinuman ang bise presidente ganyan ang papel, masasanay siya dahil malalaman niya ang mga problema, malalaman niya yung mga dapat pagtuunan ng pansin, malamaman niya kung ano ang prioridad, malalaman niya yung mga pasikot-sikot sa gobyerno. Anim na taon na ganyan, hinog na hinog at handang-handa na ang kahit sinuman magging susunod na presidente sa 2016.

MAR: Maraming salamat Mike.

Q: Bakit kayo nagpapasalamat?

MAR: Titingnan natin kung ano ang mangyayari sa loob ng anim na taon. Pero Mike tingnan natin sa lahat ng katunggali natin ...

Q: 'Di ba Senador kasi sayang lang ang karanasan na yan. Hindi lang kayo ang kausap namin dito, kahit sino naman ang nasa lugar n'yo di ba?

MAR: Pero ito ho ang totoo sa lahat na nakatunggali ko sa pagkabise-presidente, isa lang 'ata d'yan ang nakahawak ng executive position sa gabinete ...

Q: Si Mayor Binay?

MAR: Hindi po.

Q: A, sa gabinete pala ang tinutukoy n'yo. Sino yun, sino yun senador? Okay, sorry ayaw ...

MAR: Taga- Capiz 'ata yon, a.

Q: A, si Secretary Teodoro. A, hindi, bise rpesidente naman yan ... gabinete?

MAR: So isa lang naman po d'yan ang nakapagsilbi bilang congressman. Isa lang naman po d'yan ang nakapagsilbi bilang secretary ng gabinete. Isa lang naman po d'yan ang nakipag-negotiate sa ngalan ng bansa natin sa WTO, ipinaglaban ang interes natin sa WTO na nakipagtunggalian sa iba pang trade ministers ng ibang bansa. Isa lang naman po d'yan ang nahalal bilang senador ...  Anong unang letra ng unang pangalan niya? Parang M as in Mike.

Q: Anong unang letra ng apelyido niya? Baka mawalan pa ako ng career dito, sayang lang ang pinaghirapan ko. So sinasabi nyo, ituloy natin ang usapan ...

MAR: Isa lang naman po d'yan ang naging arkitekto halimbawa ng BPO. Nung ako nagsimula bilang Trade secretary wala naman yang call center, call center na yan. Ang pangulo nu'n was Pangulong Erap. Nirekrut n'ya ako sa gabinete niya, sabi niya 'tulungan mo ko rito maglikha ng trabaho. So, ano ngayon ang naiisip mo?' So, sabi ko, sir pinag-aralan ko at nakita ko na sa Carribean, sa India, sa Ireland, yung call center, BPO, talagang yung mga kabataan nila nakakahanap ng trabaho du'n. Walang dahilan kung bakit hindi natin madala dito yan. So, nagsimula yan sa zero. Nu'ng ako ay DTI gumawa tayo ng plano, iminarket natin yan sa mundo. In-invite natin itong mga malalaking kumpanya, yung mga Sykes, Convergys, people support, Teleperformance, lahat yan dumaan sa kin nung DTI ako. Ipinakita ko sa kanila yung ating mga incentives. Ipinakita ko sa kanila yung kalidad ng ating mga graduate. Tinour ko sila sa FEU, UST, La Salle, Ateneo, lahat po yan ipinakita ko sa kanila..

Q: Ang sinasabi n'yo, itong pag-usbong o pagsulpot ng mga call center nag-umpisa ito nu'ng panunungkulan n'yo bilang sekretarya ng DTI?

MAR: Hindi ko naman ikinahihiya po yan.

Q: Senador hindi naman sa kung ano pa man, ito ay nililista n'yo lahat dito sa mga tagapakinig ngayong umaga yung mga karanasan n'yo sa gobyerno, sa ehekutibo at sa lehislatura. Sa pagiging mambabatas, sa pagiging senador at nung panahon ng pagiging kongresista n'yo ng Capiz. Opo, tama, parang mas may karanasan , parang mas malawak, parang mas malalim at mas malayo ang narating ng karanasan n'yo kesa d'on sa kandidato n'yo sa pagka-presidente a, si Noynoy Aquino?

MAR: Hindi naman po. Iba naman po ang kakayahan ni Senador Noynoy. Alam n'yo kuya Mike, lahat tayo tinatawag ng Panginoon, tinatawag ng hamon ng panahon sa ibat-ibang trabah, sa ibat-ibang role at ako naman ay buong-buo ang loob ko sa suporta sa kay senador Noynoy. Para sa akin taglay niya ang isa sa pinakamahalagang katangian sa pagka-pangulo, yung tinatawag kong self-denial. Ibig sabihin na siya mismo ang magdidisiplina sa sarili niya. Alam mo Mike, nakakita na ako ng dalawang pangulo di ba. 'Pag nakaabot ka na d'yan sa pangulo, wala nang humihindi sa 'yo, wala nang magsasabing mali ka. Wala nang magsasabing itigil mo 'yan. Kaya napakahalaga ...

Q: Kaya yung mga nakapaligid, kung hindi man lahat palakpak lang ng palakpak, tungo lang ng tungo, sabi lang ng sabi 'ang galing n'yo, tama yan.'

MAR: Ngayon nakikita ko kay Senador Noynoy na siya mismo, siya yung may disiplina sa sarili niya na tatanggihan niya ang sarili niya, tatanggihan niya ang interes niya at iuuna ang kapakanan ng tao, ng nakakarami. Sa'n ka nakakita na anak ng pangulo, binata pa siya n'on, batang-bata pa siya n'on. Ngayon ang mayor, congressman, anak ng mga mayor, anak ng mga congressman siga-siga, hari-hari. Senador Noynoy responsableng tao, hindi pinagsamantalahan ang kanyang posisyon. Senador Noynoy nakita naman natin, in fact, inaalay ang kanyang buhay para sa ating demokrasya. Hanggang ngayon Mike, may bala dito sa leeg yan si Senador Noynoy dahil ipinagtanggol niya yung demokrasya ...

News Latest News Feed