Press Release
March 22, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' ANSWERS AND STATEMENTS DURING ABS-CBN'S 'HARAPAN: THE VICE PRESIDENTIAL DEBATE'

Opening statement

MAR ROXAS: Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat, sister, Ted, ating mga kababayan sa Luzon,Visayas at Mindanao. Magandang magandang gabi po sa ating lahat. Unang-una po sa pagkakataong ito ay gusto ko po sanang magpasalamat sa lahat po sa inyo na sumalubong po sa amin sa aming pag-iikot sa ating bansa. Luzon, Visayas, Mindanao, sinulong po namin ni Senador Noynoy. Lahat po kayo ay nandiyan, lumabas mula sa inyong mga tahanan, sa inyong mga tindahan, kumaway, ngumiti, humaplos nagpakita ng suporta, nagpakita na sawang-sawa na po kayo sa baluktot, sawang sawa na po kayo na ninanakaw ang ating pera, sawang sawa na po kayo na walang pag-asa sa ating bansa. Iyan po ang dahilan kung bakit si Senador Noynoy at si Senador Mar ay sinusulong po namin ang aming kandidatura batay lang po, pundasyon lang po, ang inyong suporta para sa amin. Iyan po ang nagbibigay ng lakas loob sa amin, 'yan po ang nagpapataba ng aming mga puso at iyan din po ang kikilalanin naming may pagkakautangan ng loob sakali po palarin kami, ang sambayanang Pilipino, wala na pong iba. Marami pong salamat. Lalaban po tayo.

*****
ROUND 1: Candidate vs Candidate

Loren vs MAR

Legarda: Sinasabi nyo na kayo ay makamahirap ngunit sa inyong ginagawa naman ay parang hindi naman. Unang-una bakit ka bumoto at pinasulong ang VAT na nagpapahirap sa ating bansa? Pangalawa, bakit mo nilusaw ang cheaper medicine act? Dapat ay 1,500 na ang formulation ng mababang gamut at halos libre na sana ang gamot sa mga mahihirap, ngunit hinarang mo ito at gusto mo lang ay parallel importation kaya mahal pa rin ang gamot. At pangatlo, bakit hindi nyo ipinamamahagi sa nanalo na sana sa Darap na mga magsasaka, ang mga lupa ng mahihirap na benepisyaryo ng agrarian reform, kung talagang maka-mahirap ka? Senator Mar, dapat ipamahagi mo na sa mga beneficiary families ang mga lupang yan. Pakisagot lang po.

MAR: Maraming salamat Senadora. Ito pong mga katanungan na ito ay halos isang linggo mo ng nasasabi. Kami ng buo kong pamilya nakikinig sa yo at kung minsan natatawa na lang dahil hindi naman po isyu itong mga ito. Unang-una po , itong lupa na sinasabi po ninyo sa agrarian reform. Ako po ay bumoto pabor sa agrarian reform. Iyan po ay nasa korte at ang korte po ang huhusga diyan. Pangalawa po dito sa paglulusaw ng cheaper medicine law, hindi po totoo yon. Bakit? Iyong minumungkahi nyo ay isang board, board po ang magpapatupad ng batas. Ano po ang napala natin sa mga board, toll regulatory board, energy regulation board, road users tax board, puros katiwalian, puros pasa-pasa. Ang tinulak po natin sa cheaper medicines law ay accountability. Pangulo po ng bansa ang siyang magpapatupad. At ikaw nga ang iniinom mong Lipitor 3 beses sa isang linggo, P100 dati ang presyo nyan, ngayon P50 na lang po ang bawat tablet. At sa pang-una mong tanong, wala pong masama sa buwis. Ang masama po yung ninanakaw yung buwis, yung hindi nababalik sa tao ang buwis. Ang buwis po ang pondo na pinagmumulan ng lahat na serbisyo ng gobyerno. Lahat din po ng pinapangako ninyo na libre ganito, libre ganon, sa buwis po nanggagaling ang pera na pambayad don.

Legarda: Pero maliwanag na hindi manggagaling sa VAT 'yan dahil ang VAT ang siyang nagpapahirap ng taumbayan. At hindi po nyo sinagot ng tama na sa Korte Suprema po ang pamimigay ng lupa na nagpanalo na sana ng ating mga magsasaka? Bakit po hindi nyo ipinamigay yung 1,600 na ektarya sa mahihirap na taga-Montalban, Rizal? Pakisagot lang po.

MAR: Eto po ang kasagutan diyan. Ang VAT po meron mga nakatakdang mga dapat pagbigyanpo niyan, ang VAT po ang popondo sa lahat nitong mga serbisyo ng gobyerno na dapat po.

Legarda: Yung DAR po ang tinatanong ko ...

MAR: Sandali lang po. Oras ko po ito. Huwag niyo pong kunin. Doon po naman sa DAR ako po ang sabi ko pabor ako sa agrarian reform. Ito po ay una: nakatakda po itong commercial at residential. Ito po ang pinag-aawayan sa Korte Suprema kung commercial o residential po ito o agrarian.

*****

MAR vs Jay Sonza

MAR: Kuya Jay, panatag ang kalooban namin na mananalo si Senador Nonoy at baka sakali na rin si Senador Mar sa darating na halalan. Sakali pong maisakatuparan po ito kilala po naman natin na ang puso ninyo ay para sa pagtutulong sa ating mga kababayan. Sakaling mangyari po ito na nanalo na si Senador Noynoy at Senador Mar at kayo po ay ma-rekrut sa Gabinete, at marekrut na tumulong sa pag-angat ng kabuhayan ng ating mga kababayan, ano kaya ang posisyon o ano kaya ang programa na gusto mong isulong at iprisinta para sabayan tayong lahat na maisulong natin an gating bansa?

Sonza: Maraming salamat Senador Mar. alam nyo po kung sino man ang basbasan ng taumbayan at loobin ng panginoon na manalo sa halalang ito, mahalgang makapagsimula tayo, we should move forward. Kasi lugmok na tayo ngayon. Ngayon kung tinatanong, ano ba ang programang importante? Unang-una salat ang bayan sa pagkain. Ang dami hong gutom. Only because ang productivity sa agricultural sector napakababa. We have converted agricultural irrigated lands into commercial complex. Yung hectarage natin napakababa. We continue to import instead of buying production by our own farmers. Kailangan po i-revisit natin ang mga batas unang una yan at mga pamantayan at patakaran. Ganon din po sa pamumuhunan. We have different sets of policies for foreign investments and yet it becomes very difficult for domestic investors to invest and get the same policies. Kaya ilan lamang iyan sa mga panuntunan o policies na dapat po nating iayos. At kung sino man ang mamumuno sana naman ay talagang itutok na ng husto na tayo ay makausad at isantabi muna natin sumandali yung lahat na mga negative at puro positive muna tayo.

MAR: Batid ko po sa sagot ninyo na parang sa agrikultura, so kontra po kayo, sang-ayon po kayo sa programa ni Senador Noynoy at SMar na ititigil na natin yung pag-aangkat ng bigas taunan at tayo ay bibili na ng ating pagkain mula sa kapwa natin Pilipinong magsasaka. Sang-ayon po ba kayo dun at kasama po ba kayo sa ating programa na papakainin natin ang ating sarili, hindi na natin ipapalabas ang pera natin doon sa magsasakang Thailand, magsasakang Vietnam, pero ang mga magsasakang Pilipino na siyang magpapakain?

Sonza: Senator Mar lahat po iyan dadaan sa isang transformation, ika nga sabi nila Dick Gordon. Dadaan tayo doon sa transition period. We cannot immediately implement something like kagad-agad, kasi we have to prepare. Kinakailangan dagdagan natin ang ektarya, ayusin natin yung irrigation, hindi lamang yung main irrigation kundi yung communal irrigation so this thing we should study carefully so that we do not unnecessarily hurt some sector of the society.

*****
Round 2: By survey standings

MAR (#1) vs Loren (#2)

MAR: Matagal na po kayong nasa public eye, 20 taon bilang brodkaster, tumakbo bilang senador, tumakbo bilang bise presidente, at tumakbo bilang senador uli. Kilala na po kayo sa ating bansa. Sa halalang ito, iyong inyong pagtangkilik sa environment ang siyang sentro ng inyong programa. Bakit po ito ang sentro Samantala ang Pilipinas ay less than 1% ng problema sa kabuuan ng climate change?

Loren: Sen. Roxas, siguro po ay hindi ninyo napag-alaman na ang Pilipinas ay isa sa 10 pinaka-vulnerable na tirhan sa buong mundo dahil tayo ay coastal o kabundukan. Pangalawa po, dahil ang ating paghahanda ay halos walang-wala dahil sa ating kahirapan, dahil sa pagwalang-bahala ng ating pamahalaan, sa hindi pagbibigay ng pondo at sa ating hind pagtunghay sa ating mga batas kalikasan. Nakahain na hindi lang sinusunod. Nakita natin sa panahon ng Frank sa ating Panay, ika'y taga-Capiz, ako'y taga-Antique. Ang daming namatay, ang daming nagbuwis ng buhay. Sa panahon ng Ondoy at ng Pepeng, hanggang mga middle class ay nasaktan, namatayan, nawalan ng buhay. Importante ito dahil ito'y nakakabit sa sikmura. Sa panahon ngayon ng El Niño, P8.8 billion na ang nawala sa agrikultura at milyong-milyong pamilya na ang nagugutom. Ang kailangang gawin ng pamahalaan ay I-rehabilitate ang ating mga irrigation facilities. Kailangan bigyan ng mga cash transfers ang mga naghihirap na magsasaka. Kailangan bigyan natin ng NFA rice na libre ang mga pinakamahirap na pamilyang Pilipino na walang aani ngayong Marso at walang pang-metrikula ngayong Hunyo. Ang isyu ng environment at climate change ay hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng bansa sa ating mundo. At 'yan ay nakakabit sa sikmura at bituka.

MAR: (Translated from Ilonggo) Sa katotohanan lamang, sinasabi mo na Ilonggo ka, taga-Iloilo, taga-Panay Island. Sa totoo lang, makakapagsalita ka ba talaga ng diretsong Ilonggo? Kung ganun, sagutin mo: Iyan bang problema ng climate change, na sa totoo lang ay hindi naman tayo talaga ang problema pero ang epekto ay nasa atin. Pero ano ba ang magagawa natin para mabawasan ang problema ng climate change dito sa Pilipinas?

Loren: Pinagmamalaki ko na ang aking lola ay taga-Pandan, Antique. Ako'y pinalaki sa Malabon, Rizal. Ako'y inalagaan ng masipag na Ilokanang taga- Paoay, Ilocos Norte. Ang aking ama ay taga-San Pablo, Laguna. Ako'y Honorary Muslim Princess ng Mindanao. Ngayon, ang climate change ay napakahalaga. Ito ba'y gagawing sentro ng ating pamahalaan ngayon, sa pagpasa ng Climate Change Act, na salamat na tinulungan mo naman ako kung hindi iyan mahalaga na isyu ngayon. Ang ating mga magsasaka na nagkakaroon ng red tide, ang ating mga mangingisda nagkakaroon ng red tide sa iba't-ibang lugar, 'yung fish kill na nangyari noong isang linggo, na halos nakalutang na ang mga pagkain dun. 'Yan ay isyu ngayon at nakakabit sa sikmura.

Loren vs MAR

Loren: Senator Mar Roxas, walang personalan ngunit tinatanong lang ng ibang mga tao, bakit ho parang ang inyong alyansa po ay paiba-iba, na walang paninindigan. Kayo po ay naging DTI secretary ni Pangulong Erap noong October 2000. Pinag-resign po ninyo si President Estrada. Kayo po ay napremyuhan ni Pangulong Arroyo, ginawang DTI secretary ni Pangulong Arroyo. Noong ako po ay tumatakbong oposisyon kasama ni FPJ bilang bise presidente ng oposisyon, kayo po ay tumakbo bilang senador tapos pinag-resign niyo siya at minura sa Ayala Avenue. Ngayon naman ay humingi ng basbas kay Pangulong Estrada tapos tumatakbo kasama ni Noynoy. San ba ho ang inyong pag-alyansa?

MAR: Senadora, ito ang sagot ko. Unang-una, 'yung hindi marunong sumunod sa patakaran, palagay ko hindi rin marunong sumunod o dumisiplina sa sarili. Pangalawa po, iisa lang ang aking partido na kinalalahukan ko at iyan po ay ang Liberal Party, magsimula ng simula hanggang sa ngayon, Liberal Party lang po. Hindi po ako 'yung nag-iiyak-iyakan dun po sa Senado nung hindi natuloy iyong impeachment ni Pangulong Erap. At hindi ko po pina-resign si Erap. Kung tawagan niyo po si Erap ngayon, sigurado ako mabubuting salita ang kanyang sasabihin tungkol sa akin dahil maayos kami naghiwalay ng landas, usapang lalaki, nagkaunawaan kami, at maayos po. Ako naman po ay naging oposisyon kay Pangulong Arroyo dahil nakita ko na mali na ang kanyang ginagawa, mali po ang kanyang mga patakaran. At hindi pupuwede na sasang-ayon ako sa mga kamaliang ito. Simpleng-simple lang po. Iisa lang po ang aking boss, ang taumbayan, na siyang nagluklok sa akin dito sa aking puwesto at gagawin at gagawin ko kung ano ang tama para sa kanila.

Loren: Nakapagtataka po kung sino po ang nasa posisyon, dun po ang Liberal Party nakaalyansa. Ito naman po ay hindi katanungan ko lang kundi katanungan ng maraming tao na nung nandiyan si Erap, naka-alyansa kayo. Nung nandiyan si GMA, kayo po ay tumakbo bilang senador niya noong 2004. Kami po mula 2004 hanggang 2010, nanindigan, kahit mag-isa po ako'y nag-file sa Korte Suprema ng ating protesta para sa paninidigan para po sa oposisyon.

MAR: Kalokohan po iyan, Senadora. dahil ako po ay inalok ni Pangulong Erap at inalok ni Pangulong Gloria na makatulong sa paniwala nila na may magagawa ako para maisulong ang bansa natin. Diyan ko sinimulan ang pagpapamura ng gamot, kaya iyan po ang dahilan kaya iyon pong Lipitor na iniinom ninyo, dati P100, ngayon ay P50 na lang po. Iyong Norvasc, na P47, naging P22 na po. Iyan po ang mga programang isinulong ko nung kina Pangulong Erap, Pangulong Gloria. Pero ang tao po ang aking boss. Sila parati ang aking susundin.

*****
Round 3: Fishbowl Questions

Mar Character question

Q: Sa apat o limang dekada mo na dito sa mundong ibabaw, alin ang maituturing mong high point at low point ng buhay mo at bakit?

MAR: Unang una Ted, lilinawin ko, limang dekada na po mahigit. Ang low point po, yung pagkamatay ng aking kapatid at aking ama mula sa kanser at talaga namang malaking epekto nito sa akin. Talagang naramdaman ko, at malaking dagok ito sa aking pagtingin sa kinabukasan, sa mundo, sa pagpantay ba ng pagtrato... pati Diyos (natanong ko), "bakit nagkaganoon?"

Pero magmula sa aking tatay, natutunan ko yung papaano magpursigi, papaano manindigan sa kanyang prinsipyo kahit na ang lahat ng iba ay pumanig na sa kanyang katunggali. Para sa akin, yung impluwensiya ng tatay ko ay yun din ang high point ng buhay ko dahil ito ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na magpatuloy sa serbisyo.

(Note: Mar Roxas' father, the late Senator Gerry Roxas, died of cancer in 1982, after more than a decade of fighting the Marcos regime.)

*****
Round 4: From farmer and teacher

Mar on Agri

Question from Mang Puling: Sir, kung maulit po sakali ang El Niño na ganito, ano po ba ang solusyon na maitutulong ninyo sa aming magsasaka? At saka po kung pupuwede matulungan ninyo po kaming mapababa ang abono at pestisidyo na aming ginagamit sa bukid. At saka po bumababa po ang palay namin tuwing anihan dahil ang katuwiran ng mamimili lumalabas na ang NFA kaya po mura ang palay. Salamat po.

MAR: Tatay Puling, simple lang po ang solusyon. Doon po sa tagtuyot, panahon ng tagtuyot, mahalagang mahalaga po na ang irigasyon po natin ay nandiyan na po, hindi po yung aantayin pa yung problema. Sa ngayon po, 60% lang ng lupa sa Nueva Ecija ang irigado, 40% pa po walang koneksyon sa mga irigasyon. Kaya napakahalaga po na pagtuunan ng pansin ng gobyerno, mapondohan itong mga irrigation system na ito.

Pangalawa po, itong pagbibili ng bigas mula sa ibang bansa, ititigil na po natin iyan. Mahalagang mahalaga po na tayong mga Pilipino ang siyang magpapakain sa sarili natin. Sa programa po ni Senador Noynoy at Senador Mar, sa loob ng iilang taon, titigil na po iyang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa. At panghuli po, pinakamahalaga po ay palakasin po natin ang pautang para sa mga magsasaka para hindi naman po sila mapilitang magbenta sa mababang halaga diyan sa mga mapagsamantalang trader na mga iyan.

Mar on Educ

Question from Teacher Letty: Kung kayo po ang manalo na Vice President, ano po ang magandang programa ninyo sa teacher at sa mga estudyante upang magkaroon sila ng quality education na siyang karapatan nila bilang Pilipino

MAR: Maraming salamat Teacher Letty, hinahangaan kita. Ang programa po para sa edukasyon, ganoon din po ang programa sa buong pamahalaan. Kung walang corrupt, walang mahirap. Mahalagang mahalaga po na hindi nanakawin, hindi kukurakutin ang pera. Ang DepEd na iyan, bumili ng noodles, P22 kada pakete. Alam naman po natin P7 lang iyan bawat pakete sa palengke. Taon-taon nang mahigit sa P200 bilyon ang estimate na nawawala dahil sa kurakot, dahil sa mga maling desisyon, dahil sa iba pang mga gawain imbes na doon sa prayoridad. Kung matino ang pamunuan, kung malinis, walang mantsa, walang bahid ang pamumuno sa ating bansa, madidisiplina ang mga kawani sa gobyerno, yang perang nawawala na iyan mapupunta sa mga pangangailangan ng ating mga guro, ng ating mga mag-aaral, ng ating education sector.

*****

CLOSING REMARKS:

MAR: Sa punto pong ito, gusto ko lang pong mapaabot sa inyong lahat, dito po sa La Consolacion, sa lahat po ng sumusubaybay sa telebisyon, ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat, na binigyan po ninyo ako ng pagkakataon na maglingkod at binigyan ninyo ako ng pagkakataon na ipresenta ang aking pangarap at aking hangarin para sa ating lahat.

Mahalagang-mahalaga po na mamili po tayo ng tama. Pagkakataon na po natin. Nasa kamay po natin ang ating magandang kinabuksan. Huwag po nating aksayahin ito. Senador Noynoy Aquino, Senador Mar Roxas, wala pong mantsa, walang bahid. Matino na pamamahala: iyan po ang solusyon sa ating mga problema. Kung walang corrupt, walang mahirap. Maraming salamat po, hinding-hindi ko po kayo pababayaan. Lalaban po tayo! RATINGS:

Round 1 VP to VP 1

Naniniwala

Di Naniniwala

Binay

56.60%

43.40%

Fernando

64%

36%

Legarda

39.50%

60.50%

Roxas

86%

14%

Sonza

46.90%

53.10%

Yasay

41.20%

58.80%

 

 

 

Round 2 VP to VP 2

Naniniwala

Di Naniniwala

Roxas

91.80%

8.20%

Legarda

41%

59%

Fernando

56.80%

43.20%

Binay

55.80%

43.80%

Yasay

32.10%

67.90%

Sonza

76%

24%

 

 

 

Round 3 Character Questions

Naniniwala

Di Naniniwala

Yasay

70.90%

29.10%

SonZa

87.70%

12.30%

Binay

77.20%

22.80%

Roxas

82.60%

17.40%

Legarda

36%

64%

Fernando

58.20%

41.80%

 

 

 

Round 4a Agriculture

Naniniwala

Di Naniniwala

Binay

55.60%

44.40%

Legarda

53.80%

46.20%

Fernando

55.80%

44.20%

Sonza

91.40%

8.60%

Roxas

85.40%

14.60%

Yasay

79.30%

20.70%

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Round 4b Education

Naniniwala

Di Naniniwala

Roxas

91.80%

8.20%

Fernando

38.70%

61.30%

Binay

47%

53%

Sonza

81.60%

18.40%

Yasay

69.20%

30.80%

Legarda

38.20%

61.80%

 

 

 

Wrap-up

Pinaka-kapani-paniwala

 

Online

Text

Roxas

55%

57%

Binay

14%

15%

Fernando

14%

13%

Yasay

9%

8%

Legarda

5%

6%

Sonza

3%

2%

News Latest News Feed