Press Release
March 25, 2010

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile
w/ DZVT-CMN Mindoro Occidental anchor Daisy Leano

Q: Si Senator Juan Ponce Enrile, mga kaibigan, siya po yung kasalukuyang Presidente ng ika-labing Apat na Senado ng Pilipinas o yung Fourteenth Congress, hopefully nasa linya na siya. Maagang-maaga nagising si Manong Johnny, no other than Senator Juan Ponce Enrile. Sir magandang umaga, welcome sa San Jose, Occidental Mindoro.

JPE: Magandang umaga sa iyo, Daisy. Magandang umaga sa DZVT at magandang umaga sa mga kababayan natin sa Mindoro Occidental. At gusto ko happy ka.

Q: Gusto ko happy ka. Manong Johnny, kapag sinasabi ng mga kababayan natin yun, parang napaka-personal ng dating ninyo kasi they call you Manong Johnny. Anyway, Manong Johnny na rin ang itatawag ko sa inyo. Bago ang lahat mag invite ho muna kayo, kasi ho alam ninyo bago kayo pumunta dito ng Mindoro, pupunta muna kayo ng Palawan. Eh ang lakas-lakas ng DZVT sa Palawan, kaya mag invite muna kayo bago yung mga issues natin sir.

JPE: Pupunta muna kami sa Palawan mamaya, at after lunch nandiyan kami sa San Jose. Bibisita kami diyan at may rally kami mamayang hapon.

Q: May higing-higing po yung Malacanang, alam ninyo nabalita ito all over the Philippines, na kung sakaling walang mai-deklarang pangulo ang bansa, yuong possibility ng military junta. As a former military man, ano po yung masasabi ninyo dito kasi nagke-claim siya ng takot?

JPE: Ito lang ang masasabi ko sa mga kababayan natin. Ako, 44 na taon nang nag-lilingkod sa bayan, huwag kayong matatakot doon sa mga sinasabi na magkakaroon ng failure of election, walang eleksyon, magkakaroon ng power vacuum, magkakaroon ng military junta at kung anu-ano pa. Alam mo, hindi mangyayari yan eh. Pananakot lang yan, panlilito sa bayan at ginugulo ang kaisipan ng taumbayan. Di ko malaman kung sino itong mga taong ito na nagsasabi niyan, kung ano ang mga purpose at kanilang mga agenda. Alam ko sa karamihan diyan, sa mga iyan eh kapangkat ng isang partido na candidate for president na sabik na sabik hawakan ang Malacanang eh. Kaya pinag-aaralan ko ang mga moves nila para ma-counter natin. Nag-dududa ako sa kanilang motibo eh. Pero anyway, malabo yan, huwag kayong matatakot at hindi mangyayari na magkaroon ng parang military junta.

Q: Ah okay. Manong Johnny, alam ninyo isa pa sa pinagtutuunan ng media ngayon ay yung clash between AFP Chief of Staff General Bangit and PNP Director General Jesus Versoza. Ano ba ito? Sabi kasi ni General Bangit, media lang ang nagpapalala nito. Ano ang masasabi ninyo dito?

JPE: Wala kasi akong alam na transcript ni Bangit e. Mga PMAers yan eh. Nagkakaintindihan yang mga yan. Hindi pwede silang mahati-hati sapagkat silang lahat, ang kanilang hangarin ay para tumahimik ang bansa natin. Kaya itong lahat ng nangyayari, there is a current, there is a clear effort na talagang gusto nilang guluhin ang bansa natin for the purpose na di ko alam. Di ko alam kung bakit.

Q: Sa tingin mo, Manong Johnny, yung ilang mga pulitiko lang talaga din ang nagpapa-gulo o nagpapa-lutang ng ganitong mga isyu?

JPE: Mukha nga eh. Dahil ang alam ko wala yon eh. I have been 17 years in that department. And alam ko kung mayroong kumu-kulo sa ibaba. Matutunugan ko yan. Wala yan.

Q: At least magandang balita yan sa ating mga kababayan. Mawawala ang kanilang mga takot.

JPE: Hindi naman sa kayabangan, marami pa akong kasama diyan sa military eh. Marami pa rin akong contact sa kanila kaya malalaman ko kung magkakaroon ng disaffection o hinanakit yuong mga nasa loob. Syempre ano bang organisasyon ang dissatisfied? 'Yang mga 'yan ay nag-bibitiw ng mga salita, pero that is not enough to say that there is trouble inside the military or police organization.

Q: Manong Johnny, sinabi ninyo kanina, alam mo matatawag ka na talagang seasoned politician, di ho ba? Dapat sa inyo hindi ka tinatawag na trapo kahit ang tagal-tagal mo na sa pulitika.

JPE: Alam mo yang trapo, traditional politics. Another classification of trapo yung gumagamit ng goons, guns ang gold. Meron nuon eh. Marami sila.

(Disconnected)

Q: Manong Johnny, naputol po kayo. Naku, itong mga cellphone companies na ito, papagalitan nyo na naman!

JPE: Isa 'yan sa mga binabantayan ko para ating mga kababayan.

Q: Pero naging happy talaga kami sa batas mo na yan ha! Anyway, isang tanong na lang po Sen. Enrile, ayon po sa Rural Bank Association of the Philippines, handa po nilang i-reschedule yung pagbabayad ng mga loan ng mga magsasaka na affected ng El Niño tulad ng Occidental Mindoro. Hindi po ba maaaring isa-batas yung pagkakaroon ng re-scheduling o kaya moratorium ng mga loans ng mga farmers?

JPE: Kung darating ang session namin sa Hulyo, I will be the one to sponsor a bill to grant relief para sa ating mga magsasaka. Pag ganitong nagkakaroon ng problema sa kanilang ani eh bigyan ng palugit ang kanilang pagbabayad ng kanilang loan.

Q: 80% ng Mindoreños ay farmers. Malapit po ang puso ninyo sa mga farmers, Sen. Enrile?

JPE: Nanggaling ako diyan eh. Marunong akong mag-araro. Nuong araw ang ginagamit naming pang-ani ay yung tinatawag ng mga Ilokano na rakan. Alam ko 'yan. Marunong din akong mangisda.

Q: May fallback kayo, Sen. Enrile. Kapag wala na kayo sa pulitika magiging full- fledged farmer na kayo.

JPE: Nagtatanim ako. Marunong akong mag-tanim. Marunong akong mag-ani, marunong ako ng lahat ng halaman sa bundok. Alam ko kung alin ang poisonous, kung alin ang pwedeng makain, pati mga root crops.

Q: Manong Johnny, gusto namin happy ka kaya sasalubungin ka ng mga Mindoreño mamaya.

JPE: Gusto ko rin happy ka at pati mga taga-Mindoro. Magandang umaga sa inyong lahat. Aako po ang inyong lingkod, Enrile numero 15 sa balota ng Comelec at huwag ninyong kalimutan sa araw ng halalan.

Q: Maraming salamat.

JPE: Maraming salamat din.

News Latest News Feed