Press Release March 30, 2010
SPEECH OF SEN AQUINO: PRESS CONFERENCE ON COMELEC AND AUTOMATED ELECTION ISSUES
Una sa lahat, maraming maraming salamat po at kami ay pinaunlakan ninyo sa araw na ito. Kasama ng aking mga ka-partido sa Partido Liberal, tinatawagan ko ang mga nangangasiwa ng COMELEC at ang buong sambayanan na siguraduhing malinis at mapayapa ang darating na eleksiyon. Marami pa ring kakulangan sa paghahanda ng COMELEC, ang institusyon ng ating demokrasya na may iisang layunin: ang siguraduhin na maayos ang sistema ng halalan sa ating bansa.
Maaasahan ba natin na magiging maayos ang darating na halalan, gayong marami pa ring problema sa kauna-unahang automated elections sa bansa na hindi pa natutugunan? Nakataya ang kinabukasan ng sambayanan dito, kaya naman bumubuhos ang kusang loob na pagtulong sa ating People's Campaign. Ang nais ng lahat ay isang patas na laban, ngunit ito rin ba ang ninanais ng COMELEC sa gaganaping halalan?
Dagdag pa rito ang ilang alarming developments na binanggit sa Power Point presentation tulad ng:
Hindi maaaring balewalain ng sambayanang gutom sa tunay na demokrasya ang mga pangyayaring ito sapagkat hindi nakakatulong ang mga ito sa pagkamit ng maayos at payapang eleksiyon. I have asked general campaign manager Butch Abad, and other senior campaign officials, to start conferring with key sectors such as the church, election watch dogs, the diplomatic community, the military and police, and other presidential candidates to close ranks so that together, we can help to ensure peaceful, orderly and clean elections. Panahon na upang bumangon at mangarap muli. Ito ang tinig ng sambayanan sa darating na eleksiyon. Kami sa Partido Liberal ay nangangako ng tunay na pagbabago, kaya't anumang balakid sa pagsasakatuparan nito ay aming pipigilin. Kayo ang aming lakas. Ang inyong walang sawang pagtitiwala at pagsusuporta ang nagpapalakas sa amin. Hinding hindi namin pababayaang masayang ang pagkakataong magsilbi sa inyo. Anumang hadlang sa pagkakaroon ng maayos at payapang eleksiyon, at anumang balak na patahimikin ang boses ng taumbayan ay aming lalabanan. Maraming salamat po. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|