Press Release
April 8, 2010

TRANSCRIPT OF VICE PRESIDENTIAL CANDIDATE (NP-NPC-LDP)
LOREN LEGARDA

Press conference, 8 April 2010, Senate Lounge

LEGARDA: I would like to introduce Rex Gatchalian, spokesman of the Nationalist People's Coalition, Gilbert Remulla would have been here, but he's out of town, because any questions you want to give us regarding any NPC matters can be answered by Rex. We are happy to have representative of Col. Ariel Querubin, the daughter, si Faye, she's 16 years old. So meron kaming youth representative sa aming team.

At siyempre si Liza at Satur at si Monmon (Mitra), kailangan masanay na na sa lounge, parang barkada. Ganon lang. So para makilala nila kayong lahat.

Ako naman ay hindi na iba sa inyo, pero sana, bigyan nyo ako ng isang pagkakataong basahin sa inyo ang isang maikling statement na sa Ingles pero maaari kong sagutin ang inyong mga katanungan sa Tagalog mamaya. Kaya lang, gusto ko lang ipahayag ito.

Bakit ko po tinawag ang press conference na ito? Okay, it's April 8, 'no? It's two months after the onset of the campaign on February 8 and exactly one month before May 8 which is the last day of campaigning.

Since this national campaign started, I have been deeply troubled by the flood of lies and slander obviously directed against our presidential candidate and myself churned by the dirty tricks and the wrecking crews of the Liberal Party.

You will notice and as you know, all these two months, I have kept my silence on this matter, simply because when I decided to run on October 23 of 2009, we decided together with my standard bearer and members of our alliance, we vowed to focus and run a positive campaign, focusing on a program of action and solutions to problems that beset our nation.

You know me all very well. My issues were clear. Women's health, environment, livelihood, peace process and many more.

But today, on this afternoon, in the strongest possible terms, I have decided to come out and condemn the campaign of lies, of slander, of assault to our personal integrity engineered by the Aquino-Roxas camp. This barrage of black, negative propaganda of the lowest kind is appalling for the following reasons and I will state:

  • First, it smacks of aristocratic elitism sa simpleng salita po, ugaling matapobre ang ginagawa ni Aquino at ni Roxas. It smacks of aristocratic elitism that the candidacies of persons like me who comes from the middle class and Sen. Villar who was born in Moriones Tondo, who don't belong to traditional, wealthy and oligarchic families are automatically suspected of being motivated by opportunism and material gain seeking. Dahil ba sila'y anak mayaman, anak ng mga pangulo at apo ng mga pangulo at angkan ng mayayaman, ang tingin na lang ba nila sa iba ay umaasenso lang dahil sa oportunismo at pangungurakot?

  • They say it was a battle between good and evil. It is patent dishonesty. Kasinungalingan. And I disservice to the ideals of good governance that the Liberal Party camp has had to cook up the evil enemy and demonize all of us, their adversaries so that the Aquino-Roxas tandem can present themselves as the moral force of good in the battle against their evil opponents. I believe that good, honest people don't need to create demons for their virtues to shine thru.

Kung talagang ikaw ay mabait, matulungin, may tunay na malasakit, hindi mo kailangang imbentuhin ang paninira, panlalait ng inyong kalaban para lumitaw ang inyong sinasabing kabaitan dahil lalabas at lalabas ang katotohanan kung ikaw ay tunay na may malasakit sa mahihirap.

  • Third, this type of slander, of fabrication of lies miseducates the electorates. What do I mean? Yung sinimula nila nung Pasko, ni Roxas na paninira sa teacher, sa pulis, sa nurse, sa sundalo, na hindi pinaniniwalaan ng publiko, ngunit hanggang ngayon patuloy na nag-file daw ako ng bill para kaltasan ang sweldo ng mga teacher ng mga pulis, ng sundalo-- this miseducates the electorate and it is unfortunate and the lowest kind of negative, desperate and panicking politicking. It degrades and corrupts our election culture. To nurture and raise the quality of our democracy, we need an electorate who are well-informed of important issues and thus will vote on the basis of good understanding, of platforms and solutions offered by candidates. Lies, fabrications, slander,pagsisinungaling, pag-iimbento, paninira--all these lies meant to destroy the personal character and integrity of candidates, harm the development of the intelligent and discriminating electorate to say the least.

Ang Aquino-Roxas tandem, wag naman po ninyong lasunin ang isipan ng taumbayan sa inyong ipinakakalat na panlalait at paninira sa mga text , sa mga blog at sa inyong mga masasamang ginagawa.

I dare Senators Aquino and Roxas, my colleagues to take a strong stand on this matter. To condemn this dirty and demeaning campaign which they started on February or even last year that is obviously coming from their party.

By condoning this, na sila'y walang ginagawa para awatin ang kanilang mga tao, na bagamat hindi raw nila alam, alam nating sila ang pasimuno, the character of their leadership is in question.

If they do not stop the smear campaign now and apologize to the Filipino people, what would stop them for employing the same strategy of lying, slander and manipulation for the rest of their lives?

Kung hindi nila ihihinto ang paninira, ang pag-iinsulto sa puri, at integridad at pag-iimbento ng mga isyu, gaya ng nag-meeting si Manny Villar sa bahay ni Defensor nuong isang buwan�gaya ng paninirang-puri na sinasabi sa akin sa mga teacher at mga sundalo. Kailangang mag-imbento dahil walang isyu laban sa akin. Kailangan silang maging creative director ngunit hindi kami natitinag, pati ang mga sinasabi nilang survey nila.

Kung ikaw ay naniniwala sa totoong survey na sinasabi ninyong mataas kayo, bakit kayo nagwawala, nininerbiyos, nagpa-panik at naninira ng kapwa. Hindi ba't karapat dapat lang na plataporma at aksyon at solusyon sa mga problema ng bansa ang ating ilabas at hindi ang mga paninirang puri sa kapwa?

Ito ay inilabas ko hindi para protektahan lamang ang aking sarili dahil ako, kaya ko silang lahat, ngunit ang media na mismo ang nagko-cover .

Was it Tina Mendez or was it Estong who said in Bicol "Ma'am, I've never covered such a dirty campaign." Ang dami sa inyo nagko-cover. Sinabi nyo, marami ang nagsasabi and I remember, it's my fourth national campaign walang kasing-dumi, walang kasing-desperado, walang kasing-nerbiyoso at walang kasing-pikon at walang kasing-elitista ng pagha-handle ng kampanya, na wala na bang karapatan ang mga galing sa middle class o galing sa mababang class ng ating lipunan na maglingkod na hindi papatawan ng masamang hangarin?

Nakalulungkot na ang mga senador na halal ng bayan na nagpapanggap na santo at malinis, ang siyang punung-puno ng dumi at bahid sa kanilang walang tigil na paninira dahil sa kanilang nerbiyos sa tunay na survey na malakas na malakas kami ni Manny Villar sa ground.

For so long, our governments and our leaders have served the ABC Class, the richest, the rich ones and the upper middle class. Dahil kami'y malakas sa masa, kami' malakas sa barangay, tayo'y malakas sa mga taong nangangailangan ng tulong and I will quote a governor of Albay, saying "Ang kailangan na lider ngayon ay social technocrats." Social technocracy is the order of the day. Ang ibig sabihin, yung magpapakain sa mga mahihirap, yung magbibigay ng libreng gamot sa mga taong nakaratay sa mga public hospital, yung magsusulong ng usaping pangkapayapaan para tumigil na ang putukan sa kanayunan, yung magbibigay ng tulong sa mga nagtatrabaho na hindi napapansin ng maski na sinong nakaupong gobyerno. Dahil yun ang aming constituency ni Manny Villar na siyang hindi siguro naaabot, napupuntahan o nakakausap ng mga elitistang, oligarchic na pamilya na pinamumunuan ng author ng paninira, ng kampanyang ito.

I've said what I've wanted to say. Gaya ng snabi ko nung Oktubre, ang aking kampanya ay para bigyan ng kalutasan ang problema ng gutom, at laban sa pagbabago ng klima at bigyan ng maliwanag na plataporma ukol sa kalusugan at edukasyon. Sa nakaraang dalawang buwan, wala kayong maririnig na negatibong kampanya o maski mga texts galing sa amin ni Manny Villar. You have seen him. Sinasampal, sinusuntok na, hindi pa nya pinapatulan. Ganon din ako. That is what I learned from him. But at time to call us as (__) is now.

Hinahamon ko ang aking kasamahan sa Senado, Sens. Aquino and Roxas na humingi ng paumanhin sa taumbayan sa kanilang paninirang puri hindi lamang sa amin ni Manny Villar, kundi ang pangggamit sa ating mahihirap at sa ating taumbayan sa panlalait nila ng ating demokrasya at pagwasak sa mga institusyon sa paggamit ng maruming politika. Salamat po.

PAANO PO KAYO NAKASIGURO NA GALING SA LP YUNG MGA TEXT...

Maliwanag dahil una, meron tayong mga intelligence sources, meron naman tayong mga tumutulong sa media at sa PR, alam natin na sila ang utak nito. At siguro, tatanungin ko sa inyo, dahil kami ang frontrunners ni Manny mula sa simula, it is logical na kami ang babakbakin. Ang tanong ko lang, sino ba naman ang gagawa sa amin nito? Si Bro Eddie at si Yasay? Hindi ba? We even know the personalities behind it. Yes. It is an orchestrated negative campaign and Philippine politics has never been so dirty before.

MA'AM, AREN'T YOU AFRAID NA PAG TUMINDI ANG BANGAYAN ANG MAG-BENEFIT IBANG KANDIDATO?

I'm not afraid of anything. Hindi ko kinakatakutan yun kung sino ang mag-benefit. Gusto ko lang ipahayag ang aking damdamin at concern dahil ang ating laban gaya ng aking sinabi sa simula, ang laban sa gutom, ang laban sa climate change, sa panahon ngayon ng El Nino, ang laban sa kawalan ng trabaho, yun ang laban. E, sila laban ng laban, suntok nang suntok, ang laban puro pakulong, ang laban nila puro negative politics, puro paninirang puri, eh, paano naman po kayo magtatangkang manungkulan sa bansa kung ang pakakainin ninyo ay negative na pulitika sa mga taong nagugutom. Ganon ba kayo ka-nerbiyoso, ka-pikon. Kasi, pag ikaw ay lumaki sa layaw, pag ikaw ay tiantawag na spoiled brat, pano bang mga spoiled brat, pag hindi naibigay ang lollipop papadyak-padyak, iiyak-iyak, maghihiway, magagalit, tapos maaaring manakit sa salita, hindi puwedeng manungkulang ang nerbiyoso at pikon. Kailangan, maglahad ng maliwanag na plataporma at ano na ang nagawa, ano ang ginagawa, ano pa ang kayang gawin. 96 milyong Pilipino, lubog sa utang. 8 million ang unemployed and more under employed. Ilang milyong babaeng OFW inaabuso pa rin sa abroad. Those are the real facts, the real issues na kaialngang bigyan ng pansin. Away nang away. For a country long divided, why should we divide it more thru a divisive, negative politics.

LAMANG PA RIN PO SA MAR ROXAS...

I am not worried at all. In fact, I am inspired, because I know the true survey. And I will tell you this, inamin sa akin ng Pulse Asia na ang kanilang survey ay urban-biased. Biased sa urban. Pero kung titignan ninyo ang hugis ng ating Pilipinas, 70 percent rural DE, pero ang kanilang survey ay 60 percent urban, 40 percent rural. Remember Roly, your candidate is battle-tested. Pang-apat ko nang national campaign, siguro, it's safe to say, sa lahat ng kumakandidto ngayon, ako in my young age, middle aged, I'm battle-tested, so yung mga survey na sila rin ang gumagawa, kasi kung ikaw ay totoong leading, hindi ka pikon, e. kung totoong ikaw ay leading, hindi ka galit, kung ikaw ay totoong leading, hindi ka naninira. Dapat, statesman ka. Bakit ka takot? Bakit sila takot? Bakit sila pikon? Bakit sila nagpa-panik, bakit sila nininerbiyos? Alam nila yung totoong survey.

ONE WEEK BEFORE THE ELECTION ITIGIL PO ANG SURVEY, PABOR PO BA KAYO?

Ito'y isang demokrasya, wala akong ipapahinto, wala akong pinapahinto. Kung gusto nilang magpa-survey ng 24 hours, magpa-survey sila. Kung gusto nilang ipalabas sa headline, ipalabas nila. Sa Mayo 10, ang tagumpay ng pinakamahirap, ang tagumpay ng socio-economic class D&E, ang tagumpay ng mga naghihirap na magsasaka at mangingisda at ang rural na sektor sa kanayunan na matagal nang pinagkaitan ng serbisyo, ng ating pamahalaan ang siyang magtatagumpay. Ang kanilang boses, at yan ay napapaloob sa aming plataporma, sa NP-NPC kaya kasama namin sila Liza, sila Satur, nagbibigay ng aming gratuitous campaign dahil alam nila, alam ng kanilang million followers na kami ni Manny, we will stamp out of rural and urban poverty. We will provide rural livelihoods, we will provide food on the table of every farmer and fisherfolks. It can be done. I'm doing it with my laws. Suriin nyo ang mga batas. Revised agri-agra law. In-oppose yan ng DOF, pinagpilitan ko na 25 porsyento ng ating mga bangko ay dapat magpautang diretso sa sektor na pang-agrikultura. Yung ating senior citizens expanded act, 20 porsyentong buo na ang ating diskwento sa gamot, ayaw ng DOF, ipinagpilitan ko dahil karapat-dapat lamang sa ating senior citizens na buo na at wala ng VAT. Sino ang author ng VAT na kumakandidatong bise presidente? Yung Liberal Party Vice Presidential Candidate. Author ng VAT, author ng nalusaw na cheap meds act, na imbes na 1,500 na gamot, ay 22 lamang na hindi pa binabaan ang presyo, kalahati lang. Ang tiantawg na Lipitor o Norvast, imbes na maging 4 pesos, ngayon, ay 20 plus pesos dahil nalusaw ang batas. Suriin nyo, sino ang maka-mahirap at sino ang nagpapanggap na makamahirap. Sino ang guamgamit ng panlalait sa pangangampnya at sino ang dpat tanggalan ng mascara?

SO , HINDI PO KAYO NANINIWALA SA SURVEY?

Hindi ako naniniwala, hindi ako nagpapatinag, hindi ako nagpapadikta sa nakaraang lumabas na survey, dahil alam natin ang ating totoong tayo sa puso ng taumbayan.

It is public knowledge that theses issues are well-known. It's not a secret. Hindi ko naman sikreto yan dahil nasa records yan ng Senado. Si Cong. Biron ay nag-presscon sa Iloilo na kinober ninyo, dalawang beses. Yan naman ay ilang taon nang nasa record ng Senado. So, apektado ang mga tao dyan, lahat ng mga tao, nagsasabi pa ring mahal pa rin ang mga gamot., e bakit nga ganon? Kaya kung mayroon mang grupo na sumasang-ayon sa ating posisyon diyan ay welcome at nagpapasalamat tayo na binubunyag nila ang katotohanan.

Puwede ninyong suriin lahat ang aking speeches, it's all advocacy-based and based on my bills and my laws. At kung meron mang debate, ang debate ay tungkol sa issue, hindi paninira sa personal na integridad at nagbabansa ng mga maruruming ngalan. We can debate on health, on nature, on environment, on education, maaari yun, walang masama dun, we don't have to agree with each other. It can be a high level of debate to address the problems of poverty. There is nothing wrong with that. Pero ang manlait ng karakter, ng kandidato, at ang black propaganda, para magtago ka sa likod ng black propaganda, sa ilalim ng palda ninuman ay hindi kanais-nais sa isang kandidatong nagtatangkang lider ng bansa.

(querubin's daughter spoke before the press )

Loren : his father is disgusted because her father always wanted reforms not only in the military but in governance in the whole country. Pano tayo magre-reporma sa ating pamahalaan kung ang mga nagtatangkang mamuno ay hindi lang naninira kungdi nagsisinungaling. Hindi ba kapatid ng sinungaling ang magnanakaw? Kaya ang hamon ko, kina Sens. Aquino and Roxas, na mga nagsimulang manira at magsinungaling, ay humingi ng patawad, hindi lang sa NP-NPC, kundi sa kabataan, at sa buong sambayanang Pilipino.

Kaya nga hindi ako naniniwala sa survey, e. sa bawat palengke ng puntahan natin, tayo ay dinudumog, Sa Cagayan man, sa Davao Norte, sa lahat... sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Pati mga close-in ko, yan si Lani, hanggang pati mga close in, kinukurot na, sugat-sugat na... Nung isang araw, dun sa Legaspi, sa sobrang gigil kinagat ako sa leeg. Matanda. Nakita ni Lani. No, what I'm saying is that, yung panggiggil, panghahaplos, pangyayakap, yun ang totoong survey. Kasi sa lahat ng puntahan namin, sabi nila, "E, hindi naman kami sinu-survey, e." So we're inspired with the people's enthusiastic response wherever we go.

Ito po'y hindi isang istratehiya. Ito'y paglalahad ng katotohanan. At hindi political analyst, ito'y bukal sa aking kalooban, bilang isang babae, bilang isang kandidato, bilang isang lider ng ating bansa. Karapat-dapat lamang na himukin natin ang lahat ng kandidato na maging maayos ang kanilang karakter at liderato kung gusto nilang mamuno sa ating bansa. This is not a political strategy. I'm speaking the truth, I'm speaking of political ethics. Kung ano lang ang kaparat-dapat lamang that the Filipno people deserve decency. Tama na ang kasinungalingan, tama na ang paninira, tama na ang pag-iimbento, at tama na ang pulitika ng panlalait. And if they don't heed the call, ang taumbayan ang maghuhusga. Ang kabataan na natin ang nagsalita, the word's disgust. Their style of politics is truly disgusting.

ALYANSANG ARROYO-VILLAR

Sabi ko sayo, sa text nga lang yun, e. Yan nga yung isa sa kasinungalingan na ipinapakalat ng tandem nila. Hindi naman dapat nila ginawa dahil kasinungalingan nga. Para sa isang lider na magpalaganap ng hindi lang paninira, kundi pagsisinungaling, ay masamang repleksyon ng karakter. Kapatid nga ng sinungaling ang magnanakaw. Ako, walang panlalait na ginawa. Ang aking mga ginagawa, climate change, feeding, yan ang aking mga misyon. There's nothing to apologize for.

CHIZ-MAR...

Problema nila yun. I am happy with my running mate Manny Villar, First Lady Cynthia Villar, our very supportive, loving, senatoriables, the five women with me. Iniimbita namin kayong lahat sa South Bulacan at sa Malabon, sa Lingkod Loren at sa ating pagbibigay ng serbisyo bukas. Napakaganda ng samahan. Hindi madali sa kampanya sa init ng panahon at sa stress ng kampanya. Ni minsan, never akong nainis o nairita na nagkaroon ng tension sa kahit na sinong senatorial candidate o maski sa aking Pangulo. Never. Napakagandang samahan. That's a great blessing.

BROWN-OUTS, WALA PA RING SOLUSYON...

Una, may solusyon sa brownouts. Siguro, suriin nating lahat ng IPPs. Ano yung operational na IPPs, na at least for 30 or 60 days, maaaring paandarin kung meron mang kaso sa korte, maaaring i-settle. Let's say, hindi nagbayad ng whatever...kung maliit lang naman ang problema, at legal naman ang solusyon ay tulungan na ng gobyerno na bayaran yung konting - na hindi naman lumalabag sa batas at paandarin para ma-augment yung ating power supply. Whatever is legal and possible, surrin yung IPPs na operational kung nakabimbin at sila naman ay maaring mag-supply ng power para ma-augment yung shortage sa power.

Pangalawa, mabuting maaga pa lang ay alam na natin na mayroong rotating brownouts, para hindi dahilan sa Mayo 10 na, "ay, hindi naming alam magkaka-brownout. So pag handa na ang baterya at mga genset na merong diesel, ha? So, paghandaan.

TUNGKOL SA INYONG ALYANSA...

I have never any doubts, simula nung aming pag-alyansa ni Sen. Manny Villar noong Nobyembre, na magiging pormal na koalisyon ang pagsasanib pwersa ng NPC at ng NP at kung matuloy man dahil sinunod namin ang lahat ng proseso ng Comelec ako ay lubos na magagalak dahil pormal na ngayon at magiging dominant minority party, malaking tulong sa ating mga lokal na kandidato at malaking boost lalo sa aming kandidatura bilang pinakamalaking opposition party.

The formalization of the NPC-NP coalition if and when the Comelec does formalize its announcement or pronouncement of our formal coalition will clearly show that we are the dominant opposition party and that's it. Ang totoong oposisyon.

News Latest News Feed