Press Release
April 23, 2010

Transcript of Interview SP Enrile w/ DXAA Dipolog anchor Bogs Aguador

Radio Station: DXAA DIPOLOG, Zamboanga Del Norte
Anchor: Bogs Aguador
Program: Bulabog

Q: Manong 18 days na lang po at halalan na. Napuntahan ninyo po ba ang halos lahat ng lugar?

JPE: Halos lahat ng probinsya ay napuntahan namin at merong probinsya na 3 beses na kami nakapunta, may dalawa, may isa. Mayroong ilan na hindi namin napuntahan tulad island provinces ng Batanes, Tawi-tawi. Ako hindi ako nakapunta sa kaibigan ko sa Camiguin, Siquijor, sa ibang probinsya kagaya ng Romblon, Masbate. Sa Bohol nakapunta na ako doon, ang daming tao doon.

Q: Kamusta po yung pulso ng ating taong bayan Manong Johnny?

JPE: Alam mo, maski na alas-tres ng hapon eh puno ng tao ang ating rally, hindi kami naghahakot. Kusang dumarating ang mga tao. Pag nag-motorcade kami sa isang bayan, nasa-sarahan yung mga kalsada sa tao na suma-salubong kay Erap. Ang kataka-taka eh hindi lumalabas sa peryodiko.

Q: Siguro po eh hindi kayo nagre-request na ipalabas yon sa peryodiko?

JPE: Nagre-request kami pero mahina po yata kami sa media. Hindi kami lumalabas eh.

Q: Kulang po siguro kayo sa pasipsipan diyan.

JPE: Kulang yata ng pang-gasolina.

Q: Yung paningin, baka masurpresa ang tao sa eleksyon na ito, ang inaasahan nila eh ang survey-survey. Hindi nila alam na may isang kandidato na maski na walang kasama na artista eh dinu-dumog ng tao. Bakit nga po ba wala kayong dalang artista?

JPE: Ako lang ang kumakanta, kumakanta ako ng usahay, yung baleleng at iba pa.

Q: Si Jinggoy lang po ang artista na dala ninyo?

JPE: Oo, si Jinggoy lang at saka si Erap. Yun lang ang aming artista.

Q: Daming papel na ginagampanan mo. Dito sa Dipolog kitang-kita.

JPE: Kami na lang ang nage-entertain. Nagpunta kami sa Bicol, halos di kami maka-baba sa helicopter sa dami ng tao. Nagpunta kami sa Camarines Sur ganun din, sa Camarines Norte ganun din, sa Samar ganun din. Makapal ang tao.

Q: Kahit walang artista?

JPE: Oo, pumupunta sila, nakikinig sila sa mga isyu.

Q: Sa tingin ninyo po, may nakita kayong liwanag para po manalo?

JPE: Malaki. Ako sa paningin ko si Erap ay lyamado.

Q: Pero kulelat po siya sa survey?

JPE: Oo kulelat sa survey, pero sa puso ng tao lyamado.

Q: Kulelat ang katunggali sa puso ng masa.

JPE: Sa puso ng masa Erap pa rin.

Q: Tama po yung sinasabi ninyo diyan.

JPE: Ewan ko lang sa Zamboanga del Norte, pero nagpunta kami diyan eh ganun din eh.

Q: Mainit ang pag-tanggap sa inyo.

JPE: Oo.

Q: Hindi po ba kayo kina-kabahan na kahit na po matunog ang pangalan ninyo, baka kayo ay matalo?

JPE: Ako naman eh I am ready to win. I am ready to lose. Kaya ako hindi nagkaka-roon ng ano sa buhay eh, sapagka't ganyan nag buhay, nasa Diyos yan kung gusto nya na pumunta ka roon, kung ayaw nya gagawa siya ng paraan para hindi ka makapunta doon.

Q: Sa palagay ninyo po, ano po yung pwede ninyo ipanalo sa ibang kandidato?

JPE: Experience and good reputation, integrity, credibility at yung image na ikaw ay nagta-trabaho para sa bayan.

Q: Yung walang bahid po ng kurapsyon.

JPE: Awa ng Diyos, ako ay hindi gumagawa ng kalokohan.

Q: Hindi po nasasangkot sa tulad ng C-5 extension?

JPE: C-5, ayaw kong maging senator C-5 eh.

Q: Parang nagka-sarapan po yung pag-uusap natin ngayon.

JPE: Baka mamaya maging President C-5 din ako ng Senado.

Q: Sinasabi po nila na baka maging subdivision ang buong Pilipinas.

JPE: Baka yun ang mangyari.

Q: Kamusta po yung batas ninyo na ipina-patupad yung disappearing load?

JPE: Ah ginagawa ko yun, di ko yun pinaba-bayaan. Q: Ah hindi naman po kayo nabiktima diyan?

JPE: Natigil na yung disappearing load ko. Yung expiration date ng load ay humaba na. Yung disappearing load medyo natigil na pero meron pa rin na konting nakakalusot. Yung pagpapa-baba ng presyo ng texting at pagpapa-baba ng voice call, yan ang ginagawa ko ngayon at sigurado na mangyayari yan, bababa yan. Yung power reduction bill ko, sapagka't yan ang aking advocacy: power reduction, cellphone protection at saka yung protection ng consumer, yung anti-trust law, isusulong ko lahat yan. Yung batas ko naman na nakapending sa House eh siguro ngayon ay hindi masyadong mataas ang presyo ng kuryente ngayon. Ganun talaga ang buhay, eh mag-isa lang ako, di ko hawak ang Kongreso.

Q: Ngayon po, dito sa amin sa Zamboanga eh napaka-taas po ng presyo ng kuryente. Paano po ba itong EPIRA law?

JPE: I'm the only one who voted against it sa Senado, dahil alam ko mabigat yan sa bulsa ng tao ngayong nangyari nga, pero yung amendment ko, ayun, natutulog sa Kongreso.

Q: Walang kumakampi?

JPE: Eh yung nagsabi sa akin na kakampi, bandang huli eh bumuwelta sila, ewan ko kung bakit.

Q: Yung rotating brownout po sa amin, ang pagkaka-alam po ng mga tao dito sa amin ay bababa ang kanilang bill pero tumaas pa po?

JPE: Oo, wala talaga tayong magagawa diyan. Diyos na yan. Walang ulan, walang agos ang river, walang tubig ang mga hydro electric power systems. Kaya kulang ang supply ng elektrisidad. Ang ginagamit nating planta ngayon ay yung mga planta na nag-iimport ng fuel. So mataas ang presyo ng kuryente natin. Pero temporary lang yan. Babalik din yan. Kaya tina-tanggal ko yung VAT sa distribution, 12% yan. Naka-pending din sa House.

Q: Ngayon po parang sobra pa po yata sa 12% yung VAT?

JPE: Ngayon mataas yung per kilowatt hour generation cost. Dahil nga ang ginagamit natin to produce electricity ay krudo na galing sa abroad, coal galing din sa abroad.

Q: Wala po bang balak ang gobyerno para po i-subsidize itong power generation? Bibili ng mga power barges?

JPE: Dapat diyan ay nuclear power plant mas cheaper, mas stable.

Q: Sabi po nila bawal po yun?

JPE: Bakit yung mga Hapon, Malaysian, China, Amerika, Europe may mga nuclear plant, wala pang namamatay sa kanila.

Q: Nagta-taka po ang taong bayan kung bakit po ang nuclear power ay ipinagba-bawal sa atin, sa iba po hindi naman?

JPE: Dapat tanungin natin si Cory, eh yumao na eh, siya ang author niyan. Siya ang gumawa na ipinag-babawal ang nuclear eh.

Q: Hanggang ngayon po eh nagsa-suffer pa ang taong bayan.

JPE: Tama yon, kung hindi sinara yung nuclear power plant, 600 megawatts yon eh. Eh di sana hindi masyadong nagkaka-roon ng brownout kung nandyan yung nuclear plant.

Q: Kahit po walang nuclear plant Manong, basta po pagsikapan na lang ninyo na maisabatas yung EPIRA law. JPE: Yun na nga yung ginagawa natin, pinag-hirapan ko eh hindi ipa-pasa ng House.

Q: Siguro po eh nag-aantay ng padulas?

JPE: Kasama, meron siguro silang kliyente.

Q: So hindi ninyo po yan pababayaan sakaling maluklok po kayong muli?

JPE: Ah hindi ko yan pababayaan, lalabanan ko yan. Wala na akong ginawa kundi isulong yan. Minsan papabor sila, minsan hindi.

Q: Kung sakali po na mag-bago ang ating Presidente, sa hanay po ng inyong partido, kaya ninyo na na totohanin itong EPIRA?

JPE: Sigurado, magagarantisahan ko yan.

Q: Paano po kung sabihin ng iba na Manong, huwag na yan, lugi tayo diyan?

JPE: Siguro susubukan ko. Alam mo naman na sa Kongreso, kung isa ka lang, yun lang ang boses mo. Maraming member dun eh.

Q: Parang kailangan kapag may pera ka gamitin mo? Duon po sa vote buying?

JPE: Yung mga bibili ng boto dapat parusahan. Bunga niyan kahirapan, yung mga bumubili ng boto, dapat ay ma-disqualify.

Q: Sa inyo pong palagay, sang- ayon po ba kayo sa vote buying?

JPE: Ako eh hindi bumibili ng boto.

Q: Yung Comelec po. Bakit hanggang ngayon po ay wala pang nahuhuli sa vote buying?

JPE: Eh talagang mahirap sugpuin yan. Kasamayan. Kung minsan nagbubulagbulagan sila, minsan parang negosyo.

Q: Pwede naman po sila gumamit ng military para sugpuin yang vote buying?

JPE: Ang problema diyan ginagawa yan sa labas ng presinto, hindi sa loob. At matagal pa ang election eh babayaran na.

Q: Kung talaga pong seryoso ang Comelec, siguro po walang posibilidad na hindi mahuhuli yan?

JPE: Pwede siguro kung ang pag-iisip nila ay tulad ng pa-iisip ni Enrile at Bogs.

Q: Matagal pa po siguro yon, kadalasan yun po talaga ang strategy nila, yung vote buying. Wala na po kayang dayaan ngayon?

JPE: Dapat talaga yung gumagastos ng malalaking halaga at lumalampas na ay i-disqualify para matauhan ang mga iyan. Ngayon siguro less daya na lang tayo.

Q: Kay Norberto Gonzales po na nakipag-usap daw po kay Bangit, ito po ay pinangangambahan ng taong bayan na baka raw po magkaroon tayo ng failure of election ng sa gayon eh mayron tayong military junta?

JPE: Wala, alam mo hindi totoo yan, panay porma lang yan. Alam mo kapag gusto mo gumawa ng ganyan, dapat walang nakakaalam.

Q: Yung pulso po ng taong bayan eh baka daw po extension ng panunungkulan yan ni PGMA.

JPE: Meron na akong isinulat na mga procedure diyan para hindi mangyayari yun, walang Presidente ang magkakaroon ng rule of succession. Hindi dapat matakot ang tao diyan. Gusto ko Happy kayo eh.

Q: Yung mga foreign, meron po sa Canada, ayaw papuntahin dito sa Mindanao dahil mapanganib daw po. Wala po bang hakbang na ginagawa ang gobyerno dito?

JPE: Dapat yan ang pinagtu-tuunan ng foreign affairs eh. Dapat i-explain nila na ang Mindanao ay malaking isla, hindi buong Mindanao ay portion ng Mindanao. Hindi trabaho yan ng palasyo, dapat ang Foreign Affairs ang nagta-trabaho diyan. Gumalaw sila, yung mga consular offices natin, i-explain nila sa Canada na hidi totoo yan. Siguro naroon lang sila sa kanilang kuwarto kasi malamig doon. Marami naman ang hindi naniniwala diyan.

Q: Kami po rito hindi naniniwala sa advisory ng Canada.

JPE: Tahimik naman diyan, ang magulo lang sa Maguindanao, Sulu at yung iba pero hindi lahat. At ako, pwede pumunta kahit saang lugar sa Pilipinas.

Q: Yung aming hospital po dito sa amin, sa palagay ninyo po ba tama bang ideklara na yung aming hospital ay gawing negosyo?

JPE: Ang hospital ay isang public service yan, ba't gagawing negosyo? Health service yan eh, supported yan by public money.

Q: Ngayon lang po ito nangyayari, yung ambulansya may pamasahe at pang-gasolina.

JPE: Dapat di yan mangyayari, paano kung walang pambayad eh 'di mamatay na lang yan, buwis ng tao ang nagpapa-andar diyan eh.

Q: So Manong Johnny, tulungan mo na lang kami.

JPE: Sulatan ninyo ako. Pangako ko sa inyo tutulungan ko kayo. Gusto ko kasi happy kayo.

Q: Hindi po kaya kayo mag-iiba kung sakali?

JPE: Bogs, try me.

Message: Wag ninyo kalimutan si Manong Johnny, number 15 sa balota ng Comelec. Ibalik sa senado ang Manong Johnny ninyo para happy kayo, at tutulungan kayo.

News Latest News Feed