Press Release
April 23, 2010

Transcript of Sen. Manny Villar's Press Conference
NP Headquarters, Mandaluyong City

PSE ISSUE

Villar (V): kahapon sinabi ko na puro kasinungalingan ito kaya ayoko na sanang detalye sagutin pero nagulat na naman ako, headline na naman at naisip na dapat sagutin. Ilagay natin sa tamang perspective, ano ba itong PSE, ano bang isyu na ito? Nililiwanag ko lang dito na walang nilalabag na batas ang Vista Land. Walang binabagong rules and PSE. Ang PSE ay binubuo ng mga ginagalang na mga tao at wala naman silang binagong batas.

Wala silang binagong rules para sa Vista Land. Kasi in-imply dun sa akusasyon na may binago raw para sa Vista Land, wala. Pangalawa, pribado itong PSE, eto naman ang pinagtataka ko kung bakit naman pinalalaki ang isang transaksiyon na pribadong kumpanya naman. PSE is a private concern, at sila gumagawa sila ng internal rules, hindi ito batas, gumagawa lang sila ng rules. Ngayon kami at ang PSE ay para kumita ng malaki income nila kailangan silang kumuha ng maraming kumpanya na magli-list.

Yung mag-iIPO o public offering, talagang trabaho nila iyan mag-encourage ng mas marami, mas marami mas maganda sa isang bayan na nagdedevelop ang kumuha ng mas maraming magli-list. Sapagkat pag nagkaroon ng maraming mapa-public offering ay maganda sa bayan iyan, that means maraming mangyari sa ating ekonomiya.

Walang kinalaman ang SEC dito, pag ikaw ay magli-list, iba (inaudible), hindi ko malaman kung bakit humahalo ang SEC, di sila kasali dito. PSE lamang ito at ang PSE iniskedyul lamang iyan kung kailan ang listing niyan at meron mga konting rules na kanilang gawin para sa mga miyembro nila. Mabuti na lamang at naglabas na ng statement ang PSE na nililiwanag na wala eto pakita ko official statement "that Vista Land had complied with the listing in public offering requirements of the Exchange based on its records on 2007."

Ang public offering ay isang bagay na ginagawa ng isang entrepreneur na parang graduation niya iyan, iyan ay pagkilala sa kanyang pinaghirapan. Pagka malaki na ang kumpanya niya, siya'y magpa-public offering na para ng sa ganoon ay mavaluehan iyon at di niya alam kung magkano ba-valuehan ang kumpanya niya. Parang graduation niya iyan. Kaya ngayon dito sa Vista Land, nag-listing siya. Ibinenta yung mga stocks sa mga foreign funds at ako nalulungkot na sa akin ginagalang ko si Pangulong Erap, hanggang ngayon naman ginagalang ko si Pangulong Erap, at ang aking lang masasabi eh baka nakuryente si Pangulong Erap dahil sa mayroon pa siyang nasasabing (inaudible). Para sa impormasyon natin lahat, ang mga buyers po ng share ng VLL ay mga foreign funds puro mga dayuhan.

Q: ilang percent?

V: hindi 100 % kasi offer sa kanila pagkatapos kung may gusto na local broker sila ang bibili ng 30% o mga more or less ganun. Kaya halos lahat ay foreign funds ang bumili yung hindi nila nabili. Walang OFW, at saka malalaking bloke ito, siguro ito mga puro millions of dollars ang bawat isa, $P5M, $P10M, hindi ito yung maliliit na tingi at may listahan iyan.

Kaya ako nalulungkot na pati mga OFW nasali dito, wala akong nalalaman. Walang nawawala sa gobyerno maski piso, nililiwanag ko yan, walang nawawala sa gobyerno maski piso, This is a private transaction sa mga funders, investors at ng kumpanya. Ang gobyerno natin ay kumita pa dahil nagbayad kami ng tax, I think more or less mga P120-m ang binayad ng kumpanya.

So, nakinabang ang bayan, nakinabang ang bayan dito kumita, nakinabang ang PSE dahil malaki rin ang fee sa PSE. So dito, makikita natin na dito ay wala naman masamang nangyari, walang irregularity, walang na-violate na batas at itong bagay na ito nalulungkot ako kasi aking mga kalaban naman, yun naman aking magagandang ginagawa at maipagmamalaki ko sana ay pilit na sinisira, kasi ang IPO, public offering ay isa sanang maipagmamalaki ko yan.

Ang isang entrepreneur pag nag-public offering na, nagmamalaki na iyan, parang graduation na iyan. Ako naman nagmamalaki dito, pinagmamalaki ko dito na bilang pagkakilala ng aking sipag at tiyaga at hirap.

Kaya nalulungkot ako na parang pipilipitin na naman na parang masama, hindi masama public offering, gusto nga natin mas maraming kumpanya ang mag-public offering mas maganda. Kaya uulitin ko, ang gobyerno ang nakinabang dito, ang PSE kumita rito, ang mga buyer naman dito ay mga foreign funds ng mga OFW, nililiwanag ko lamang. Walang na-violate na batas wala namang binagong rules ang PSE, para sa Vista Land, yung kaisa-isang request ng VLL, hindi pa nga binigay hindi grinant, hindi na na-grant.

Tinanggap naman maluwag ng Vista Land, na-reject naman ang kanilang request. So bakit lumaki ito, hindi ko maintindihan, kasi ako naman nakikita ko tuwing dadalhin ko yung isyu sa tunay na tanong na "sino ang may kakayahang maging pangulo ng Pilipinas" ay naglalabas sila ng ganito para maubos yung oras mo kasasagot.

Alam naman natin na ito'y panggulo lamang kasi ito naman ay pwedeng sagutin ng chief executive officer ng VLL o ng abogado, wala naman masamang nangyari, pero pilit nilang dinadawit ang pangalan ko para ako naman sagot ng sagot.

Pag hindi naman ako sumagot, madyadiyaryo na naman ako, mahe-headline na naman, and yet malapit ng matapos ang halalan eh nauubos ang oras mo kasasagot nito, yung isyu na kung sino o ano ba ang track record ng mga kandidato, kung sino dapat na iboto, hindi na mapag-usapan. Pero anyway, kasi medyo naapektuhan ako nung sinasabi, alam niyo naman mahal na mahal ko ang OFW na pati sila naapektuhan, hindi po. Ako hindi ko malaman kung nabigyan lamang ng maling impormasyon, subalit ito ay foreign funds ang bumibili ito, walang ibinebentang rito sa OFW or walang tingi.

Q: pinalilitaw ata nila parang pumunta ka sa PSE board para brasuhin.

V: teka muna, uulitin ko na PSE is a private company kasi ang pribadong kumpanya, anong problema mo, bakit masama iyun. Pribado iyan eh hindi naman government agency. Pangalawa, hindi naman totoo babrasuhin mo, ang pinaka-pruweba niyan para sa ano? Hindi na ni-reject naman nila. Kung ni-reject nila, papaano naman nabraso iyun, ang nabraso, pinuwersa mo sila gawin eh ni-reject naman. At hindi nga namilit, nangangahulugan wala kang binabraso. Sa tagalog yung brinaso mo, pinilit mo. Hindi nga pinilit, ni-reject nga.

Q: totoo po nakipag-deal kayo with Board member Francis Lim, Annabelle

V: normal naman yan. Uulitin ko PSE is a private company yan. Normal yan, pagka-listed ang kumpanya mo, panay mo sila kausap. Ang Camella is listed. Kaya madalas ka diyan sa PSE. At pinapag-usapan niyo iyan hindi iyan iimpluwensiyahan mong government agency because it is not a government agency.

Q: sir, would you remember kailan niyo po sila

V: wait a minute, pribado nga eh kasi parang ini-imply mo na parang pribadong kumpanya, hindi mo iniisip private transaction and you do not have to justify if its (inaudible). Pangalawa, hindi ko sila pinipilit, nagkukwentuhan lamang kami. Pero ito nililiwanag ko lang, bakit parang pinapalabas na ang PSE is a government agency, it is not.

Q: question is the propriety since you were senate president at that time, you were representing your own private business.

V: hindi naman, kasi pinag-uusapan lang namin kung ano na ang balita sa mga stocks doon, hindi naman ako parang namilit, hindi naman. Sinasabi ko lang ang mga bagay na ganyan normal naman iyan pag pumunta kayo sa PSE at wala naman akong nakikitang masama doon, hindi ko naman sila pinilit. Tinanong mo kung ano balita, ah ganun ba, eh disapprove, okay.

Q: sir, isa pa po doon

V: nililiwanag ko lang baka akala niyo iniba nila. Hindi nila iniba, ayaw nila, kasi pag namilit parang binago mo.

Q: pumunta kayo noong Friday

V: ako madalas doon, kasi tumitingin ka rin sa stock exchange, pagka-listed ang mga kumpanya mo paminsan-minsan tumitingin ka rin ng mga nangyayari doon.

Q: hindi po ba kayo pumunta roon para sa kumpanya niyo, kasi as a public official nag-divest kayo

V: ay no mali na naman. Mali na naman. Ang senador hindi kailangang mag-divest.

Ang Rules on Divestment ay magka-iba sa mga executive officers at saka legislative officers. Those in the executive department, kailangan nilang mag-complete divestment, for those in legislature, only disclosure. At lahat ng interest ni Senador Villar sa mga kumpanya ay fully disclosed sa kanyang SALN.

Q: so mali si erap kasi parang sinasabi ni erap hindi siya nag-divest may kasalanan na siya doon.

V: mali po iyun. Maling-mali. (They were not required to divest). Hindi, kaya nililiwanag ko lang na hindi naman kami required to divest. Ang pangulo ay required to divest. If you are part of the executive, kaya ako'y nalulungkot na nabigyan na naman ng wrong information ang Pangulong Erap bagamat patuloy ang aking paggalang sa kanya at dalawa na iyan, sa OFW hindi po totoo yun, pangalawa, hindi nag-divest, mali na naman po iyun, Pangatlo, na naimpluwensiyahan ko ang pagpalit ng rules. Alam niyo pag private company, iba yan. Malaki diperensiya pag government agency o private.

Q: may plano ba mag-file ng case against erap or enrile?

V: alam natin lahat na ito'y pulitika lamang, alam natin lahat na ang timing nito ay suspect, alam natin lahat na two weeks before election lalabas yang ganito. alam natin lahat na this is not the proper forum, alam natin lahat na misinformed nga sila, dahil sa ito yung mga binanggit mga information kanina.

Nalulungkot lang ako na parang tinitwist pa parang ang tao ay naloko, ang gobyerno naloko. Hindi naman, kumita pa ang gobyerno, nakinabang ang gobyerno dito, nakinabang ang PSE. At ito ay isang bagay na dapat encourage natin na ang mga kumpanya ay mag-list. Pag mas marami magli-list, mas marami mare-raise na capital.

Q: hindi niyo raw po ni-reflect sa inyong SALN?

V: third point, mali na naman. Ang nasa SALN ay ang aking shares sa holding company. Ang proceeds po niyan ay pumunta doon sa kumpanya holding company. Hindi iyon mag-aapear sa aking SALN, ang mag-aapear sa aking SALN yung aking shares sa holding company. So in effect nandun din iyun, kaya lang yung shares mo sa holding company na pinaglagyan nung cash.

Kaya, nakikita niyo ang talagang pinagtatahi-tahi, para magkaroon ng masamang picture o masamang hitsura itong bagay na normal na normal naman wala naman iligal, at alam naman lahat na mga dati kung papano ginagawa ito. Tatlong punto na iyan, OFW, wala iyan. Pangalawa, kumita ang gobyerno, kumita PSE, pangatlo pribado, pang-apat, iyun na naman, iyung hindi naka-declare sa SALN.

Naka-declare iyan through the holding company at tapos yung divestment, mali na naman iyun. Malii ang kanilang basa ng rules. Pero ako naman ay hindi nakikipag-away ang sinasabi ko lamang dito, two weeks to go, mas maganda sana maibalik natin ang isyu kung sino karapat-dapat na magiging pangulo at huwag namang mag-iimbento tayo na istorya at sana naman mga kaibigan natin sa media ay tingnan naman ang kabilang side. Hindi naman, nawawala sa istorya kasi yung pribadong kumpanya ang PSE, mahalaga iyun eh. It is very material that it is a private company.

Q: sir, may plano ba kayo magfile ng kaso?

V: alam mo naman kasi pulitika lang ito, kaya hindi na. Pero gayunpaman, ang Vista Land siyempre, alam niyo angVista Land nahihiya lang sa akin yan. Subalit masyado na silang naagrabyado, na-eexpose sila dito sa pulitika na hindi naman nila kasalanan.

Ang Vista Land maraming stockholders ito, libo-libo, hindi lang kami. May mga dayuhan pang investor iyan at bakit kami nahahalo diyan, yung aming holding company, stockholder lamang diyan, malaki stockholder, yes, pero marami pang stockholder yan, kaya sila ang kawawa, na-eexpose sila rito at siyempre kung sila ang tatanungin mo, gusto nila magdemanda. Kaya nga lamang ay sabi naming ay pulitika lamang naman iyan, hayaan niyo na lamang.

Q: is it true you earned P26-billion.

V: I did not earn, it was the proceeds of the sale. Hindi ko alam ang eksaktong amount, P20 plus. Yun ang total proceeds, ipinagbili kasi yung kumpanya actually parang nag issue ng shares ang kumpanya binenta yun ang napagbilan, malaking portion nun pumunta sa kunpanya din andun pa yon.

Q: so sir hindi nawala yung respeto niyo kay erap with all these false accusations, according to you?

V: meron lamang naman nagpapa-andar sa kanya ng maling impormasyon. At hindi naman nawawala ang paggalang ko sa kanya.

Q: do you think will affect if it will continue itong mga issues na ito, will affect your chances?

V: hindi ko alam. Ako lang nalulungkot sobrang dumi naman, sinasabi ko nga, ayaw na nila ako talagang tigilan. Dalawang taon na namang walang tigil ito, lahat naman napapatunayan ko mali, kaya lang, pag napatunayan kong mali, nakalimutan na rin ng tao. Nasira na ang pangalan ko.

Lahat ng binato sa akin, every single one of them, nasagot ko naman, naipaliwanag ko naman, hinamon ko naman sila, magdemanda sila kung meron silang nakikitang mali, wala naman nangyari and yet nagkakaroon ako ng hindi magandang image parang marami akong ginagawang hindi tama pero kagaya nitong Vista Land, parating nadadamay. Parati naman in order iyan, very careful sila, it's a public listed company. They're very careful, tumutupad sila sa lahat ng requirements, sumusunod sila sa lahat ng rules, kaya lang nadadamay sila sa pulitika. Nakakaawa din mga stockholders.

Q:

V: again, ang SEC walang kinalaman dito. Ang proseso ng pag-iisyu ng shares ay nasa PSE.

Q; but they will investigate daw sir according to the report.

V; they should, hinahamon ko nga sila, mag-imbestiga na lang sila. At sinasabi ko nga dapat naman, ako ayoko magsabi ng mga nakakaraan scams dahil hahaba pa ito. Subalit nililiwanag ko na ang Vista land ay isang kumpanya na iginagalang naman, napakaraming nakikinabang diyan at iyan ay kumikita ng maayos at nagugustuhan naman ng mga kumpanya, hinahamon ko sila, kung sino man na may inaakala na mali rito, dalhin niyo po sa tamang forum. Hindi sa media, dalhin niyo sa tamang forum at doon kayo sasagutin ng Vista Land.

Q: yung sinasabi niyong nakaraang scam, are you referring to BW?

V: well, familiar naman kayo sa mga scam na iyan hindi na ako mag-eelaborate diyan, ako po naman ay talagang itinataas ko level ng ating kampanya.

Q:

V: mali po naman. Hindi para sa OFW. Ang presyo ay ginagawa iyan nung issuing company. Meron iyan underwriter, sila ang magbebenta, sila nagde-determine ng presyo base sa demand ng mga buyers. UBS, Union Bank of Switzerland. Hindi dikta iyan. Ganito ang proseso niyan, di may buyers, group bidding ang tawag iyan, ngayon base sa bidding nila, makaka-raise ng isang presyo. Hindi kami nagde-determine niyan, hindi ang seller kung magkano lang ang mabili. So pag sinabi ng buyer, ang ginawa ng buyer, ang gusto ng mga market mo, ng mga buyer mo, 650 ka, 650 na. Maski sabihin mo gusto mo 10 pesos, hindi ho, gusto ng buyer.

Q: sir totoong bumagsak ng ganoong kababa?

V: lahat naman bumagsak. Actually 2007, there was an international crisis after that. Lahat ng shares buong mundo, bumaba.

Q: yung kay pastor quiboloy, are you attending his birthday on Sunday?

V: Maaaring umatend ako kaibigan ko naman si pastor quiboloy bagamat mayroon kaming event sa Zambales, baka pumunta ako kasi isa ko namang kaibigan iyan.

Q; how important is the endorsement by religious leaders?

Q: makati business club survey

V: talaga naman noon pa yan, talaga alam ko naman ang MBC ay talagang kay noynoy, sinabi ko naman noon na talagang ang mga mayayaman ay kay noynoy, talagang mahihirap lamang ang mas marami boboto sa akin.

Q: expected na?

V: ganyan na yan dati, not surpised, alam ko naman sa MBC ay may mga interest diyan na malalaki din at gusto nila mas madali kontrolin ang pangulo.

HEALTH PROGRAM

Q: ano health program mo pag nanalo.

V: mahaba ang aking programa sa health, unang-una punuin natin ng mga kagamitan ang lahat ng mga public hospitals, kasi ngayon marami namamatay, hindi man lamang makakuha ng atensiyon. Kailangan kasi nila magbayad, walang pera. Lalong-lalo na yun may kanser, dapat pagka ganyan ang sakit mo wala ka nang babayaran kahit piso.

Dapat ang mga government hospitals natin may kapasidad para maggamot ng mga malulubhang sakit. Yan ang unang-una kung gagawin kapag (inaudible), unang study, hospital building program para may PGH sa Mindanao, Visayas, sa Northern Luzon sa Bicol para nang sa ganun mailapit natin iyung serbisyo sa ating mga kababayan.

Now, yan ba eh mahirap magawa, hindi naman, Hindi ako naniniwalang hindi kaya iyan. Itatayo mo lang ang mga hospital sa government properties para mas matipid at sa budget naman puwedeng isama yung mga kagamitan, yun kakailanganin para makumpleto mo at ilalabas mo sa salary standardization. Well actually sa kongreso iyan. So sponsor ang panukala para mailabas ang salary standardization law para sa mga duktor at nurses para sa ganun mayroon mag-ooperate ng mga makina pagka na-implement na ang program.

Q: obama style universal health ptogram?

V: yes, ang sa akin yan ganun. Ang gagawin ko talaga ay health ang aking bibigyan ng pinakamataas na prayoridad, bukod diyan sa malubha iyan, pero in fact hindi ako masyadong pang kumbinsido rito sa ating Philhealth dahil malaki pa rin binabayad nung mga tao, ang gusto yung halos wala ng ibabayad.

Q: health ang highest, education hindi?

V: kasi kaya ko inuuna ang life and death, inuuna ko muna yung mamamatay ka kasi, mahalaga ang pag-aaral pero mamamatay, mabuhay ka muna, kaya yun muna life and death ang ating pinapag-aralan.

Q: sir clarification sa investors, more on foreign investors, how many percent?

V: yes, ang 15% kasi gusto ng mga local brokers na bigyan din sila ng allocation nasa sa kanila nila. If I were not mistaken, mga 30% ang kinukuha nila. Ang gusto lang nila yung kaya nilang ibenta. Pero sa kanila yan pupunta, nasa sa kanila iyan. Sa isyu na yan, under the law, hanggang 40% ang foreigner ng total kaya ito ay 85% of the issue. Ang issue ay karagdagang shares.

Q: bukod erap,

V: hindi ako magko-comment sa motive ni pangulong erap dito, iiwanan ko na lamang sa mga reader kung ano ang kanyang motibo dito sa ginawa niyang ito, pero mali naman. Maling-mali naman. Ok naman hindi kami nag-aaway, ewan ko lang, ako kasi hindi naman ako nakikipag-away.

News Latest News Feed