Press Release
May 4, 2010

Transcript of Harapan: Mga isyu ng Bayan Senatorial Debates

Issue of Poverty: Sen. Pia S. Cayetano vs. Rep. Teofisto TG Guingona III
Round 2: Supporters ask the senatorial candidates
Hosted by Ted Failon, ABS-CBN Channel 2
La Consolacion College, Manila May 2, 2010

Ted Failon (TF): Ang supporter po ni Bb. Cayetano na si Krista Mendoza ang magtatanong kay Cong. Guingona...

Krista Mendoza (Sen. Cayetano's supporter): Good evening Sir. Kilala po at mahusay po ang track record ng inyong pamilya sa serbisyo publiko. Hindi naman po subok ang pagpapatakbo ng gobyerno ni Sen. Noynoy Aquino pero full support pa rin po kayo sa kanya. Dahil po ba ito sa record niya sa Kongreso? Nakasama nyo na rin po siya ng ilang taon. Pakibanggit po ang ilang mahahalagang batas na naipasa ni Sen. Noynoy Aquino ukol sa isyu ng kahirapan na inyong hinangaan?

TG Guingona: Alam nyo po kasama ko lang si Noynoy 3 years sa Kongreso sa 13th Congress at noong maikling panahon na iyon nakita ko si Noynoy kasama ko lumaban para sa katotohanan at katarungan, lumaban laban sa impeachment para sa public accountability. At nakita ko doon si Noynoy Aquino na-testing na yung mettle. Kung kinakailnagan magsalilta nagsalita ka ba? Nagsalita si Noynoy. Kung kelangan tumindig, tumindig ka ba? Tumindig ni Noynoy. Kung kailanagan manindigan nanindigan ka ba? Nanindigan si Noynoy Aquino.

TF: Thank you sir. Madam Senator kayo po ay may pagkakataon to ask a follow up question or to rebut if you wish...

PSC: Sige po mag-follow up tayo. Kilala natin si Noynoy, at napakabuti niyang tao, alam natin po iyan. Siguro ang katanungan ng mga estudyante at kabataan sa laranagan po ng pagiging isang legislatura, ano ho yung mga batas? Alam natin palaban siya sa kurapsyon, pero yung mga batas po, me alam ho tayo na batas?

TG Guingona: Salamat po, pero sa larangan ng batas marami ho siyang batas na sa tingin ko naipasa niya at hindi lang nailalatag lahat pero ang pinakaimportante sa lahat ay yung character ng tao. Pag sinabi niyang hindi siya magnanakaw, talaga bang hindi siya magnanakaw? Si Noynoy Aquino kasama ko po mula ng bata kami, we have a shared experience at lumaban sa oppression and abuse of power, so ganun po si Noynoy Aquino.

TF: At ngayon naman ang supporter ni Cong. Guingona na si Kai Pastores ang magtatanong kay Senadora Pia Cayetano...

Kai Pastores (Rep. Guingona's supporter): Magandang gabi po Senator Pia. Ang sinabi ninyo po sa Nacionalista Party kung saan kayo po ay kabilang ay tatapusin nyo po ang kahirapan. Gusto ko lang po malaman kung paano po ninyo ito planong gawin sa gitna ng napakaraming alegasyon ng korapsyon laban sa inyong kandidato para sa pagkapangulo na may ilang taon na ring hindi nabibigyan ng sapat na paliwanag?

TF: Ma'am Pia you have one minute to reply...

PSC: Thank you Kai. Ako po, makikita ninyo ang track record ko sa Senate, marami tayong ginawa para siguraduhin na hindi maaabuso ng Pangulo ang kanyang kapangyarihan. Ang gagawin ko, kahit pa man din presidente ko ang nakaupo diyan tatanggalin natin, ire-repeal natin ang power to impound. Ito yung kapangyarihan na hindi ilabas ang pondo para sa mga proyektong inaprubahan ng Kongreso at ginagamit sa iba. At ang isa pa nating gagawin, yung mga invisible funds, sisiguraduhin natin na accountable ang Malacanang dahil sa ngayon ang motor vehicles funds natin, almost 60 billion pesos hindi accountable ang administration. Kahit pangulo ko po ang nakaupo, sisiguraduhin natin na accountable siya. At makikita nyo na you can count on me on this, because kahit noong nasa majority po ako, umiba ang aking boto sa VAT, at lahat ng kasamahan ko halos, bumoto po sa JPEPA, umiba po ako. Dun po ako pumapanig sa tama lang, at sisiguraduhin po natin na we will be a fiscalizer to ensure na wala hong graft and corruption to do our best to eradicate this problem.

TF: Thank you ma'am. At ngayon naman Cong. Guingona you can make a follow up question if you wish.

TG Guingona: Pero Madam Senador, ang question ng kasama natin was directed to you presidential candidate na maraming alegasyon ng korapsyon at ang sinagot mo yung mga gagawin mo. Hindi po iyan ang sagot. Ang tanong po, paano mo ire-reconcile ang kadami-daming alegasyon ng korapsyon po at paano masusugpo ang korapsyon kung walang pong closure ang mga isyus ng mga Pangulo?

TF: Ma'am 30 seconds to respond please

PSC: Syempre po sasagot ho ako sa kakayahan ko. Hindi po ako pwedeng managot ng ibang tao. Pero ang pagkakakilala ko po kay Sen Villar sa siyam na taon niya sa Kongreso at sa maghahalos anim na taon niya sa Senado, lumabas lang ho ang mga alegasyon na iyan bago siya tumakbo at nagta-top po siya sa survey. At pati ho ang committee report of the whole nagsasabing may katiwalian, nakalagay po doon there is no direct evidence linking Senator Villar. Kaya eto po ay pamumulitika na ginamit po laban sa kandidatura niya sa pagka-Presidente po. #

Results of Wireless Audience Response System (WARS) voting Cayetano vs Guingona

Round 1
Cayetano
Naniniwala - 86.2%
Hindi Naniniwala - 13.8%

Guingona
Naniniwala - 39.3%
Hindi Naniniwala - 60.7%

Round 2
Cayetano Naniniwala- 84.7%
Hindi Naniniwala - 15.3%

Guingona
Naniniwala - 43.2%
Hindi Naniniwala - 56.8%

Ople vs Bautista

Round 1
Ople
Naniniwala - 55.1%
Hindi Naniniwala - 44.9%

Bautista
Naniniwala - 66.5%
Hindi Naniniwala - 33.5%

Round 2
Ople
Naniniwala - 76.5%
Hindi Naniniwala - 23.5%

Bautista
Naniniwala - 88.2%
Hindi Naniniwala - 11.8%

Mitra vs De Venecia

Round 1
Mitra
Naniniwala - 25.2%
Hindi Naniniwala - 74.8%

De Venecia
Naniniwala - 68%
Hindi Naniniwala - 32%

Round 2
Mitra Naniniwala - 36.4%
Hindi Naniniwala - 63.6%

De Venecia
Naniniwala - 53%
Hindi Naniniwala - 47%

Valdehuesa vs Pimentel

Round 1
Pimentel
Naniniwala - 79.5%
Hindi Naniniwala - 20.5%

Valdehuesa
Naniniwala - 40%
Hindi Naniniwala - 60%

Round 2
Valdehuesa
Naniniwala - 40.3%
Hindi Naniniwala - 59.7%

Pimentel
Naniniwala - 76.6%
Hindi Naniniwala - 23.4%

Biazon vs Plaza

Round 1
Plaza
Naniniwala - 28.7%
Hindi Naniniwala - 71.3%

Biazon
Naniniwala - 76.4%
Hindi Naniniwala - 23.6%

Round 2
Plaza
Naniniwala - 32.5%
Hindi Naniniwala - 67.5%

Biazon
Naniniwala - 76.4%
Hindi Naniniwala - 23.6%

Text ng Bayan votes as of 12:25 a.m.
De Venecia - 30.20%
Guingona - 28.22%
Pimentel - 15.7%
Valdehuesa - 6.32%
Bautista - 5.31%
Biazon - 4.97%
Cayetano - 3.65%
Mitra - 3.34%
Ople - 1.18%
Plaza - 1.12%

Online voting at www.abs-cbnnews.com/harapan as of 12:12 a.m.
Cayetano - 24.4%
Pimentel - 17.3%
Ople - 14.1%
Guingona - 13%
Bautista - 7.1%
De Venecia -7.1%
Biazon - 7%
Mitra - 7%
Plaza - 2.4%
Valdehuesa - 0.2%

Final online poll tally (poll closed at 2:30am May 3, 2010)
Cayetano 21.86%
Pimentel 18.01%
Ople 12.86%
Mitra III 11.58%
Guingona 9.86%
Biazon 8.47%
Bautista 8.15%
De Venecia 6.32%
Plaza 2.47%
Valdehuesa 0.43%

News Latest News Feed