Press Release
May 4, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW
WITH DZMM'S TED FAILON

On Teddy Boy Locsin's endorsement

MAR: Nakita niya ang nangyayari sa Makati. Gusto nya (Locsin) akong suportahan, tinanong niya okay ba ako? So sabi ko, 'sure, okay, maraming salamat.' Tayo naman ay high level tayo at hindi tayo nagsimula nito. Never, never nagba-black propaganda, hindi tayo naninira. Parati lang harap yung ating plataporma at nang sa ganon makita ng tao kung anong nagawa natin, matitimbang kami at makikilatis, makakapagpasya sila.

Q: Alam niyo napakaselang usapin ng survey. May mga tao na alam pong nagpapa- survey pero kapag binanggit mo ang survey, masyadong sensitive. So ano ang dating sa inyo ng survey na ito na dumidikit na ang Jojo Binay sayo? Hindi naman dumidikit, actually 10 points.

MAR: Well ganun na nga yon, 1 minute to go, 10 points. Ganun pa man hindi tayo nagrerelax at patuloy ang ating kampanya. Natutuwa ako na ang bilang ng boto nila Senador Noynoy at Senador Mar sa survey, magkalapit eh. So hindi nagkakaiwanan. Yung pagkakaiba lang, kinain ni Mayor Binay yung boto ni Senador Legarda. So mas malaki ang nakain niya doon kaya 10 points. Pero kumpiyansado naman ako na sa dulo ay ang tambalang Noynoy-Mar ang siyang pipiliin ng mga tao.

Q: Yun nga, at the end of the day, kung survey na actual at final survey ang mananaig, itong mga reports ng pag-aberya ng PCOS machines, hindi ba nababahala ang inyong partido?

MAR: Nababahala kami. In fact kagabi hanggang halos midnight ay nag-usap kami ni Senador Noynoy tungkol dito sa mga reports na hindi binabasa ng makina kung ano man ang isinubo hindi na binabasa. Mahalagang mahalaga na maayos ito ng Comelec. Mahalagang mahalaga na magamot ito maski anuman. If it's a software solution, if it's a transmission solution, hindi ko alam kung ano pero magkakagulo. Isipin mo ikaw lumahok ka rin sa halalan, all over the country may nagkakatunggaliang mayor, konsehal, vice mayor, governor. Biro mo sa May 10, gulo ito. Hindi ito mabuti para sa ating bansa at dapat agad agad magkaroon ng solusyon dito at bukod pa don, agad agad, after May 10, the next day May 11, gumawa ng audit, manual audit.

Q: Ito pa rin yung binabanggit nyo na parallel na manual?

MAR: Hindi, iba. May mga nagmumungkahi na parallel manual, ibig sabihin 100% bibilangin. Okay din yon. Pero tanggapin natin hindi tayo naka set up para dyan. Yung mga guro, yung sheets, yung pagtala, hindi tayo naka setup para dyan. Pero bago pa yan dumating dyan, makikita naman natin may makikita tayong indikasyon, ang tinatawag na audit. Ang problema dito is that gagawin ito ng Comelec two weeks after election. Aanhin mo pa ang damo patay na ang kabayo. Diba? Dapat magka audit the next day May 11 para makita kung ano ang binubuga ng makina, yun din ang nilalaman ng mga balota sa loob. Ang nasa batas ay 1 or 2%, pwede gawing 5% ito or 3%. Ibig sabihin magkaroon ng sample. Kumbaga sa cash register ng SM, kung nasa SM tayo diba parang sasabihin lang ni Mr Sy o tingin nga tayo ng ibang cashier diyan. Kung ano yung nasa tape ganun diba yung laman... hindi naman kailangan lahat ng cash register ay gawin nila yan pero makita lang kung umaandar ang sistema. Bakit tinututulan ito ng Comelec? Ngayon gusto ng Comelec 2 weeks pa after ng election bago nila gawin ito.

Q: So ano ang gagawin ng inyong partido dito?

MAR: Itutulak namin ito, matagal na naming itinutulak ito sa Comelec at sana matapos itong karanasan nila kahapon na magkakaroon ng malaking pagdududa sa resulta ay irekonsidera nila ang desisyon nila.

Q: Ang alam ko kasi nga ang sabi ng Comelec, 'yung random na yan basta kung ano yung resulta ita-transmit na eh, to follow yung random.

MAR: Tama.

Q: Ayun ang binabanggit sa amin ng Comelec sa aming panayam kay James Jimenez.

MAR: Okay po yon Kuya Ted. To follow. But it must follow the next day. Wag naman to follow 2 weeks later. Kasi nasa plano ngayon ng Comelec gagawin nila yan 2 weeks later, May 24 or 25.

Q: Pero sabi ng Comelec kasi gagawin yan agad naman randomly yung audit right after the election. I mean, right after mag-close yung precinct.

MAR: Ayun ang minumungkahi natin.

Q: Ayun ang sabi sa amin ni James Jimenez.

MAR: Kung yan ang gagawin nila, very good.

Q: Ang siste lang para sa akin is will they transmit na the result of the precinct doon sa canvassing sa probinsya hanggang sa central office habang ginagawa ang random. Eh sabi ko papano kung may nakita kayong mali don? 'You can just file a protest noh' sabi daw. Sabi ko doon medyo ano ako. Anyway so sa lahat ng pangyayaring ito Senador Mar, sa akin naman kasi wala tayong choice eh. It's the Comelec, sila naman po ang naatasan ng batas, sila ang dapat na pagkatiwalaan natin. Marami naman pong ganitong fears, mga nangyayari but at the end of the day, sila pa rin po eh. So meron bang watcher ang lahat ng presinto. 76,000 precincts ang Liberal Party?

MAR: Opo, yan po magagarantya ko. In fact bawat PCOS machine bumuo kami ng volunteer gropus. 20 hanggang 30 ang volunteers bawat PCOS machine, bawat clustered precinct. Kasi magmula sa araw na i-testing yang PCOS na yan, isi-seal na yan eh. Andyan na yan eh. Nakatiwangwang na lang yan dyan eh. So kailangan binabantayan mo yan magmula today hanggang May 10. Yung kampanyang Noynoy-Mar ay talagang maswerte tayo at sinusuportahan tayo ng mga kababayan, mga NGOs, mga volunteer groups. Hindi po empleyado ito, hindi po binabayaran ito, talagang gusto nila sa pagbabago kaya sinasabi lang naming talaga na mukha lang kami para sa pagbabago. Itong mga kababayan natin all over the country sila mismo magbabantay.

Q: May mga bumabatikos po sa inyo kasi pinag uusapan nga kung sinong mga miyembro ng gabinete etc. Sa aking pananaw kung maaari ko lang matanong sina Ginoong Aquino, si Ginoong Villar at ibang tumatakbong pangulo. Gusto ko lang malaman kung ikaw ay manalo, sinong i-a- appoint mong Cabinet Secretary sa mga importanteng portfolio? Kasi don mo malalaman eh, yung mukha ng pagbabago na binabanggit mo baka naman... sila pa rin eh. Parang ganon. So for example, energy natin, problema natin ang taas ng kuryente Diyos ko po Panginoong Diyos tumaas ang lahat ng mga consumers.

MAR: Dumoble.

Q: Hindi ko alam kung kasama ka doon sa nagpasa ng Electric Power Industry Reform Act. Yung EPIRA Law. Are you part of that?

MAR: No. Naging senador ako 2004.

Q: Ito yung last measure nung Erap Congress pa eh.

MAR: Nung panahon ni Erap Cabinet member ako non.

Q: Mar itong WESM, yung beauty ng competition parang Oil Deregulation Law, lumalabas na cartel din. Parang lumalabas na sa halip na nagpapababa ng presyo, kung ano ang huling ceiling price, doon nila hinahabol eh. Kung P1,000 yan, sabihin mo na kung P100 per kilowatt hour yan, dun ho sila naghahabol. Eh wala yung beauty ng competition.

MAR: Mali ho yun. Yun talaga collusion yon. Dapat itigil yon. Para sa akin, yung problema dito ay yung Napocor, sobrang laki pa rin ng bahagi ng Napocor. Ang Napocor ang nagse-set ng price. Siya 'yung parang monopoly. Ang problema ng Napocor sa laki ng kanyang utang, sa laki ng kanyang negative cash flow, tinataasan nya yung kanyang presyo para makabawi sya. Ito namang mga pribado, ang gobyerno ganyan maningil, sumusunod sila. Aba'y ayan ang malaking problema. Ito yung dapat na baguhin. Kaya tayo hindi dapat na itong supposed to be nagko compete sila para bumaba ang presyo, ay maging kasangkapan para magkakuntsaba sila para tumaas ang presyo.

Q: Ang punto ko nga rito kung maaari nga lahat kayong tumatakbo...yung pangulo, bise presidente...sino ba ang inyong Energy Secretary?

MAR: Hindi namin napag-uusapan yan. Pero sa totoo lang, sa tagal nitong kampanyang ito sa tagal ng pagkasama namin ni Senador Noynoy, hindi namin napag-usapan ang mga personalidad. Mostly the policies. In fact kami nga eh, ang tanong sakin ano ang portfolio mo? Peksman hindi namin napag-uusapan yan.

Q: Pero ang akin lang kasi, gusto ko ring makita yung magiging mukha ng lahat po ng tumatakbo... magiging mukha ng gabinete mo. Sino ba magiging Finance mo, sino Customs mo?

MAR: Kung pagbabago ka or more of the same. O tuloy ang ligaya lang.

Q: Huli lang na punto doon sa Cheaper Medicines Act. Kasi maraming newspaper advertisements ang inuupakan ka eh.

MAR: Alam ko paninira ito eh. 100% paninira, black propaganda, kasinungalingan. Ikaw naging kongresista ka. Ang ipinasa nating bersyon, binigay natin yung kapangyarihan sa pangulo. May pananagutan. Pwede natin syang kalampagin, ikaw mismo pwede mo, bilang komentarista rito, pwede mong singilin, 'Oy madam President binigyan ka ng martilyo bakit hindi mo mapababa ang presyo?' Merong isang indibidwal na nahalal, na pinaka-makapangyarihan, pangulo na pwede nating singilin. Yan ang ipinasa natin yan ang itinulak ni Mar Roxas. Accountability .Yung gusto ng katunggali ko is board. Alam naman natin may napala ba tayo sa Toll Regulatory Board? Sa Water Resources Board? Sa Road Users' Tax Board? Itong mga board-board na ito nagtuturuan lang, pasahan, walang may accountability and dagdag pa don, kabahagi ng board na yan, ito yung bill ng katunggali ko ha, kasama ang pharmaceutical companies sa board. May representasyon. Now you tell me kung sino ang gustong lumusaw at yung gusto na matindi at puspusan ang pagtutol niya dito. Yan ang mga press release ng katunggali ko, pati yung katunggali ni Senador Noynoy. Pinupuri nila yung batas na ito bilang accomplishment nila. Tuwang tuwa sila na naipasa ito. Tapos ngayon dahil halalan na ay mali na.

News Latest News Feed