Press Release
May 5, 2010

TRANSCRIPT OF SENATOR MAR ROXAS' CLOSING STATEMENT
DURING THE LIBERAL PARTY PRESS CONFERENCE

MAR:

Pinapaalala po namin sa Comelec, lalong-lalo na po sa mga commissioners, na sila po ay kabahagi ng isang malaya, independent, constitutional authority. Huwag ho silang magpadala sa impluwensiya, sa pressure, o sa iba pang mga gawain sa executive branch na itong halalan na ito ay maunsyami. I-record po nila ang mga tawag sa kanila mula sa matataas na opisyal mula sa ehekutibo, mula sa Malacañang. Ang aming pagkaalam po maraming mga tawag mula sa Malacañang ang pumupunta po sa mga tanggapan ng Comelec para impluwesiyahan ang kanilang desisyon para sa pagpo-postpone nitong halalan. Nananawagan po kami sa commissioners ng Comelec na magmatyag po sila at panindigan po nila ang kanilang sinumpaang tungkulin na magsagawa ng isang malaya, malinis at maayos na halalan sa May a-10, 2010.

AMBUSH INTERVIEW:

MAR: Sa aming pagkaalam, ang mga impormasyon mula sa aming mga sources, ay may mga tawag na mula sa matataas na opisyal mula sa Malacañang sa mga Comelec commissioners, tungkol sa kanilang desisyon sa pagpo-postpone ng halalan. Nananawagan po kami sa Comelec na alalahanin nila na ang tungkulin na siyang sumubaybay sa isang malaya, malinis na halalan. Huwag nilang payagan na maimpluwensiyahan sila. Dapat I-record nila iyang mga tawag na iyan atsaka kanilang mga staff. I-record niyo nang magkaalaman na kung iniimpluwesiyahan nga po ang mga taga-Comelec ng Malacañang.

Q: Sinong taga-Malacañang?

MAR: Matataas na opisyal ng Malacañang.

Q: On the endorsements of Quiboloy and the INC?

MAR: Lubos akong nagpapasalamat sa kapatiran ng Iglesia ni Cristo, lalo higit sa kanilang Executive Minister Ka Eduardo Manalo, sa tiwalang ipinagkaloob nila sa Tambalang Noynoy at Mar. Maraming po, sa ngalan ng aking pamilya at ganun din po ni magiging Pangulong Noynoy. Salamat po sa tiwala ninyo sa Tambalang Noynoy at Mar. Pinapahalagahn po namin ito. Ipagpapatuloy po namin ang malinis, walang mantsa na serbisyo na naipakita na namin.

Q: Kailan kayo na-inform na kayo na? Kaninang umaga lang nilabas ang endorsement.

MAR: Kaninang umaga ay nalaman namin na sa unang pagsamba ng mga Iglesia ni Cristo na ang tambalang Noynoy at Mar ang kanilang inendorso. Nagpapasalamat po kami bagamat ilang araw na nakalipas ay ininform din kami. Pero hangga't hindi nangyari, hindi din talaga nangyayari pa.

Q: Since you met with the Iglesia leadership, anong mga concerns ang ni-raise niyo?

MAR: General, pinresenta namin ang plataporma, ano ang pananaw tungkol sa budget deficit, tungkol sa international trade, tungkol sa kagutuman sa ating bansa, ano kaya ang programang maisasagawa namin para matulungan ang ating mga magsasaka. Pinresenta ko yung programa na hindi na tayo mag-i-import ng bigas mula sa ibang bansa para umikot ang pera natin dito sa loob ng bansa at sa ganoong paraan ay yayaman po ang ating mga magsasaka. Hindi po ito mangyayari overnight, pero kung magkaroon ng matupad na pagpapatupad ng mga programang gobyerno ay maisasakatuparan ito sa loob ng 2 o 3 taon. Yung programang 100% PhilHealth coverage na hindi mga pulitiko ang hindi nagdedesisyon kung sino man ang may PhilHleath o hindi pero programa ito ng gobyerno sa pangkalahatan. Ito ang mga napag usapang issue.

Q: Meron po bang particular na interest, issue?

MAR: Wala po. Very general ang kanilang mga tanong, wala po silang iminungkahi o inilapit o sa kahit anong paraan na pinrisintang interes nila.

Q: Lagi po ba kayong ineendorso ng Iglesia?

MAR: Nung ako po'y tumakbo sa pagka-congressman, bagamat walang kalaban ay inendorso ako ng Iglesia. Humingi rin po ako ng konsultasyon mula sa kapatiran ng Iglesia ni Cristo bago ako itinalaga bilang secretary ng DTI. Nung ako ay lumahok sa pagka senador ay inendorso rin nila ang aking kandidatura.

Q: Sinabi ba nila kung how gaano kalaki o how many votes ang kaya nilang...?

MAR: Hindi po. Para sa akin yung tiwala na ipinagkaloob nila sa akin, isa man yan, 10, 100, 100, 1,000, 100,000, 1 million, ang pinakita nilang pagtiwala sa akin ay pinapahalagahan ko. Tinatanggap ko ito bilang inspirasyon, bilang sagradong obligasyon na magpatuloy sa malinis at walang mantsang pagserbisyo.

Q: Meron pa po bang ibang grupo na maghahayag ng kanilang supora sa inyo?

MAR: Marami po ang nagpapaabot. Tinatapos lang nila ang kanilang proseso. Sa aming pag uusap ay sila na lang ang mag aanunsyo nito.

Q: Malaki ba itong mga grupo na ito?

MAR: Iba't ibang klaseng grupo.

Q: May binabanggit kayo kanina na somebody from Malacañang is trying to influence...?

MAR: Binabalaan natin ang mga commissioner ng Comelec na wag magpadala sa impluwensya, sa pressure, sa iba pang mga paraan na gagamitin ng mga matataas opisyal ng Malacañang para impluwensyahan ang kanilang desisyon tungkol sa postponement ng election. Kayo po ay isang independent constitutional body. Hindi po ninyo kailangan ng impluwensya ng Malacañang. Gawin po ninyo ang trabaho niyo nang matapat, malinis at ito po ang pinakamalaking tulong na mabibigay niyo para sa ating demokrasya ang malinis, maayos at matiwasay na halalan sa Mayo 10

Q: Cabinet member ba yan?

MAR: Matataas na opisyal. Both political and executive.

News Latest News Feed