Press Release
June 29, 2010

Speech of Senator Ramon Bong Revilla, Jr.
Oath-Taking Ceremony
1 Esplanade, Pasay City
Monday, 28 June 2010 7:00 PM

I. GREETINGS

Sa ating mahal na pangulo, Gloria Macapagal-Arroyo;

Sa lahat po ng ating mga bisita na galing pa sa malalayong lugar. Ang mga kaibigan natin mula sa Luzon, ang mga tumulong sa atin sa Visayas, at ang mga nagbiyahe pa galing Mindanao.

To my fellow Senators, all the Governors, Mayors, Congressmen, to all my colleagues in public service, sa ating mga campaigners at leaders, my partymates. To all our supporters and benefactors.

Sa aking Best Friend na si Ipe, na halos magpakamatay na para mangampanya sa akin noong nakaraang eleksyon. Nanay Lolit, Manay Ethel, Ate Chit, at siyempre, Nanay Cristy.

Sa aking pamilya, sa aking mga anak na napakahalaga ng ginampanang papel noong eleksyon. Si Jolo na nag-ikot sa buong Pilipinas, si Bryan na nangasiwa sa aking Headquarters, kina Eena, Gianna, Loudette, Ram at Luigi. Sa aking kaisa-isang maybahay na ngayon ay Congresswoman na, my Congresswoman Lani Mercado-Revilla; Sa aking mga kapatid, sina Wena, Andrea, Marlon, Princess, Diana, Mayor Strike at iba pa nating mga bisita; Magandang gabi po sa ating lahat.

II. INTRODUCTION

Ang gabi pong ito ay gabi ng pagbabalik-tanaw, pagdiriwang, at higit sa lahat, ng pasasalamat. Pasasalamat unang-una sa Panginoon, sa aking Ama, sa aking pamilya, at sa lahat ng taong nagmamahal sa akin na nasa likod ng biyayang natanggap natin nitong nakaraang halalan. Kaya nga po ako ay lubos na natutuwa na makita kayo at makapiling ngayong gabi para samahan ako sa napakasayang okasyong ito.

I give special thanks to President Gloria Macapagal-Arroyo. Maraming salamat po sa oras na ibinigay niyo sa amin ngayong gabi. We are aware that you only have a few hours left in your Presidency, but despite this, you have chosen to spend some of your valuable time with me, with us.

President Arroyo is one of only a few whom I greatly admire when it comes to strong leadership. As Warren Bennis, the widely recognized pioneer in the contemporary field of Leadership studies said, leadership is the capacity to translate vision, into reality.

I firmly and proudly believe that President Arroyo has this

attribute. It takes a great leader to swallow the bitter pill. It takes an even greater leader to do what is right regardless of personal repercussions and backlash. Naniniwala ako na ganitong klase na pinuno si Pangulong Arroyo.

Ma'am, maraming salamat sa inyong tulong at suporta sa akin, sa aking pamilya, at sa lalawigan ng Cavite, nitong mga nakalipas na panahon. Maraming salamat sa inyong kontribusyon sa ating bansa. Maraming salamat sa inyong mga ipinatupad na mga programa at proyekto para sa ating mga kababayan. Napakarami po ninyong nagawa, at marami kayong natulungan. Kaya nga, sa dami man ng batikos, naniniwala po ako, na sa puso ninyo, lahat ng desisyong ginawa niyo, ay para sa mamamayang Pilipino. Time heals all wounds. History is the greatest vindicator.

I will miss working with you as President, but I look forward to working with you as a colleague in the legislature. Palakpakan po natin ang ating mahal na pangulo.

III. MESSAGE

It's been 15 years since I ventured into the world of politics and public service, but I have always lived a life in the public eye. Unwittingly motivated by my mommy and my daddy's affection to help the needy, I knew that someday I will advocate the advancement of the Filipino people far beyond the silver screen.

For this, I can only credit one living person. They say a son is only the reflection of his parents. I am merely a reflection of Daddy. Walang perpektong tao, pero, para sa akin, perpekto siyang ama... (Despite having so many children...)

Kidding aside, he has never failed as a father. Despite his strictness, sometimes even beyond my understanding, I only see his overwhelming love as his motivation. Daddy, sa lahat ng bagay, tama ka. Katulad na lang nitong natapos na eleksyon.

Sa paniwala ng maraming tao, at pati sa paniwala ko, hinog na ako para sa pagka-Bise Presidente. Pero, in your wisdom, nakita mong hindi pa panahon. And you were right. Tama ka. Daddy, my victory is for you. I love you.

People say having the desire to serve is one thing; making it happen is another. It has not been easy facing the challenges that I have hurdled to achieve my self-imposed mission - to return to the people all the blessings that they have given me.

I believe that the past 15 years of my public service have been very productive, and at times, even I find myself surprised by my humble achievements. Be that as it may, I know that greater challenges lie ahead as I further push my advocacies.

Marami nga ang hindi makatanggap na ang isang artista ay kayang mag-perform sa isang seryoso at mabigat na tungkulin. Marami ang hanggang ngayon ay pilit pa rin tayong minamaliit at kinukutya.

Marami pa rin ang hindi nakatatanggap na si Bong Revilla ay kayang tugunan ang responsibilidad at higitan pa nga ang inaasahan sa isang Senador.

Ang sabi nga, ang pikon, talo, kaya itinuring ko ang kanilang pag-aalinlangan bilang hamon sa ating kakayahan. Noong una tayong naluklok sa Senado, may mga nagsasabing beginner's luck, tsamba lang ang pagiging number two. Hindi tayo nagpatinag dito, at lalong sumidhi ang aking pagsusumikap para gampanan ang mga responsibilidad natin bilang senador.

Umiwas tayo sa mga bangayan, sa pulitaktakan. Hindi ito ang istilo natin ng paglilingkod-bayan. Basta tayo trabaho lang, walang personalan. Pero hindi naman tayo nagbutas ng bangko. Hindi tayo nagpa-cute, dahil matagal na tayong cute.

Modesty aside, umabot na nga sa 138 ang mga isinulong nating panukalang batas na ngayon. As a neophyte, we really have accomplished a lot, but a great deal more is left to be done.

As your reelected senator, you can expect me to further push and fight for the plight of our kababayans who bestowed their trust in me. I will push for the passage of my other pending bills that will improve education and the provision of quality health services to the poor.

Pagsisikapan nating magpasa ng mga panukalang magbibigay ng mga karagdagang trabaho na may kaakibat na seguridad at makatarungang sweldo. Lalo pa nating tutukan ang kapakanan ng mga naghihirap at nangangailangan nating mga kababayan. Ipagpapatuloy din natin ang ating mga programa para sa mga scholarship, medical assistance, at emergency relief assistance. Umasa po kayo na magiging higit pang masigasig si Bong Revilla sa pakikipaglaban sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Ang kailangan lang ng ating bansa ngayon ay pagkakaisa. Let us lead in the efforts to attain national unity. Panahon na po ng pagtutulungan. Wala nang administrasyon, wala nang oposisyon. Lahat tayo Pilipino at kailangang mangibabaw ang ating pagka-Pilipino.

After this brief recollection, it's time for the celebration. I planned this night primarily not for myself, but for you. For all of you!

Hindi ako magsasawang ulit-ulitin, utang ko sa sambayanang Pilipino kung sino at kung nasaan ako ngayon.

Kasama ang milyun-milyong Pilipinong patuloy na sumusuporta, nagtitiwala at nagmamamahal sa inyong lingkod, utang ko rin sa inyo ang panalong ito. You are the reasons behind the success of my re-election campaign.

You made me number one. Kayo ang nagsikap at nag-alay ng pawis at pagod. Para sa akin, kayo ang tunay na number one!

Sa ating Panginoon; sa aking pamilya; sa ating mga local leaders; sa aking mga staff; sa mga campaigners; sa aking mga volunteers; sa mga kapwa ko artista at sa buong industriya; sa mga miyembro ng media, lalo na sa showbiz media; at siyempre sa sambayanang Pilipino; This victory is yours. And as Nelson Mandela said, It is better to lead from behind and to put others in front, especially when you celebrate victory when nice things occur. Saludo ako sa inyo. Para sa inyo ang palakpak ko.

IV. CLOSING

So tonight, let's celebrate not my victory but our victory. Thank you very much to all of you and let's enjoy the night.

Ang hiling ko lang, huwag nating isipin na dito natatapos ang laban. This is just the beginning. But I assure you, you will see a different and improved Bong Revilla. Dama ko ang inyong bawat boto, sakripisyo, at ang pagmamahal. Muli, maraming maraming salamat sa inyo. Enjoy the night. Mahal ko kayong lahat. Pinoy, ikaw ang idol ko!

News Latest News Feed