Press Release
August 17, 2010

Transcript ambush interview with Sen. Loren Legarda
after Climate Change hearing

Una nakikita natin lahat ng sector ay nandyan para ibigay ang kanilang pahayag tungkol sa ating posisyon tungkol sa climate change na tinatawag. Pangalawa ay ipapahayag pa lang sa susunod na Linggo yung ginagawa ng komisyon na dapat tulong sa mga lokal na pamahalan na mga nasasalanta ng drought o ng baha yan ay gaganapin pa sa susunod na Linggo. Pangatlo ang napag-usapan pa lamang ngayon ay pagbuo ng komisyon na ginawa nang ating bagong batas.

Ang isa sa mga naging buod ng pag-uusap kanina ay ano ba ang magiging pakinabang ng Pilipinas na syang nasalanta ng bagyo at ang mga epekto ng pagbabago ng klima dulot ng climate change.

Mula sa mga pag-uusap sa ibang bansa na karapat dapat lamang ang mga bansang eto ay magbigay ng tulong na hindi nakakabit sa mga utang. Kasi ang nang yari ngayon ang mga mayayamang bansa ay nagbibigay ng tulong sa Pilipinas at sa mga bansang mahihirap na syang naapekto dahil sa polusyun ng mundo ngunit may mga nakakabit na mga conditionalitist sa mga pautang. Ang ating hinihiling ay hindi utang ang ating hinihiling ay hindi parang abuloy na maliit ngunit ang ating hinihiling ay tulong dahil hindi naman tayo ang gumawa ng problemang eto ngunit tayo ay naaapekto dahil nga sa polusyon ng mundo.

Hiling na magkaisa ang ahensya ng gobyerno?

Hindi sapat na isang komisyon lamang ang syang magsagawa nito dahil dapat lahat ng ahensya ng gobyerno ang Public Works, DENR, Agrikultura, ang Health, ang lahat ng ahensya ng gobyerno dahil lahat ng aspeto ng ating buhay ay naapektuhan ng baha, ng bagyo, ng tagtuyot, ng tag-init lahat eto ay apektado kaya pinulong ko ang lahat ng ahensya ng gobyerno na hindi nga nakasalita ang lahat sa haba ng aming diskusyon tungkol lamang sa organization sa komisyong eto.

Wasted ang time nang committee nyo dahil sa imparting ng mga committees?

Narinig nyo ang sinabi ko na wag nyong aksayahin ang aming panahon sa inyong mga hindi pagkakasunduan dahil ang gusto kong marinig dito ay ang iyong plano para sa adaptation, para sa ating mga mahihirap, na komunidad na habang tayo ay nag-uusap dito kayo ay mukhang hindi nag kakasundo ang mga tao kaya pinagpaliban ko sa isang Linggo ang kanilang paghahanda para i-present sa atin ang kanilang mga adaptation plan.

Natapos ng walang adaptation plan ng buong 2 oras?

Hindi pa sila nakapagbigay ng kanilang pahayag dahil sila'y may iba't-ibang mga views so definitely I am not happy about it and I am stretching my patience at kailangan talagang malaman natin kung ano ang ginagawa nila.

Hindi nakaabot doon dahil nakikita natin na may mga hindi pagkakaintindihan.

Mag-team building sila at sila ay pumunta dito at maghanda sa mga tanong ko na gusto kong malaman sa panahon ngayon na tag- ulan na muli ano na ang dapat gawin ng NCR para maagapan ang problema ng baha sa panahon naman ng tagtuyot sa Abril ano ang dapat gawin ng ating magsasaka sa panahon ng tag-tuyot yun naman ang gusto kong makita sa kanilang national adaptation plan

Sec. Alvarez part of the problem or the main problem?

Ayaw ko mag-focus sa personalities ang mahalaga ay ipatupad natin ang ating batas at nakakatulong sa mga mahihirap na kumunidad na apektado sa panahon sa pagbabago ng klima.

Damaging ba sa Philippine position ang letter ni Sec. Alvarez?

Yung kanyang sulat na ineendorso ang Copenhagen Accord mukhang hindi in authorized ng Pangulo dahil itong winithdraw ng Pangulo pagkatapos nya i- present.

There was a letter and it was withdrawn. So ibig sabihin hindi tayo nag-endorse ng Copenhagen Accord na syang pag-uusapan sa Cancun sa December

Ang dapat na posisyon natin ay dapat natin i-pressure ang malalaking makapangyarihang bansa na tumulong sa atin dahil tayo ang naapektuhan sa kanilang mga gawain. Ganun ka simple.

Asking for early funds for developed nation of the Philippines must do because they cause the pollution which is one of the causes of changes on the weather patterns on climate change for which the Philippines is suffering from which they must repair the damage for giving us assistance but not giving us loan

US govt was able to pressure Pres. Arroyo for withdrawing

No. It was clarified already. There was no pressure it was Pres. Arroyo in her note verbal which withdrew the letter of Sec. Alvarez because ang sulat na yun would made us accede to an Accord na hindi pa na pinag-aralan kase yung pinag-uusapan sa Copenhagen ay hindi pa adaptation hindi talaga tulong sa mga bansang gaya ng Pilipinas kung tayo ay pumayag doon maaaring hindi din tayo makikinabang doon kaya withhold ni Pres. Arroyo.

Clearly in 2008 , sumang-ayon si Pres. Arroyo na dapat i-pressure natin ang mga mayayamang bansa for at least 80% cuts sa kanilang emissions on a 90 level malaking pagbawas dapat sa kanilang kapasidad for industrialization in 2008.

Tapos ang pag-uusap sa Copenhagen ay hindi maliwanag dahil ang namumuno or how do we say it the big countries are the major part of the Copenhgen talks mukhang hindi nabibigayan ng pagkakataon ang maliliit na bansa kagaya natin kaya tama lamang na hindi tayo sumang-ayon doon kaya withdraw yung sulat ni Sec. Alvarez na sumasang-ayon sa Accord na yun.

I thought first it was withdrawing to the pressure being given to the United States for deep cuts, it was a note verbal saying that he will study it further, referring to the Copenhagen Accord. which did not agree for deep cuts for developed nations.

Kailangan tayong pumunta doon sa next meet sa Cancun, Mexico para isama sa mga agreement bansang gaya ng Pilipinas na tinatawag nating vulnerable na laging tinatamaan ng madaming bagyo at biktima ng polusyon ng mundo ay dapat prioridad na bigyan ng hustisya ng mga mayayamang bansa.

News Latest News Feed