Press Release
August 18, 2010

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Interview at Sen. Chiz' office

On alleged cop torture caught on cellphone video

Sen. Chiz: karumal-dumal at kahayupan ang ginawa ng pulis don sa video na nakita at napanood natin at hindi dapat ginagawa sa isang tao, ano man ang kanyang kasalanan o nagawang krimen. Sa ilalim ng napasang batas ng Kongreso, sa nagdaang Kongreso, ang anti-torture law, liable hindi lamang yung nagto-torture, pati yung mga pluis na nakasaksi pero walang ginawa para pigilan, ireport yung krimen at awatin na makawaal, makatakbo, o makaalis at hindi maparusahan yung gumawa ng torture. Unang hakbang lamang yung pagrelieve sa mga pulis don sa statino na yon pero dapat usigin sila at gawing sample hindi lamang ng batas, sample sa ilaim ng administrasyon na seryoso ang gobyernong ito para labanan at pigilan ang anumang uri ng torture.

Ano ang parusa?

Sen. Chiz: Kung napatay o namatay yung biktima na dapat ay alamin natin sa testigo ngayon, ayon sa testigo kasi patay na raw yung biktima, kung namatay yung biktima habang buhay na pagkabilanggo dahil wala na tayong parusang kamatayan sa ngayon at yungmga nanood lamang at walang ginawa para pigilan yon, yung mga nanood lamang at hindi nireport yon liable as accessory, one penalty lower, ibig sabihin hindi lalampas ng 12 hanggang 20 taong pagkabilanggo.

Paano kung yung pagkamatay niya hindi naman exactly dahil don?

Sen. Chiz: Kailangang siyasatin at alamin yon at nananawagan kami sa kamag-anak ng biktima na lumabas upang magsalita at sabihin kung nasaan na nga ba yung natagpuan sa video na pinapahirapan at tino-torture nong pulis.

May oversight committe ba para iimplement yung batas

Sen. Chiz: Bago pa lamang yung batas at hindi pa naki-create yung oversight committee pero ang mas mahalaga dito inuuutusan gn batas and DILG, DND at DOJ na magsagawa ng mha seminar at module sa lahat ng kanialng mga tauhan hindi lamang para ipaliwanag ang batas kundi para ipaliwanag na gaano mana kalala o kagrabe ang krimen na nagawa ninoman wala sialng karapatang saktan o i-torture ito dahil kung pede nilang gaiwn iyon ano ang kaibahan nila sa mga kriminal na hinuhuli nila.

Nag-emergency meeting na daw yung PNP at may tas force na, enough na ba ito?

Sen. Chiz: Hihintayin namin at bibigyan namin sila ng panahon para imbestigahan ang bagay na ito, para sa akin hindi na dapat lumampas ng dalawang linggo para makuha nila ang lahat ng impormasyon na kanialng kailangan, at ibigay sa Kongreso at Senado ang kanilang findings. Base sa kanialng report don siguro kami kung ito ay panghihimasukan ng senado kung sa palagay namin ito ay kulang at hindi patas ang ginawa nialng imbestigasyon.

Hindi na bago ang ganyang klaseng torture, nagyon lang kasi may video.

Sen. Chiz: Hindi naman talaga bago at marahil wake up call ito para sa pamahalaang ito at para rin sa ating kapulisan na ito ay nagaganap sa ating plaigid, marahil hindi lamang palagi nabi-video pero hindi yan rason para hindi natin isiping may nagaganap na ganyan at dapat natingsupilin at sugpuin.

Itong batas na ito ay sapat na ba kasi parang hindi natakot yung mga nagtorture

Sen. Chiz: Wala pa kasing nasasampolan marahil o napaptawan ng ganitong uri ng parusa at para patunayan din kung gaano kaseryoso ang administrasyong ito. Maraming kuwento at naganap na uri ng torture sa nagdaang administrasyon at tila pinalampas lamang, oportunidad ito para sa pamahalaang Aquino na patunayan hindi nila ito palalampasin, seryoso ito para sa kanila at isa ito sa kanilang pangunahing agenda tungo sa isang matuwid na daang pamamahala.

So masasampolan na ito

Sen. Chiz: Sana at dapat, lalong lalo na ngayon na may matibay na ebidensiya, partikular na yung video, madali namang malaman kung na-tamper na yung video o napaglaruan na yun video o hindi.

Yung chief ng Manila police pinalalantad yung source ng video pero mukhang takot siya

Sen. Chiz: Pinalalantad niya kasama marahil yon sa kanilang pag-iimbestiga pero para sa akin lumantad man o hindi ang nagpakita ng video o nagpalabas ng video, meron silang sapat na ebidensiya para magamit laban don sa pulis na gumawa non at mayroon din silang sapat na kakayahan para alamin sino sino ba yung mag pulis na naka-assign sa istasyon yon dahil ginagawa tila sa isang kuwarto na ni hindi sirado. Hindi naman parang tinago at hindi pinilit itago, imposibleng hindi nila alam at nalaman na ginagawa yon.

The president said an EO might be issued for salary cap of GOCC officials' salaries, dapat bang gawin na kagad yon o hintayin muna yung resulta ng senate investigation?

Sen. Chiz: Nasa kapangyarihan ng presidente na mag-isyu ng AO o EO para lagyan ng cap ang suweldo ng mag GOCC officials natin, sang-ayon ako don at yon ang panawagan din ng senado. Kahibangan yung sinasabing dapat daw mataas yung suweldo nila para ma-attract natin yung magagaling sa pribadong sektor. Kung talagang ganon sila kagagaling, eh bakit lugi at nalulugi yung mga GOCC na pinamamahalaan nila. Kung talagang ganon sila kagagalaing, bakit nila sinusuwelduhan ng napakalaki yung sarili nila habang nalulugi naman ang kumpanya na pag-aari ng gobyerno na pinapatakbo nila. Kung saka-sakali pede tayong magpalabas ng incentivice scheme kung saan kapagka kumikita ang kumpanya, napabaliktad nila yung takbo dati ng kumpanya, dating lugi ngayon at kumikita marahil doon sila dapat makarecieve o makatanggap ng anumang dagdag na bonus o allowance, pero habang lugi at hindi naman maganda ang pagpapatakbo, wala silang karapatang tumanggap ng ganong kalaking suweldo.

On bribery allegations against senator Lacson, you think capable sya as a senator dahil 7 to 8 figures daw yung bribe nya kay Mancao?

Sen. Chiz: Walang nakakaalam lalo na ako kung nasaan siya, o sino ang kinakauspa nya dito sa ating bansa. Madaling magsabi ng ganayng uri ng alegasyon pero sana masagot yan ng panig ni senator Lacson sa pamamagitan man lamang ng kanyang mga abogado. At sa parte naman ni Mancao sana pangalanan nya kung sino man ang nagtangka na magbigay sa kanya ng suhol o pera para baligtarin ang kanyang testimonya. Masalimuot na kasi itong kasong ito, maraming alegasyon na pinilit lamang daw ng DOJ para tumestigo laban sa kanya, ngayon naman baligtad pinilit naman yung testigong bumaligtad ang testimonya laban naman kay Senator Lacson. Marapat pangalanan na kung sino ang mga nasa likod nito para matanong at marinig ang panig nila.

Is there any way para maprotektahan ng senado si sen. Lacson kung lumantad na siya?

Sen. Chiz: Wala, tulad ng sitwasyon ni Sen. Trillanes sino man ang may kinakaharap na asunto sa batas, sinoman ang inisyuhan ng warrant of arrest ay hindi kayang protektahan ng senado gayundin ng kongreso. Ang limitasyon sa immunity against arrest is only for crimes the penalty of which is below six years.

Pinapa-recall ng Palasyo at ng DPWH yung P10.6-billion pork barrel na nirelease daw ni GMA sa kanayng mga congressional allies bago siya bumaba

Sen. Chiz: Bahagi at parang midnight release din yan ng pondo, parang midnight appointment o midnight EO, midnight na batas. Klaro na pagpapapabor lamang yan s amga kakampi nya muli na sobrang pinaboran sa mga nagdaang taon, di tulad ng mga nasa oposisyon sa mga nagdaang taon na tinigang, yiniis at hindi nila ni-release-an. Marapat at dapat lamang na kung magkakaroon ng release ng pondo sa sinumang kongresita o senador, ito ay kumikilala sa pangangailangan ng bawat distrito at hindi yung kulay ng partido na dinadala ng congressman o senador na kumakatawan don.

So pede pang ma-recall?

Sen. Chiz: Pede basta hindi pa awarded at hindi pa bidded.

Pagna-award na?

Sen. Chiz: Pagna-award na at na-bid na kasi yung kontrata yan ay considered na contract na sa pagitan ng gobyerno at ng pribadong kontartista, maaaring magkaproblema na at magkaroon ng kasuhan dahil doon. Pero kung yan ay SARO pa lamang, hindi pa nabibid out at hindi pa naaaward, pede pang ipigil at itigil ang pagrelease nyan.

Sir yung mga cabinet secretary daw hindi dumadalo sa hearing pahihirapan sa CA

Sen. Chiz: Ewan ko sa kanila.

Tapos na kayo sa CA?

Sen. Chiz: Hindi pa, sa araw na ito marahil matatapos ang komposisyon ng CA.

Pero kuwestiyonable ba yon kasi since magsimula yung hearing sa senate walang mga cabinet members ang dumadalo?

Sen. Chiz: Meron naman, kahapon dumalo si secretary Gazmin sa committee on national defense and security. Pero pinayuhan ko rin naman yung ibang mga kalihim na maliban na lamg kung kinakailangan talaga ang kanilang presensiya, supisyente at sapat na na magpadala sila ng kinatawan na kayang sumagot at meron awtoridad para sagutin anumang katanungang ibabato ng sinumang miyembro ng senado, basta kayan nyang i-bind yung kanyang secretary okay lang kahit yon ang ipadala nya. Ang mahirap wala na ngang pinadala o ang ipapadala hindi kayang sumagot o sagutin ang mga katanungan at palaging ang isasgot lamang ay tatanungin ko ang secretary ko. Kung gann rin lamang ang isasagot nya sana pinadala na lamang nya yung secretary nya.

You're referring to?

Sen. Chiz: Sinuman na inimbetahan ng senado at ng kongreso sa mga darating na panahon.

Sabi ni Merciditas Gutierrez no liquidation no salaries, kasi until now may mga government agencies na hindi nakakapag-liquidate

Sen. Chiz: Wala sa kapangyarihan ni Ombudsman Gutierreez pigilan ang pagrelease ng suweldo ng sinumang opisyal. Pangalawa yung mga sinasabi niyang hindi nagliquidate eh wala na rin yata sa gobyerno ngayon, mga dating kalihim yan sa mga departamentong sinabi niyang hindi nagliquidate, hindi ko alam kung paano, saan kumukuha ng suweldo yung mag yon. Maliban don yung pagwithhold ng suwledo nasa kamay yan ng DBM at ng executive branch, hindi na Ombudsman. Maging ganunpaman binabati ko siya na kanialng sinisiyasat at iniimbistigahan ang mag unliquidated cash advances na umaabot na sa bilyong piso, ang tanong lang siguro gaano katagal nabang unliquidated yan. Hindi naman siguro ganong kabilis makalikom ng bilyong unliquidated cash advances kung noon pa siguro yan siniyasat at tiningnan.

News Latest News Feed