Press Release
August 23, 2010

Transcript of interview of Senator Chiz Escudero

On hostage taking at Quirino Grandstand

Would a sniping act be ordered?

Sen. Chiz: No definitely not. Sa ngayon tipong maayos ang pakikipag-usap ng hostage taker, kausap nya hindi lamang yung mga kabaro nya sa PNP, pati yung kapatid at tatay yata nya yung nakausap na rin niya at nagpapalaya na rin naman ng ilang mga hostages. Sa puntong ito palagay ko hindi pero maging ganon pa man ang in charged pa rin dyan at hindi dapat paghimasukan yung hostage negotiators na in-assigned ng PNP.

Sa tingin nyo ba dapat mag give in yun PNP sa mag demands nya?

Sen. Chiz: Sa puntong ito dapat hindi panghimasukan muna kung ano mang mga salita at garantiyang binibitawan ng hostage negotiator pero siguro dapat sa parte ng PNP mismo, rason ito para tingnan nila, labas sa kaso, kasama sa kaso ng hostage taker yung kanilang grievance procedure, tingnan nila yung kanialng proseso din ng pagdidipsiplina ng kanilang mga miyembro at tingnan na rin kung bakit tila dalawang sampal na ang tumama sa mukha ng PNN sa loob ng isang linggo. Ang una ang pagkakaroon ng video tungkol sa torture at pangalawa isa na namang miyembro nila bagaman na-dismissed ang nagkaroo ng ganitong uri ng insidente.

Should a revamp be ordered?

Sen. Chiz: Sa buong hanay ng PNP hindi pa siguro din dahil nagkakaroon ngmang ng on-going revamp ngayon kaugnay ng pagpasok ng bagong administrasyon kung saan mga bago ang inilalagay sa iabt ibang puwesto sa Philippine National Police, kasabay rin naman ito ng pagretire ng ilang mga miyembro ng PNP mula sa Class 76 at Class 77.

Chilling effect sir sa masa yung security?

Sen. Chiz: Actually ang chilling effect nito hindi mas sa mga kababayan natin, pero msa sa mga turista na naman at mas na naman sa imahe ng ating bansa, headline na naman tayo, halimbawa sa CNN, at ang mga nahostage ay mga dayuhan at turista na papunta sana sa Ocean Park diumano. Panibagong sampal na naman ito sa imahe ng ating bansa, maresolbahan man ito ng maayos, siyempre lalo na kung hindi. Subalit umaasa ako na mareresolbahan ito ng maayos at mapayapa.

Pinu-push na mailagay sa custody ng Senate si senator Lacson

Sen. Chiz: Katulad ng pagpirma ko sa resolusyon para malagay sa, hindi naman malagay sa custody pero mahayaan na makapag-function bilang senador si Senator Trillanes, ganundin ang posisyon ko kaugnay kay Senator Lacson subalit kailangan una, malagay muna siya sa jurisdiction ng korte at pangalawa payagan at pahintulutan siya ng korte. Hindi ito pedeng gawin ng senado moto propio ng mag-isa lamang.

Sabi kasi ni sen. Honasan baka raw like Trillanes to express the sense of the senate

Sen. Chiz: Pabor at susuporta ako sa ganoong uring resolusyon, pede magkaroon ng posisyon ang senado dito, pede pa nga na magpadala ng baogado ang senado para ipahayag ang posisyong ito sa korte, pero korte ang dapat at marapat na magdesisyon yungkol sa bagay na ito dahil meron pa rin tayong rule of law, senador ka man o congressamn, governor o ordinaryong tao, dapat sumunod tayong lahat sa rule of law.

Sen. Ping supported President Noynoy do you think his coming back will ba an asset to the governemnt?

Sen. Chiz: Oo dahil mapapatunayan nito na meron tayong hustisya at batas na umiiral at sumasaklaw sa bawat Filipino., senador man o hindi, sumuporta man o hindi sa nanalong Pangulo.

Paano yung isyu ng custody, dito siya mag-stay, parang house arrest

Sen. Chiz: Depende sa husgado, nasa kamay ng husgado yan, maaari lamang humiling at magrekomenda ang senado pero nasa kamay ng judge o ng korte ang pasyang yan.

Sir parang ito na yung solusyon para lumabas si sen. Lacson

Sen. Chiz: Ang problema hindi naman kaliwaan ang usapang yan eh, na mag-iisyu ng order ng ganyan ang korte kapalit ng kanayng paglabas at pagsuko dahil wala pang jurisdiction sa kanya ng husgado, dahil hindi pa nase-serve yung warrant of arrest, so mahirap magbigay ng anong uri ng garantiya ang husgado at an gjudge kaugnay ng bagay na ito hanggat walang jurisdictino ang courts sa kanya. Pangalawa eh di parang nagkuntiyabahan na lang ang mga opisyal kaugnay sa gagawing desisyon ng isan gjudge kaugnay sa isang kaso, palaging magrereklamo ang kabilang panig, sa kasong ito sa pamilya ng biktima. Hindi pwede.

Yung buong senators hindi ba nila pede i-push na magkaroon ng amicable settlement, influential ang mga senador

Sen. Chiz: Na ginagawa ito sa pamamagitan ng isang resolusyon, pagpapakita ito na hanggang doon lamang yung, kung saka-sakali ang papel na gagampanan ng senado, labas don, wala na siguro at wala ng dapat gawin pa ang mga senador dahil yan ay pakikialam na sa isang separate at independent branch ng pamahalaan, yan ang judiciary system natin at judicial system natin. At ginagawa ito ng bukas, open at transparent, patunay siguro ito na walang ganayng uri ng usapan sa likod.

Sir paano yung custody dapat mulaing buksan ang investigation, yon ang call, kasi kung custodylang mukhang malabo

Sen. Chiz: Hawak na ito ng mag abogado ni senator Lacson, ganoon din ang prosekusyon subalit mahirap kasi humiling ng kalwa't kanan at ibat iabng pabor o remedy sa korte kung wala pa namang jurisdiction ang korte sa kanya. Ikanga hindi pa nga nagpapakita sa husgado paano ka manghihingi ng anuamng pabor sa husgado. The court has no jurisdiction over him yet eh, so how can the court issue an order against him or in favor of him if the court has no jurisdiction as of yet, wala pa ha.

Sakali mapunta siya sa jurisdiction ng senate as being requested ano ang magiging rights nya, makaka-function pa ba siya

Sen. Chiz: Katulad ng hinihiling namin halimabawa kay sen. Trillanes, habang hindi pa final ang desisyon sa kanyang kaso na sana ay hayaan siyang magperform at magfunction. Nasa kamay na ng korte kung paano at anong uri ng pagfunction bilang senador ang kanialng papayagan, na dito na lamang siya mamamalagi, tipong senate house arrest, na siya ba ay mag-aatend lamang ng session at pagkatapos ng sesyon iuuwi muli sa kanyang detentino center sa Crame, korte na ang magdedesisyon nyan.

May call din na ipatigil yung benefits na sen. Lacson

Sen. Chiz: Aplikable din naman yan sa kaso ni sen. Trillanes na wala namang ganong panawagan at patuloy rin naman niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin mula sa kanayng kinapipiitan. Desisyon yan ng senado subalit sang-ayon sa batas hanggat hindi final at executory ang anumang conviction laban sa isang mambabatas o opisyal nandon pa rin ang presumption of innocence nya.

Yung kay sen. Lacson kailangan munang i-refile at ireopen yung case bago yung custody issue

Sen. Chiz: Hindi, ang status kasi ng case a motion to reinvestigate was filed it was denied, a motion to dismissed was filed it was denied, ngayon paano ka hihingi ng custody kung wala pa namang jurisdiction ang korte sa yo. Yung motion to reinvestigate at to dismiss pede pa yon, kasi it goes to the very heart of the case na dapat hindi na-file sa korte, dapat hindi nag-isyu ng warrant of arrest. Pero yung ibang remedies na pinag-uusapan natin, bail, custody, dapat may jurisdiction muna yung court sa iyo.

At least daw para mapababa yung sentence or ma-lift yung warrant

Sen. Chiz: Kahit estafa o kahit unjust vexation, mag-iisyu ng warrant yung korte pero bailable yon, so magpo-post ng bail yung tao, pagpost ng bail yung tao nasa jurisdiction na siya ng court, ngayon pede ng mag order ang court na pede kang magbyahe ot hindi ka pedeng magbyahe, dagdagan mo yung bail o sige house arrest ka, pero hanggat hindi kasi nangyayari yon mahirap eh, hindi mo pedeng hingan ng order yung korte ng wala pang jurisdiction sa kanya. Parang yung mga John Doe sa mga kaso, papaano sila manghihingi ng house arrest eh hindi pa nga sila nahuhuli, hindi pa nga sila kilala. Ngayon kahit na yung request ng anak ni Ping kay Presidente, labas sa kamay ni Presidente yon, korte yon eh. Gaano man makapangyarihan ang Presidente as we would think and see or we would like to see, hindi niya pedeng utusan kahit na sinong MTC judge, n ot even an RTC judge hindi niya pedeng utusan.

So ang magagawa nyo lamang ay ang magpalabas ng resolution katulad kay sen. Trillanes

Sen. Chiz: Which is persuasive at best, persuasive at best. (Pareho kasing non-bailable yung kasi nina senators Trillanes at Lacson) Parehong non-bailable at yung immunity from arrest applies only to crimes the penaltyof which is less than six years. Immunity from arrest lang yon, ayon wala ng kuwestiyon, wala ng custody custody, walng bail bail, basta you cannot be arrested for a crime the penalty of which is less than six years

Sir magkasunod na naman yung bus accidentsl ano ang magandang solusyon para magbayad yung mga kumpanya doon sa mga biktima?

Sen. Chiz: Naghain na kami ng mga panukalang batas na magbibigay ng dalawang bagay sa mga biktima ng aksidente tulad nito, una mas mataas na kaparusahan para sa mga driver ng bus na mapapatunayang nagkasala o naging reckless o nakalulong sa anumang ipinagbabawal na gamot o alkohol para maisipan nila at mailagay sa puso nila ang buhay ng kanilang mg pasahero, ito ay hindi isang bagay na dapat magaan nilang iniisip at tinatrato at kinakarga. Pangalawa nakasaad din sa panukalang batas namin na idikit at huwag paghiwalayin ang responsibilidad ng may-ari at operator lalong lalo kung napatunayang reckless naman talaga yung driver na kanyang ginamit upang patakbuhin yung kanyang bus, dahil madalsa sa madalas kaya nga nagpapasada lamang sa bus wala namang pambayad yung driver sa anumang civil liability na mgiging biktima nya kungmagkaroon ng aksidente. Yon ang dapat maging papel na gampanan ng operator at owner kung mapapatunayang naging pabaya siya sa pagpili, pagmonitor at pagpapa- check up at pagbabantay sa kanyang mga tsuper.

Sir open secret na ang bilin ng mag operator na patayin nyo na lang para siguradong hindi na tayo maghihirap pa sa pagbabayad

Sen. Chiz: Oo at hindi, narinig ko na rin hindi ko lang alam kung joke o seyosong ibininigay yon, kahayupan na kalseng utos yan kugn binibigay man ng sinong operator. Pangalawa sabihin man tao pa rin naniniwala ako na sino mang nagmamaneho ng bus at maski siya ayaw naman niyang malayo siya o mawala siya sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagkitil sa kanyang buhay o pagkakabilanggo dahil sa kanyang ginawa.

News Latest News Feed