Press Release
September 2, 2010

Kapihan sa Senado transcript

On the decision to suspend the senate investigation on hostage crisis

The decision was arrived at with consultation with me and with consultation with other senators as well. In fact the only manifestation raised by Sen. Arroyo yesterday was with respect to the franchise, the grant of franchise to certain media organizations and he was also in a way in a ccord with the position taken by the chair and co-chair. Personally para sa akin dapat hayaan na muna yung executive branch na tapusin yung kanilang imbestigasyono bago imbestigahan muli it ng senado. Nong mga nagdaang panahon sa ilalim ng term ni Pangulong Arroyo, marami kaming imbestigasyon na ginawa dahil ayaw naman imbestigahan ng administrasyon ni Pangulong Arroyo yung mga alegasyon na naglipana sa labas at alegasyon mula sa kongreso mismo. Ngayong ginagawa ng administrasyon ang kanilang trabaho sa pag imbestiga, ayaw naming bawian sila ng oras sa kanialng imbestigasyon sa pamamagitan ng paghila sa kanila dito. Pero matapos magawa ang report, sila ay iimbitahan namin at ipagpapatuloy ng senado ang imbestigasyon base sa report na kanilang ginawa at isusumite, kung ito ay kulang, kung ito ay labis, kung ito ay tama o kung ito ay mali.

On torture investigation

May hiwalay na resolusyon na na-i-file sa committee on justice and human rights na ako ang tumatayong chairman at itutuloy namin yon kaugnay sa institutional na dapat ipatupad na mga pagbabagp ng PNP at AFP sang-ayon na ron sa bagong pasang batas na anti-torture law. Dahil sa ilalim ng batas na ito dapat magsagaw ng mga module, training at educational programs ang AFP, PNP, NBI at lahat ng law enforcement agencies at offices kaugnay sa pagpapatupad ng bagong batas na anti-torture. Hiwalay yon at nagkataon lang siguro nasama don sa hearing na isinagawa ni Sen. Honasan.

So pede nyong ituloy yon?

Buo ang balak at kabalakan namin na isagawa yon matapos lamang officially ma-refer yung resolution sa amin.

Kasi lumalabas natatabunan yon dahil puro hostage hostage...

Hindi naman siguro single issue lamang ang senado, ang pamahalaan o ang ating bansa, bagaman ito ang yumakap sa mga headline at pangunahing balita sa ating bansa, patuloy na umiikot ang mundo at patuloy na may ibang problema na dapat nating tugunan kasabay nito.

On the grievance of Rear Admiral Angge

During our hearing of the committee on national defense and security we asked the Chief of Staff and the secretary of the National Defense to submit to us two reports within two weeks. Taht will come to pass by Wednesday next week. Ang unang report ay tungkol sa kanialng imbestigasyon kay Gen. Angge kaugnay sa kanyang pagsasapubliko ng kanyang mga reklamo at grievance. At pangalawa at mas importante ron, yung kanyang mga sinabi at binanggit kung ito ay may basehan at kung ano angg ginagawa ng AFP tungkol dito para maiwasan o mapatunayan nilang hindi nga totoo ang mag alegasyon ni Gen. Angge. Pinag-usapan at tinalakay din namin sa aking opisina ang kasong ito dahil marahil may katotohanan ang alegasyon o ilang alegasyon ni Gen. Angge pero hindi tama ang pamamaraan na ginamit niya kaugnay sa kanyang pagsasapubliko ng kanyang mga reklamo. Kaugnay din nito inatasan ko ang Chief of Staff at Secretary of National Defense, nakipag-ugnayan din ako kay Gen. Verzosa nitong nagdaang araw na patatagin, palakasin ang grievance mechanism ng PNP at AFP. Ang pagkakaiba ng PNP at AFP sa ibang mga ahensiya ng gobyerno na dapat ay may grievance mechanism din, armado ang AFP, armado ang PNP, at marapat mayroon silang nahihingahan ng anuamng reklamo, hinaing o sama ng loob upang hindi padaanin sa dahas at upang hindi magamit ang kanilang training, kakayahan at armas kaugnay ng kanialng reklamo at hinaing.

Pede bang makisawsaw ang senate don sa system of promotions ng board of generals ng AFP considering that politics really being played in that system.

Isa yan sa mga balak silipin at tingnan ng inyong committee on national defense and security matapos ang mga briefing ng ibat-ibang ahensiya sa komite, subalit ayon sa unang sagot ng secretary of national defense and Chief of Staff nagpa-function daw yung sistema ng promotions na based pa rin daw sa merit at nagpa-function pa rin yung tinatawag nating board of generals na siyang nag-i-screen at nagrerecommend based on merit again ng kung sino ang mapupuwest saan. But we have to understand as well in any organizations there is more often than not two or more people who are equally qualified for the same position. Two or more people who belong to the same league in so far as occupying a particular position in an organization. And it sometimes natural because they are human beings as well, to feel slighted or insulted if they do not get the position they think they so deserved.

Yung bang secretary of national defense pedeng makialam dyan sa promotions?

The SND is essentially part of the chain of command because he serves at seats as the alter ego of the President although the chain of command only makes mention of the commander in chief or the President as belonging to the highest chain, he is nevertheless the alter ego of the President, serving at the pleasure of the President, acting for and in his behalf given the President cannot be in each and every place 24/7.

The insinuations of Rear Admiral Angge have something to do or yung secretary of national defense is allegedly favoring his batch mates.

Irereserba ko yung komentaryo ko hanggat hindi ko nakikita yung report pero hindi naman siguro tamang pinapaboran ni Secretary Gazmin yung kanyang mga mistah dahil matagal nang mga retired yung kanyang mga mistah.

Okay lang bang i-appoint ni Secretary Gazmin yung mga ka-mistah nya na medyo tumatanda na

Gaya ng nasabi ko sa pagkakaalam ko ang mga mistah nya ay matagal ng nagretiro at wala na siyang mistah sa aktibong serbisyo sa ngayon. Pero ayaw kong tawaran ang kakayanan ng sinuamng may edad tulad din ng hamon ko na huwag tularan ang sinuamng kulang sa edad.

As co-chair sa komite na nag-iimebstiga ng hostage crisis, sinabi ni sen. Angara na may parang may Palace official na tumawag kaya na-suspend muna yung hearing

Wala ako nong hearing kaya kung may tumawag man... Hindi ko alam, sa akin walang tumawag at walang nag-utos at wala naman sa lugar ang sinuman sa executive branch na utusan ang sinuman sa senado. Kung may alegasyon si Senator Angara magandang pangalanan nya kung sino ang tumawag at sino ang tinawagan kaysa naman manghuhula tayo kaugnay sa balita diumano galing sa kanya.

Ano daw ang mapapayo nyo kay Lacierda na patuloy na binabastos at hindi maayos ang pakikitungo sa mga Palace reporter, fit ba siya sa tungkuling presidential spokesman. Lagi daw niyang tinatakot ng libel.

Sinumang nasa pamahalaan, partikular na sinumang tagapagsalita at nagsasalita sa ngalan ng Pangulo, para sa akon walang karapatan para maging napakanipis ang balat kaugnay sa mga kritisismo at akusasyon. Ikanga no public official working in the government should be too thin skinned in so far as criticism specially questions are concerned. Because we owe it to the people to answer whatever question is thrown at us, however, unfair we may think it is, because we owe transparency and nothing less than accountability to our people in so far as those serving in the government is concerned.

So kung balat-sibuyas siya wala siyang karapatan bilang spokesman?

Isusumite naman yata ang pangalan nya dahil tatlo sialng secretary na gumaganap ng tungkuling yan sa commission on appointments, siguro yon ang tamang panahon para masiyasat ang mga bagay na yan.

Kailan ka ya magko-convene ang CA?

Malamang mag-organize ang CA sa darating na linggo dahil inaantabayanan din namin ang aming counterparts sa House of Representatives, the CA cannot convene without our House counterparts being formally elected and organized as CA. Buo na sila, next week most likely.

Yung sa pagharap daw ni President sa imbestigasyon? At pinapa-inhibit nyo ba si Robredo?

Sa palagay ko mali yung pananaw na dapat at yung sinabing dapat paharapin pa si Pangulong Aquino sa imbestigasyon . i don't think the subordinate can call on the superior given that the subordinate is only the alter ego of the President. At para sa akin OA na yon siguro na pati ang Pangulo idadamay pa, dapat naman sana na yung kanyang mga alter ego at kalihim ang sumasagot sa mga katanungan tulad nito . masyado na tayong maraming binigay at binibigay kaugnay ng nangyaring karahasan sa hostage crisis, hindi naman siguro na dapat pa na hilahin at Pangulo sa isyung ito kaugnay sa imbestigasyon na pinangungunahan ng Department of Justice.

Willing naman daw ang President para mag-observe

Sa pagkakakilala ko sa kanya malamang willing naman talaga siyang humarap dahil wala namang tinatago si Pangulong Aquino pero hindi pa rin tama sa aking pananaw na gawin at mangyari yon dahil masyado nang pinapababa ng ganyang uri ng pagpapatawag. Hindi lamang ang Pangulo at ang katauhan niya kundi ang opisina na kinakatawan nya.

Si Robredo? Yung inhibition nya?

Tama na sana na DOJ ang mangunguna sa imbestigasyon dahil walang ahensiya sa ilalim ng DOJ ang sangkot o may papel na ginampanan sa hostage crisis. Ang sangkot at may papel na ginampanan dito ay puro ahensiya sa ilalim ng DILG. Para sa akin ito ay dapat at marapat na pangunahan na lamang ng DOJ at NBI at merong mga observer mula sa Hong Kong authorities at wala ng iba upang matiyak na magiging parehas at pantay ang imbestigasyong isinasagawa.

As observer hindi sila dapat makialam?

Dapat maging magaan ang kamay natin ta hindi dapat maging mabigat ang kamay natin dyan. Ang kinakatakutan ko kasi pagka iba ang resulta ng imbestigasyon ng Hong Kong authorities sa resulta ng imbestigasyon ng Philippine authorities pinapahaba na naman natin yung kuwento at pinapalaki na naman natin ang problema kung sakaling mangyari yan. So sana hindi maging mabigat ang kamay, ikanga hindi masyasdong istrikto ang Philippine authorities kaugnay sa pagiging observer o sa pagiging observer status ng Hong Kong investigators para sa gayon magkaroon ng parehas at parehong report ang dalawang bansa.

Sir may hatian daw sa DILG, yung isa concern lang sa public order, yung isa sa local governance

Maski ako ay nalito don sa pahayag ni secretary Robredo dahil wala naman sa dministrative code at wala naman sa batas ang hatiang tulad nyan. Ang kalihim at kalihim ng buong departamento at sana nong una pa lang nahirang ay inilahad na ito sa publiko. Bakit nong nagkaroon ng problema don tila nagkaroon ng turuan at sisihan kung kanino ng jurisdiction ang partikular na sektor, ahensiya at opisina sa ilalim ng nag-iisang department. Isa yan sa ilang mga bagay na dapat niyang lawanagin hindi lamang sa imbestigasyon kundi pati na rin sa pagharap nya sa commission on appointments dahil kung hindi siya ang kalihim ng buong departamento eh di dapat iharap yung kalihim sa mas maliit na parte ng departamento sa CA.

It was the President's decision daw to divide it into two, sa public order at local government

Secretary Robredo would have to explain and answer that if at all he presents his credentials before the commission on appointments because as I've said the credentials of the undersecretary or any other lower official is not presented anymore to Congress for confirmation as far as we know and from our perspective there is only one secretary of each department.

How can we make Robredo liable when it was the executive that decided na si Rico Puno ang in charged sa public order.

We are not yet at the stage of pinpointing liability given that the investigation is not yet over. How we are pinpointing is responsibility and not yet liability if at all depends on the outcome of the investigation. All we are asking for is for officials to be responsible within their respective departments and jurisdictions. Whoever will be found to be liable will be totally different story based on the outcome of the investigation.

Apektado daw ang financial aid na galing sa China kung hindi magiging maayos ang imbestigasyon Wala akong personal knowledge kaugnay sa bagay na yan pero umaasa ako na hindi naman siguro totoo at hindi mangyayari yan dahil pati na mismo ang bansang Tsina ay nagsabing isolated case ito at pati sila ay naniniwala na hindi maaapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa. Nasa interest ng Pilipinas at ng China, nasa interest ng mg kababayan nila sa China at kababayan natign Filipino na hindi magkaaway at hindi na lumala pa ang kasalukuyang sitwasyon na dala ng emosyon sa naganap na hostage crisis sa nagdaan linggo. Sana huwag na nating buhusan ng gasolina at paypayan pa ikanga yung apoy sa pagitan ng dalawang bansa at ng dalawang mga gobyerno.

Yung tungkol sa proposed solidarity compensation, hindi ba parang bribery in a way to soften the anger

To begin with I don't think they should have announced it if they were not sure of giving it. Ngayon pa lang yata magdedesisyon kung may ibibigay nga ba o wala. Kung wala pang pasya sana huwag na muna Ina-anunsyo dahil nagmumukhang indian giver at baka mukhang minamaliit natin yung naganap na nnagyari at tila may katumbas ito na salapi o ilang pirasong pera na hindi naman kayang suklian at ibalik pa. sana bago magbitiw ng ganyang uri ng salita mayroon ng desisyon at napag-aralan na ng husto upang hindi na makadagdag pa ikanga sa masasamang pakiramdam at emosyon na nananaig ngayon sa maraming tao sa Hong Kong at China.

Maaapektuhan ba ng performance ni Robredo ang kanyang CA confirmation

I would think so dahil maraming senador at kongresista akong nakausap na maraming katanungang nais ibato at ipukol kaugnay ng naganap na hostage crisis. Nandon na yung paggalang sa imbestigasyong isinasagawa subalit mayroon pa ring obligasyon at papel na dapat gampanan ang kongreso kaugnay sa pagkumpirma ng mga kalihim na na-appoint ng Pangulo.

Kung si Binay ang naging DILG secretary hindi ganito ang naging resulta ng hostage taking considering yung kanyang expertise

Maramign could have been palagi at palagi tayong makakaisip ng mas magandang bagay na pedeng nangyari o magaling na taong pedeng nakagawa ng mas magandang trabaho. Hindi ko kayang sabihing tiyak o sigurado yon. Ang kaya ko lamang sabihin sa pagkakaalam ko malawak ang karanasan ni Vice President Binay nong siya ay mayor pa kugnay sa maraming hostage crisis na naganap sa Makati na karamihan o hindi man lahat ay naresolbahan ng mapayapa at walang nasasaktan.

Sir merong kayang politics involved sa pagresolba ng hostage crisis, yung agawan ng credit kung naging maayos ang negotiation

Sana wala at sana hindi pero maliwanag siguro at isang lalabas sa imbestigasyon marahil na trato at trinato bilang local issue ang isang maliwanag at klaro na national at international na issue na. Hindi man mag take over mag supervise na hindi pa natin nalalaman sa ngayon. Ang isang hinahanap ng marami sa ating mga kababayan nong mga oras na yon kasi boses na magpapkalma, boses na magbibigay ng kumpiyansa at boses na magbibigay sa ating lahat kung ano ang ginagawa at merong ginagawa nongmga panahong yon, upang sagayon hindi pinabayaan sa hula at hindi pinabayaan sa ano lamang ang nakikita sa telebisyon ang mga kaganapan nong nangyayari ang hostage crisis. Walang ganon na nakita tayo, wala tayong boses na ganong narinig.

Dahil sa nangyari naungkat ngayon yung dalawang faction sa administrasyon ni Pangulong Aquino

Nadeny na yan ng Palasyo at hindi naman ako pasok sa politika sa loob ng Palasyo para sabihing totoo o hindi yan. Pero nakakalungkot lang tapos na ang politika, tapos na ang eleksyon, may mga nanalo at natalo na, sana itigil na rin yan at sana hayaan na rin nating yan mabaon sa nakaraan at sa nakaraang halalan anumang hidwaan meron. Para sa akin lahat tayo na nasa gobyerno dapat pagsilbihan lahat na Filipino, binoto man tayo o hindi, lahat tayo naninilbihan ngayon sa gobyerno dapat pantay ang pagtrato sa lahat, kapartido man natin o hindi.

Iho-hold daw yungtulong ng China sa Pilipinas

Wala akong personal knowledge ron pero sana ay hindi naman at umaasa akong hindi dahil ngapahayag na naman ang China na hindi maaapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa at isolated case lang naman daw ito maski na sa tingin at pananaw nila.

Paano mapa-pacify ang China

Hindi lamang masatisfy sila pero pati yung mga kababayan nila, pero hindi natin dapat gawin ito para masatisfy sila, para malaman ang katotohanan at para maiwasan ito sa mga susunod at darating pang panahon. Ang alam kong hinihiling base sa Internet at base sa ipinahayag sa rally nong nakaraang linggo hinihiling nila mabilis, agaran at factual na imbestigasyon at pagpapatupad ng anumang rekomendasyon ng imbestigasyong yon.

Paano kung hindi nag-jibe ang resulta ng imbestigasyon ng Pilipinas at ng Hong Kong

Again I hope that it will not happen and I hope as I've said kanina sana maging magaan ang kamay ng pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa partisipasyon at kooperasyon sa Hong Kong authorities para sa imbestigasyon, malay natin may maituro sila ay may malaman tayo mula sa kanila tulad din ng maaaring malaman at matutunan sila mula sa atin. Ang huling gusto nating mangyari ang taliwas na resulta sa imbestigasyon gn Hong Kong authorities at Philippine authorities.

Pati yung communications group isasalang din sa CA

I don't know but I think some senators intend to do that, but personally siguro limitado muna sa DILG yung scrutiny na dapat gawin dahil yung mga ahensiyang in-charged sa hostage crisis: the local government unit and the PNP are both under the DILG.

May panawagan si Congressman Lagman na magresign sina Coloma, Carandang...

Karapatan ni Congressman Lagman yon marahil angkop sa papel na ginagampanan nya bialng House minority leader na hilingin ang mga bagay na yan subalit mabibigyan naman siya ng pagkakataon sa commission on appointments na siya ay miyembro na ilahad ang lahat ng ito at bumoto laban sa mga kalihim na ito.

Basically issue ng incompetence ang ibinabato sa kanila

Ang mga ahensiya kasing naghandle sa hostage crisis puro nasa ilalim ng DILG, the local gov't of manila and ther PNP, so marapat lang siguro na ipukol at ibato ang anuamng mga katanungan kaugnay don sa kalihim ng DILG na siyang nangunguna dapat at may core competence sa hostage crisis na naganap.

How would assess the performance nong mga nasa inner circle ng Pangulo kasi may nagsasabi nalalaglag ang Pangulo dahil sa kanila

Hindi ko kilala eksakto kung sino sino sila subalit sana matutong akuin ang responsibilidad ng mag taong na-appoint, pinagkatiwalaan at hinirang ng Pangulo at hindi umiilag sa anuamng bala na papunta sa direksyon nila at sa kanialng pag-ilag baka ang tamaan ang Pangulo mismo na pinagsisilbihan nila. I think these officials should take full responsibility for their actions and inactiosn and I think they should be fully made to account again for what they did and/or failed to do.

Yung mga kalihim na marahil ayaw umako at palaging tinuturo sa Pangulo ang pagsagot sa mga tanong at pagsagot sa mga batikos, hihintayin ko ang resulta ng imbestigasyon bago ko din ituro kung sino.

Maaaring malagay sa alanganin ang confirmation ni Robredo

Sa palagay ko, sa palagay ko oo dahil din naman sa kakulangan ng mga sagot at mga sagot na mas naghiling ng katanungan nong unang nagdinig ang senado tungkol dito. Pero para sa akin maganda na rin siguro maaga aga sa termino ni pangulong Aquino nagkaroon tayo ng pagsubok tulad nito para sagayon sinumang i-easy easy, sinumang nag-aakalang madaling trabaho ang kanialng pinasukan matapos sialng ihirang at hawak na nila ang titulo ng kalihim medyo magising na mabigat an gtrabaho at hawak nila sa kanilang mga kamay, not only figuratively but also literally ang buhay ng ating mga kababayan at kabilang na ang mga dayuhan.

Do you think Robredo should voluntarily step down

I cannot speak for him, and if at all resignation is a voluntary act on the part of the official resigning, if it is imposed you no longer call that resignation.

Kasama sa pinapaalalahanan nyo si Executive Secretary Jojo Ochoa na never nating makita since humarap sa media a long time ago

Ang theory at kaisipan ko sa isang executive secretary nasa likod ng Pangulo at wala sa harapan nya, kaya inimbento ang mga kalihim ng ibat ibang departamento para sila ang kumatawan sa Pangulo depende sa isyu na kinakaharap ng kanyang administrasyon. Masyado lang siguro tayong nasanay sa mga executive secretary tulad ni Ermita na madalas at palaging nakikita sa telebisyon pero ang mas magandang malaman at makita ano ba ang trabaho na nagagawa at ginagawa sa loob, sa labas ng ilaw ng camera, sa loob ng opisina. Tatlo tatlo na nga ang spokesperson natin gusto nyo pa bang dagdagan ng isa pa.

Maaapektuhaan kaya ang trust rating ng Pangulo dahil sa nangyaring hostage crisis

Posibleng mangyari yon pero bahagi yong ng tinatawag nating governance yan, ang pagkakaroong ng mga hamon at pagsubok na maaaring magpababa at maaari rin naman magpataas ng numero. Ang tanong palagi ay kung paano nila haharapin ang hamong ito at babangon mula sa hamong ito na kinakaharap natin sa ngayon.

Sa desisyong hindi pagbisita sa Asean countries ng Pangulo, sa halip pinili nya ang Amerika

Desisyon ng Palasyo ang unahin ang Estados Unidos bago ang isang Asean country na tinatawag nating ikanga tradition na dahil ginawa yan ng mga nagdaang Pangulo ng ating bansa. Walang batas na nagsasabing dapat yan an ggawin ng sinumang Pangulo at anumang tradisyong na ikanga bahagi na ng ating kasaysayan ay hindi naman parang taling dapat ginagapos tayo sinumang pangulo. Ang ginagawa ng Pangulo ngayon ay paglikha marahil ng sarili niyang tradisyon para sa salinglahi at darating pang mga administrasyon at panguluhan. Ayaw ko pulaan samantala ang kanyang desisyon na unahin na muna ang ibang bansa maliban sa Asean dahil hindi naman patunay yan na hindi mahalaga ang ating mga kapitbahay dito sa ating rehiyon.

Hindi ba parang pag-iwas yon sa kapalpakang nangyari na nakita nila

Hindi naman siguro dahil na cover din naman ng CNN ang nangyari dito, hindi rin naman siya makakaiwas sa mga katanungan na may kinalaman diyan maski na sa pagbisita nya sa Estados Unidos.

Yung tungkol sa pork barrel, yung pagrelease ng pork barrel

Hindi ko alam dahil hindi pa ko nakaranas nyan magmula nong 2005. Ni hindi pa nakikipag-ugnayan sa aming tanggapan ang DBM pero ang dapat sigurong timbangin ng DBM ang PDAF at CDF para sa taong 2010 ay nakalagay na sa general appropriations act ng 2010 at batas na sa ngayon. Merong limitasyon siguro ang pedeng mabago don dahil ito ay nakasaad na sa isang batas. (Ia-adopt daw ng Senate) By joint resolution via a supplement to the GAA, by way of special provisions, pwepede yon pero dapat aprubahan hindi lamang ng senado pati na rin ng Kamara de Representantes.

May sinasabi si Congressman Lagman na bawal ng mag-impound ng pork barrel

Magandang matanong kay Congressman Lagman yan kung saka-sakali kung bakit yan ang ginawa ng kanyang mga kakampi sa minoriya noong sila ay nakaupo sa Malacanang, dahil tila naaalala at nakikita lamang nila yan ngayon at hindi noong sila pa ang nasa puwesto.

Confident ka ba na makukuha mo na yung pork barrel nyo?

Hindi ko alam, wala pang notice. Since 2005 wala, since we filed the impeachment complaint against former President Arroyo.

News Latest News Feed