Press Release
September 14, 2010

TRANSCRIPT OF GUINGONA INTERVIEW WITH JOE TARUC

ON JUETENG JOE: Magandang umaga, ang panauhin po n gating himpilan ay walang iba kung hindi ang Chairman ng Blue Ribbon Committee, si Senator Teofisto "TG" Guingona. Mr. Senator, magandang umaga po. Welcome to our program.

STLG: Magandang umaga Joe. Magandang umaga Karen. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa DZRH at programang Damdaming Bayan. Ito po ang inyong kaibigan na si TG Guingona . Para sa atong mga kaigso-onan sa Visayas ug Mindanao, maayong buntag sa inyong tanan mga higala.

JOE: Mr. Senator, mahigit na tatlong dekada na kinakatakutan ang Senate Blue Ribbon Committee dahil sa katatagan at layunin nito upang labanan ang katiwalian. Subalit ngayon medyo madami ang mga nag-aalinlangan sapagkat wala daw pong ginawa ang Blue ribbon committee sa kabila ng malalaking iskandalong kinasasangkutan ng GSIS at GOCC particularly yung PAG-IBIG. Ano po ba ang patakaran para ito hawakan ng Blue Ribbon Committee?

 STLG: Well actually, any topic naman puwedeng bumagsak sa blue ribbon. Sapagkat ang blue ribbon, laban sa katiwalian at korupsyon. Pero puwede din bumagsak sa ibang committee. For example, yung tungkol sa jueteng. Nabagsak ito sa blue ribbon pero tumayo si Senator Bong Bong Marcos at sinabing dapat kasama din ang local government. Sapagkat saklaw ng local government ang mga operations sa jueteng. So, walang isyu doon. Sabay na lang.

JOE: Kayo po ba bilang chairman ng blue ribbon committee on your own, puwedeng magpatawag ng imbestigasyon?

STLG: Puwedeng puwede.

JOE: O kailangan pa ng authority sa senate leadership?

STLG: Hindi naman authority, yun lang kailangan meron resolution. Pero madali lang naman gawin at wala naman nag-object diyan.

 JOE: Dito sa iskandalo ng jueteng, ano po ang balak ng inyong committee? Mukhang alinlangan pa rin itong mga personalities involved na hawakan ng blue ribbon committee sapagkat nagkaroon nga ng investigation in the past, wala naman nangyari .

 STLG: Buti natanong mo, manong Joe. Unang una, iba ang layunin ng imbestigasyon ng senado o di kaya sa kongreso kaysa investigation ng department of justice just like the one that's happening now with the hostage taking. Ang layunin sa senado ay para malaman kung may kakulangan ba sa batas. Bakit nangyari itong korupsyon na ito? Kung may kakulangan sa batas, gagawa tayo ng batas sapagkat iyan ang role ng legislature. Or, may batas naman pero mukhang kulang.

JOE: Pero alam naman natin Mr. Senator, napakatagal at maraming araw ang iginugol at inubos ng senado sa jueteng investigation noon. Pero after ng session wala din nangyari.

STLG: Ano bang pangyayari ang gusto natin? Either may bagong batas. Nagkaroon ba ng bagong batas? O meron bang batas na napalitan o na-amyendahan? May nagsasabi din na minsan, hindi kailangan magkaroon ng batas o walang pagbabago ng batas. Bakit? Sapagkat sa tingin nila sapat na yung batas. Eh kung sapat na yung batas, bakit may problema pa din? Dahil hindi pinagpapatupad yung batas. Ngayon, sino ba nagpapatupad ng batas? Yung executive branch. Sa ilalim ng presidente, secretary of local government , in this case of jueteng and the police.

JOE: Kung ganito ang estado mr.senator, ano ang pagkilos na gagawin ng Blue Ribbon Committee kaugnay nitong bagong expose?

STLG: Unang-una, dahil may resolution at may mga pangalan na nabanggit, lahat ng mga nabanggit ay tatawagin natin at itatanong natin kung ano ba ang kinalaman mo dito? Lalo na ang superstar dito na si Archbishop Cruz sapagkat lahat ng ito nangyari dahil sa kanya. Pumutok ito lahat dahil sa kanya. So, tatanungin naming at i-imbitahin naming kung sino ba talaga yung dalawang sinasabi ninyo na malapit sa Aquino administration at ngayon lumabas apat na gobernador sa Luzon na sinasabi na involve as operators ng jueteng.

JOE: Ang laging malimit na sagot ni Archbishop Cruz dito ay kayong mga nasa executive branch na milyon o bilyon ang intel funds, aba ay dapat kayo ang mga nakakaalam ng mga ganitong uri ng detalye.

STLG: Mukhang dapat nga. Kung tatanungin din natin ang mga nasa executive branch si Secretary Robredo, USec. Puno at yung police forces kung ano ang alam nila.

JOE: Ang medyo kakatuwa dito Senator TG, halos alam ng buong bayan kung sinu-sino ang mga ito pero kayong mga nasa executive branch ang hindi nakakaalam.

STLG: Well, actually yung mga nakakaalam ay andiyan sa executive branch. At saka, alam niyo yung jueteng hanggang Luzon lang iyan. Sa Mindanao ay walang jueteng.

JOE: Sa Mindanao ata iba ang tawag.

STLG: Masiao... at kung anu-anong gimik. Pero ang talagang organize na malaki ang pera ay nandoon sa jueteng. Isa pang titignan natin manong Joe, yung tinatawag nilang STL (Small Time Lottery). Yan, I understand kaya itinatag yan para patayin ang jueteng. Ang tanong ngayon, kung pinatay ang jueteng, bakit mas lalong lumakas pa ang jueteng?

JOE: Sa halip na patayin nila ang jueteng, kinain pa sila ng jueteng.

STLG: Oo nga ... Anak ng jueteng nga naman

JOE: Siguro kahit paano, dapat makita ng mga taong bayan ang tunay at matapat na pagkilos laban dito ngayon pa at nagbubulgar si Archbishop Oscar Cruz ng mga pangalan na hindi nila inaasahan na gumawa ng ganito yung mga trusting aides ng Pangulong Noynoy Aquino.

STLG: Hindi lang iyon. Lalung-lalo na bago ang administrasyon. Kaya sinasabi nila na nagkaroon ng imbestigasyon at walang nangyari noon. Noon yun. Sino ba ang presidente ngayon? Meron tayong tuwid na daan, transparency, walang sikreto at good governance. Ito ngayon ang isang magandang testing.

JOE: Meron na po bang schedule ang blue ribbon committee kung kailang sisimulan ang imbestigasyon?

STLG: Balak naming next week manong Joe.

JOE: Sino po ang unang ipatatawag ng blue ribbon committee?

STLG: Lahat po. Si Secretary Robredo, USec Puno and Archbishop Cruz at yung pulis.

JOE: Yung apat na yun. Mga kaibigan, babalikan po natin ang ating panauhin na si Senator TG Guingona makalipas ang ilang paalala.

JOE: Mga kaibigan, kapiling pa din natin sa loob ng himpilan ang Chairman ng Blue Ribbom Committee na si Senator TG Guingona.

 JOE: Mr. Senator, kasama po ba sa i-imbestigahan sa hearing na gagawin ng Blue Ribbon Committee ay yung mga bagay na kinalaman din sa STL o small time lottery.

STLG: Opo, kanina napag-usapan natin tinatag yan para patayin ang jueteng pero ang tanong ngayon noong meron nang small town lottery eh bakit lalo pang lumakas ang jueteng? So may kapalpakan dito. At kailangan natin tignan kung ano ang kapalpakan at kung puwedeng maayos para mapatay na nga itong jueteng.

JOE: Meron ba kayong balak na ipatawag na operators nitong STL at mga jueteng lords?

STLG: Magandang anggulo yun at titignan natin. Yes. Why not?

JOE: Kasi magandang malaman natin kung ano ang depekto ng sistema ,depekto ng STL, depekto ng pag-papairal at pag-papatupad ng illegal practice.

 STLG: Yes, exactly. Para malaman natin ang sistema, kung may kapalpakan ang sistema at kung ma-a-ayos pa ba natin? Kung hindi maayos pati ang STL , tanggalin na din natin.

 JOE: tapos sunod diyan pahinain natin ang sistema.

News Latest News Feed