Press Release
September 23, 2010

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR TG GUINGONA

Q : Kumusta na po kayo Sen. After ng first hearing ng inyong komite diyan sa jueteng scandal na ito?

STLG: Well, sa ngayon pinag-aaralan natin yung mga iba iabang sistema at mga panukala kung papano susugpuin ang jueteng ,maraming nagsabi diyan na illegalize na lang at meron din nagsasabi na palakasin yung STL .Bago dun gusto ko lang bigyan diin na itong problema nakakaapekto sa national security natin sapagkat pagdating sa halalan alam natin mga lugar na kontrolada ng mga jueteng operator sila nakakadikta kung sino ang mananalo, so ito ay nakakapekto kalayaan at kapangyarihan ng taong bayan na pumili ng kanilang lider sa bansa.Pero kung isipin mo to na naganap na sa buong bansa ang mangyayari nito ay ang gobyerno natin mismo ang pagpili ng presidente hanggang sa brgy.capt. ay kontrolado na ng mga jueteng lord at mawawalan ng kapangyarihan at boses ang taong bayan.

Q: So parang sinasabi niyo dito Sen. Guingona regardless ng kahit anong klase pa man ang modernisasyon tayo magakaroon sa pagdating sa usapin sa pinanghalalan sa pagboto kung sino pa rin po ang idikta ng mga jueteng lords ay yun pa rin ang lalabas na mananalo kahit na ang PCOS machine ay hindi marunong magsinungaling?

STLG: Oo! Nakikita naman natin sa ibat ibang parte ng bansa nang yayari na yan at aantayin pa ba natin na buong bansa kontrolado na nila .

Q: Opo! Nabanggit niyo kanina isang national security concern itong jueteng na ito kayo po ba personal Sen.Guingona ng basahin niyo itong list na ibinigay sa inyo ni bishop cruz kayo ba ay nakatanggap na ba nang pagbabanta sa inyong buhay?

STLG: Wala pa naman ,tingin ko naman ,sapagkat alam naman nila yung hangganan ng senado isang lugar at pagkakataon para mailabas yung problema at magkaroon ng pressure points at ang senado gagawa ng hakbang para baguhin ang sistema para mawala ang jueteng pero hanggang dun lang gawa ng batas ang senado . Ang pagpapatupad naman nandun sa kapulisan nasa DILG at nasa presidente yung executive branch.Ang problema lang ngayun magandang testing sa administrasyon na to, yung mga inasukahan mismo ang in charge mismo sa pagpapatupad ng batas.

Q: YUn nga po! ifollow up ko lang po yung aking previous question na hindi pa kayo nakakatanggap ng pagbabanta sa inyong buhay pero kayo po ay nagbago na ba ng security pattern mula pa noong unang imbestigasyon dito sa problema ng ating gobyerno?

STLG: Sa tingin ko hindi pa naman sapagkat sa tingin ko alam naman nila yung sistema yung pagve-verify ng listahan pag-usapan natin yung listahan na binasa lets say mga pangalan na nandiyan hindi naman ibig sabihin na sila ay talagang may sala hindi ,ano ba yung listahan is merely a list that wiil provide leads kailangan no.1 iverify ,no.2 pag naverify iimbestigahan,no.3 pag may investigation may ebidensiya sampahan ng kaso and no.4 iprosecute sa dept. of justice and then ipasa yung kaso sa court at tsaka kung nakitang nagkasala then macoconvict yung nagkasala,pero lahat ng proseso na yan wala na po sa senado nandun nasa executive branch ng gobyerno na pinamumunuhan ng presidente,Dilg sec.,dept.of justice sec.at mga iba pang otoridad.

Q: Opo! Kasi po may mga senador din na may mga kasama kayong mga senador diyan sen.TG na after na mabasa niyo yung listahan na ibinigay ni bishop cruz ay parang may mga nagkomentaryo po na oy bakit parang hindi naman verified yung mga pangalan na sinubmit ni bishop cruz, kayo po ba ay may mga naririnig din na ganyang feedback mula sa inyong mga kasamahan?

STLG: Wala naman,ang no.1 diyan talaga naman na hindi verified listahan lang yan na binigay ni bishop cruz .Baliktarin natin ang sitwasyon isipin mo naman marlo mga kababayan kung hindi binasa yang listahan tinanggap na lang namin tapos tumahimik na lang kami ang mangyayari diyan ang sasabihin maghea-hearing kayo tapos hindi niyo ilalabas ang sinasabi ni bishop cruz kung sino yung mga opisyales na tumatanggap at akala ko ba bagong admin. Ito panibagong pag-asa ng taong bayan may taransparency walang sikreto tapos tatahimik kayo pag nagbigay ng lisatahan ay hindi puwede yun di ba? In the spirit of transparency walang sikreto kailngan ilabas lahat sapagkat pagdating sa senado bukod sa pagpapalit ng sistema at paggawa ng bagong batas .Ang hearing sa senado o isang lugar para mailabas talaga yung issue na ito at mgakaroon ng pressure sa mga otoridad ang pulis ang dilg ang president mismo,magkaroon ng pressure sa kanila na gumalaw at bigyan ng pansin itong problemang ito.yun po ang isang magandang layunin sa mga senate committee hearing hindi yung sinasabi nila na hearing ng hearing walang nangyayari .Well marami ring hearing na may nangyayari sapagkat nagkakaroon ng pressure ang mga opisyales ng exec. Branch na gumalaw sapagkat hindi lalabas sa senate ang mga issues at mga problema.

Q : Yun pong PNP ang pagkakaalam ko ay nagbigay din po ng sarili nilang listahan maliban pa po sa ibinigay ni bishop cruz ito po bang dalawang listahan po ay inyo ng naipagkumpara Senator?

STLG: Well,actually wala pa ako sa manila ngayun wala pa kaming pagkakataon na mapagkumpara yung dalawa .

Q: Kasi ang susunod ko hong tanong kung inyo pong nakita yung listahan at nakumpara ang itatanong ko sana kung ano ang mas credible sa dalawa sa tingin niyo yung una nga po ay lead lang para kayo ay mag dig deeper dito sa usapin sa jueteng?

STLG: Pero marlo yung listahan ng pulis ay leads din yun ,dun sa listahan ni Miriam na nilabas niya kahapon At may pagkakatugma yung ibang pangalan dun sa listahan na ibinigay ni bisop cruz.

Q: Yung mga listahan po na binigay ng PNP Sen.siguro for sure sa susunod na hearing niyo ito ay sa martes kung hindi ako nagkakamali ay babasahin rin ho ninyo yun?

TG: importanteng ilabas yung mga pangalan at importante na bigyan ng hangganan yan kung sino ang mga nandiyan at sinong gumagawa at magkano tinatanggap nila ang importante dito na matignan natin ang solusyon kailangan ng magshift sa hearing mula sa mga pangalan ,akusasyon ,listahan ,balik tayo sa sistema ano bang sistema ang gagamitin natin para mawala nga yung problema sapagkat kung walang sistema hindi talaga mawawala talaga yung problema nandiyan yung sistema ng STL pero sinasabi nila palpak ginagamit pa ngang front sa jueteng so ang tanong bat nagkaganun alam mo mali sa STL bat hindi niya napapatay yung jueteng nilikha yun para sugpuin ang jueteng hindi niya nagagampanan ang kanyang layunin bakit tignan natin mron naman nagsasabing illegalize na lang yan para mawala yang kapangyarihan sa mga jueteng lords at matransfer yung kapangyarihan sa estado sa gobyerno at kikita pa yungb gobyerno sapagkat mabubuwisan yan meron naman ibang nagsasabi si sen.Enrile mosmo ang nagsabi na hindi na kailangan ng batas sapagkat andiyan na ang batas ang kailangan lang ay ipatupad ang batas nagawa na natin nung 1970 yun ang sabi ni sen.enrile nung siya ay sec. ng national defense ginamit niya ang Phil.constabulary para sugpuin hindi lang jueteng kung hindi ang lahat ng illegal gambling nagawa nila nasugpo nila bakit nangyari nagawa nila noong 1970 at hindi nila magaw ngayon 2010.

Q: Siguro po dahil mas malaki na nga ang kubransa biruin niyo yung binabanggit ni Senadora Miriam magkano yung pinaghahatiaan 300M a year ?

STLG: Para sa akin naipakita na dati yung kita noong 1970's malaki na rin yun at hindi ako maniniwala porket malaki ang bigay porket malaki ang kita porket malaki ang suhol wala ng kapangyarihan ang gobyerno na sugpuin ang isang problema na hindi natin masusugpo ang problema sapagkat npakalki ng pera . Ang mangyayari ngayun pera perahan na lang ang gobyerno kung saka sakali hindi po matatanggap yan at pinatunayan na ng kasaysayan like I said Sen.Enrile 1970 was able to stop the illegal gambling.

Q: Bukod po dun sa mga listahan na nibigay sa inyo ni bishop cruz Sen.Guingona marami din kahapon binanggit si Sendora Miriam sa martes po siguradong mahaba din ang iyong listahan na iimbitahan kasama na ho ba yung mga nabanggit kahapon ni Sendora Santiago sa inyong iimbitahan?

STLG: Actually marlo yung mga nasa lisatahan parang nagdadalawang isip kami sapagkat pag inimbita mo sila ang sasabihin lang nila I'm sure no.1 hindi sila involve at wala silang alam diyan okey ano gagawin mo sa kanila pag sinabi nila yun wala na ,dead end na kayo mas maganda yung sistema ng bigayan natin ng pansin ang nandun sa nxt hearing sa tues si sec.Robredo ng Dilg at inimbita rin naming si former PNP chief Versoza .

Q: Hindi na ho kasama si Usec.Puno diyan ?

STLG: Yes kasama pa rin si Usec.Puno.

Q: Pero dun po sa ibinigay na lisatahan ng PNP Sen.Guingona ay may kaakibat na kumbaga watchlist nila kugnay dito sa jueteng operations at kung meron ho ito po ba si Atong Ang sa watchlist?

STLG: Itatanong natin kay PNP chief Bacalzo yung status ng listahan na yan,nxt hearing andun pa rin si PNP chief Bacalzo sa next hearing.

Q: Ang pangulong Aquino Sen.Guingona ay nagbigay na ng kanyang statement ayaw niyang illegalize ang jueteng ito rin ho ba ang tatahakin na landas ng inyong imbestigasyon yun pong pagsugpo na talaga at hindi itong ligalisasyon.

STLG: Ayoko pong mgabigay ng opinion ko sapagkat ako ang chairman at titignan ko lahat ng propose solution isa sa mga solusyon na pinopush gaya nung pinush ni Sen.Santiago kahapon yun ang paglelegalize ng jueteng ,ayoko munang bigyan ng pabor yan gusto ko munang tignan lahat ng solusyon tapos ievaluate natin yan tsaka tayo magbibigay ng rekomendasyon natin.

Q: Opo! Sen.on the lighter side kumusta naman po pakiramdam ngayon kayo nay a senador na at chairman kayo ng isang napakahalagang komite diyan sa senado para sa inyong pagtratrabaho nung kayo po ay nasa mababang kapulungan ng kongreso kumbaga sa po kayo nageenjoy kumbaga nacha-challenge?

STLG: Well ,mas challenging definitely itong senado lalong lalo na ngayon chairman ako ng blue ribbon committee, jr.Senator ako co chair ko pa pala ang chairman ng local govt.si Sen.Bongbong Marcos preho kaming jr.at tsaka itong komiteng ito buong senado na ito lahat member ,so parang committee of the whole of the senate .Very challenging pero mas enjoy ang congress sapagkat sa dami sa congress may barkada ,mas may samahan na maganda dito medyo okey din pero kokonti lang kami .

Q: Kumbaga maliit lang yung inyong samahan .

STLG: Maliit lang,maliit lang parang ang tawag diyan barkada warfare dito one senator is an island.sa kongreos kailangng mag grupo grupo kayo hindi puwedeng mag isa ka kasi walng mangyayari kung mag isa ka almost 270 cong.

Q: Mga ilang hearing senator ang inyong isasagawa dito sa jueteng investigation?

STLG: Ayoko ng patagalin ,kaya ng tues. meron kami tapos thurs and then I don't know kung merong isa pa titignan namin pero definitely ayoko ng patagalin gusto ko ang gumawa ng rekomendasyon at tsaka mga reports yung iba hindi na lang naming tatawagin as witness magsusubmit na lang ng position paper at interviewhin na lng naming example ang suggestion bishop cruz isa sa mga eksperto sa STL si Manoling Morato papasubmit na lang natin ng papers tapos interviewhin ko na lng personally para sa ganun mapabilis Ang proseso .

News Latest News Feed