Press Release
November 23, 2010

ON HAYDEN KHO'S "MAKITID ANG UTAK STATMENT"

Hindi ko na problema kung may bitterness pa rin siya sa puso niya. Siya ang gumawa ng masama sa kapwa niya, at sa babae pa, kaya he deserves what happened to him.

Magpakalalake siya at harapin ang mga kaso niya, na siya naman ang may kagagawan, in the first place? Hindi dapat siya nagtuturo at nagpapasa ng sisi sa ibang tao dahil sa pagkatanggal ng lisensya niya at sa patuloy na pagdinig ng kasong kriminal na inihain laban sa kanya.

When I called for an investigation on the sex video scandal, I did not do this to advance my political or showbiz career. Ginawa ko ito para sa kapakanan ng mga babaeng naagrabyado niya. In fact, I gained nothing from it. Nagkaroon lang ako ng kaaway, at si Hayden Kho na iyon.

Isa siyang de tituladong tao at bilang isang edukadong tao, I expect some decency in him. He disappoints me, including the people around him.

Sino ang taong nasa tamang pag-iisip ang kayang gumawa at abusuhin ang mga kababaihan, katulad ng ginawa niya? Makitid talaga ang isip ko, pagdating sa tama o mali. At ang kakitiran ng pagii-isip ay depende na, kung hanggang saan ang kakitiran mo. Mali ang ginawa niya at nagdudusa siya ngayon, bakit ako pa ang makitid ang ulo?

Sa totoo lang, ayoko na sanang patulan pa ang isang desperadong tao. Umayos na lang siya sa pagharap ng mga kaso niya, at makunsiyensiya sa mga babaeng napatunayang inagrabiyado niya. Yun ang dapat niyang asikasuhin.

News Latest News Feed