Press Release
November 25, 2010

Transcript of interview after interpellating on the budget of the judiciary

On PET budget, dinagdagan ng DBM yung budget nila, mas mataas sa hinihinging budget

Unang bese ko kasing nakita yon na binigyan ng mas mataas na budget yung isang ahensiya kumpara sa hinihingi nila, kumbaga nanghingi kg ng piso binigyan ka ng P2 aanhin mo yung dagdag na piso. Sa isang budget na halos kinalahati, binawasan, minarder, minasaker ng DBM yung proposed budget ng agencies, yung PET pa ang binigyan nila ng dagdag at mas mataas na pondo dahil sa isang maliit na bagay na ayaw nilang palampasin kaya hiniling ko na sana ganon din kasusi ang ginawa nila sa bawat ahensiya bago nila kinaltasan o dinagdagan sa kasong ito ang pondo ng isang ahensiya.

May balak ba kayong i-slash ito, i-propose?

Tama naman yon duda lang ako sa motibo dahil ngayon lamang magkakaroon ng trabaho kung saka-sakali dahil may pending na protesta ngayon sa PET kaugnay sa posisyon ng ikalawang Pangulo. Hindi ko alam kung ito ay may kaugnayan dito, sana wala, dahil matapos kaming magulat, matapos tanggalin halimbawa yung suporta para sa ating magsasaka sa halagang P8 billion nang walang konsultasyon at hindi pinag-isipan biglang nilang dadagdagan ang pondo ng isang napakaliit na ahensiya sa isang napakaliit na bagay na parang pinagbuhusan ng sobrang atensyon at pag-aaral.

May proposal na i-limit yung prize sa lotto kasi masyadong tumataas na

Nasa sa kanila na yon kung saka-sakali pero kung lilimitahan man yung premyo dapat lahat ng sobra hindi na mapunta sa PCSO, hindi na mapunta sa government share, mapunta na lahat dapat sa charity.

Your comment on the new amnesty proclamation

Hindi ko pa nakikita yung proklamasyon pero tulad ng nasabi ko noon mas maganda ng inaamin na may pagkukulang at pinupunuan nila yon, may pagkakamali at tinatama yon kaysa naman tatayuan nila yung maliwanag at alam naman nila na hindi tama at mali.

Sasalang na yung DOT sa budget hearing

Well ang gusto ko lang malaman sa DOT magkano ba yung ginastos nila dito sa palpak na kampanya, magkano ang naubos na pera dahil akala ko ba kada piso paggagamitan natin ng tama at hindi natin sasayangin, alamin natin magkano yung ginastos nila dito sa kampanyang na-withdraw at palpak.

News Latest News Feed