Press Release
January 11, 2011

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile
(DZRH & DZBB)

DZRH - Pangunahing Balita (Joe Taruc, Florante Rosales, 6:58am)

Mungkahi sa larangan ng Charter Change, umani ng suporta sa Senado

Pabor ang mga senador sa panukala ni Congressman Ben Evardone na pagdebatehan na ngayon ang usapin ng Charter Change. Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na maraming probisyon sa saligang batas ang mali na dapat na gamutin at palitan tulad ng limitasyon ng mga dayuhan sa pag aari ng lupain at iba pang negosyo sa bansa. Maging si Senate President Pro tempore Jinggoy Estrada ay katig din sa isulong ang pag-amyenda sa Constitution. Ayon kay Estrada na may kredibilidad ang Aquino administrasyon na itulak ang Cha-Cha dahil sa malaking tiwala ng publiko sa kanyang liderato. Hindi daw katulad ng nakaraang administrasyong Arroyo na may masamang motibo at nagpalawig sa masamang motibo at nagpalawig sa pwesto. Sa panig ni Chiz Escudero na dapat ilatag ng ngayon ng mga Kongresista kung ano ang mga specific provisions na gusto nilang mangyari. Sa pagtaya ni Escudero dapat itong gawin sa loob lamang ng unang dalawang taon ng Aquino Administrasyon upang hindi maging sagabal sa pagsusulong ng mga programa ng pamahalaan. Samantala, mas gusto ni Sen. Gringo Honasan na pag-usapan muna ang isyu ng Cha-Cha sa judiciary, legislative, executive council para malaman kung makakatulong ito sa pambansang interest. Ayon kay Honasan baka masabit pa si Pangulong Aquino sa pagsusulong ng Cha-Cha dahil sa negatibong implikasyon nito sa nakalipas na mga administrasyon.

DZBB - Superbalita sa Umaga (Mike Enriquez, Joel Reyes Zobel, 7:34am)

Suportado ng ilang lider ng Kongreso ang panukalang buwagin na ang susunod na dalawang taong Presidential Commission on Good Government (PCGG)

Ayon kay Speaker Feliciano Sonny Belmonte Jr. matagal ng dapat binuwag ang PCGG na binuo noong 1986. Sinabi ni Belmonte na dahil ipinanukala na buwagin na ang PCGG sa loob ng susunod na dalawang taon tiyak na gagawin ng mga commissioner ng naturang ahensya ang lahat ng kanilang magagawa para tuluyan ng matapos ang kanilang trabaho at mapasakamay na ng gobyerno ang mga umanoy nakaw na yaman ng mga pamilya Marcos. Suportado din ni Senate President Juan Ponce Enrile na buwagin ang PCGG sa susunod na dalawang taon. Sinabi ni Enrile sa mga nakalipas na taon na tila nalihis kasi ang pansin ng PCGG sa ibang isyu imbes na habulin ang mga nakaw na yaman sa pamilya Marcos. Sa ngayon ay nagsisilbi na raw kasing instrument na tinatawag na oppression ang PCGG imbes na maging instrument ng magandang pamamalakad sa gobyerno.

DZRH - Damdaming Bayan (Deo Macalma, Ruth Abao, 8:12am)

Pagbuwag ng PCGG sinang-ayunan ng ilang senador Katig ana ilang senador sa pagbuwag ng pamahalaang Aquino sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa susunod na dalawang taon. Sinabi nina Sen. Chiz Escudero at Gringo Honasan na overdue na ang buhay ng PCGG na umabot ng dalawamput limang taon kaya napapanahon na itong lansagin. Gayunman maaari lamang anya itong gawin ng gobyerno kung lahat ng nakumpiskang asset ng dating Marcos regime at mga crony nito ay i-account o nakumpleto ng auditing ng ahensya. Ayon kay Escudero dapat malaman ng publiko kung may natitira pa o nawaldas na ng mga dating opisyal ng PCGG o kakarampot na ill-gotten wealth na nasamsam noong nagdaang administrasyon. Iginiit ni Escudero na kung bubuwagin ang PCGG, kakailanganin pa rin ng pondo para sa litigation o natitirang assets ng pamilya Marcos sa hukuman. Sa panig ni Sen. Honasan nararapat lang buwagin ang PCGG dahil binuo ito noong matapos ang 1986 edsa people power revolution at kailangan lang na may performance audit sa mga nakumpiskang ari-arian. Nauna rito pinaboran din ni Senate Pres. Juan Ponce Enrile ang abolition ng PCGG dahil nagamit lang sa panggigipit o instrument ng bad government ang ahensya dahil naging kasangkapan lamang ng ilang tiwaling opisyal nito.

DZBB- Superbalita sa Tanghali (Gani Oro, Melo del Prado, 12;38pm)

Interesado ang ilang senador sa isinusulong ngayong Charter Change, ito'y kahit pa idineklara ng Palasyo na hindi ito prioridad ang pagbabago sa saligang batas

Ayon kina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Edgardo Angara na kailangan ng baguhin ang ilang probisyon ng Konstitusyon na hindi akma sa pangangailangan ng bansa gaya na lamang ng limitasyon sa pagpasok ng mga foreign investment. Giit pa nila Enrile at Angara na laging nanghihikayat ng dayuhang pamumuhunan ng Pilipinas pero alinsunod sa Konstitusyon hanggang 40% lamang ng negosyo at ari-arian ang maaaring bilhin ng mga dayuhan. Ang 60% ng negosyo ay kailangan pagmamay-ari ng mga Pilipino. Nagagapos umano ang pag asenso ng bansa dahilan sa nasabing Constitutional provision.

News Latest News Feed