Press Release
January 25, 2011

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero on the new
media killing and carnapping

Sa bagong media member na pinatay, doon sa Palawan

Una sa lahat nakikiramay kami sa pamilya ni G. Ortega (Gerardo) at sa kanyang mga mahal sa buhay sa kanyang pagpanaw at sana yung nahuling suspek, diumano nahuli na kasi ng PNP, ilahad at sabihin ang katotohanan kung sino ang nasa likod ng pagpatay na ito at ano ang rason sa likod ng pagpatay na ito sa kanya. Hina-highlight lamang ito na maski na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon delikadong lugar pa rin ito para sa ating journalists at hindi pa rin sila ligtas dahil lamang nagpalit ng administrasyon.

Under the proposed law na i-consider murder ang pagpatay sa mga media

Yan yung naging proposal ng isang bill na na-file nina Sen. Legarda at Sen. Estrada na kinatigan ng inyong committee on justice and human rights dahil nga pangalawa na tayo sa pinakadelikadong lugar para sa mga journalist konikonsidera nating kakaiba ito sa ibang propoesyon. Sinasabi kanina papaano naman ang mga doktor, ganoon dn naman ang ginagawa nila, mga senador, sa katunayan sa kasaysayan ng bansa wala pang senador na pinatay habang siya ay nanunungkulan bilang senador, at hindi naman ganoon karaming doktor na pinapatay kung meron man dahil din sa kanilang propesyon hindi tulad ng mga miyembro ng media na pinapatay na madalas sa madalas dahil sa kanilang propesyon dahil may nasabing silang nasaktan, bato-bato mana sa langit ang punto de vista nila ang tamaan huwag magalit eh nagagalit eh, pero kasama yan sa freedom of expression, freedom of the press na ginagarantiya ng konstitusyon at bilang pagsuporta itong bill na ito sa probisyon na yan ng Saligang Batas.

Life imprisonment din ang penalty doon?

Reclusion perpetua, oo.

Anong status ng bill doon sa floor?

Natapos ang period of interpellation, sang-ayon ako sa mga nire-raise ng ibang mga kasamahan ko rito, kailangan naman talagang i-define at liwanagin pa yung proposed measure para maiwasan yung away o maging patay na batas lamang ito katulad ng human security act gaya nga ng nasabi ko. May narinig ka na bang na-prosecute sa ilalim ng Anti-terrorism law, ni isa wala pa kasi napakahirap gamitin yung probisyon ng batas, ayaw ko namang malagay sa kategoryang ito, itong bill na aming pinapasa kaya wini-welcome namin yung inputs nina Sen. Santiago, Sen. Pangilinan, Sen. Osmena at Sen. Drilon.

May pulis at LTO na connected daw sa Dominguez gang

Kailangang malaman ang puno't dulo non lalo na yung dalawang carnapping na sinunog yung katawan ng mga may-ari o may dala ng awto dahil tingin ko dito mas malalim pa bagaman wala akong hawak n ebidensiya, tingin ko ay walang kinalaman yung isa doon sa isa at hiwalay yung dalawa, marahil ginamit lamang yung isa para i-cover up yung isa pa. dapat siguro mas malalim na imbestigasyon ang gawin ng PNP dito at kinakatigan ko ang statement ni G. Evangelista na sana matukoy talaga yung tunay na salarin at hindi fall guy lamang.

Yung mga PNP at LTO officials na involved daw

Sa carnapping para maging isang legal na carnap a ng awto kailangan mayroon silang kakuntsaba sa LTO, pwedeng wala, at nakatimbre yan madalas sa madalas sa AnCar, sa anti-carnapping task force ng Philippine National Police bago maging legal ang carnap na awto. At sa totoo lang pag may na-carnap na awto dapat yung mga plaka naka-timbre na rin at dapat alam yan ng lahat ng law enforcement agencies natin, hindi ko alam kung may ganoon silang uri ng koordinasyon sa puntong ito.

News Latest News Feed