Press Release
February 8, 2011

SEN. BONG REVILLA'S STATEMENT ON THE PASSING AWAY
OF FORMER DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

Lubos po akong nakikiramay sa pamilya at mga naulila ni dating Secretary Angelo Reyes.

Nakikiusap ako sa aking mga kasamahan dito sa Senado, na pansamantalang ipagpaliban muna ang mga nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan maaaring mapag-usapan si Secretary Reyes, hangga't 'di pa nailalagay sa tahimik ang kanyang mga labi.

Bilang mga Pilipino at Kristiyano, bigyang-galang muna natin si Secretary Reyes at ang kanyang pamilya. Hayaan muna natin sila sa panahong ito ng pagdadalamhati.

News Latest News Feed