Press Release
February 15, 2011

Transcript of interview after a hearing of the Committee on National Defense and Security

Nadiscussed ba sa hearing yung AFP modernization law?

Extension lang ng bill yon at ni-refer namin sa technical working group dahil marami kaming pag-uusapan tungkol doon kabilang na yung bidding procedure, kabialng na yung multi-year contracting, kabilang na yung auditing procedure na nais naming makita at maging maliwanag upang maiwasan na ang anumang alegasyon na naman pagdating ng panahon.

Yung mga anomalya sa AFP kabilang sa nadiscussed?

Hindi, hindi pinag-usapan yon kaugnay non pero iti-taken into account namin yon siyempre sa huhubugin naming batas in aid of legislation sa lahat mga hearing para magkaroon ng transparency, at hindi lang, para mabawasan ang discretion. Para sa akin kasi, sa libro ko, discretion always equals corruption, minimize discretion we always minimize corruption.

Sabi ni Rabusa pati yung AFP modernization fund naaapektuhan din?

Isa yon sa titiyakin namin na hindi yon mangyayari at hindi magaganap, gaya nga ng nasabi ko transparency and discretio kapagka yan ay mataasan at mabawasan, respectively, yan ang pinakamagandang panlaban natin sa corruption. With transparency kasi malalaman mo kung sino ang pede mong masisi at mabalingan ng sisi palagi kung may nawawala o may pagkukulang.

Kamusta yung morale ng mga resource person sa AFP after ng controversy?

Nandyan pa naman sila pede nyong tanungin, ayaw kong magsalita para sa kanila kaugnay nyan pero hindi maikakaila siyempre yung mga malalapit kay late Secretary Reyes siyempre medyo malungkot pa rin, yung mga hindi naman sang-ayon sa kanya iba ang pananaw, halo-halo naman palagi yan pero umaasa ako sa ginagawang paglilibot ng Pangulo bilang commander in chief sa ibat-ibang unit ya maipapaliwanag nya ang isyu at maipapataas pa rin nya ang morale ng mga sundalo.

Yung proposal na gumawa nga mga bagong military academy parang walang sumusuporta don.

Tila hindi suportado ito ng Sandatahang Lakas sa ngayon at least, unang-una dahil kulang ang pondo, pangalawa pagkopya ito sa nangyayari lamang o ginagawa ng Estados Unidos na baka naman hindi talaga bagay sa atin dito. Kaya pag-aaralan pa ito ng inyong komite ng National Defense kung talagang bagay ba sa atin, kung may pera ba tayo para dito at kung kaya na ba nating gawin yan sa ngayon.

Iba pa yung sa PMA na nais buwagin?

Yun yung nais nilang gawin, hindi naman balak buwagin, nais dagdagan, upang sa gayon ang pMA para sa Army na lamang at magkaroon ng ibang academy naman para sa Air Force at Navy, pero marahil mas bagay yon sa mas mayamang bansa tulad ng Estados Unidos gaya nga ng nasabi ng isang resource person na ang daming sunado at ang daming giyerang pinapasukan sa ibat-ibang parte ng mundo, hindi naman tayo ganoon.

Pabor ba kayo sa proposal na buwagin ang PMA dahil sa mga nangyaring anomalya?

Marami din naman eskuwelahan na nag=produce ng graduate na hindi maganda ang ginawa sa ating bansa wala namang nagsasabing i-abolish na ang mga eskuwelahang yon, ganoon din siguro dapat sa PMA. Hindi kasalanan ng institusyon ang kasalan ng ilang graduate nito, kung may gagawin tayo huwag namang i-abolish, i-improve, iayos, i-review at iwasto kung ano man ang mali o pagkukulang, huwag namang abolisyon kaagad ang unang solusyon.

News Latest News Feed