Press Release
February 21, 2011

Interview with Senator Chiz Escudero at the session hall

On prisoner-exchange treaties

Nauna nang pinasukan ng Pilipinas ito sa Espana at Spain pa ang nagtulak para magkaroon tayo ng ganitong uri ng treaty o tratado. Mas maraming OFW at Filipinong nakakulong at nagdurusa sa ibat-ibang kulungans aibat-ibang bansa. Dapat tayo pa nga ang nangunguna sa pagsusulong ng ganitong uri ng bilateral o multilateral agreemen. Isipin nyo na lamang na kapagka may Filipinong nahatulang mabilanggo sa ibang bansa, sabihin nating 30 taon, 20 taon, halos death penalty na rin yon s punto de vista ng kanyang mga kamag-anak at mahal sa buhay sa Pilipinas, kaya nga nag-abroad yung Filipino eh walang pera dito at walang hanapbuhay dito. Sa palagay nyo mabibisita pa ba sila ng kanilang asawa, ng kanilang anak, ng kanilang magulang kung saka-sakaling mangyayari yan. Hindi natin sinasabing iabsuwelto sila sa kanialng kasalanan, ang sinasabi natin bigyan sila ng pagkakataon, voluntarily, na piliin dito na pagsilbihan ang sintensiya nila para malapit sila sa pamilya at mahal sa buhay nila.

Pero pag death penalty hindi na cover the prisoner-exchange treaty?

Pedeng hilingin natin i- commute o ibaba yon bilang policy ng pamahalaan dahil walang death penalty sa ating bansa at uso at best practices na sa ngayon sa ibat-ibang bansa sa mundo ang pag-abolish ng death penalty. Maaaring as a policy isulong ng Pilipinas na dito isilbi ang sentensiya pero bilang kapalit hindi na ii-carry out yung death sentence.

Ang mag-iinitiate nyan Department of Foreign Affairs?

Foreign policy is within the realm of the chief executive and the executive branch, umaasa ako na sana ikonsidera ito gn Pangulo at ikonsidera ito ng executive branch, dahil nga sa dami ng bilang ng mga Filipinong nagtatrabaho sa ibat-iabng bansa mas malaki ang pangangailangan nating magkaroon gn ganitong uri ng treaty alang-alang na lang sa proteksiyon at pangangalaga ng ng ating nationals sa abroad.

Yung pagpapadala kay dating Sen.Mar Roxas sa Taiwan

I wish him well and I hope he succeeds in his endeavor. Kung ang byahe ni Vice President Binay ay sinubukang iligtas mula sa kamatayan ang ating mga kababayan ang kanayng byahe naman ay upang isalba ang kabuhayan ng humigit-kumulang 100,000 Filipino na umaasa sa pagkakaroon ng trabaho at kabuhayan at hanapbuhay mulsa sa bansang Taiwan. Sana magtagumpay siya sa kanayng layunin upang hindi mapahamak at mapariwara ang trabaho ng ating mga kababayan. Isipin nyo na lamang kung may 100,000 Filipino na biglang umuwi rito dahil walang nang pagakakataon at trabaho mula a Taiwan.

Hindi pa questionable yung byahe ni Roxas kahit pa sabihing in private capacity pero he's representing the country officially?

Desisyon ng Pangulo kung sino ang nais niyang ipadala bilang kanyang envoy, nasa pribadogn sektor man o nasa pamahalaan. Pribado man o sa pamahalaan sana magtagumpay pa rin siya sa kanyang layunin dahil ito ang panawagan, hiling at pangangailangan ng higit sa 100,000 nating kababayang naninirahan doon.

Pero it's still within the one-year period

Even he official act part, maganadng tanungin sa executive kugn nao nga ba ang papel at function non dahil sa one-China policy na pinapairal ng executive branch, duda ako kung kaya nilang magpadala ng opisyal talaga ng pamahalaan dito kaya nga pribadong tao siguro ang pinadala at kayat private visit ang tawag nila dito, hindi official visit.

Part ba yon ng pagiging papel nya sa troubleshooter?

Hindi ko alam, marapat siguro ang Pangulo ang sumagot nyan.

So wala pa namang violation sa issue ng one-year prohibition

The one-year prohibition is with respect to the appointment to nay office in the government and the receipt of any remuneration or salary from government, wala siguro yung mga ganitong uring special purpose o bilang special envoy ng Pangulo

Yung intelligence funds ng Armed Forces mukhang nagagamit sa conversion yung oversight committee ng senado mag-iimbestiga ba?

Ia-activate namin ang oversight committe, senado lamang ang meron nyan at wala ang Kamara kaugnay ng intelligence funds. Inaasahan naming magkakaroon kami ng pagdinig sa darating na buwan, inoorganize lamang namin ang komite at dahil nga narerelease lamang ang budget sa kasalukuyang taon ng 2011.

Yung intel fund...

Isa yan sa ire-review at sisiyasatin namin mula sa kada ahensiya, bearing in mind siyempre na hindi naman naming pedeng isapubliko lahat ng bagay-bagay na makukuha ng komite dahil baka makaapekto ito sa intelligence operatiiong ng ating law enforcement agencies. So tinitimbang pa kung hanggang saan pedeng maisa-publiko ang mga bagay na ito habang nagagampanan naman namin ang aming trabaho bilang oversight committee.

Parang hindi diya maabuso?

Para hindi siya maabuso pero para ding hindi maantala ang kanialng operasyon, siguroy yung mga pagdinig hindi pedeng maging kasing publiko tulad ng ginagawa ng blue ribbon committee.

So executive session?

Karamihan dito ay executive session, ang importante ay meron ika ngang big brother na nanonood at nagmamatyag at nagbabantay sa ating law enforcement agenecies sa paggastos ng intelligence funds. Hindi yung sila-sila na naman mismo.

Kailan magiging active yung oversight committee?

Hopefully by first week of March we can call our first hearing, we're currently organizing it and fixing the organizational structure of the oversight committee which has been inactive in the past congresses.

Yung history ng oversight committee meron na nong 10th Congress, 11th at 13th?

Meron pero palaging nai- stonewall ng ibat-ibang law enforcement agencies at ang ginagamit palagi na rason ay palagign national security kaya aming nirebisa ang rules para matiyak na mayroong paraan para masabi at malaman namin na hindi naman kailangang maapektuhan at maantala ang kanilang mga operation. Hindi na pede yung mga dating gawi at yung mga dating rason nila at hindi tatanggapin ng inyong komite ang mga ganyang rason na national security, biglang hindi na pedeng sumagot. Mag-eexecutive session kami mapasagot lamang sila at mapapaliwanag lamang sila.

News Latest News Feed