Press Release
March 8, 2011

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW WITH SEN. DRILON

After hearing on proposed changes to AMLA

Q: Ano ang mga gusting baguhin sa AMLA?

DRILON: Basically given what we saw in the recent investigation on the AFP corruption, what we have requested is for the AMLC sabihin sa atin kung ano ang pagkukulang ng batas base doon sa kanilang karanasan sa nakaraang 10 taon at kung ano ang kanilang solusyon na dapat nating gawin para mapalakas natin ang batas dahil nakita natin na talagang nagkulang nag batas pagdating sa corruption na nakita natin sa Armed Forces of the Philippines noong 2001 at nakita natin na daang milyong piso ang dumaan sa mga bangko na walang report. Halimbawa, dapat merong suspicious transaction report. Halimbawa, si Edgardo Yambao ay wala namang source of income, ang tanong paano nakalusot sa AMLA na hindi na-report ito sa AMLC. Kaya aming tinawag yung mga bangko kung saan itong mga accounts ay ginawa at magpaliwanag paano nila pinayagan itong ganitong klaseng dambuhalang deposito ng mga tao na wala namng source of income. Yan ang isa sa mga purposes ng AMLA kaya yan ang aming titignan at ang mga desisyon ng Korte Suprema na sa tingin naming nagpahina sa kapangyarihan ng AMLC.

Q: May pananagutan ba ang mga bangko?

DRILON: Sabi ng AMLC may pananagutan, tignan natin.

Q: inaudible

DRILON: Ang hindi pag report ng suspicious transaction account, ibig sabihin sa ating batas pag suspetyoso ka sa isang account o deposito na ginawa, may tungkulin ang mga bangko na i-report ito bilang suspicious transaction. Mukhang hindi nag-report dito ang mga bangko. Yan ang kanilang pagkukulang.

Q: Difference between covered and suspicious transaction?

DRILON: Ang covered transaction ay kung mahigit sa P500,000 ang deposito o withdrawal, merong report na ginagawa. Yung suspicious transactions ay yung mga transactions na hindi usual sa negosyo o sa pang-araw-araw na pangangailangan ng depositor. Halimbawa, kay Gen. Garcia, Ligot, Edgardo Yambao ay wala naman silang visible means of income. Yung mga anak ni Gen. Ligot wala namang hanapbuhay upang ma justify. Ang cardinal rule sa bangko ay KYC, Know Your Customer. Dapat alam nila na hindi karapat dapat na magkaroon ng ganoong klaseng kalalaking accounts itong mga taong ito. Dapat ni-report nila na suspicious transactions.

Q: Sir yung Bank Secrecy?

DRILON: Pinagbabawal ang sinuman na sumilip sa account ni Juan Dela Cruz sa bangko. Yan ang nagbibigay ng proteksyon sa secrecy ng mga deposito ngunit ang AMLA ay isang batas na siyang nagbabawal na gamitin ang ating mga bangko to keep the proceeds of the crime. Exempted ang AMLC sa Bank Secrecy kung maipakita na may predicate crimes, ibig sabihin yung mga krimen na nagawa at hindi pwedeng gamitin ng mga bangko as deposits for the proceeds of the crime. Kaya tinatawag na Anti Money Laundering dahil hindi lang bangko, kundi pati yung mga insurance companies at mga kumpanya dahil ang ibig sabihin ng laundering, nilalabhan mo ang maruming pera at paglabas malinis na. Kaya ang sinasabi kanina ng taga jewelry association ay yung mga tinatago na pera na marurumi, bibili sila ng precious metals, sabihin mong P1 million, at ibebenta nila ng P900,000. So sasabihin nila na ang P900,000 ko ay galing sa pagbenta ng jewelry ngunit ang katotohanan ay yan ay galing sa maruming paraan at by buying jewelry, nilalabhan nila ang pera nila at pagbalik malinis na.

Q: Going back to the banks, natatakot daw sila nab aka disproportionate yung penalties.

DRILON: Titignan natin. Ang sinasabi lang naman nila ang penalty should be in proportion to the size of the operations because they might be fined out of existence, yung mga maliliit. We're open to that. We can look at the penalty based on the assets of the banks.

Q: Kung P200 million ang na-withdraw sa Citibank ni Yambao...

DRILON: Iba yun. Ang sinasabi nila, tignan naman ang proportion ng operation ng bangko for purposes of imposing the penalty. In other words, they are not against the penalty being imposed but it should be reasonable because they might be penalized out of existence.

Q: Sino magpa-file ng kaso against the banks?

DRILON: The AMLC, right now, part of that is the Central Bank. So Bangko Sentral has supervision over the banks. To the question who will file the cases, don't jump the gun. Let's analyze that carefully and look at it.

Q: Sinabihan saw ni Pres. Aquino ang LP members sa House na i-impeach si Ombudsman.

DRILON: The President has taken a party position and he believes that his campaign promise na 'Kung walang corrupt, walang mahirap' would call for the impeachment of the Ombudsman. That is the position that he has enunciated.

Q: Sa Senado walang um-attend?

DRILON: Walang senador na dumalo kahapon because we will be acting as senator-judges. We don't want to provide, I'm speaking for myself, we don't want to provide any issue where we can avoid it about partisanship.

Q: Handa na ba ang Senado?

DRILON: Handa na ang Senado. Kung inyong maalala, noong December 1999-January 2000 ang Senado ay nilitis ang dating Pangulong Erap. I was there. Our technical staff would have the institutional knowledge on how to handle an impeachment trial, so our bureaucracy in the Senate is ready.

Q: Meron bang pagbabago sa rules?

DRILON: Hindi ko alam. The rules would have to be adopted for this particular impeachment. We would be basing it on the old rules. I do not want to pre-empt any senator if there are any revision in the rules.

Q: inaudible

DRILON: I don't think there would be any serious delay in that because the rules are there. We just have to review it whether there is a need for updating.

Q: Would you allow additional complaint?

DRILON: I don't want to answer that question because that's very technical. Tignan natin. Hindi pa natin alam kung ano ang iaakyat dito sa amin.

News Latest News Feed