Press Release
March 8, 2011

Transcript of Interview with Senator TG Guingona

Q: Sinabihan di umano ni President Noy ang mga LP members sa Congress?

STG: Well, uupo kami bilang huwes doon . No comment muna.

Q: May directive order ba si President Noy sa mga kaalyado niya?

STG: Walang directive order. Wala kaming naririnig, natatanggap.

Q: Gaano kayo kahanda if ever ma-transmit dito 'yung impeachment complaint kay Ombudsman?

STG: Papakinggan namin ang mga akusasyon tapos lilitisin natin at after that we will decide whether to convict . If ever dumating dito ang impeachment complaint.

Q: AMLA Amendments.Sa house, napasa na ang restoration of freeze order for 20 days. Dito kaya maipapasa?

STG: Mahabang proseso pa ito. Ang dami kasing issue. This will take several hearings. So it will take sometime.

Q: Sa ngayon ano ang nakikita niyon may merit na iammend o isama sa amendment according to AMLA na sa'yo favourable.

STG: Talagang kailangan magkaroon ng amyenda ang AMLA law. Kailangan gawin natin ito as soon as possible but since madaming issues , hindi puwedeng i-short cut ito. Kailangan lahat ng issues ay ma-ventilate at mapag-usapan ng husto.

Q: Ano ang specific weakness ng AMLA law na kailangan natin tutukan?

STG: 'Yung kailangan ng pahintulot ng person na iimbestigahan mo kung titignan mo yung bank accounts niya. Ayon sa batas, nakalagay ngayon na kapag titingin kayo sa bank account ng tao, you have to tell the person natitignan yung bank accounts. Katulad ng nangyari kay General Ligot na nakawithdraw ng 700 million pesos at kay General Garcia na nakawithdraw ng 128 million pesos. Siyempre kung sa ganoon [paraan] talagang makaka-withdraw ka ng husto sapagkat bago mo tignan ang bank accounts sasabihin mo "titignan ko bank accounts mo ha" . Siyempre , makakapag-withdraw 'yun.

Q: Kung may pananagutan ang mga bangko, ano ang maaari nilang kakaharapin?

STG: Ang pananagutan sa ngayon ng mga bangko ay mga fines. Ayon sa panukalang batas ay ganoon parin na mayroon mga fines.

Q: Kanina sinabi ninyo na parang nabigyan babala ang mga depositor?

STG: Exactly. Kaya nga dapat mawala na iyon. Kailangan ng amendment doon.

Q: Can you see collusion between the depositor ?

STG: No. 'Yung AMLC ang magsasabi sa depositor na "hoy, titignan naming ang bank account mo". Siyempre kapag napagsabihan ka ng ganoon. Makakapag-withdraw ka.

Q: Kailan ang next hearing ng Blue Ribbon?

STG: Next week.

Q: Sabi niyo napiga niyo na lahat regarding sa plea bargain agreement . Puwede na ba kayo gumawa ng hiwalay na committee report?

STG: Titignan pa namin. That's why we are not having a hearing this week. We are still evaluating everything.

News Latest News Feed