Press Release May 19, 2011
TRANSCRIPT OF INTERVIEW AFTER THE HEARING
Q: Sa amendments that AMLC wants , anu-ano ba ang nakikita niyo? Is there a need to amend? STG: Sa ngayon, there is the need to amend the AMLC . Sapagkat sinasabi nila na kulang ang mga crimes na dapat palawakin ang mga predicates, na tinatawag nilang krimen, na nasasailalim ng AMLC. At iyong mga nangyari lately- (katulad ng) nangyari kila Gen. Garcia at Gen. Ligot, na naka-withdraw sila ng katakot-takot na pera ay talagang klaro na kailangan tignan natin mabuti itong AMLC sapagkat hindi dapat mangyari ang mga nangyari. Q: Ang executive freeze? Kailangan na ba ibalik ito sa kanila? STG: Iyan ang malaking debate sa ngayon sapagkat ang nangyayari ay nalalaman ng mga may-ari ng mga bank accounts na iimbestigahan ang kanilang bank accounts ng AMLC. Nalalaman nila in advance at nawi-withdraw agad nila. Tuloy , walang nagyayari at wala ng pera ang mga bank accounts. Q: Possible bang ipatawag sila General Garcia at Ligot o focus sa mga banks lang? STG: It's more for the banks because bakit ba nangyari na nakawithdraw sila Gen. Garcia at Gen. Ligot . They reported it as covered transactions sapagkat it's more than five hundred thousand . Pero ang tanong , ang laki-laki ng amount , why did you not report it as suspicious account? Q: Pag ganoon po ba ay mape-prevent nila ang pag withdraw ng pera? STG: Yes. That's why kapag may freeze order na walang leakage at mabilis ay hindi makaka withdraw agad ang mga tao. Q: If you are under investigation, you can order na agad mafreeze ang accounts? STG: Upon determination of probable cause, yes. Q: Yung probable cause will now be determined by AMLC? STG: Yes. Q: Mauuna 'yung freeze muna? STG: Freeze muna and then puwede ka mag-apila sa korte. Q: What point will you notify the account holder? STG: After the freezing. Q: On another matter, on Leviste. Sino ang dapat sisihin? STG: Well , the one who is in-charge of the prison . Obviously, that his command jurisdiction and he is held accountable for. Q: Ano ang puwedeng ma-file na charges? STG: Kriminal and administrative charges should be filed against them. |
Wednesday, April 24
|