Press Release
May 23, 2011

Climate change move ni P-Noy kinatigan ni JPE

Nagpahayag ng kasiyahan si Senate President Juan Ponce Enrile kahapon sa desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na isama ang climate change sa limang pangunahing isyu na bibigyan ng sama-samang aksyon at badyet mula sa Palasyo.

""The President has displayed responsive leadership by elevating climate change into a priority issue," wika ni Enrile, na may-akda ng Senate Bill 2558, na nagtatakda ng People's Survival Fund para ibsan ang epekto ng climate change.

"A few more tweaks in the plan are still needed but we're almost there. The climate crisis requires decisive action that utilizes public finance to protect vulnerable Filipino communities from the worst impacts of climate change," ani Enrile.

Sa ilalim ng Executive Order No. 43 na inisyu ni Pangulong Aquino noong May 16, ang gabinete ay iniorganisa para magkaroon ng clusters o mga grupo na magtutulong-tulong sa pag-aksyon sa isyu ng 1) climate change, 2) korapsyon, 3) pag-unlad ng ekonomiya, 4) pag-ibsan sa kahirapan; at 5) pagsusulong ng kapayapaan.

Ang PSF ay magagamit ng mga lokal na pamahalaan na nahaharap sa banta ng madalas na pagbaha, pagtaas ng sea levels sa mga baybaying komunidad at iba pang epekto ng climate change.

Pinapurihan rin ni Enrile ang pagkakatatag sa Climate Finance Group, na isinulong ni Finance Secretary Cesar Purisima.

"Climate change has to be integrated into national and local development planning. Budget interventions are critical to our ability to adapt to the changing climate," anang senador.

"We must demand compensation from rich nations, who are mainly responsible for the problem, but we cannot and should not wait for their generosity. It is time we redirect domestic finance towards climate adaptation that prioritize the most vulnerable."

News Latest News Feed