Press Release
June 5, 2011

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEW WITH SEN. FRANKLIN DRILON
Radio dzBB with Nimfa Ravelo

Q: Muli idedepensa nyo sa floor ang panukalang pagpapaliban ng ARMM elections. Diretso na ba sa botohan yon?

Hihilingin ko sa mga kasamahan ko na tapusin namin dahil kailangan naming magkaroon ng stand dito. Hindi naman pwedeng pabayaan namin ito at we will lose by default. Kailangan bumoto kami. Mayroon akong pinresentang mga argumento, kung sa tingin nila ay tama ay boboto sila at kakampi sa amin. Kung sa tingin naman nila na hindi ay bumoto sila ng negative. Talagang bawal sa ating Saligang Batas na magkaroon ng halalan sa Agosto 8 sa kasalukuyang taon. Bakit po? Dahilan sa ating Saligang Batas, kailangang sabay sabay ang halalan every 3 years. Nakalagay sa Saligang Batas na dapat ang local at national election ay synchronized at ang eleksyon sa ARMM ay local election. Kaya hindi pwedeng taliwas dun sa sinabi ng Korte Suprema sa kaso na isinampa ni Lito Osmena sa Comelec na ang halalan ay hindi pwedeng gawin kung hindi isasabay sa national election. Yan ay desisyon ng Korte Suprema dapat sumunod tayo dahilan po ay yan ay nasa Saligang Batas.

Q: Sabi ng ibang senador bago yung argumento na unconstitutional kung idadaos ang ARMM election sa August 8, parang hindi na present sa committee hearings.

Hindi naman ako dumalo sa committee hearings dahil hindi ako miyembro ng committee on local government kaya hindi ako nakasama sa mga committee hearings. Ganun pa man, hindi naiba ang argumento. Naiharap man sa committee hearing o hindi, ganun pa rin ang suma total na ang halalan hindi pwedeng gawin sa Agosto 8 dahil desynchronized po yan at maliwanag ang sinabi ng Korte Suprema. Yung kaso ni Lito Osmena, mayroong batas na pinasa noong 1990 o 1991. Ang sinabi ang national election ay May 1992 at local election ay November 1992. Ang sabi ng Korte Suprema unconstitutional dahil sa ating Saligang Batas dapat ipagsabay ang halalan ng local at national. Kung hindi mo ipagsabay, ibig sabihin desynchronized. Dahilan po itong argumento base sa ating Saligang Batas, naiharap man sa committee o hindi, wala pong diperensya, ganun pa rin ang argumento.

Q: Bukas parang anim na mga senador ang mag interpellate sa inyo. Maaaring tumagal hanggang hatinggabi bukas?

Ako'y hihingi sa Senate leadership na tapusin bukas. Certified urgent administration bill ito. Ito po ay kasama sa LEDAC. Sumang ayon po ang dalawang kapulungan at Malacanang dito. Kaya atin pong tungkulin na iharap at pagbotohan. Hindi naman sinasabi na bumoto sila panig sa atin. Ang sinasabi ko lang desisyunan natin. Kung naniniwala sila sa argumento natin na sabi ng Korte Suprema itong halalang ito ay hindi pwedeng ipagpatuloy dahil ito ay taliwas sa ating Saligang Batas ay dapat na iboto na nila yung pagkansela ng August 8, 2011 election at ilipat sa May 2013 para synchronized.

Q: Kung ano man po ang argumento against sa pagpapaliban ng eleksyon ay magbotohan na po bukas?

Tama po yan. Magbotohan na po bukas at iisa lamang ang argumento dito: ito ba ay constitutional o hindi.

Q: Parang nagkakasundo ang ilang senador na hindi dapat ituloy ang election pero kritikal daw po yung pag appoint ng OIC.

Sang ayon sa Osmena vs. Comelec, ang sabi ng Korte Suprema bawal lumagpas ng 3 taon ang termino ng isang local official. Hindi pupwedeng holdover dahil sa Saligang Batas, yun pong termino ng isang local official ay dapat 3 taon lamang.

Q: Text question: Sabi po nung isang araw ni Sen. Chiz Escudero kung unconstitutional ang pagdaos ng election, ang SC ang mag declare kung unconstitutional hindi ang Kongreso.

Hindi po. Sinasabi nila unconstitutional ang sinusulong na batas na pagpapaliban ng eleksyon, hindi ba? Sabi nila ipagpaliban ang election, ay unconstitutional dahilan sa dapat amyendahan ang Organic Act. Hindi po ba argumento din yon na sila rin ang naghuhusga?

Q: Dapat SC din po ba nagsasabi non?

Ang tamang pamamaraan ay dapat magdecide kami at let the Supreme Court decide. But we decide first.

Q: May assessment na po ba kayo sa maaaring maging boto bukas?

Sa palagay ko ay mas nakakalamang ang kumbinsido na hindi sang ayon sa Saligang Batas na ipagpatuloy ang halalan at dapat i-repeal namin ang Republic Act 9333 na siyang nagtatakda ng halalan sa August 8, 2011.

Q: Sabi ni Sen. Zubiri kanina na a month ago, mas marami ang gusto ay matuloy yung election. Ngayon mas marami na ang noncommittal at meron na maaring nakumbinse. Neither confirm nor deny sya kung naging issue dito yung release ng pork barrel.

Nakakainsulto naman po yan sa mga senador kung ang pork barrel ang pag uusapan natin dito. Pag uusapan natin yung merito kung yan po ay sang ayon sa ating Saligang Batas. Nakakainsulto naman po sa ating mga senador kung yan po ay pagbabasehan ng pagsang ayon tungkol dito sa panukalang batas.

Q: Sa inyo, merito yung pag uusapan dito.

Kung hindi sang ayon sa Saligang Batas at maliwanag ang sinabi ng SC na kung hindi kasabay ang local at national election, ay bawal po dahil desynchronized election ay prohibited under the Constitution. Hindi ko alam bakit ipasok natin ang pork barrel. Nakakalungkot po kung ganon ang argumento natin at nakakainsulto sa kapwa nating senador.

Q: Once maipasa ito, malamang may umakyat sa SC na mga taga ARMM. Sa tingin nyo itong gagawing batas na ito ay tatayo sa Korte Suprema?

Ako'y naniniwala na matibay ang argumento dito dahilan sa yan po ay sinabi mismo ng Korte Suprema sa Osmena vs Comelec. Kahapon ay may nakausap ako na mga ilang legal luminaries sila ay naniniwala na tama ang mga argumento natin.

Q: Yan po ba ay minamadali dahil baka may mga amendments kayo at baka kailangan mag bicam?

Tama po yan. May isang punto yung eligibility ng appointive officials ng ARMM na tumakbo sa 2013 election. Yan po ay nasa House version at sa palagay ko that cannot stand constitutional scrutiny kaya atin pong tatanggalin yan.

Q: Ano pong ibig sabihin nun sir? Yung mga OIC ay?

Ang mga OIC ay hindi pwedeng tumakbo sa 2013 election. Yan po ay ni-raise ni Sen. Bongbong Marcos at sumang ayon po ako na yan po ay hindi pwede at bawal kaya yan po ay ating tatanggalin.

Q: Ibig sabihin po yung mga OIC may karapatan silang tumakbo sa 2013?

Tama po yan. Nasa kanila kung hindi sila tatakbo. Kung mapag usapan nila ng Pangulo kung hindi sila tatakbo, nasa kanila po yan ngunit hindi sila pwedeng pagbawalan. Kaya po ako ay humihiling sa ating mga kasamahan na desisyunan natin. Dapat desidihan na natin para ang Comelec may sapat na panahon.

Q: Ibang issue lang po... yung banner ng isang pahayagan ngayon na mukhang magsa shopping ang ating pamahalaan para sa mga armas dun sa Amerika in the midst ng tension sa pagitan ng Pilipinas at China. Yung ganitong procurement ng armas hindi po ba kinakailangan ng review o approval ng Congress?

Hindi na po kailangan dahil unang una, mayroon tayong AFP Modernization Act. Pangalawa, meron tayong mga unprogrammed items sa budget na pwedeng gamitin kung merong makuha na loan. But having said that, ako ay hindi sang ayon that we will use our loans at this stage for our development... that we will use whatever available loans there are for purchase of arms. Hindi po tayo dapat magkaroon ng arms race sa China. We do not have to be an expert in foreign relations to conclude na hindi po tayo pwedeng lumaban doon. Sa akin po ang Spratly issue ay pag usapan through multilateral venues. Lahat ng mga may claim doon, mag usap usap, diplomasya ang gamitin. Hindi ako sang ayon to have an arms race... that's not being realistic. Sa akin po, ang pinakamatibay nating pagharap sa China ay ang ating rightful claim sa Spratly. We have to stand firm and get our neighbors to come with a common stand. Hindi pwedeng mag arms race tayo diyan at bibili tayo ng armas. Hindi natin kaya ang China.

Q: Mayroong ganitong announcement na mag shopping tayo ng armas sa Amerika. Hinihingan na po ng wish list ni Amb. Cuisia ang AFP at DND. Parang pinaglilista kung ano ba ang kailangan. Ano po ba ang ganitong announcement sa kabila nang may tension na nga?

Hindi naman maitago yan eh.

Q: Pero yung ganitong action sir makatwiran po ba?

Sabi ko nga hindi mo maitago yan. I think you cannot add to the irritation anymore. Ang importante diyan ay diplomatic moves.

Q: Sir meron bagong i-appoint ang Malacanang na ambassador to China, Domingo Lee. Kilala nyo po ba si Lee?

Kilala ko yan pero matagal ko nang hindi nakakausap yan. I have not seen him for a long time. Yan ho ay kaibigan ng pamilyang Cory at Ninoy. But I really haven't sat down with him to discuss China.

Q: Sir kasi meron po agad concerns agad sa diplomatic community, well ayaw naman po magpabanggit ng pangalan ng mga nasa diplomatic community na nagre-raise ng concern na hindi naman po nito expertise ang issue sa China at sa Spratlys pagkatapos sya ang ilalagay sa gitna pa nga po ng tension tapos bago pa nga daw po sa pwesto.

...sa Commission on Appointments at yan po lahat ay ating ire-raise at precisely ang purpose ng CA process is to determine the fitness and qualification of the nominees. Ang China ang isang importanteng embahada ng ating bansa, lalo na ngayon, kaya tignan natin ang fitness and qualification ni Amb. Lee.

Q: Text question: May information po ba kayo kung saan talaga ilalagay si dating Sen. Mar Roxas?

Sa Malacanang as chief of staff sa pagkaalam ko.

Q: Pero was he really considered na i-appoint sa DoTC?

Sa aking tingin, that was not in the equation. Sa pagkaalam ko, bago pa po mag resign si Sec. Ping de Jesus, buo na po ang desisyon na maging chief of staff sya. Ang pinag usapan na lang ay ano ang delineation ng functions nila ng Executive Secretary para po maliwanag ang lines of authority.

Q: Gagawin din daw po si Sen. Mar Roxas na presidential adviser of political affairs?

Siguro kasama na lahat yan, kung chief of staff ka kasama na lahat yan. Tama nga siguro yon dahil siya ang presidente ng aming partido.

Q: Sir yung hindi po mamatay matay na issue o intriga na may power struggle sa likod ng Pangulo?

Oo sa dzBB lang yan kaya hindi namamatay dahil laging lumalabas yan... hindi lang sa dzBB sa ibang istasyon din.

Q: Pero may mga statements galing sa ibang opisyal din mismo.

Pero ayaw magpa quote. Wala, there is no such thing.

On signing of GOCC bill

Bukas po si Pangulong Aquino, yung GOCC Governance Act of 2011, ito po ay isang pagbabago na gagawin natin para yung mga abuso sa mga GOCCs ay hindi na maulit at dito sa ilalim ng batas na ito ay hindi na pwedeng ma-appoint ang manikurista sa Pag-Ibig Fund o yung hardinero i-appoint sa Rizal Park.

Q: Naalala ko sir dun sa SONA ng Presidente binanggit yung mga abuso sa MWSS.

Tama po yan. Ang pag abuso sa MWSS na 36 na buwan ang kanilang bonuses sa 12 beses na maupo sila sa board meeting. Yan pong pag abuso nay an ay hindi na po pwede sa ilalim ng ating GOCC Governance Act. Bukas po ay pipirmahan yan at magiging effective July 1 nitong kasalukuyang taon.

News Latest News Feed