Press Release
July 6, 2011

OPENING STATEMENT OF TG GUINGONA
BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING ON PCSO

Magandang umaga sa inyong lahat, mga kababayan. Sa araw na ito, naghahanap po tayo ng liwanag. Gusto po nating maliwanagan ang sumusunod:

Una, para saan ba ang pera ng Philippine Charity Sweepstakes Office at ano ang tamang paggamit nito sa ilalim ng batas?

Pangalawa, ang mga pera bang lumalabas mula sa PCSO ay dumaan sa tamang proseso at napunta sa tamang tao? Sino ang mga benepisyaryo, ano at magkano ang tinanggap nila? At bakit sila?

Pangatlo, meron bang sapat na proteksiyon sa ilalim ng mga kasalukuyang batas ang perang hawak ng PCSO? Sapat ba ito para bigyan ito ng proteksiyon laban sa abuso at iligal na paglulustay?

Mahalaga pong masagot natin ang mga tanong na ito.

Ang pera ng PCSO ay galing sa tao. At ang perang ito ay para sa kawanggawa. Kung ito ay hindi ginagamit nang tama, ang milyun-milyong mahihirap na Pilipinong may sakit ay mananatiling kawawa at walang magagawa.

Ilagay natin sa liwanag ang isyung ito.

Tulungan po ninyo kaming maliwanagan.

Salamat po.

News Latest News Feed