Press Release
July 25, 2011

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW WITH SEN. DRILON
After SONA, House of Representatives

Q: On PNoy's SONA

Nagsasabi iyon kung saan tayo patungo at kung saan tayo ngayon. Yun ang kailangan natin.

Q: Sa tingin nyo maipapasa ang 2012 budget this year?

Kaya. Kami po ay nag-usap ni House Majority Leader Neptali Gonzales at gagawin naming yung aming ginawa last year nab ago matapos ang taon ay mayroon nang budget.

Q: Appointment of new Ombudsman

The best choice. Magaling po yan, malinis at tama po yung appointment. Ako ay umaasa na ang nagkasala ay talagang mapaparusahan.

Part 2

Q: On SONA

Kanyang nilathala kung ano ang ating hinaharap at ano ang ating kailangan para makamtan natin ang ating hinahangad na pag-unlad ng bansa.

Q: Ang isa sa pinaka pinalakpakan ay yung sinabi ng Pangulo na kung teritoryo natin, atin yon, pertaining to the Spratly Islands. Pinagmalaki ng Pangulo na may parating na military equipment. Para ba itong nagmamalaki tayo sa China? Hindi ba ito parang inviting anger?

Hindi naman dahilan sa sinabi ng Pangulo ibig niyang dalhin sa UN ang problemang ito upang makapaghanap ng solusyon sa mapayapang pamamaraan hindi sa marahas na pamamaraan. Kailangang ipakita natin na tayo'y handang ipaglaban ang ating mga karapatan bilang isang bansa.

Q: Saan galing ang pondo kasi wala sa 2011 budget yon?

Mayroong AFP Modernization Program, isang continuing appropriation na dapat manggaling ang pondo sa BCDA, yung benta ng mga lupain sa Fort Bonifacio.

Q: Pinuri din ng Pangulo ang CCT, ibig bang sabihin madadagdagan ang pondo para sa CCT?

Sa palagay ko madadagdagan ngunit susuriin natin nang husto pagdating sa Senado.

Q: Scrutinize muna ang implementation this year bago nyo aprubahan ang anumang increase?

Hindi lang implementation pati resulta dahilan sa pwede nating sabihin na daang libo ang nabiyayaan ng programa ngunit ano ba ang resulta? Yan ang aking hahanapin.

News Latest News Feed