Press Release
July 26, 2011

OPENING STATEMENT OF SENATOR TG GUINGONA
PCSO FUND MESS

Ito po ay pagpapatuloy ng paglilinaw natin at paghahanap ng sagot sa maraming tanong ng taumbayan tungkol sa kung paano ginamit ang pera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kaugnay ng sinabi ng Pangulong Aquino kahapon sa kanyang State of the Nation Address, ang ginagawa po nating paghahanap ng mga sagot ay bahagi ng maraming pagbabagong nais nating gawin sa ating bansa.

Ang pakikiisa natin sa gawaing ito ay pakikiisa din natin sa pagbabago ng lipunan natin.

Magtulungan po tayo.

News Latest News Feed