Press Release
August 2, 2011

Transcript of the Sen Loren Legarda's Press Conference
1 August 2011, 1:30pm, Senate Press Office

SLL: Hindi na sana ako magsasalita tungkol sa 2004 Elections dahil hindi na maibabalik ang nakaraan. Maliwanag na pinatay na ng 2004 si FPJ at pinatay na rin ng 2004 ang parte ng aking hangarin or panaginip o tawagin nyong ambisyon. Kaya lang marami sa inyo ang humihingi ng interview, nagtetext hindi ko naman maaring pabayaan at hindi sagutin.

Ako'y natutuwa, nagagalak sa mga pangyayari na maraming lumalabas para isiwalat ng muli ang katotohanan. Just to recall ng mamatay si FPJ ng December of 2004, pinagpatuloy ko nang tatlong mahaba't masakit na taon. Pinaglaban natin ito ng tatlong taon at ang mga ebidensya, pangyayari na lumalabas ngayon... marami sa inyo ang nakakaalam hindi na bago. Ito'y aking nilabas sa Korte Suprema, pinagusapan sa media. Dun kami sa Padre Faura, sa Max's, sa Hizons nagpre-presscon kami ng abugado ko. Itong mga pekeng ER mula sa Batasan, napatunayan na natin ito sa Korte Suprema ngunit nung panahong yun hindi nabigyang pansin ng nakaraang administrasyon.

Itong sinasabing break-in sa Batasan kung titignan nyo ang inyong mga pahayagan at mga report sa radio, telebisyon napagusapan ito ng pakonti-konti pero hindi binigyan ng sapat na halaga ang katotohanan noon. Bakit ko sinasabing totoo yung break-in, pano naman magkakamali ang testigo ng COMELEC printer si Mr. Payongayong ng Ernest Printing. I will only talk about facts here not emotions and speculations. Ito po ay isa sa mga transcript na napakarami sa aking kwarto na tinago ng anim na taon at ngayon lang binuksan. Babasahin ko sa inyo at napakaliwanag. Ito'y nagpapatunay na peke yung ER sa Kongreso.

Tinanong po ng aking abogadong si Atty. Brillantes kay Mr. Payongayong ng Ernest Printing, ang official printer ng COMELEC. Siya's isang neutral, competent witness at authority. Sabi ni Atty. Brillantes "can you say are these exhibits F to F6 authentic or not? Totoo ba yung mga hawak na ER na galing Kongreso na nakuha naming pagkatapos ng break-in at ginawang ebidensya sa korte. Ito ba'y authentic o hinde, tunay o peke? Simple lang po ang sagot and this will tell the truth: ang sagot po ni Mr. Payongayong ay "not authentic" o "fake". Para lang maliwanag ng muli sabi ni Atty. Brillantes nuon, "Mr. Witness I would like to confront you now. Yan ba ay Congress copy? Is that a Congress copy?" "Congress copy your honor" ang sinabi ng testigo... yan ay Congress copy.

As you notice nahihirapan ako basahin ang napakasimpleng transcript kasi hindi madali na pag-usapan ng muli ang akala kong naghilom nang sugat. But I will not talk about the whole thing at hindi ko bubuksan lahat ng transcripts...that's public record. Hinihiling ko sa inyo...hinihiling ko sa DOJ at sa COMELEC - basahin yung tatlong taon na transcript na hindi pinansin at hindi binigyang halaga ng nakaraang administrasyon. Nandoon lahat ang katotohanan way back in 2004, 2005, 2006, 2007 gusto ko din liwanagin wala na akong hinahangad pang posisyon na mas mataas pa sa aking paglilingkod bilang Senator. Hindi ito pagpoporma o politicking... wala na .... I would just like to serve a Senator. Pero ginagawa ko ito dahil karapat-dapat naman na tayo'y tumulong sa pagtuwid ng kasaysayan. As a victim of the fraud in 2004... actually the only victim alive... it is my duty to help right a historical wrong. Tungkulin ko na tumulong sa pagtuwid ng kasaysayan and because you asked me to speak ... I spoke briefly about it. Pero ito na ang huling beses na ako'y magsasalita dahil nakita naman ninyo ako'y naka move on na at tinago ko na lahat ang aking ebidensyang ga-bundok na ER at COC at transcript sa kabinet na hindi ko binuksan ng anim na taon. Pero hiningi ninyo, binibigay ko sa inyo... maari ko pang ibigay sa DOJ lahat nung aking mga transcript of records para lang matuwid ang pagbaluktot ng katarungan at kasaysayan. Thank you!

Reporter: Mam nanghihinayang ba kayo dun sa six years na sana nakapaglingkod kayo? Lumabas sana na kayo po yung nanalo?

SLL: wala akong regrets, wala akong paghihinayang dahil ang mga multo ng 2004 ay balik ng balik at ako'y naniniwala na lahat pinapasadiyos natin at tignan ninyo kasi nung panahong yon parang ako'y mag-isa, ako mag-isa kasama ng abogado ko linggo lingo; tatlong taon. And I admit at that time ang tawag samin parang ridiculous kami; hindi namin matanggap yung talo. But I persisted because it was the only legal way and sabi ko manalo man o matalo sa protesta historical record yan nasa Korte Suprema na public record na pwede ninyo balikan. Pwede balikan ng ating mga anak at saka namatay na si FPJ. Remember 2004 December kung hindi ko pinaglaban ng tatlong taon gumastos, nag-pagod kasama ng abogado and kung puro ganun nalang at hindi sa korte, sino pa ang gagawa nun ako lang ang pinayagan ng korte dahil nadisqualify, nadismiss na yung kaso kay Ms. Susan Roces Poe. So I had to do it even at the risk at that time of ridicule.

Reporter: Ma'am masama ba ang loob mo or galit ka sa mga taong involved?

SLL: You know it's a blessing and I say this in all honesty and sincerity...ayoko na nga magsalita eh kasi pinatawad ko na sila, at halos nakalimutan ko na dahil nga naghilom na ang sugat at lahat sila ay kinausap ko na, pinatawad ko na lahat eh so there's no bitterness or regrets at naka focus na ako sa aking trabaho...alam naman ninyo di ba sa climate change, environment and many more...but you asked me and you forced me in a good way. Circumstances forced me to talk about it, but this will be the last time.

Reporter: Ma'am sabi nyo nga naka-move on na kayo pero parang emotional pa din kayo habang dini-discuss nyo ang evidence...parang andun pa din ramdam na ramdam nyo pa din.

SLL: Dinanas mo man...danasin nyo man ang aking dinanas ng panahong yon ay hindi madali. Kaya hindi madaling pag-usapang muli ang isang bagay na tinabi ko na at kinalimutan.

Reporter: So ma'am kung willing kayong i-submit ang mga hawak ninyong documents willing ba kayong mag testify?

SLL: I think all the documents would speak for itself dahil ako sasabihin nila biktima, self-serving at pagkatapos nito may mga black prop na naman yan...alam naman nyong umpisa na naman...kaya this will be the last time I'll speak about it. Chairman Brillantes then Atty. Brillantes alam naman ng abogado ko lahat ng ebidensya...yung video, totoo yun nakita ko yun way back in 2005. Pinakita pa namin, pinakita ko sa abugado ko, pinagusapan ko sa presscon pero walang pumansin nuon eh. Ilan -ilan sa inyo pinansin yon pero hindi binigyan ng karampatang halaga ng administrasyon.

Reporter: Ma'am ano po comment ninyo dun sa statement ni Senator Sotto na parang sinisisi nya si Senator Kiko dun sa pagiging Mr. Noted?

SLL: Alala ko nung canvassing it is allowed by the rules...check with your lawyers...that a candidate nandun sa hanay ng mga senador, kongresista at abogado at maaring mag-intervene. Alala ko dahil si FPJ naman ay ayaw pumunta sa canvassing ako'y nagsalita...tignan ninyo ang records, "Maaari bang buksan ang kaisa-isang ER?" Di kami pinayagan ang sinagot sakin, "Noted" at sinara ang aking mikropono. Pero wala akong sinisisi....wala akong sinisisi wala akong sama ng loob maski kanino. Lahat sila ay pinatawad ko na, kinaibigan ko na, kinakausap ko na, wala akong sinisisi at wala akong sama ng loob. But since you asked me that is a fact.

Reporter: Who do you think should investigate?

SLL: Yun ang sinabi ko hindi ako maghuhusga ipapaubaya ko sa DOJ, sa COMELEC ang imbestigasyon.

Reporter: Ma'am do you think dapat pa ding mag-investigate separately ang Senate o ipaubaya na lang sa DOJ at COMELEC?

SLL: Ang gusto ko bigyan ng pansin ang lahat ng ating mga pending bills. I want to build... I want to be able to build and improve lives...gusto kong bigyan pansin nating ang mga adbokasya at satotoo lang ito'y napaka toxic at seven years ko ng pinaghirapan ito. I would really want to focus on what I'm doing now so ipapa-ubaya ko na lang sa DOJ at sa COMELEC.

Reporter: Pero ma'am gusto nyo pa din ma-korek yung record na kayo ang nanalo kung magkakaroon ng reinvestigation?

SLL: I will leave it in the hands of God, destiny and our justice system. Maliwanag naman ano ang nangyari, maliwanag sino ang nanakawan ng tagumpay. We don't ask for any position or recognition anymore...dapat lang tuwirin ang kasaysayan.

Reporter: Would you want ma'am that the senate will conduct an investigation in the 2004 election or allow the COMELEC and DOJ to undertake this?

SLL: I think it would be up to the Senate leadership...pero ipapaubaya ko na sa DOJ at sa COMELEC because ang dami ding trabaho ditto. I believe that the DOJ and the COMELEC, with its present leaders, will be more than competent.

Reporter: Sino dapat singilin ng kasaysayan? Si Mr. Noted?

SLL: Ayokong magtuon ng sisi sa isang tao lamang dahil hindi ko alam ang kanilang basehan ng kanilang mga salita at posisyon noon. I hold no grudge, I hold no regrets and that's the truth. I don't take it against any single person, colleague or maski yung mga nakinabang sa pandaraya at naupo...maski na yung gumawa ng mga operation laban sa amin ni FPJ... I've forgiven all of them.

Reporter: Pero ma'am naiintindihan nyo si Senator Sotto ngayon kung bakit ganun na lang paninisi nya kay Senator Kiko ngayon?

SLL: Of course I understand Tito. We were in the same boat.

Reporter: You understand Senator Kiko or you understand Senator Tito Sotto?

SLL: I said I understand Senator Sotto just like he understands me dahil kami ang magkasama at kami ang nahirapan nun dahil hindi nakinig, di nakinig ang mga tao samin nung gusto naming na isang ER lang ang buksan. Isang Election Return at yang ER na yan ang magpapakita ng katotohanan...ipinagkait sa amin yon. But then again that was seven years ago. Let the DOJ and COMELEC prove it and let justice be served.

Reporter: How can the administration investigate...with Commissioner Garcillano na ayaw nya mag-cooperate sa inyo?

SLL: There are many more, many other people. Just the evidence, documents lahat ng mga dokumento lahat ng testigo dito dose-dosena ng tatlong taon na halos hindi pinansin halos hindi ..... kinober naman ninyo paminsan minsan... hindi marami sa inyo nasa highschool pa siguro nun. It's no one's fault...there's no one to blame... hindi ginawang priority ng nakaraang administrasyon for obvious reasons.

Reporter: So ma'am ivo-volunteer nyo yung submission ng mga documents na hawak nyo o hihintayin nyo na hingin sa inyo?

SLL: I will give it to COMELEC.

Reporter: Voluntarily?

SLL: and pwede naman nila kunin sa Korte Suprema eh. Public record yung transcript of records.... ok I can have lunch.

Reporter: when you say na isang ER lang ang gusto nyong pabuksan...are you referring to the Cebu ER?

SLL: Well hindi nakalagay kung ano but this... this is one ER na galing sa Kongreso na pina-subpoena namin pagkatapos ng break-in na pag-ihambing mo sa six other duplicate ERs panalo FPJ - Loren...yung congress ER na fake baliktad ang resulta. Yun lang ang ipakita and that's it and that's in the Supreme Court now. Para alam nyo, seven copies ang ER. Sa seven copies na yan isa ang Congress ER na pinakita naming as evidence. Pag seven na duplicate carbon copy dapat pare-parehong resulta dahil carbonized. Bakit sa six copies ang panalo FPJ - Loren sa presintong yun tapos bakit sa isang kopya ng Kongreso iba ang resulta, eh hindi ba dapat carbonized duplicate yun? Yung ang sinabi ng printer ng COMELEC: peke yung Congress ER na yun. Di kami nagsabi. Printer ng COMELEC at that time in 2005 after the break-in ang nagsabi. Thats why I brought the records of the Supreme Court because I don't want... ayoko ilagay ang aking impression, speculations. Gusto ko facts, evidence lamang. Mr. Payongayong said..... Mr. Payongayong .....

SLL: of Ernest printing ang nagsabing not authentic.

Reporter: would you recommend na magtestify sya?

SLL: It's here already eh. Nakalagay "not authentic...congress ER not authentic."

Reporter: Ma'am yung break-in video na lumalabas ngayon nakita nyo na din dati?

SLL: Nakita ko na yun break-in video. Presented to me... like I said last week it was presented to me sabi ko sana pwede i-present sa Korte Suprema but they were asking for protection, madami daw sila...

Reporter: so ino-honor ba yun dati sa COMELEC o kung sino man nag imbestiga...ng video?

SLL: No, i never got a copy of the video. Pinanood ko lang.

Reporter: Ma'am is it true na may amount na inalok sa inyo for the tape?

SLL: Merong hinihingi para sa kanilang pag-abroad imposible eh hindi ko maalala millions eh.

Reporter: In exchange of the video?

SLL: Yeah, but I said impossible.

Reporter: Ma'am nag apologize kay Susan Roces yung mga lumantad na miyembro ng SAF sa tingin ninyo dapat din silang mag apologize sa inyo?

SLL: Thats enough they apologized to Susan Roces and the Filipino people. To all of us, that's enough.

Reporter: Ma'am pwede bang sabihin na lang na let's just correct the record ratify the mistake? Pano yung mga pinirmahan ni GMA bilang Presidente? Ibig bang sabihin na-recognize sila as President yung mga pinirmahan nila acknowledged din na sila yung signatory dun mga batas... lahat ng mga official documents?

SLL: mahirap sagutin yan.

Reporter: Ayun na nga. Pano yun?

SLL: Ok I have to eat, masakit na sikmura ko.

Reporter: Ma'am yung Garcillano nag-press release siya sa bukidnon. Ano masasabi nyo na denial pa din sya?

SLL: There are many other witnesses na makakapagbigay ng impormasyon.

Reporter: Dapat pa ba siyang i-pressure ma'am?

SLL: Many other witnesses not just one.

Reporter: Ano po dapat gawin sa kanya?

SLL: COMELEC na ang bahala ayoko na magsalita; ang dami na masyado...this is just one.

News Latest News Feed