Press Release
August 21, 2011

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEW WITH SEN. DRILON

Q: Ano ang aasahan sa hearing bukas sa chopper mess?

Unang una suriin yung lease agreement na pinasukan ni Iggy Arroyo at Rene Sia at ipakita natin kung ano yung indikasyon na talagang peke ang dokumentong iyon.

Q: Ito yung sinasabi niya na siya ang nag renta ng helicopters na lumitaw sa nakaraang hearings na kay Mike Arroyo talaga.

Oo kay Mike Arroyo talaga yan dahil sa ebidensyang lumabas at itong service agreement na kanilang nilabas ay peke.

Q: Hindi inaasahan na darating ang Arroyo brothers, ano ang gagawin ng Senate?

Wala tayong magagawa. Unang una si Iggy Arroyo ay nasa labas ng bansa at siguro bukas makikita natin yung report ng Senate-designated doctors kung ano talaga ang kondisyon ni Mike Arroyo.

Q: Yung kay Cong. Iggy, meron bang kaso sa parang attempt to mislead the Senate sa investigation?

Yan ay hindi ko pa napag aralan. Masyado nang lumalawak ang imbestigasyon. Yan ay isinumite ni Mike Arroyo sa piskalya hindi naman sa Senado.

Q: Kung sa Senate yan isinubmit, ibang usapan yun?

Ibang usapan yan. Ito ay sinubmit nya sa piskalya sa Pasay.

Q: Hindi po kayo aabot sa punto na i-subpoena yung dalawa?

Basta mapatunayan natin na sila ang may-ari at itong lease agreement ay peke, sapat na sa akin kahit hindi sila humarap. Kung hindi sila makapag paliwanag, gagawa kami ng report na wala ang kanilang version.

Q: Ang AMLC ba ay hinihingan na rin ng tulong kasi pag may transactions na kahina hinala dapat nirereport ng bangko sa AMLC? In this case yung supposedly wire transfer ng $500,000 na downpayment sa helicopters.

Sa akin ang Blue Ribbon committee investigation ay para patunayan ang pag aari ni Mike Arroyo nitong helicopters, ang pagbenta ng segunda mano sa PNP na ang specifications ay brand new, overpriced sa PNP ito. Ang AMLC ay ibang aspeto yan, hindi na ako papasok doon. Bahala na ang ibang senador kung ibig nilang i-pursue iyon.

Q: May sapat na bang ebidensya to recommend charges against FG?

Sa akin may sapat nang ebidensya para magrekomenda ng kaso.

Q: Anong kaso?

Anti-graft.

Q: Sir yung pagpwersa na ibenta yung helicopters sa PNP?

Pagsabwatan na ibenta ang helicopters sa PNP na brand new kahit na segunda mano.

Q: Yung paggamit ng impluwensya, another case din ba yon?

Hindi separate case yon, kasama na yan sa sabwatan.

Q: Sabi ni Sen. Joker Arroyo yung imbestigasyon ng Senado ay lumalagpas na sa limitasyon, hindi na in aid of legislation?

Sa akin in aid of legislation dahil doon nakikita natin ang pagsasabwatan ng mga kinauukulan para nakawin ang pera ng taumbayan. Ito'y mga ebidensya kung saan pwede tayong magrekomenda ng panukalang batas upang hindi na maulit ito. Pangalawa, sa oversight functions ng Senado para matignan kung ano ang kasong pwedeng maisampa para hindi na maulit ang ganitong klaseng hindi pagtupad ng batas.

Q: Pero sir bakit daw kailangang i-dig ang mga ganun, kung anong kasong ganun pwedeng gawin samantalang magrerekomenda lang naman kayo, yung mga findings hindi antimano magiging ebidensya kundi isa submit sa piskalya o Ombudsman na magsasagawa din ng panibagong imbestigasyon.

Ganun din naman ginagawa sa Blue Ribbon nung panahon ni Joker Arroyo.

Q: Yung committee report hinahanay nyo ang mga proposed legislation at posibleng criminal cases at yung report nyo isa submit sa DoJ o Ombudsman?

Baka yung kaso isampa na nang diretso sa Ombudsman. Ang Blue Ribbon meron namang kapangyarihan like any citizen na mag file ng kaso kaya baka ideretso na mag file ng kaso sa Ombudsman. Hindi lang rekomendasyon kundi actual case. Total may sapat na ebidensyang nalikom sa hearings.

Q: On CCT, may report na pinupuri ng World Bank, AusAID. Sa hearing niyo sabi ng CoA merong mga hindi karapat dapat na beneficiaries na nakatanggap nito.

Unang una ito ay nangyari nung nakaraang administrasyon. Yung basehan ng sinabi ng CoA ay hindi raw poorest of the poort provinces ang nakatanggap ng CCT. Yung standard na yon ay napalitan na. Ngayon ang tinitignan ang mga recipients ay poorest of the poor kahit saan sila situated, kahit sa pinakamayamang probinsya tulad ng Cavite at Batangas, marami ring mahihirap diyan. Kung merong mga pamilya na kasama sa 5.3 million na ang income ay hindi hihigit sa P4,000 isang buwan, sila ay qualified. Nung panahon ni GMA, yung standard nila iba: kailangang mahirap na probinsya. Pangatlo, meron ding pagkukulang sa kasalukuyang implementasyon ng CCT ngunit ito ay kaagad namo monitor at napipigil. Hindi perpekto ang system. Sa 2.3 million na covered sa kasalukuyang taon, mahigit 150,000 ay naalis sa programa. Ibig sabihin effective ang monitoring system at nahuhuli kung ikaw ay pumapasok sa programa kung hindi naman dapat. This is about 5% of those covered. Ibig sabihin 95% na dapat i-cover ay tama ang coverage. Wala namang perpektong system dito. Ang importante nahuhuli agad ang pagkukulang.

Q: Magkakaroon ba ng audit kung successful ang implementation ng CCT sa mga pamilyang nakakatanggap? Diba ang purpose nito ay maibsan ang gutom at mahikayat ang mga bata na magpagamot sa doctor, pumasok sa eskwela. Naa-achive po kaya iyon?

Yun ang ating hahanapin. Halimbawa, nakausap ko si Cong. San Luis ng Laguna, Cong. Evardone ng Samar, Cong. Nava ng Guimaras, Cong. Miraflores ng Aklan, ang common na sinasabi nila ay tumaas ng 25% ang mga kabataan who remained in school. Sabi nila initially yung dropout rate ay bumaba sa mga pamilyang nasama sa CCT. Ito ay ebidensya na nagkakaroon ng maayos na pagpapatakbo sa programang ito dahil ang isa sa mga batayan ng programa ay dapat pumasok ang mga bata ng 85% ng school days. Dapat present ang mga kabataan para maituloy ang pagbibigay ng tulong sa pamilya.

Q: Yung suggestion ni SP Enrile na instead na bigyan ng cash na P1,400, sa mga bata palit attendance, sa mga magulang bigyan daw sila ng something to do bago sila mabigyan. Parang ginawa sa Pampanga na food for work.

Ibang klaseng monitoring yan. Ibig sabihin yung monitoring ay dun sa pagpasok sa trabaho. Hindi doon sa mga kabataan na pumapasok sa silid paaralan. Maganda din yan ngunit yan ay nasubukan na rin noon at hindi nasusustain. Ito ay base sa programa na pinapairal sa Brazil, Mexico... doon pinakita ng WB at AusAID na naitaas ang income ng mga mahihirap at nabawasan ang mga mahihirap sa lugar kung saan ang programang ito ay pinairal.

Q: P39 billion po ang iba budget sa CCT for next year?

Tama po yan.

Q: Hanggang kailan ito gagawin ng gobyerno?

Ito ay limang taon, nag umpisa ito 2008, yung first graduates sa 5 taon ay 2013. Hindi ko lang alam kung ano ang kinover nila nung 2008 ngunit itong programang ito ay 5 taon.

Q: Hanggang kalian ang budget deliberation at magkano ang projected budget deficit?

Ang schedule namin ay ang Kamara pag natapos ang kanilang budget deliberation at maaprubahan on 3rd reading mga 1st week of October. Ang expectation naming matatanggap namin ang GAB ng October 10.

Q: Ang target is within the year ay maipasa itong budget, kasi nung nakaraang administrasyon diba halos sa buong 9 na taon puro reenacted budget so nagkakaroon ng chance for realignment kaya puno ng katiwalian.

Tama po yan. Sa nakalipas na taon, for the 1st time in one decade ay naaprubahan ang budget bago matapos ang taon. Yan din ang gagawin natin ngayon: bago matapos ang taon ay tatapusin natin ang budget. Nung nakaraang administrasyon talagang sinasadya na i-delay ang budget para ito ay isang paraan na matakpan ang katiwalian at maging possible ang katiwalian. Ang pagbili ng budget approval nung nakaraang administrasyon ay sinasadya para magkaroon ng paraan upang lumaki ang authorization, ang gastusin ng pamahalaan para matakpan ang katiwalian.

Q: Yung DoH bibigyan ng dagdag na pondo, mataas ang dengue cases, ewan ko kung basis yon for additional budget?

Kung inyong maalala, nung budget hearing ng DoH aming natuklasan na merong 4,000 vacant positions sa DoH kung saan may nakalaan na mahigit P1 billion budget. On the other hand, alam na alam naman natin na sa mga government hospitals ang ratio ng nurses to bed capacity... ang isang nurse ay mga 30 pasyente ang inaalagaan, versus sa private hospital na 1:5 o 1:10 lamang. Ngayon amin pong tinanong ang Budget department kung paano ba ito. Ang sabi daw kasi hindi nagkakatugma ang kanilang position classification sa pangangailangan. Ibig sabihin, nangangailangan ng nurses pero ang vacant positions ay clerks o administrative staff. Nag-usap ako, si Sec. Abad at Sec. Ona, nagkasundo kami na bigyan ng authorization ang DoH between now and the end of the year, magkakaroon ng mula 10,000-12,500 na nurses na iha-hire ng DoH. Sa kasalukuyang taon, ang DoH ay mabibigyan ng mula 10,000-12,500 bagong posisyon para sa nurses. Next year, atin pong titignan ulit yung budget kung madadagdagan ang nurses position doon sa 2012 GAA. Ito ang magandang balita. For 2011, may authority to hire at least 10,000 new nursing positions possibly an additional 2,500 for a total of 12,500. For next year, pag aralan muli natin--kaming 3--kung paano namin madagdagan ang allocation para sa nurses para sa ganon ay makapag hire muli ng additional 12,500 for 2012.

Q: Magandang balita po yan sir. Naalala ko sa hearing nyo, ang sabi ng DoH ay nasa 200,000 plus yung mga nurses natin na either unemployed or underemployed.

Tama po yan, 287,000 ang ating mga nurses na either walang trabaho o ang pinapasukan nila ay hindi tugma sa nursing profession. Yan po ay madadagdagan pa: may 37,513 na bagong pasang nurses kaya lalong lumalala ang problema ng ating mga nurses na walang mapapasukan. On the other hand, maraming pangangailangan sa ating government hospitals. Yan po ay coordination lamang kaya ako po ay natutuwa na bukas naman ang pag iisip ng Budget secretary at Health secretary para sa ganon mabigyan natin ng pagkakataon na ang ating health system ay magkaroon ng konting ginhawa dahilan sa additional nurses.

Q: Bukas sa hearing invited si ex DILG sec Ronnie Puno, kung sya po ay dadating ano ang kailangan niyang ipaliwanag sa helicopter scam?

Hindi ko alam kung sya ay darating. Ang dapat nyang ipaliwanag bakit swak na swak ang specifications ng helicopter na pangangailangan ng PNP sa helicopters ni Mike Arroyo.

Q: Pag bumibili ng ganong malalaking equipment ang gobyerno, may specifications na dapat sundin. Sa kaso ng helicopters may specifications at binago, nung binago nag swak sa specifications ng helicopters ni FG.

Tama po yan. Sa ilalim ng batas, ang specifications ay dapat general para hindi papasok ang isang brand. Dito ang specification tailor fit para sa Raven choppers na meron si Mike Arroyo. yun ay pinalitan para ang unang set of technical specifications, hindi nag qualify ang Raven at yung isang klaseng helicopter (Beeline) ay na disqualify dahil sa pagbabago ng specs.

Q: Sabi ni Sen Trillanes hindi pwedeng walang alam si dx PNP chief Jesus Verzosa, sa inyong palagay may accountability si Verzosa?

Ang problema ay wala tayong ebidensya. Tama ang sinabi ni Sen Trillanes na sa kanyang experience ay hindi pwedeng hindi alam. Ngunit hindi ganon ang ebidensyang kailangan sa husgado kaya kailangan direct evidence. Hindi pwde na dahil may basa sa isang kanto, nakita nating may asong umihi, the following day ay basa pa rin, hindi ibig sabihin na yung asong yun ang umihi. Kailangan may ebidensya na talagang kasangkot si Verzosa.

Q: Pero sir nakapirma sya sa final supply contract, sila Dir. Leocadio Santiago?

That's correct. Ang tinutukoy ko lang yung statement na 'hindi pwedeng hindi mangyari na hindi alam' ni Verzosa. That is not proof that he had knowledge of this transaction and the overpricing.

Q: Yung sa liability ni Puno at Verzosa, kailangan pang ma establish?

I cannot immediately answer that, rebyuhin natin ang lahat ng ebidensyang pumasok.

Q: Handa ba ang Blue Ribbon committee na ipa inhibit si Sen Lacson sa susunod na pagdinig sakaling ito ang maging kondisyon ni Cong. Iggy Arroyo?

Hindi pwedeng mag pose ang isang resource person ng kondisyon sa pagharap sa Senado. Unang una hindi kami huwes, kami ay nakaupo bilang mga senador para gumawa ng batas.

News Latest News Feed