Press Release
September 4, 2011

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEW WITH SEN DRILON
dzBB with Nimfa Ravelo

Q: Si Sen Arroyo kanina ang sabi sa programa meron siyang napuna sa panukalang 2012 budget. may special provision dawn a yung pondo para sa unfilled positions sa mga constitutional agencies like SC, Senate, commissions ay hindi ibibigay ng DBM, kailangan humingi ng permiso ang mga agencies para punuan yung unfilled positions. Sabi ni Sen Arroyo ito po ay paglabag sa fiscal autonomy ng mga nasabing agencies. Meron po bang ganitong special provision?

Unang una mali po ang ating kaibigang si Sen Joker Arroyo. Yung sinasabing fiscal autonomy dun yan sa mga naka-appropriate sa mga ahensiyang nakasaad sa ilalim ng Saligang Batas, yan ang tinatawag nating fiscal autonomy. Kung ano ang naka appropriate para sa nasabing ahensiya, yan ay automatically released kaya may fiscal autonomy. Ngayon, ang nandoon sa miscellaneous personnel benefit fund (MPBF), yan ay appropriation para sa unfilled positions. Pag nag appoint ang ahensiya ay automatic ang release. Hindi po kailangan ng permiso, kailangan lang mag appoint. Yan ay ginawa dahil medyo inaabuso ng mga constitutional agencies ang savings. Kung nakalagay kasi sa kanilang budget, sabihin nating may P100 million para sa sahod sa 100 tao. Ngayon ang ginagawa nila nagha hire lang sila ng 90 empleyado, yung 10 positions ay hindi nila pini fill up... yan ay nire release sa kanila yung buong P100 million. Ang labis na P10 million ay ginagawang bonus. Yung P10 million, dito sa bagong sistema, ay nilagay sa MPBF at kung mag hire ng 10 tao ang ahensiya, ang P10 million ay automatically released, hindi pipigilan. Hindi kailangan ang permiso ng DBM para mag hire ng tao. Yan po ay nasa plantilla, vacant lang. kung mag hire sila, automatic ang release. Kaya hindi ko po nakikita kung saan yung sinasabi ni Sen Arroyo na paglabag sa batas.

Q: Sir kasi yung pondo daw dati buong ibinibigay sa agencies, ngayon yung pondo para sa unfilled positions kailangan pang hingin.

Hindi kailangang hingin. Mag hire lang sila ng tao, yan po ay automatic ang release. Ang hindi lang pinapayagan, itong mga perang ito na dapat pang sahod, ginagawang bonus.

Q: Hanggang wala po, sa DBM muna yung pondo?

Hanggang wala, hindi nila makukuha yung pondo. Pero pag nag hire sila, automatic. Hindi sa DBM, sa National Treasury.

Q: Ito po ay kinakailangang gawin dahil namihasa yung mga agencies, ginawa nilang pang bonus o pinagpyestahan nila yung nagiging savings?

Tama po yan. Deliberately, sinasadya nila na hindi mag hire ng tao para magkaroon ng luwag para sa bonus.

Q: Ang sistema kunwari may unfilled positions, ang sistema daw sasabihin muna sa DBM then subject to the President's approval pa yung pag release ng pondo?

Hindi. Ilang beses ko uulitin, automatic po yan at nakalagay yan sa budget.

Q: Ano yung nag trigger nito?

Halimbawa yung husgado. Hindi ka pwedeng mag organize ng RTC kung walang batas. The moment mayroong batas yan ay popondohan agad. Ngayon hindi pi-fill up-an ng Korte Suprema, kaya maraming vacancies. Unorganized courts ang tawag diyan. Authorized ang pagtayo ng isang RTC ngunit yung pag fill up niyan ay nasa JBC. Pag hindi nila finill up, yan ay ginagawang bonus.

Q: Actual example po yan, hindi hypothetical?

Hindi po. Uulitin ko, magpapasa kami ng batas na magtatayo halimbawa ng isang RTC sabihin nating sa bayan ko, sa Iloilo. Yan po ay popondohan kaagad. Halimbawa ngayon magpapasa kami ng batas magtatayo ng RTC sa Iloilo, sa 2012 budget lalagyan ng pondo kaagad yon, sabihin nating P50 million. Ngunit yung P50 million nay an hindi magagamit dahil hindi naman mag aappoint ng mga huwes, clerks at stenographers at lahat. Yung P50 million gagamiting bonus ng Supreme Court.

Q: Pero sir hindi po ba sila pwedeng, halimbawa sa budget deliberation, pagsabihan na 'ito na yung pondo, nasa inyo nang buo pati sa unfilled positions pero on the condition na wag nyong gagalawin yan' o may danger po na gamitin pa rin yon?

Kaya nga yun automatic na ang release. In that example, pag nag nominate na ang JBC ng isang huwes at nag appoint na ang Korte Suprema ng mga sheriff, stenographer, interpreter, clerk, automatically ire-release ang P50 million sa example na yon.

Q: Sir kasi sabi ni Sen Joker yung ganitong konsepto ideya daw po ng evil genius?

Alam mo maraming evil nung panahon ni Gloria Macapagal Arroyo. Wala akong narinig kay Sen Joker Arroyo.

Q: Wala daw ganitong provision noon. Parang bago daw po.

Bagong provision ito dahil yung mga pag aabuso ng nakaraang administrasyon ay ibig pigilin. Narinig nyo naman yung 24 na bonuses sa MWSS at 12 buwan na sahod. Yan po ang mga abuso na ibig nating pigilin ngayon. Yan ang evil noon at wala namang nagbabanggit na evil yan. Tinutuwid natin, ginagawa nating maayos, maraming nagrereklamo. Yan ay inilagay para transparent. Makikita kung saan ginagamit ang pera ng taumbayan. Pangalawa, hindi binabawalan ang pag hire ng positions, automatic ang release pag meron nang position.

Q: Magkano yung nasa MPBF?

Kung hindi ako nagkakamali, mga P24 billion para sa 100,000 vacancies sa pamahalaan, sa lahat ng ahensiya. Pati pulis, kung hindi ako nagkakamali, may P5 billion na nakalagay. Yan po ay para matigil natin ang ghost policemen. Ganun din sa Armed Forces. Kung inyong maalala, sa imbestigasyon namin sa pabaon system, saan nanggaling yung pabaon ng mga chief of staff? Dun sa unfilled positions. Yan ang dahilan kung bakit inaabuso ng nakaraang taon itong sistema ito. Sana maintindihan ni Sen Joker Arroyo na ito ay para sa maayos na pagpapatakbo ng pera ng taumbayan.

Q: Tungkol sa pagsasampa ng plunder case ng PNP laban kay Mike Arroyo et al. Natuwa ba kayo o na disappoint kayo?

To be honest with you, ako ay nagulat. Unang una, kami sa Blue Ribbon ay magrerekomenda na magpa file kami ng separate charges laban kay FG at Iggy Arroyo bilang isang accessory. Meron siyang pananagutan dito.

Q: Kahit na sinasabing hindi siya saklaw ng jurisdiction ng Senate?

Hindi lang naman yung saklaw ng jurisdiction ang pwedeng sampahan ng kaso. Kahit si Juan Dela Cruz ay pwede naming sampahan ng kaso kung siya ay may pagkakamali. Itong si Iggy is really part of the cover up operation. Yan ay tawag nating accessory to the crime. Si Rowena del Rosario, perjury ang isasampa namin diyan. Yung notaryo publiko, ipapa disbar po namin yan dahil itong si Lope Velasco ay notorious. Nagtatanong po ako sa mga kapwa ko abugado talagang notorious yan, kilalang kilala yan sa mga ganitong klaseng operation. Sasampahan namin siya ng disbarment. Pangalawa, nakikita ko naman kung tatawag pa kami ng hearing, yan po ang mga sasampahan ng kaso, they will invoke their right against self incrimination. Hindi na sila sasagot kasi may kaso na sila e. Baka gamitin ang kanilang statement.

Q: Yan ang negative effect ng pagsampa ng kaso ng PNP?

Yan ay parang legal gag order na talagang sinasadya nila kasi hindi na pwedeng pilitin ang mga haharap sa Senado. Nakikita naman natin yung shotgun approach. Ito yung bato bato sa langit, tamaan wag magalit.

Q: Bakit po?

Dahil lahat sinampahan nila, sino ang testigo nila? Ang mangyayari dito ang sasabihin ng PNP bahala na ang Ombudsman basta sampahan naming ng kaso ang 25 bahala ang Ombudsman maghanap ng ebidensya.

Q: Ang tingin nyo dito ginawa ito hindi dahil sa tingin nila ay ito na yung napapanahong gawin o ginawa ito para sa dakong huli ma-teknikal at para maligtas yung mga kinasuhan?

Nasa bayan na po, kayo na po ang mag conclude, I'm just stating the facts. Mahirap basahin yung intensyon. Ang maliwanag lang dito, merong basehan na ngayon hindi sasagot yung haharap sa amin, sasabihin nila' we invoke the right against self incrimination'. Pangalawa, ang nangyari po, ang sasabihin ng pulis, ang pag dismiss ng mga kasamahan naming pulis ay nasa Ombudsman na yan. In other words, they will not act on it on the administrative aspect. Sa aking tingin, dapat ang Napolcom should act on these administrative cases. Sa ilalim ng batas, hindi ang CIDG nag mag iimbestiga sa kapwa nilang pulis. Ang may kapangyarihan na mag imbestiga at ang magpaparusa ay Napolcom. Ngunit ito ay gagamitin ng pulis, andun na sa Ombudsman e, 'we will question Napolcom's jurisdiction'. Yung Ombudsman 10,000 ang kasong nakabinbin, aabutin tayo ng siyam-siyam. I'm talking about the administrative aspect, hindi yung criminal. The administrative aspect, ang expectation ko ang sasabihin ng pulis, kasama na yon sa sinampa naming kaso sa Ombudsman kaya ang Ombudsman na ang bahala.

Q: Text question: Ibig nyo bang sabihin ay dubious ang motibo ng PNP?

Ayaw kong pumasok sa motibo. Ang sinasabi ko ang epekto nitong pagsampa ng kaso. Unang una, ang epekto, merong basehan ang mga nasampahan ng kaso na hindi na magsasalita. Pangalawa, yung administrative case ay pwedeng sabihin ng PNP na hindi aaktuhan yan dahil naisampa na ang kaso sa Ombudsman. Two things, yung Napolcom na siyang may jurisdiction to investigate and punish admistratively the members of PNP should act now. I challenge Sec Jesse Robredo to exactly do that. Bukas pagharap ni Sec Robredo sa Senate committee on finance, I will ask him 'why has Napolcom not acted on this when Napolcom has the power to discipline policemen?' Hindi po CIDG.

Q: Dito ba kaya may evil genius?

Siguro yung mga evil genius, ito ay inherited evil of the past administration which we are trying to remove. Sabi ko nga, that would not prevent us from filing separate cases against those involved.

Q: Yung Senado bilang isang institusyon ang magpa file?

Hindi kailangan ang Senado as an institution. Yung Blue Ribbon members, even in their individual capacities, can file kasi hindi lang kami senador kundi kami rin ay mga citizens. Mayroon rin kaming karapatan na magdala ng kaso sa Ombudsman.

Q: Ang sabi ni Sen Guingona maaaring magpatawag pa kayo ng 1 or 2 more hearings sa helicopter probe, pwedeng walang um-attend sa inyo, susulat na lang sila at sabihing may kaso na sila?

Kailangang mag attend sila at invoke the right against self incrimination on specific questions. I expect na pagdating dun, bawat tanong sasabihin nila 'involve yan sa kaso namin e, hindi namin sasagutin yan'.

Q: Kasama sa kinasuhan si Archibald Po, what happens sa immunity supposedly na meron siya dahil inirekomenda nyo siya na isailalim sa witness protection program?

Hindi lang inirekomenda, siya po ay nasa ilalim na ng witness protection program. May kapangyarihan ang Senado na maglagay ng isang testigo sa ilalim ng witness protection program at ang kailangang approval ang Senate President. Na approve na ng pangulo ng Senado ito at ito ay ipinadala sa Sec of Justice as implementor of the law. Ang tungkulin ng Sec of Justice ay ipaalam sa lahat ng fiscal at Ombudsman na si Archibalp Po ay nasa ilalim ng WPP. Hinihiling ko rin kay Archi Po to cooperate and tell the entire truth para maging mabisa ang kanyang pagka state witness.

Q: Isa rin ito sa mali ng PNP na kinasuhan si Archi Po?

Yan nga ang sinasabi kong shotgun approach. Bahala na kayo sa buhay nyo kayo na ang magsabi sa Ombudsman na kayo ay nasa ilalim ng WPP.

Q: Ano exactly ang separate case na ipa file ng Senate laban kay Mike Arroyo?

Yan ay hindi pa namin napag uusapan ngunit tingnan natin kung anti graft o plunder.

Q: Diba pag plunder series of crimes...

Ang plunder ay P50 million through a series of transactions.

Q: Kung plunder pag iisipan pa ninyo?

I don't want to immediately conclude. Yan po ay pwedeng plunder o anti-graft lang. Yan po ay pag aralan namin nang husto bago namin isampa.

Q: Laging sinasabi kasi na pag more than P50 million, plunder na agad. Di ba may mga qualifying circumstances pa yon?

Tama, aming pag aaralan nang husto yan. Ang consultant ngayon ng Blue Ribbon committee ay si Jovencito Zuno, ang dating chief state prosecutor. Yan ay alam nya at siya ay expert tungkol diyan at kami po ay makikinig sa kanya kung ano ang dapat na isampang kaso. Ngunit ang maliwanag, plunder man o violation of anti-graft law, si Iggy Arroyo ay accessory to the crime dahil kasama siya sa pag cover up na siya ang may ari ng helicopters. Si Rowena del Rosario ay maliwanag na sinungaling at sasampahan namin ng perjury para naman matutong magsabi ng katotohanan sa harap ng Blue Ribbon. Yung notary publiko sampahan namin ng disbarment.

Q: Meron daw special allotment sa budget para palakasin ang ating depensa sa Spratlys?

Yung budget ay P5 billion, pareho din sa kasalukuyang taon, para sa capital outlay ng AFP. Hindi po kasya yan para sa modernisasyon. Noon pang panahon na binuo ang BCDA, daang bilyon, P300 billion yata ang dapat ipagtabi para sa modernization. Hindi ginawa ang trust fund nung panahon ni Pangulong Ramos. Hindi nila pinaghiwalay ang proceeds of the sale ng BCDA. Kung saan-saan ginamit. Doon ginamit sa Clark, Centennial, yung pinamumunuan ni yumaong Doy Laurel. They did not set up a separate trust fund kaya napasama sa general fund kaya hindi natuloy. Ngayon, kaya ko sinasabi na kayong mga heneral, mayroon kayong 5 golf courses diyan, ang value niyan P50 billion. Can we defend Spratlys with the golf courses? Hindi naman siguro. Can we assess our right over Spratlys dahil mayroon tayong 5 golf courses? Sa palagay ko naman ay panahon na so that we can think out of the box. Diyan naman ay puro sibilyan ang naglalaro at mga retired generals. Hindi ko sinasabing masamang maglaro ngunit pwede naman silang maglaro sa private golf courses. Yung golf courses kung saan ang ari-arian ay nasa government ay dapat namang gamitin natin sa tama. Kaya hiniling ko na gumawa ng paraan para ang mga golf courses ay maibenta sa pribadong sector, yung pera hindi dapat ilagay sa general fund kundi yung pera dapat itabi sa isang trust fund para sa modernization ng AFP.

News Latest News Feed