Press Release
September 13, 2011

Transcript of interview with Senate Minority Leader Alan Peter S. Cayetano
Re: Cayetano on Sixto: 'Hindi nabawasan ang issue from the last hearing, nadagdagan pa'

Q: Isasalang bukas sa CA si Sixto Brillantes. Gagamitin ba laban sa kanya ang mga allegations ni Rafanan?

The whole point of the Aquino administration is the 'tuwid na daan'. Alam naman natin na kung ang major thoroughfare ng Pilipinas ay ang EDSA, ang major thoroughfare ng 'tuwid na daan' o malinis na eleksyon ay ang COMELEC.

So far, he has not shown us that he is capable of a reformed Comelec. Imbis na nabawasan ang isyu from the last hearing, nadagdagan pa.

Hindi ko sinasabi ngayon na guilty siya. Pero ang tanong ko: "Ano itong isyu na ito na bakit natanggal si Atty. Rafanan, bakit ang mga involved sa Folder Scam ay naupo sa mga matataas na puwesto at bakit nung last hearing sinabi niya na ang Garci boys hindi pwedeng tanggalin dahil walang kaso pero si Atty. Rafanan ay pwedeng tanggalin? It doesn't add up.

I'm not going to say that he's guilty right now or that siya ang may pakana nito. But I'm going to ask him my questions during the hearing.

Q: At kung may mag motion na na i-confirm?

I will exercise my veto under the rules because unless mapatunayan niya that he will protect the integrity of the Comelec and the election process, hindi ako makakatulog ng mahimbing na siya ang namumuno ng Comelec nang hindi pa niya napapatunayan na ang integridad ng Comelec ang pinakamahalaga sa kanya.

News Latest News Feed