Press Release
September 13, 2011

Opening Statement
Helicopter Scam Probe

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Sa mga sandali pong ito, nakatingin ang buong mundo sa kagandahan ng isang Pilipina. Kasabay ng hearing natin ngayong umaga, ginaganap ang Miss Universe Beauty Pageant, at inaasahang mapupuna ang ganda at galing ng kinatawan ng Pilipinas duon.

Samantala, dito sa bulwagan ng senado, inaasahan natin na makikita din ang ganda ng Pilipino. Hindi ang ganda ng mukha o katawan. Ang gusto nating makita, ang kagandahan ng pagkatao at kagandahan ng kunsensiya ng mga nakikiisa sa pagdinig na ito.

Ganda ng pagkatao sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo.

Ganda ng pagkatao sa pamamagitan ng pagtulong sa atin sa pagtuklas ng katotohanan.

Maganda ang pagkatao ng isang Pilipino na nakakaintindi at isinasabuhay ang tunay na meaning ng salitang "Pananagutan". Accountability.

At "accountability" ang gusto nating bigyan ng focus sa umagang ito.

Para ma-alagaan ang pera ng bayan, gumawa tayo ng mga proseso sa mga tanggapan at ahensiya ng pamahalaan. Gusto nating tingnang mabuti kung ang mga prosesong ito ay nasunod sa kaso ng kontrobersiyal na pagbili ng helicopters ng Philippine National Police. At, gusto din nating tingnang mabuti kung ang mga taong dapat na magpatupad ng prosesong ito at sumunod nang tama sa kanilang tungkulin at pananagutan.

As we perform our task and mandate here at this hearing, our hearts are at prayer that the beauty of the Filipino character would triumph today: triumph in the world stage; but more important, to triumph here in this hall where we have long been in search of Truth.

I would like to welcome our guests and resource persons present here today:

News Latest News Feed