Press Release
September 21, 2011

Transcript of interview with Majority Leader Sen. Vicente C. Sotto III

Q: Sir tungkol dun kay Senator Lapid na natatakot syang maki-debate pero gusto n'yang sumali.

Sotto: Ako ang kumausap sa kanya, sabi ko nga sa kanya, maganda nga kung mapapag-usapan ito in Filipino para mas maraming makaintindi kaya nga gusto kong i-take up nang i-take up 'yun bill para masmaintindihan ng mga kababayan natin kung anong nasalikod nito, kaya sabi ko sa kanya sige. Sabi n'ya nabanggit lang n'ya 'yun pero hindi naman talaga s'ya seryoso.

Q: Anong advise n'yo sa kanya sir?

Sotto: Sana ituloy n'ya, mas gusto ko, kasi marami s'yang concern na gustong tanungin na magandang pagusapan in Filipino para masmaintindihan ng mga kababayan natin.

Q: Ano 'yung mga concern na gusto n'ya (Sen Lapid)?

Sotto: Hindi ko alam eh.

Q: Sir 'yung Likhaan, na unmask n'yo na kung sino talaga ang nagsusulong ng abortion.

Sotto: Isa 'yun sa mga NGOs na nagsusulong ng RH Bill, nakita nga natin sa video na meron silang maaaring pailalim na sinusuportahan nila ang abortion or whatever form of abortion.

Q: What do you mean by nurturing the legislators?

Sotto: 'Yung nga ang hindi nila sinagot sa akin kahapon, tinanong ko 'yun eh ano ba ang ibig sabihin nila ng nurturing legislators dun sa hinihingi nilang budget sa United Nations Fund. Hindi ako sinagot eh.

Q: Ano sa tingin n'yo bakit hindi kayo sinagot?

Sotto: Kaya nga eh, hindi ako sinagot kaya mahirap magcomment o manghula.

Q: Sa inyo Sir, wala pa bang lumalapit na lobby group?

Sotto: Wala...walang lumalapit sakin for or against (RH Bill). Ang nilalaban ko lang ay 'yun kung ano sa tingin ko o paniniwala ko.

Q: Naniniwala kayo na malaking pondo for lobbying this bill?

Sotto: Galing sa International Planned Parenthood Federation, United Nations Fund, at iba pang mga international groups. Masyadong madiin ang international backing ng bill na ito, lalo na 'yung mga pharmaceutical companies na nakikialam dyan, nangunguna na 'yung DKT.

Q: Sir 'yung manufacturer ng condom?

Sotto: Oo, 'yun ang manufacturer ng condom.

Q: Sir, na-identified n'yo na ba who among the legislator receives lobby funds?

Sotto: Hindi pa ako nakakarating dun, nandun palang ako sa NGOs na nagtutulak ng RH Bill at tumatanggap ng pondo na galing sa mga international groups.

Q: Are they operating the House or Senate?

Sotto: Hindi ko masabi, hangga't wala akong pruweba, baka pagbintangan tayo ng character assassination.

Q: Naniniwala kayo na billions of pesos ba ang lobby fund?

Sotto: Hindi naman siguro billion pero billions of pesos ang matataga sa taong bayan pagpumayag tayo na bilhin natin ang contraceptives na hanggan sa ngayon ay sinasabi pa rin ng ibang grupo na abortifacients.

News Latest News Feed