Press Release
October 4, 2011

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On the statement of US Ambassador that 405 of foreign male tourists are looking for sex in RP

Ayon sa DFA inimbitahan nila yung US Embassy pero hindi si Ambassador Thomas mismo ang pumunta, para tanungin kung nao ang basehan, at ang sabi ng kintawan daw ng embahada ng Amerika eh alam daw ng DOJ natin yon. Nagsalita na ang DOJ na hindi raw nila nalalaman ang basehan ng 40% ng male tourists ay nagpupunta rito dahil sa prostitusyon. Inulit ko at hiniling ko sa Department of Foreign Affairs na i-summon si Ambassador Thomas para magpaliwanag at hindi dapat ito pakawalan dahil kung ambasador ito ng mas maliit na bansa matagal na sigurong pinatawag yon pero dapat walang pinagkaiba yon. Masama na ngang inaapi at iniinsulto ang mag Filpino sa ibang bansa pati ba naman dito sa sarili nating bansa, dito mismo, papayagan nating insultuhin o sampal-sampalin na lamang tayo. Ni hindi ko hinihiling na umalis o magbitw siya ang hinihiling ko lamang ay magpaliwanag at ibigay ang basehan, saan galing yung 40% para naman ma-address natin yung isyu at kung hindi pede ba aminin din na walang basehan at hindi ito totoo.

Sa tingin nyo ba naging maluwag ang DFA?

Hindi ko alam kung maluwag o takot o kinakabahan pero ang punto kung maliit na bansa yan matagal na nilang ginawa yon. Sana malaki man o maliit na bansa kapagka may sinabing masa o hindi tama kaugnay sa ating mga kababayan ganundin dapata ng maging reaksyon at sana may natatanggap man tayong aid o wala sa bansang yan, kapagka may binitiwang masakit, masama sa panlasa na salita dapat ganundin at pareho din ang ating magiging reaksyon, hindi ito dapat palampasin. Na-furnish ng DFA ang senado sa pamaamgitan ni Sen. Legarda ng sulat ng US Embassy pero nabasa ko yung sulat at hindi pa rin katanggap-tanggap yon dahil hindi pa rin nila sinabi kung ano ang dahilan. Hindi nila sinabi kugn bakit kailangang isapubliko yon at hindi rin nila sinabi kung bakit ginawa nila yon sa panahon na ni waal dito ang ating Pangulo.

Ano ang laman ng sulat?

Basically sinasabi nila tinanggal na daw tayo sa Tier 2, sinasabi nila nakikipag-coordinate daw yung US government sa atign agencies dito, sinabi nila na may aid daw na ibibigay sa Pilipinas na nakatali don ang compliance sa trafficking rules, trafficking laws, pero hindi naman sinagot primarily yung tanong: Ano ang basehan at saan nanggaling at gaano ka-accurate ang 40% na binabanggit ng US ambassador.

May nabanggit na nakikipag-coordinate daw sila sa DOJ?

Tinanong namin kaagad yung DOJ kung naalaala nyo sa pmamagitan ng ilang opisyal non, tinanong namin sila tama ba itong 40% at saan ba galing ito, pati sila ang sabi nila hindi nila alam at hindi nila alam kung saan naggaling. Baka ngayon alam na nila, hindi ko alam, magandang malaman mula sa kanila, ayon sa DFA tatanungin daw nila ang DOJ kung ano ang basehan nito dahil tinuro daw sila ng US Embassy sa DOJ eh bakit siya magsasalita kung DOJ naman pala ang may hawak ng data, sana DOJ ang nagsalita, hindi siya.

Yung DFA hindi pa talaga nakakausap ang US ambassador?

Hindi pa, opisyal lang daw ang nakausap, opisyal din ng US embassy although nakausap ng personal, unofficially ng ating DFA secretary si Ambassador Thomas, hindi ito sa isang pormal na pamamaraan sa pamamagitan ng pagpapatawag at pag-summon sa isang ambassador.

So gusto nyong bawiin nya yung sinabi nya?

Hindi ko pinapabawi kung totoo yon, bakit nya babawiin, ang hinihiling ko lamg muna ay basehan, kung walang basehan marahil yon ang tamang panahon para hilingin ko yon, pero sa ngayon nais kong malaman totoo ba yon o hindi. Pangalawa bakit dapat isapubliko, ideklara at isigaw at hindi ibinigay sa isang confidential na sulat siguro para ii-nform tayo sa bagay na yan, mahilig naman ang bansang Amerika sa mag sikreto, mahilig sila sa mga tinatagong bagay, siguro isang bagay don at hindi ako magugulat kung ginawa sana nila, pero imbes na ganoon ay isinapubliko pa nila. Ni hindi ito wikileak, ito ay leak mismo galing sa ambassador.

Sa tingin nyo magpapaliwanag ang US ambassador?

Hindi ko sinasabing magpaliwanag siya sa akin o sa senado, hinihiling ko na magpaliwanag siya sa DFA secretary, sa Department of Foreign Affairs natin na siya ang may jurisdiction sa kanya, siya ang may jurisdictino sa mga embassy dito sa atign bansa. Uulitin ko, makapangyarihan man o hindi, mayaman man o mahirap na bansa, pareho dapat ang trato natin, pantay-pantay sa bawat isa, hindi yung kakabahan tayo na kapagka malaki, tapos malakas ang loob natin kapagka maliit na bansa.

May new witnesses na lumabas na direkta nang nag-uugnay sa datign First Gentleman at dating Pangulong Arroyo sa umanoy dayaan sa 2007 elections

Welcome development ito na naglalabasan na ang mga testigo, sana patungkol man sa 2007 o 2004 lumabas na ang katotohanan base sa testimonial at documentary evidence, sa panig man ng senado o sa panig man ng pagdinig na ginagawa ng DOJ at Comelec at sana dito lumapit ang ating mga kababayan na may nalalaman kaugnay dito.

According sa kampo ni GMA pang-cover up lang daw yon sa kapalpakan ng bagong administrasyon

Well alangan din namang aminin ni GMA at ng kampo nila na may kasalanan sila eh di parang gusto na rin nilang mag-aaply at kumatok sa pintuan kung saka-sakali, palagi nialng idedeny yan pero ihiwalay natin ang isyu, may pagkukulang man ang administrasyon eh di dapat asgutin yan ng administrasyon, may ginawa silang kaso at paglabag sa batas eh di dapat sagutin nial yon, huwag nialng inihahalo.

So hindi na hearsay yon dahil narinig niya mismo na nagbigay daw ng directive si GMA at si FG?

Hindi na hearsay kugn narinig niya mismo at nandoon siya, hindi makokonsiderang hearsay yon dahil as to the fact na sinabi niya at iniutos nya yon, yan ay hindi hearsay at direct testimonial evidence yan.

So yung testimony ay lalong magpapalakas na talagang may electino sabotage?

Well depende na yan sa DOT at sa korte kung saka-sakali pero ang pinanggagalingan lang naman ng ebidensiya dalawa lang naman- testimonial evidence o documentary o object evidence. Ito ay direct testimonial evidence kaugnay sa bagay na yan na wala kaming hawak noon, noong aming sinusulong ang bagay na ito, marahil takot sila noon at nangangamba sila para sa kanilang buhay sa mag panahong yon.

Tama ba na si Justice Secretary De Lima nagpapa-presscon at hinaharap yung witness considering sa bandang huli baka pumunta sa office nya yung review ng kaso?

Siguro isang bagay na yan na nasa kamay ng joitn task force sa pagitan ng Comelec at DOJ pero may basehan na kuwestiyunin yon kung saka-sakali pagdating ng panahon. Marahil pag-aral dapat ng DOJ secretary yon dahil baka mamaya maapektuhan yung impartiality nya at baka makuwestiyon pa sa korte anumang desisyon na ibababa nya matapos ang pagdinig na ito.

May update sa Juvenile Justice Law?

Wala, mamayang hapon may consultation ulit kami sa JJWC siguro huli na ito kaugnay sa bagay na yan bago namin ilabas ang report at makikipag-coordinate din kmai sa tanggapan ni Sen. Pangilinan para anumang solusyon ito ay suportado na ng lahat ng miyembro dahil tiyak ko naman pareho kami ng objective, siguro sa nagyon lang medyo lihin o magkaiba ang aming pananaw kung paano marating ito pero pareho naman ang aming layunin, pangalagaan ang karapatan ng mga kabataan habang pinapangalagaan natin ang kaligtasan ng ating mga komunidad.

News Latest News Feed