Press Release
October 24, 2011

Transcript of Interview - Senator Antonio "Sonny" Trillanes
- Umaganag Kay Ganda

Anthony Taberna: Senator Trillanes, kayo po bilang isang dating sundalo at alam po namin ang damdamin ninyo hanggang sa field ng ating mga ordinaryong kasundaluhan, ano po ang nakikita niyo? Paano niyo po tinitignan ang diskarte ng pamahalaan natin sa mga public pronouncements ng mga opisyal ng gobyerno natin after this incident happened last week, October 18 po?

SAFT: Unang-unang po, I would have to admit na medyo naging insensitive ang mga remarks ng Palasyo. Medyo hindi appropriate especially this time ano? But they have to deal with that and move forward. Hopefully this time pag-aaralan na nila 'yung mga statements nila bago nila ibitaw.

On my part naman po, I will be filing a resolution calling for a Senate inquiry on the matter para mahimay po natin 'yung mga insidente na ito on different levels, para hindi basta-basta nagiging ano ho. Very passionate 'yung debate sa media, baka hindi ho natin nakukuha 'yung big picture. Ang sa akin po dito, 'yung sa policy side, kailangan nating i-revisit 'yung parameters ng ceasefire agreement. 'Pag ganitong mga insidente, ano ba ang mechanisms involved? Tinu-turn-over ba 'yung mga salarin for the offending party? So kailangan natin makita kung mayroon ngang mga ganyan, of course related 'yan sa administration of justice. And more importantly, kailangan nating malaman kung ang MILF are in full control of their commanders on the ground.

Anthony Taberna: Senator, gusto ko pong malaman, ano po ba 'yung specific na sa tingin ninyong insensitive na pahayag galing po sa Malacanang?

SAFT: Public po 'yung command conference. 'Yung pagre-reprimand po kasi basic ho 'yan sa mga military leaders. You praise in public, you reprimand in private. And marami ho kasi doon na mga commanders na hindi naman directly involved doon sa operation parang hindi ho maganda 'yung mga ganyan.

Anthony Taberna: I'm sure mayroon pa ho kayong mga konek ika nga sa baba. Tinatanggi po ng Armed Forces 'yung demoralization, ano ho ba ang balita ninyo?

SAFT: Of course we understand the position of Colonel Burgos, he needs to say that. Pero ang information ho natin on the ground is talagang low morale ho ang mga sundalo natin, mga junior officers, senior officers, mga enlisted personnel, lahat for that matter. It was brought about by several factors, primarily 'yung nangyayari na back and forth sa media.

Ang sa akin naman ho dito pardon the good Colonel, pero ang problema ho natin dito when I investigated also when I visited the wake of the slain soldiers, unang-una bakit sila pinadala doon ill-equipped sila, wala silang basic load, ang magazine nila - isa, dalawa lang, 'yung iba apat at the most. Tapos 40 lang silang pinadala doon, sa isang lugar na 'yung 100 plus na Marines were pinned down a few years ago by the same person na kukuhanin nila. And bakit walang nag-reinforce after six to nine hours of firefight and finally scuba diving course ito, hindi pinapadala sa test mission 'yung mga ganito. Mayroon ding kapabayaan on the part of some ground commanders and isa pa diyan 'yung failure of intelligence bakit hindi naging maayos.

Anthony Taberna: Well Senator, huling punto ko na lang po. Kung kayo po ang nasa posisyon ng Pangulo, paano po ba ang tamang diskarte dito sa sinasabi ninyong low morale ng mga sundalo, considering may mga panawagan pong selective lifting ng ceasefire doon po sa parteng Mindanao?

SAFT: Sana ho, kaso water under the bridge po ito. Sana initially nag-sympathized muna siya sa mga sundalo niya, pinakita niya na he's fully behind them. He sympathized with their cause, and immediately he should have demanded that the MILF turn over the perpetrators of this particular incident. At least ho may ganoon sanang statement.

At the same time, privately, pinatawag niya 'yung commanders, 'yung Chief of Staff, dinirect niya, mag-conduct ka ng investigation bakit tayo nalagasan ng ganyang karami, para malaman din natin. Kasi ganito ano, nangyari napo 'yan before eh, bakit nangyayari ulit? Dapat llamado tayo eh in every combat situation, dapat llamado tayo. In this particular case, pinadala lang 'yung mga tropang katatapos lang mag-training.

Anthony Taberna: Senator Sonny babantayan ho namin 'yung inyong imbestigasyon na gagawin base sa inyong resolusyon. Maraming salamat, Senator, and umagang kay ganda sa inyo, Sir.

News Latest News Feed