Press Release
October 27, 2011

Kapihan sa Senado transcript

On the issuance of hold departure order by the DOJ secretary, hindi ba korte lang dapat may karapatan

Tama ka, the power to issue hold departure order is vested only in the courts, walang poder ang sinumang executive o administrative body na mag-isyu nyan, walang batas na nag-o-authorize sa kanila na gawin yan, ang pinanghahawakan ng DOJ sa ngayon ay isang circular na inisyu pa ni dating Secretary Agra sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Arroyo, isa ito sa mga mapang-api na regulasyon at circular na inisyu ng nakaraang administrasyon na hindi na dapat ginagamit ng kasalukyang administrasyon. Otherwise nothing will set us apart from the previous administration in so far as the curtailment of certain rights are concerned. Wala naman sigurong debate, kahit na noong ako ay nasa Kamara pa na oposisyon ako nong panahon ni dating Pangulong Arroyo. Pero hindi rin tama na gamitin natin sa kanya yung ginagamit nya noon sa amin dahil wala na kaming pinagkaiba, wala ng pinagkaiba ang kasalukuyang gobyerno kung hahayaan nating magamit pa rin ang mapang-aping circular at batas na yan laban sa ating mga mamamayan.

But as it is that the HDO holds

According to the DOJ nasuspinde na nila yung paghingi, pag-aaply, pagpetisyon sa pag-isyu ng HDO sa DOJ, but that begs the question, ang tanong at ang dapat na sagot, bakit hindi pa suspendido at nali-lift yung effectivity ng circular na inusyu ng DOJ nong nagdaang administrasyon. Yung secretary of Justice ngayon may kapangyarihang isuspend anumang circular na inisyu ng kanyang predecessor, yung ang kanyang dapat gawin at hindi yung pagsuspendi lamang ng mga application for HDO. In fact, the HDO has communicated already to the Senate, according to our resource person ealier, asking for a bill to be filed in Congress, in the Senate, precisely to give them these authority, para sa akin pag-amin at admission yon na sa ngayon wala silang kapangyarihang gawin yan, kaliangan nila ng legislative cover bago nila magawa yan.

Just to clarify, kasi ang sentiment ng Congress, even the Senate, is to allow her get treatment abroad, and now there's a standing fact on an HDO

Actually look out na dapat ng abogado yan ni Congresswoman Arroyo yan, hindi ko maintindihan bakit pumapayag sila and why they are standing for it when clearly and distinguishably only yhe court can issue a hold departure order, kahit nga yung pagpapaalam sa Speaker hindi ko makita kung bakit, kailangan mo lang naman magpaalam kapagka gagamit ka ng diplomatic passport mo, kapagka hihingi ka ng pondo mula sa Kongreso o sa Senado, o kapagka ayaw mong magbayad ng travel tax o kapagka nasa sesyon ang Kongreso, pero kung recess ang Kongreso, pribadong byahe ito, anumang gastos ang Kongreso o Senado at willing ka namang magbayad ng travel tax, ni hindi kailangan ng permiso ng Speaker man o ng Senate President bago makapagbyahe ang sinumang miyembro ng Kongreso o Senado. Specially for medical reasons and it doesn't have to be proven anymore.

Iinvite nyo personally si Secretary De Lima sa hearing, kailan kaya yung next hearing na pupunta siya?

Pagkatapos na siguro ng Undas, hopefully before before Congress and the Senate resumes, actually we want to invite her personally because the proxy, the representative she sent could not anser the questions of Senator Drilon, okay lang sa aming tumanggap ng mga proxy o representative, imbes na yung head ng agency, basta sana yung nakakasagot at kayang i-bind yung kanyang principal pero kanina hindi magawa yon ni Atty Benavidez that's why we requested the presence personally of Secretary De Lima to explain this matter.

What's the mess about the peace talks, there's an ATS or area of temporary stay, where did it come from?

Una sa lahat sa tingin ko ang rason kungbakit namatay, pinatay yung 19 nating mga sundalo ay dahil dito sa ATS. Kung wala namang ATS walang dahilan o justification na pedeng gamitin ng MILF para patayin at pagbabarilin yung mga sundalo natin na pumasok diumano dito sa ATS nang walang paalam sa MILF. Ang tanong ko saan ba nanggaling itong ATS, ano ba ang legal basis nito sa Constitution o saan mang batas, na merong teritoryo sa loob ng teritoryo ng Pilipinas na iba ang batas na umiiral, na iba ang nagpapatupad at nag-eenforce na batas, at kailangan munang magpaalam, parang private property, kailangan munang magpaalam ng sundalo o ng pulis bago pumasok at ipatupad ang batas. Dagdag pa rito, meron bang technical description itong ATS na mula sa linyang ito, ATS na ito, bago ang lainyang yan hindi pa yan ATS, at paano malalaman ng sundalo at ng pulis nation na ATS na nga yon o hindi. Ako halimbawa kapagka umikot ako sa kamindanawan, malay ko kung nasa ATS na ako at biglang iba na ang huhuli sa akin at biglang hihingan ng ibat-ibang permit ang mga kasama kong tao kung may dala mang armas, kung security man sila. Dapat papanagutin at papaliwanagin ang OPAPP dito, kailan ba pinasukan ito, kailan ba ginawa ito, anong legal basis nito, ialn ba ito, saan-saan ba ito at ano ang extent itong ATS na pinayagan nila na nakipagkasundo sila sa MILF na gawin? Ni hindi ipinagbigay-alam sa Kongreso at kung hindi pa nangyari ang massacre na ito ni hindi natin malalaman na may ganyan palang klase na hayop na ang tawag ay ATS na umiiral at nananaig dito sa bansa.

Hindi kaya sir product ito ng secret, surprise meeting sa Japan?

Hindi ko alam, mula nang metting na yon hiniling ng maraming senador at kongresista ano ba ang pinag-usapan, matagal na naming sinasabi at hinihiling pede ba kami ang principal nyon, Kongreso, gobyerno, sambayanang Filipino, kasama ang LHUs, pede yung mga ginagawa ng OPAPP ay ipagbigay-alam naman sa principals nila, hindi yung sila-sila na lamang yung puamapasok sa mga kasunduan na ni hindi namin alam. Itong usapin na lang ng pagbibigay ng P5 milyon, wala ni saan sa budget ng 2011 nakalagay na pedeng gumastos ng ganyang pera ang OPAPP, by the name itself OPAP is Presidential Adviser, hindi naman implementign agency ang OPAPP na parang DSWD na pedeng mamigay ng pera sa foundation, hindi naman implementing agency ang OPAPP na parang DPWH na merong Pamana fund na pedeng mag-implement ng infrastructure project, labas yan sa mandato, labas yan sa responsabilidad at kapangyarihan ng OPAP at nais kong marinig at malaman mula sa OPAP saan nila na-charged, saan galing dahil sa dulo Kongreso pa rin ang may power of the first, saan nila na-charged at saan galing yung P5 milyon at para saan yon.

Approved daw yon ng nakaraang administration?

Halos lahat ng ginawa ng nakaraang administration maliban sa CCT, binaligtad nila at hindi nila sinunod, ano bang guideline sa mga ipapatupad, ipagpapatuloy na ginawa ng nakaraang administrasyon at ano ang hindi. Isa lang ang rason at isa lang ang hula ko doon, si Secreretary Deles ang head din ng OPAPP noong time ni GMA, malamng siya nangako nyan, kinumbinse niya si GMA at malamang kinumbinse din nya ulit si Pangulong Aquino na gawin yan at tuparin ang pangakong ginawa nya noo noong siya pa ang head ng OPAPP.

Yung P5 milyon daw was intended to train the leaders of MILF

Iba yung to train the Bangsamoro people, iba yung to train the MILF, pinapatay at pinatay ng MILF at sinasabi nilang justified ito ang taing mga sundalo tapos iti-train natin sila, ano para mas efficient nilang gawin yon, parang hindi naman yata tama. Kung yan ay pondo para sa Bangsamoro people, para sa MSU, tama ka o ibang educational institution, sige bakit hindi, but bear in mind also that during the previous administration of former President Estrada one of the issues raised against him was the mony he gave to the Muslim Youth Foundation, na kinikuwestyon nila nong mga panahong yon although P100 milyon yon, anong pinagkaiba non dito? Again I question and I yearn for an answer from OPAPP, saan galing an gpondong ito, saan nila nacharged at para saan ba talaga eksakto ito? Dahil kung nasa account yan ng MILF, ibig sabihin ang beneficiary at recipient nyan MILF din, at ang tanong sigurong kasunod, may binigay na bang pera noon ang OPAPP sa MILF o iba pang rebeldeng grupo na kausap nila kung saan tama siguro yung sinasabi nila na ginigisa natin yung sarili natin sa sariling mantika dahil galing mismo sa pondo ng gobyerno yung pinanggigisa sa atin.

Hindi ba maiinterpret na in anticipation daw na bibigyan talaga ng some sort of sub-state ang MILF

Hindi pag-aari ng MILF, ang ARMM o ang Bangsamoro people, yan ang akala natin nong nakipagkasundo tayo sa MNLF eh, kaya nga hindi umubra at nagkaroon pa rin ng MILF, kung yaan ang kaisipan ng OPAPP na tingin nila pede nang talikuran kung kasunduan sa MNLF dahil may bago na namang armadong grupo dito na naman tayo, anong pipigil na may panibagong grupo na namang lumabas kung saka-sakali pagkatapos makipagkasundo tayo sa MILF. Again I think the whole peace process is misguided, I think the President is being ill-advised but his peace advisers who are of old school, purely theoretical and more often than not lack training in the field and exposure in the field.

Ayon kay Secretary Deles yung P5 million ay commitment nga daw yon ng Arroyo administration na dapat tuparin

Again part ng confidence building measure maraming ibang bagay maliban sa... so ang sinasabi ba ni Secretary Deles kung walang commitment hindi nya gagawin, sa pananaw ba ni Secretary Deles legal yung kanyang ginawa, sa pananaw ba niya tama ang kanyang ginawa kung walang commitment na ginawa yung nakaraang administrasyon. Uulitin ko maraming ginawa ang administrasyon ni dating Pangulong Arroyo na mali na hindi pinatupad at pinagpatuloy ng kasalukuyang administrasyon. Isa na ito ron na na dapat ay hindi na nila ginawa, baka nga kasi ang inaalala ko siya mismo ang nangako nito nong siya yung head ng OPAPP noon, nong time ni GMA, kaya nga nais lang din niyang tuparin din yan sa ngayon. Hindi ko maintindihan ang ating mag negotiators bakit tila napaka-takot nila sa kausap nila at sa counterpart nila at imbes na tayo ang ipagtanggol at pangalagaan, pinagtatanggol at pinapangalagaan pa nila yung kausap nila. Can you imagine our chief negotiator being the one to say first hand na isolated incident yung 19 na pinatay na sundalo, babawiin niya makalipas ang ilang oras para sabihing ang ibig sabihin ko isolated yung lugar, hindi naman tayo parang mga bata na ganon ang pagtrato nya sa pag-intindi natin sa mga binibitiwang salita, hindi naman siguro tama yon, hindi ito ang panahon para mageksperimento dahil buhay ng mga sundalo natin ang nakataya, sana seryosohin nila ang kanilang trabaho at huwag nilang isiping nagpapraktis lamang sila sa mga ganitong seryosong usapin. Sinasabi intact pa daw yung P5 million na nasa bangko pa rin It does not matter kung intact o hindi, what matter is ownership over it has been transferred to the MILF, and again i ask for the reason, para saan, saan na-charged dahil walang item sa budget para doon at wala akong nalalaman na item sa budget na pedeng ipag-charge don, because I doubt and I don't think so even that the MILF is a registered entity that can be given like an NGO, a check from the government.

Alam nyo ang daming may kaso sa dalawang kapani-paniwalang, katiwa-tiwala daw na mga tao na nagkataong kamag-anak ng kung sino man sa gobyerno o sa labas ng gobyerno, so if they gave it to two individuals, that even raises more questions. Under what authority and what was the basis to give it to two individuals and not to the next set two individuals, sana gaya nga ng nasabi ko sana pede ba pag-isipan at pag-aralan muna kaysa yung sagot ng sagot sila dahil para mapagtakpan ang isang pagkakamali mas malaki pa yung magkakamali pa ang kailangang nilang sabihin. I hope they would stop for a while, rethink their position and actually just speak once they are ready to say something that can be understood and comprehended by our people.

Hindi ba appropriate yung pag-meet ng panel with Congress, specially now that this Congress is about to step in, hindi kaya dapt i-brief muna ang Congress about the peace talks

Actually unlike in the House, I think the Senate is the only one with the committee on the peace process, a special committee dedicated to oversee the peace process, I think it is chaired by Sen. Guingona, I hope Sen. Guingona will take the initiative, motu proprio, act on it and call these officials because these are far more important than perhaps other things the senate has been kept busy with, dahil ito actual na buhay ang nawawala sa kada araw na may kapalpakan na namang gagawin ang OPAPP.

Para saan yung pera?

Kung matuturo nya kung saan kinuha legally, dapat ijustify nya para saan ito legally, again gaya nang nabanggit ko kanina, anong pumipigil para kay Secretary Deles para magbigay ng P5 milyon o P10 milyon sa dalawang kapitag-pitagang indibidwal ulit, ano ang pumipigil sa kanya na magbigay na naman ng kung ilang milyon para sa isang grupo na naman represented by two private individuals, again OPAP is not an implementing agency. Hindi ba by its very name, it si supposed to advise the President, I think it is goign beyond its mandate by actually implementing projects, releasing money and actually doing projects on the ground. They should course it through kung school building yan- DepEd, they should course it through kung kalye yan- DPWH, hindi yung sila mismo ang nag-iimplement, ni hindi yata sila authorized mag-bid ng project so anong ginagawa nila sa projects? Are they simply giving it to ceratin NGOs or groups because I'm sure they are not an implementing arm of the government, they are not authorized to bid projects, so how, can or will they implement projects, including the distribution of money.

Why the President is still keeping Deles?

Honestly I cannot speak for the President, masyado na siyang maraming magaling na spokesperson na dapat magsalita para sa kanya, ayoko nang dagdagan pa yon. I cannot speak for the President on the matter, all I'm saying is I think she is doing a disservice, her team is doing a disservice to the country, not only to the soldiers but to the country and to the President as well.

Liability ba iyon ni Deles?

Depende sa isasagot niya kung saan galling iyong pondo kung saan chinarge para saan at bakit sa kanila binigay.

Hindi ba may approval iyon ni Pnoy sa pagbibigay ng P 5M?

I don't know again bakit kailangan nila idamay si Pangulong Aquino sa mga ganyang bagay ang nagbigay naman ng tseke ay si Atty. Leonen ang nagbigay naman ng tseke yun OPAPP hindi naman ito chargable sa pondo ng office of the President . ito'y malamang chargable sa pondo nila malamang tiniyempo lang nila doon sa pagpulong at meeting na iyon. again, I would rather isolate the president at this point in time from what the OPAP is doing they seem to be acting completely on their own on this matters.

Hindi ba dapat may approval ni Presidente iyon sa pag rerelease ng pera?

Depende not necessarily because independent unit ang kada opisina, halimbawa, pag may narelease na pera ba si Sec. Singson kailangan pa ng approval o pirma ng presidente. Ang alam ko ang kailangan ng presidente palagi by law would be disbursements from the intelligence fund but other than that each unit is fiscally independent not autonomous independent to disburse it own funds.

Concern lang po ko doon sa PAMANA fund ng OPAPP next year dinistribute sa ibat-ibang agencies hindi kaya magamit na naman ito sa the like "NGO style".

Balak namin tanggalin iyong pondo o pamana funds sa OPAPP hindi sila implementing agency at napakataas ng administrative cost to implement nila nitong pondong ito. Alam niyo humigit kumulang if I am not mistaken mga 500 million iyong nasa pamana fund o kulang kulang na 1 billion. Alam niyo tinanggal iyong kalayaan sa barangay ng DBM ito yung pondo ng AFP para mag implement ng Develoment Projects sa ilang mga insurgency infested area sa simpleng paniniwala road economics ang pinakamagandang solusyon sa insurgency dahil pag nagkakalye gaganda ang buhay ng mga tao doon mas mumura ang produkto at sino man ang manggulo mas mabilis na makakarating ang ating mga sundalo natin doon. Tinanggal nila iyon tapos nilagay nila dito sa OPAPP. Clearly, hindi puwede at mali iyon.

Wala ka bang plano na mag file ng resolution para imbestigahan ng senate kung tama o mali kung legal o illegal ang paggamit ng 5 million?

Hindi na siguro dapat hiwalay na resolution dahil hindi pa naman tapos ang budget sa senado haharap at magkakaharap harap din kami pagdating sa budget at mas relevant na usapin ito gumastos sila ng 5 million saan nila hinugot iyon at baka mamya iyong pondo na binibigay namin sa kanila hinihugot lang nila para sa ibang bagay at ibang purpose at ibang ojective maliban doon sa inaprubahan ng kongreso.

Sir, during budget hearing na.

Definitely.

Di mas lalong magiging madugo ang budget deliberation?

Hindi naman madugo na iyong nangyari sa basilan huwag na natin dagdagan pa dito. Siguro mahaba lang.

Ano yun authority niya to release the fund?

Kasama iyon sa questionable, 3 bagay iyon na nais kong humingi ng paliwanag mula sa kanya.

Galling daw ba sa President Social Fund iyong 5 million sabi ni Deles?

Daw pa lang iyon, nais kong malaman yun actual documentation dahil personally sa pagkakaalam ko hindi iyon galling doon. sa pagkaka alam ko chargable iyon sa pondo ng OPAPP mismo gusto ko nga malaman kung saan doon. Ang masakit pa sa kanila porket napaka init nitong 5 million tila pinagpapasa pasahan kung saan kinuha hindi nako magugulat kung sabihin nila na inadvance lang nila iyon. Ang tanong ko saan sa batas at saan sa provision ng batas na puwede ka mag advance chargable sa pondo mo na para sa isang pondo na hindi pa natin alam kung saan.

Bukod sa Legal aspects nun 5 milion duration how about the wisdom?

Not only the wisdom but the morality of it given that their supposed to represent government there is supposed to represent us. there is supposed to represent our soldiers even in this conflict di ba iyong armadong grupo ng MILF ang kinatawan nila iyong nasa Peace negotiation di iyong mga sundalo at gobyerno natin pati iyong LGU's pati iyong mga kababayan nating Pilipinong Sibilyan sila ang kinatawan natin. Hanggang ngayon hindi pa rin nagkokonsulta ang OPAPP sa mga local government units kinakabahan nga ang maraming local government units na baka magkaroon ng MOA AD part II at tila itong ATS ay dapat red flag na para sa atin dahil kung nakapasok sila sa kasunduan tulad ng ATS hindi na malayo na may mala MOA AD na naman silang gawin. Sec. Delez was with the previous administration was with former president Arroyo when this MOA AD was entered into the previous government.

Should Deles resign?

Alam niyo ano ngayon kung mag resign siya yun problema na iiwan niya napakalaki na. mas gusto ko sagutin niya yung mga tanong at papanagutin natin siya sa mga ginawa at di niya ginawa na kinalabasan ng pagkawala ng buhay sa marami sa atin sa kasamahan natin sa militar.

Assuming kung saan man galling yun pagkawala ng 5 million is it legal o illegal yung pagbibigay sa kalaban ng pera.

Pending the answer of Sec. Delez to be simple question I would rather reserve judgement nais ko muna marinig kung ano ang sagot. Sagot mismo mula sa kanya at hindi pagpasa ng sisi kanino pa man. Sagot mismo sa ating Peace negotiator at hindi pagpasa sa Social fund sa PMS o saan pa man I would rather have answer coming from them themselves .

May criminal liability ba siya roon?

Depende sa sagot, sa ngayon kapag sinabi niya na hiniram lang namin pag sinabi niya na walang item, kapag sinabi niya na inadvance namin desisyon ko lang iyon chargable sa intelligence fund ko o sa discretionary fund ko. Depende sa sagot iyong kanyang magiging liability.

Di parang binigyan niya ng lakas yung kalaban?

That would be morally, politically, practically tama ba iyong kanyang ginawa. Kaya nga ang hinihirit na lang ni Sec. Lacierda papa account daw nila yung pera puwede naman nila sabihin na ginastos ko roon, ginastos ko diyan. Paano nila ichechek may resibo ba sa ATS.

Is it Proper to conclude that even the military has no idea where these ADSS are?

I think they do, but in broad strokes. Again, Para makipag kasundo ka in certain area sana parang titulo iyan diba may technical description from this point to that point maganda pa nga siguro lagyan nila ng marka huwag naman mohon lagyan nila ng marka para maliwanag kasi baka mamaya parang traffic violation iyan stepping on the line ka na pala hindi mo pa alam diba ngayon debate na sabi ng MILF pumasok daw ang military na walang pa alam sa ATS sabi ni atty. Leonen hindi raw nakita nab a nila yun linya kung saan nagsisimula at saan natatapos ang ATS. Pinagkasunduan ba nila iyon iyong binigay nila ito kawawa naman iyong tao natin sa field kung saan hindi alam kung saan stepping on the line nap ala sila puwede na pala sila barilin hindi pa nila nalalaman.

Hindi ba parang lumalabas na pagkakamali din ngayon na parang meron ng conflict of interest?

Hindi na namin at hindi ko na siguro desisyon iyon, dahil ang appointment ng OPAPP ay hindi dumadaan sa Commission on Appointment sa Senado o sa Kongreso desisyon o discretion ng Pangulo ang bagay na iyon gaya ng nasabi ko mas marapat na ano mang tanong kaugnay niyan ay ng kanyang mga tagapagsalita marami naman sila. Isa na sigruo sa kanila kaya ng sagutin iyan.

Sabi niyo baka maging MOA-AD part II yun ATS dapat ba balaan natin ang pangulo tungkol doon ?

Alam ng pangulo iyon dahil magkasama kami noon nung kami ay nasa kongreso o senado na yata na kumalaban at lumaban doon, in fact nagpunta pa nga ang Pangulo noon sa Iligan noong siya ay senador palang para batikusin ang bagay na ito. Naniniwala ako na awara at conscious ang pangulo Aquino sa bagay na iyan at hindi niya hahayan o papahintulutan na mahati ang ating bansa sa pamamagitan ng ganyang uri ng kasunduan.

Hindi ba yung peace process parang wage street kaso parang nangyayari lagi na lang tayo ang nagbibigay sa MILF binigyan natin yung ATS binigyan natin ng pera pero yung kabila parang hindi sila sincere?

Ano na ba ang napala natin sa usaping ito, parang tayo na lamang ang bigay ng bigay dapat sana magkabilaan iyon kada may binibigay tayo may nakukuha rin tayo. Nakakalungkot nga maganda rin siguro malaman ano ba ang training ng negotiators natin sa negotiation. Iyong pulis nga na hostage negotiator may special training isang hostage lang ang pinag uusapan natin ito nag nenegotiate sa ngalan ng bansa sa ngalan ng 92, 95 million Pilipino siguro naman mas malalim dapat ang training na ginawa niyan hindi sa kasaysayan ng Mindanao, hindi sa kasaysayan ng rebellion sa mindano kundi special training sa negotiation ika nga sa art of negotiation dahil eksperto ang kinakailangan sa bagay bagay na iyan hindi tayo naiisahan hindi tayo nalalamangan at hindi parang tayo lagi tayo ang naghahabol sa kanila.

Iyong daw Balai group meron ng manok para maging OIC sa ARMM?

Sino daw? Hindi ko alam, ang alam ko lang iyong batas dapat iyong screening committee yung bumubuo niyan ikonsulta sa Senate President o sa Speaker at dapat dumaan sa screening committee hindi ako puwede mag recommend ng ARMM governor o vice governor dahil bumoto ko laban sa postponement at laban sa pag appoint ng OIC so hindi ako manghihimasok diyan.

Ok lang ba na mag endorse sila Senator Drillon?

Malaya naman ang kahit na sino ang mag endorso ng kung sino man na maging ARMM Governor ang importante lang naman kung sino man ang eendorso mo o siya man ang ma appoint panindigan mo kung ano at hindi niya gagawin kung siya man ang mapili. Sa parte ko at sa panig ko gayun din yung mga di sumuporta sa bill na ito hindi naman tama at maganda na mag rekomenda kami pagkatapos naming tumutol sa postponement at pag appoint ng OIC.

Bata bata rin ba iyan?

Iyon naman talaga ang pagtutol ko sa pag appoint ng OIC, una, tayo ang magdedesisyon dito sa Maynila, sa Luzon at kristiyano at katoliko imbes na sila sa Autonomous Region of Muslim Mindanao. Pangalawa, ang accountability ay nasa pangulo wala sa tao . pangatlo, ano man gawin o hindi niya gawin babalik palagi iyan sa pangulo na hindi ko sana gusto mangyari nung mga panahon kaya hindi ako sumuporta diyan.

Yun commission on human rights walang sinasabi sa pagpatay doon sa mga sundalo hanggang ngayon wala pa rin silang sinasabi?

Actually, tinanong ko kanina at walang nasagot yung kinatawan ng commission on human rights ang mga sundalo at mga pulis natin pag makakurot lang e may kaso kaagad at may maririnig kaagad na ngawngaw mula sa commission on human rights samantala kapag ka pinupugutan ng ulo binabarilang ating mga sundalo na di umano may mga ulat na naubusan na ng bala sumuko na pero binaril pa rin wala akong narining na ingay mula sa commission on human rights. Kung meron man hindi ko alam at hindi ko naririnig kaya tinawag na human rights yan hindi yan tinawag na civilian rights dahil militar o civilian man may karapatan pa rin bilang tao at may karapatan pa rin na dapat pangalagaan ng commission na create ng saligang batas sana kung gaano sila kaiinit kapag ka agrabyado ay civilian ganun din sila kainit kapag ka agrabyado biktima ay naka uniporme.

News Latest News Feed